~*****~
IT ALL STARTED WITH A DREAM
Written by Shennnnyyyyyy
Hindi ko inaakalang pasukan na bukas. Hindi ko pa feel pumasok kasi wala akong feelings, chos! Hindi na tuloy ako makakapag beauty rest niyan, pero mabuti nang pasukan na bukas dahil hindi din naman ako gumaganda e. Mag rest in peace nalang kaya ako? Kaso inisip ko tamad pala ako kaya next year nalang siguro.
Nasa kwarto ako ngayon at hindi sa kusina, hinahanda ko na kasi ang mga kagamitan ko para bukas. Excited much na ako hahaha! bago kasi mga ballpen at notebooks ko e, pero may secret akong sasabihin sa inyo kaso secret nga eh bawal sabihin vovo much at tinatamad din ako. Nakakatamad right? Left? Up? Down - funk you up, up down funk you up.
Namiss ko rin mag aral eh, namiss ko ang mga kaaway ko at ang mga tao sa skwelahan KO! ang sarap makipag plastican. Nag transfer ako ng school dahil nasa Senior highschool na'ko, yung nakaraan ko kasing iskwelahan ay na kick out ako, mabait kasi akong bata e at tsaka wala rin dun yung gusto kong corse kaya useless din naman, Senior highschool na kasi ako... Tularan nyo ko aba! Charot pretty kasi ako kaya na kick out ako, inggit kasi sila sakin hmmpk! Meron rin akong pupuntahan ngayon, bibili sana ako ng sapatos para bukas... Yuss tama ang narinig 'nyo, ngayon lang ako bibili. Tamad nga diba ako, remember?Ayaw din kasi ni Mama sumama, yung mader dear kong ayaw mag cooperate sa anak niya, isa din yung tamad e!
Ewan ko ba ba't ganto kami, hindi naman tamad ang apelyido namin pero tamad lang talaga kami, atsaka busy si Mama sa pag chi-chicka sa mga tsismosa naming kapitbahay. Hay nako nakaka taas ng dugo yung mga yun! Bahala sila jan, basta ako pretty hihi. Wag nyo sana 'tong sabihin sa kahit na kanino ah? Baka kasi madiscover ang beauty ko shhhhhhh!
Umuulan ngayon kaya inisip ko kung may isip ba ako charot lungs mo! Inisip ko kung bibili pa ba ako ng sapatos, malakas kasi ang ulan at tamad din talaga akong lumabas ngayon e. Pero wala akong choice, none of the above dahil bukas na ang first day of school at kailangan ko talagang bumili kundi tsinelas 'tong susuotin ko bukas! Talagang magiging center of attraction ako nun panigurado! Pretty ko kasi e, hihi.
Inaayos ko ngayon 'tong bag ko, ang gulo kasi eh. Hindi ko kasi 'to nilinisan, andito pa nga yung mga luma kong notebooks tsaka mga libro at kung ano ano pa!
Habang inaayos ko 'tong madumi at magulo kong bag, may isang color red na papel ang nakita ko! Kaya dali ko itong kinuha at medyo nagulat ako sa nakasulat rito.
'Happy Valentines day' ang nakasulat. Hindi ko na maalala kung sino nag bigay nito basta ang alam ko tiyak ang pretty ko nun, hanggang ngayon din naman, sino bang hindi bibigyan nang love letter noon kundi ang mga pretty na katulad ko, divaness?
Binuksan ko ang letter at agad ko itong binasa.
"Happy Valentines day!"
"To:Athena Zephyr Gonzaga."
"From: Matheo Luis Gomez."
Char ang haba pala ng pangalan ko. Mabuti at nakaintindi naman ako sa sinulat nitong si Matheo. E, para kasing dinaanan ng bagyo O mas grabe pa 'to? Aba ewan ko basta legend tong sulat niya!
Napatawa nalang ako at tinuloy ko ulit ang pagbabasa.
"Hi Zephyr, happy valentines day! Gusto kong sabihin sayo 'to dati pa kaso nahihiya akong sabihin sayo e... Sorry kung sa sulat ko nalang ito dinaan, hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin na gusto kita sa personal... Gusto kita Athena Zephyr dati pa at sana paglaki natin makilala kitang muli at sa personal na talaga ang pag aamin ko na gusto kita...
