~*****~
IT ALL STARTED WITH A DREAM
Chapter 1
Ilang oras na pala ang nakalipas mula nung nag usap kami ni chacka at ayun ulit hindi ko ulit namalayan kung anong oras na. Nakatayo lang ako dito sa may parahan ng jeep at nag hihintay ng masasakyan, bigla kasing pumasok sa isip ko yung ginawa ni chacka saakin nung mga bata pa kami kaya na sayang tuloy ang oras ko haaahaaysss.
5:34 na ng hapon at hindi pa rin ako nakabili ng sapatos. Lagot talaga ako kay Mama dear nito e, pero bala na.
Nag tataka ako kung bakit may tumutunog, hindi ko alam kung ano pero bigla naman na itong nawala kaya hindi ko na masyadong pinansin. Maya maya pa ay narinig ko ulit yung tumutunog kanina kaya hinahanap ko kung saan yun, agad naman akong napatingin sa bag ko dahil baka dito nang galing ang tunog, pag kita ko umiilaw ito...
Ba't kaya ito umiilaw? nakakaloka naman itesh.
Agad ko namang binuksan ang bag ko at nakita ko ang cellphone ko, may tumatawag kaya agad ko naman itong kinuha.
Pag tingin ko sa cellphone ko si Mama. Si Mama ang tumatawag saakin! lagot na naman ako neto kay Aling Grace.
"Hello Ma?"
Bigla ko naman hiniwalay ang cellphone ko sa tenga ko ng bigla sumigaw si Mama. Nakakaloka naman talaga 'tong si Aling Grace at gusto ata tayong mabingi.
[HOY INDAY ATHENA!ASAN KANA BA BA'T ANG TAGAL MONG UMIWI DITO?LAKWACHERA KA TALAGANG BATA KA KUNG MAY MANGYAYARI SAYONG MASAMA HINDI KITA TUTULUNGAN! ASA KA JAN,]Sigaw nito sa kabilang linya.
Biglang naging armalite ang bibig ni Mama nakakaloka naman itong si Mader nabingi na ata ako. Ayoko namang tawagin ako ng mga kaklase kong 'ATHENA BINGI','NAKITA MO BA SI ATHENA?YUNG BINGI'
Nooo!neverrr!noo wayy!
"Mama naman wag ka naman magalit, wag ka ring sumigaw, mama. Gusto niyo na po ata akong mawalan ng pang dinig e," tugon ko.
[PAANONG HINDI MAGALIT E, HINDI KAPA UMUUWI. LAGOT KA TALAGA SAAKIN BATA KA PAG UWI MO!]Sigaw ulit ni Mama.
"Mama naman! kakasabi pa lang pong wag sumigaw at mabibingi ako e, at wag kayong mag aalala Ma, uuwi rin po ako." Sabi ko.
[Kapag talaga hindi ka maagang umuwi wag kang umasang may mauuwian kapang bata ka,]saad ulit ni Mama.
"Mama naman, kaya ako natagalan umuwi nag usap pa kasi kami ni Sophia kanina kaya hindi agad ako nakabili ng sapatos," saad ko sakanya.
Dahil kay chacka na sayang ang oras ko.
[Talaga 'Nak?kamusta naman ang pag uusap n'yo?] Masayang tanong ni Mama saakin.
Kapag talaga pinag uusapan namin si chacka parang mas mahal pa ni Mama yung chackang yun kaysa saakin. parang mas lumabas pa si chacka sa pemperm ni Mama tapos ako ampon lang, pero ayos lang, na sanay naman na ako e.
"Ayos lang naman Ma, masaya naman kaming nakipag plastican sa isa't isa."Sarkastiko kong sabi kay Mama.
Ayoko kasing ganto si Mama e, yung parang ang saya niya kapag si chacka kausap niya o kasama niya, parang wala siyang pinakamagandang anak which is si ako pero halerrrrr andito naman me noh!
[Anong nakipag plastican Athena? Tigil tigilan mo'ko sa mga ganyan mo ah! maging mabait ka kay Sophia!] Sabi saakin ni Mama.
Nyenyenyenyenye ewan ko sayo Mama bala ka jan.
"Oo na po, magiging mabait na ho ako," Saad ko.
Pero ayokong maging mabait kay Sophia malaki ang galit ko sakanya mga ganito @_shensj username ko ah? Ano ganda kana ba niyan kung di mo'ko ma follow follow? Sige na bye na, yun lang! Things mwuaps!] May pa ganyan ganyan kapa author, ginaganda mo ba 'yan? Sabihin mo lang. Chapter 1 palang 'tong story ko nag papa follow kana agad, che!