Nilagay ko lang 'to sa bag mo habang tumata-"
Napahinto ako sa pagbabasa ng may biglang bumukas sa pintuan ng kwarto ko.
"Ate! kumain na daw kayo sabi ni mama,"
Napatingin ako sa may pintuan ko at nadatnan ko ang pagmumukha ng kapatid ko... Bago paman siya nag salita ay tinago ko yung letter at baka ay makita niya't basahin ito at isusumbong ako kay mader.
"Jusko naman tong batang ito at hindi marunong kumatok!" Bulong ko sa sarili ko.
Gusto niya bang sasabog tong puso ko dahil sa sobrang kaba?! hay jusmeyoneys ketchup with topings! isa rin 'tong vovo.
"Ateeee! kumain na daw kayo sabi ni mama nang hindi kayo mapagalitan!" Muling sabi niya saakin.
"Para naman 'tong tanga naririnig ko naman e! ba't kailangang sumigaw ha?ha?tsaka don't you know how to knock, Kyle?" Pag eenglish ko pa "Gusto mo turuan pa kita?" Galit na dugtong ko.
Pano kasi eh alam mo namang---ay hindi niya pala alam na may binabasa akong love letter...hindi ko din naman kasi namalayan kung anong oras na e!
Pero pag tingin ko sa cellphone ko 2:23 na ng hapon at hindi pa ako nakapapag lunch! Jusmeyoneys ulit huhu.
Dahil sa sinabi ko sa kapatid ko, nakatingin lang siya sakin na parang walang nangyari.
Nagagandahan siguro saakin 'to?
"English english ka pang nalalaman jan eh, anong oras na at hindi kapa kumakain ate! Lagot ka talaga kay mama pag baba mo! ble ble," pang-aasar niyang sabi sakin tska ng umalis.
Grrrrr kung hindi ko lang yun kapatid e matagal ko na yan hinulog sa hagdanan!!
Chos! wala pala kaming hagdanan hahaha! Mamaya ko nalang linisin 'tong kalat sa bag ko at nang maka ligo at magbihis na rin para makaalis na ako ng maaga.
Tapos na akong maligo, nag ayos, at nag bihis na rin ay natapos ko ng gawin... Ready na ready na akong bumili ng sapatos, yeyyyy!
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko na si Mama na may hawak na isang.....
Walis tambo?!
Nakuuuu! nakalimutan ko, kakain pa pala ako jusmeyo again and again!
"Lord kayo na po ang bahala sa lahat ng gagawin saakin ni Mama dear, Amen," napadasal nalang ako sa sobrang takot.
Eto naman kasing si ako, kung namalayan ko lang sana kung anong oras na, edi walang mangyayaring paluan ngayon 'di ba?
Dahan-dahan akong lumabas upang hindi ako makita ni Mama, pero huli na ang lahat nang makita ako na napaka galing kong kapatid! Jusmiyu! mas lalong nanganib ang buhay kooo!!!WATATATAPS!
So ayun nga yun, matapos akong makita ng magaling kong kapatid agad ko naman siyang sinyelasan na kokotongan ko siya pag sinabi niya kay Mama.
Pag talaga sinabi niya yan kay mama magkakapatayan kaming dalawa pagkatapos! tingnan ko lang kung makaka angal pa tong batang 'to.
Bago paman siya nakasumbong, agad naman akong tumakbo ng mabilis na mabilis palabas ng bahay. Buti nalang hindi nahalata ni Mader dahil nasa kusina siya naka upo, kung hindi nga ay tiyak bugbog sarado na sana ako ngayon.
Nasa may living room kasi kung saan nakaupo sa sofa ang lalaki kong kapatid na si Kyle, ang napakabait na bata sa tanan kalibutan na may balat ang pwetan pwe!
Sa sobrang bait niya ay pwede mo na siyang i bitin patiwarik naiinis na ako sakanya kasi nga mabait siya... Kung isusumbong niya talaga ako kay Mama mag kakabarilan kaming dalawa, yung tig bebenta sa novo na baril ba?
Naglalakad ako ngayon upang pumara ng jeep, malayo layo pa ang lalakaran ko. Tatawid pa ako ng bulkang mayon at dadaanan ko rin ang Mount Everest. Malamig dun pero mas malamig convo niyo, kaya keri lang!Lalangoy pa ako sa Indian Ocean, kaya habang nag lalakad ako papuntang Sahara desert sinama ko si Nemo para naman hindi siya ma OP! Hindi ko na sinama si Dory dahil medyo may sayad kasi yun kaya hindi nalang.
Mabait ako kaya basic lang saakin 'yon, hindi na ako nag private airplane kasi wala naman kami nun, kaya nag jet nalang ako.
Masaya naman ang biyahe ko, in-open ko pa nga yung pintuan ng jet para may hangin, ang init kasi dun sa part na nasa Sahara desert ako e, nakaka stressingness lang sa muta.
Pero nag taka ako pag katapos kong in-open yung pintuan ng jet, natangay ako ng hangin! hmmm...baka payat lang talaga ako? Diba sana kayo rin! Joke lang! Andito na ako sa may kalsada, mag papasagasa ako sa gitna para boOm!! wasak ulo! Charot ulit, syempre naghihintay ako ng jeep na maparahan.
Maya maya narinig ko na ang mga bituka ko't bulate ko, gutom na raw sila. Naalala ko tuloy na wala pa pala akong kain! Puntae!Hindi na pala joke ang magpapasagasa ako sa gitna! Totohanin ko na talaga 'to! Hindi na ako mag dadalawang isip pa.
Huminga muna ako ng malalim...
Inhale
Exhale
Hmm! Ang baho! Nag toothbrush ba ako?
"Salamat Ma, sa pag aalaga sa akin at iniintindi ako kapag pasaway ako. Sorry rin kung mawawala na ngayon ang pinaka magandang anak na ipinanganak mo... Huhu goodbye, Ma. :( F L A S H B A C K )
"Hi Athena, anong nilalaro mo?" bati ni Sophia saakin at nag tataka kung ano nilalaro ko.
Ha!obvious naman na itong manika ko ang nilalaro ko at hindi ang hangin Duhhness!!
"Ahhh eto?hangin 'to, gusto mo bang maglaro din nitong hangin?" Sarkastikong sagot ko.
"Ha?eh yang manika mo ang nilalaro mo eh," ang vovo naman talaga nitong kausap ko.
"Ay oo nga nuh?eh kung ipalo ko kaya 'tong manika sa mukha mo, okay lang ba sa'yo?" Isa pang kavovohan Sophia ikaw na ang idol ko.
"Wag ganun Athena! bad iyong sinasabi mo! palagi mo nalang akong inaaway eh, nag tatanong lang naman ako ng maayos." sabi nito habang umiiyak ng malakas.
Jusko natuto pang magdrama 'tong chacka na'to.
"Oi Sophia wag ka ng umiyak," kungyaring pagmamakaawa ko pero mas lalong umiyak ang bruha.
"AYAW KO INAAWAY MO AKO!SUSUMBONG KITA KILA MAMA!" Tatayo na sana siya sa kinauupuan niya ng bigla ko siyang sinigawan
"SIGE NA NGA!GAGAWIN KO KUNG ANONG GUSTO MO! WAG KA LANG UMIYAK BAKA MARINIG TAYO NG MAMA KO AT PAPALUIN NIYA RIN AKO!" Totoong pag mamakaawa ko sa kaniya at nagulat ako nang bigla itong ngumiti! Sus yun lang pala e, easy.
"So, anong gusto mong gawin ko?" Sabi ko at agad naman itong nag isip, kala naman may isip ang bruha pwe!
"Gusto kong hiramin ang manika mo, Athena," sabi nito at agad naman akong nalungkot sa sinabi niya.
Hindi ko kasi inakalang si Dolly ko ang hihiramin niya, akala ko magpapalunod siya sa bowl nila kundi hindi! manika ko ang trip niya juskow powww.
Wala akong nagawa kundi ibigay nalang sakanya si Dolly.
Hindi mawala ang lungkot sa aking mga mata dahil mahal ko iyong si Dolly at hindi ko siya pinapahiram kahit kanino, kahit nga kila Mama hindi e... Baka kasi 'yon ang ipapalit niyang anak at hindi ako, kaso wala akong magawa kasi baka iiyak ulit 'tong bruha na 'to at marinig ng buong bayan, delikado na. (っ˘̩╭╮˘̩)っ
"Itong si Dolly ba ang gusto mo chacka---este Sophia?" Tinanong ko ulit siya para masiguradong buo na ba talaga ang desisyon niya.
"Uhmm...Oo siya nga Athena." Masaya niyang tugon na ito ang dahilan na ikanalungkot ko pero wala e, wala akong magawa kaya binigay ko na siya.
"Eto oh," Malungkot kong sabi tska ko binigay si Dolly kay bruha... Hindi maalis ang lungkot ko pero ok lang 'yon kaysa naman na mapalo ako nang kung ano-ano ni Mama diba?;(
"Thank y-you Athena," Pautal utal niyang sabi pero nakita kong natuwa naman siya sa ginawa kong pag abot kay Dolly sakanya.
"Walang anuman, pero siguraduhin mong ibabalik mo sakin yan ah? Pag hindi mo iyan nabalik papakainin kita ng tae." Seryoso kong sabi kay Sophia na agad ko namang napalitan ng lungkot, baka kasi hindi na ibalik ni Sophia si Dolly e! Susunugin ko talaga bahay nila kung ganon.
"Oo naman... Ibabalik ko itong manika mo! Sige Athena bye at thank you ulit." Sabi ng bruha at agad naman akong napa iwas ng tingin sa kanya dahil ang lungkot lungkot ko ngayon.
"Sige mauna muna ako sa bahay namin.... Siguraduhin mong ibabalik mo yan si Dolly dahil kung hindi ay hindi kana mag bu-birthday!" Saad ko naman sakanya.
Talagang hindi siya mag bu-birthday kapag nangyari 'yon, lulunurin ko kasi siya sa inidoro nila.
"Ha?bakit naman?" naguguluhang tanong ni chacka.
Ang vovo talaga nito kahit kailan. "Wala! Ang chacka mo kthnxbye!" Saad ko tsaka nag walk out at nag flip hair, pretty ko talaga.
__________________________________
Ilang oras na akong nag hihintay kay chacka pero hindi pa rin niya binalik si Dolly... Parang may kung ano na kinakatakutan ko!
Ilang tawag na rin si Mama saakin para kumain pero hinihintay ko talaga si Dolly e, kaso wala akong nagawa halatang umuusok na kasi ang ilong ni Mama at naging pula ang mukha niya, halatang galit na galit na siya kaya kumain na lang ako.
Tapos na akong kumain pero wala parin si Dolly! Saan na ba iyong chackang iyon at bakit ang tagal niya??!!
Maya maya'y may narinig akong katok sa labas ng pintuan namin, dali dali akong tumakbo kahit na mag kanda bukol bukol na ako dahil ilang beses na akong nadapa, pero keri pa din kasi baka si Dolly na iyon.
Binuksan ko ang pinto na may dalang ngiti sa labi ko at hindi kalaunan ay hindi rin ito nag tagal.... Nakita kong ibang tao ang nasa labas e! tinatanong nga ako kung saan si Mama... Sasabihin ko sanang nasa pwet ko nag kakape, baka gusto din ba niyang mag kape pero ayoko! gusto ko si Dolly!
Pag katapos kong makita ibang tao ang nasa labas, agad ko naman itong sinirado ng napaka lakas.
Nakakabanas kasi e! asan na ba yung bruha na 'yon?
Nag hintay rin ako ng ilang oras nang may kumatok na sa labas ng pintuan namin, kaya ngayon hindi muna ako ngumiti para naman hindi ako ma disappoint diva? Lumabas ako ng bahay at hindi pumasok... Ngayon, napangiti na talaga ako ng todo kasi nakita ko si Dolly na hawak hawak ni chacka! Yes! Sa wakas!
"Akala ko hindi mo ibabalik saakin si Doll--," napatigil ako sa sinasabi ko ng makita ko si Dolly.
Wala ng ulo ito tska walang kanang kamay at wala ng damit! Sabi na e may ginawa tong bruhang 'to! Grrrrrrr!!!!
Huminga muna ako ng malalim at naging armalite ang bibig ko dahil sa inis.
"B-bakit ganyan na ang itsura ni Dolly? Ano ang ginawa mo sakanya? Bakit wala na siyang ulo, kanang kamay, at damit? Ni r**e mo ba siya? Ang bata bata pa nito alam mo na 'yon? Bruha ka! Sana hindi ko nalang binigay sa'yo si Dolly! Isusumbong kita!" Tuloy tuloy ang pag sasalita ko... Hindi kasi ako makapaniwala sa itsura ni Dolly ngayon.
"S-sorry Athena, eh kasi tatanggalin ko sana itong damit ng manika mo para liguan e, mabaho na kasi siya e... Sana mapatawad mo ako Athena," Pagmamakaawang sabi niya.
May pa drama drama effect pa 'tong chackang ito! hindi na talaga ako maniniwala sa kaniya ever!
At dahil doon, may naisip akong gawin sakanya at kunwari pinatawad ko na siya.
"Okay lang yun Sophia, basta sundin mo lang ang sasabihin ko... Madali lang 'to, promise cross my legs," Sabi ko habang nakangiti, napatawa nalang ako sa naisip ko Bwhahahaha.
"Ano 'yon Athena? Madali lang ba 'yon?" Tanong niya at agad naman akong tumango.
"Akin na ang kamay mo." Sabi ko at agad naman niyang binigay ang kamay niya sakin hahahaha. Nang ibinigay niya na saakin ang kamay niya, agad naman akong pumunta sa bahay ng aso niya... Nasa likod ko lang si chacka na mukhang nag tataka kung saan kami pupunta at nakalakadkad ang mukha niya! Mukhang nakakain niya ang mga dumi sa sahig at mukhang nasarapan naman siya :)
Inirapan ko lang siya, kasi trip ko lang ba't ba?
Pagkatapos nun nilagay ko na siya sa bahay ng aso niya... Magsama sila doon.
"Athena wag mo akong iwan dito ang sama sama mo!" Pag mamakaawa niya pero wala lang sakin yun, snob lang ako... Napatawa nalang ako ng malakas na malakas.
"BWAHAHAHAHA,"
"BWAHAHAHAHA." dahil sa sobrang laughtrip ng nangyari napahawak nalang ako sa aking tiyan at tumawa ng tumawa. "BWAHAHAHAHA,"
Kinabukasan nun nakita ko na naman siya, inirapan ko lang siya dahil mag aagahan muna ako...
Pagkatapos kong mag agahan ay sinabihan niya akong nagugutom na raw siya, e pake ko ba sa kanya? 'Di kami friends 'no! Pwe! Pero nag mamakaawa pa rin siya saakin kaya naawa ako, medyo lang, mga ganto lang = .
May puso rin naman tong pretty na si ako, kaya bibigyan ko siya ng pagkain. Kaso lang ay tulog pa si Mama at yung Mama naman niya namelengke kaya nag hanap nalang ako ng pagkain.
May nakita akong tupper ware at baka pagkain yun.
"Ayun biscuit." natutuwa kong sabi... May nakita kasi akong parang buscuit na maliliit at marami ito... Binigyan ko lang si chacka nito para makakain na siya. Pero nakakataka lang, ba't amoy aso yung biscuit? Tapos amoy gatas na ewan, basta! Pinakain ko lang sakanya yun, hindi ko rin gustong malaman kung ano yun! Wala kasi akong pakealam sakanya... Kung ayaw niya bahala siya jan, nag walk out na ako at snob ko lang siya! Bahala siya jan goodbyers!
Nagising na si Mama ko at inalok ko siyang mag agahan, pero ayaw niya daw, bahala din siya, chos! Iniisip ko kasi ngayon yung pinakain kay chacka... Amoy aso kasi yung pagkain tska maliit na mga biscuit yun pero bahala na.
Dumating na ang hapon at takang taka pa rin ako sa pinakain kay chacka, kaya naman lumabas ako ng bahay at silipin siya kung andun pa rin siya oh wala na, at ayun! Nakita ko nga siya. Sinisipa niya yung aso niya Hindi ata sila kasya doon e, wahahaha.
Maya maya ay nakita ko ang Mama ni chacka... Pauwi na ako sa bahay nun nung nakita ko siya, kaya bago pa man siya maka uwi sa bahay nila ay agad ko siyang tinanong kung anong laman nung tupper ware sa gilid ng dog house, ang sabi naman niya ay dog food daw 'yon ng aso nila! Hayyyss! Kaya pala amoy aso yun eh! Pero bahala na yung chackang yun! 'di kami friends! Hihi.
( E N D O F F L A S H B A C K)
Kaya hanggang ngayon hindi ko siya mapatawad!
~*****~