Nakapili na rin ako sa wakas ng sapatos. Ang design nang sapatos ay may ribbon sa likod tska may flower sa gilid! Charot lang! Ano ako kinder? Simple lang napili kong sapatos, leather siya na black. Yun lang hihi! Tapos na akong nag bayad sa cashier nitong binili kong sapatos kaya lumabas na ako dito at makauwi na ako, baka kasi pag dating ko sa bahay e, pinalayas na ako ni mader. Size 8 ako ah? Baka naman kasi bilhan niyo ako ng sapatos. Ehem, ehem! Kaso wag nalang masasayang lang pera niyo, pero kung mapilit talaga kayo, sige pwede rin!
Naglalakad na ako sa subdivision namin pauwi sa bahay. Hindi ko na pinapasok dito yung taxi na sinakyan ko kanina, malapit lang din kasi yung bahay namin dito sa entrance ng subdivision namin kaya okay lang. Agad naman akong nakaramdam ng gutom, anong oras na din kasi at hindi pa ako kumakain. Malapit na mag a-alas syete ngayon, traffic din kasi kanina kaya yun.
Papasok na sana akong ng bahay nang narinig ko ang boses ni Mama na tumatawa. Baka nanonood na naman 'to sa vlog ni Sic Santos. Napangiti nalang ako.
"Tawang tawa na naman 'tong si Mam--" naputol ang pag sasalita ko nang makita ko si Mama na tumatawa dahil kay Sophia! Jusmeyo, akala ko ay vlog ni kuya Sic ang tinatawanan nitong si Mama kundi si chacka pala, jusko!
"Oh, Anak andiyan kana pala? Mag bihis kana para makakain na tayo," nag mano ako kay mama "Sige po," sabi ko at tinignan si Sophia, ngumiti lang siya saakin. tss. Pag katapos non agad naman akong nag tungo sa kwarto ko para makabihis... ano kayang ginagawa ni Sophia dito? Nakuuuu talaga naman itong si Sophia, asan ba ang Mama niya at ba't andito siya ngayon?hayssss makabihis na nga nagugutom na talaga ako e.
Tapos na akong nag bihis at lumabas na sa kwarto ko.
"Anak, halika kumain kana at may pag uusapan pa tayo." sabi ni Mama at agad naman akong nag tungo sa dining area para makaupo at makakain na.
"Athena anak, dito muna si Sophia matutulog sa bahay," Sabi ni Mama na ito ang dahilan ng kinagulat ko, nabulunan tuloy ako.
"Okay ka lang ate?" Tanong ni Kyle saakin kaya sinamaan ko lang siya ng tingin at nabulunan na ako ng tuluyan.
"Oh, dahan dahan naman anak," saad ni Mama saakin at binigyan ako ng tubig.
"Ok lang ba sa'yo athena na dito muna ako?" Tanong ni Sophia saakin.
"O-okay lang naman po," saad ko sakanya.
"Mabuti 'yan anak, nasa hospital kasi ngayon ang mama ni Sophia, kaya pag pasensiyahan mo na kung ganon."
sabi ulit ni Mama sa'kin
"Wala naman pong problema saakin 'yon m-ma," saad ko kay Mama.
"Thank you Athena ah, kaninang hapon kasi nag suka si Mama ng dugo kaya agad ko naman tinawag si Tita Grace, hindi ko kasi alam kung anong gagawin e," Sabi saakin ni Sophia kaya agad naman akong naawa sakanya.
"Kaninang hapon ate nung wala ka dito pumunta kami sa hospital nila Mama, sabi ng doctor TB daw sakit ni Tita Jane," saad ni Kyle sa'kin. Naawa ako kay Sophia ngayon.
"Shut your mouth, Kyle Gabriel!" Sigaw ni Mama kay Kyle "I'm sorry Sophia." pag hingi ng tawad ni Mama kay Sophia. Nakita ko si Sophia paiyak na siya agad naman akong nakaramdam ng awa sakanya.
"Totoo ba 'yon sophia?" tanong ko kay Sophia agad naman siyang tumango at umiyak na ng tuluyan.
Andito ako ngayon sa living room namin, tapos na din kaming kumain... Si mama na daw ang mag liligpit sa pinag kainan namin kaya nung sinabi ni Mama 'yon, agad naman siyang tinulungan ni Sophia habang si Kyle naman ang nag huhugas ng pinggan, ako naman ano uhmm... Tamad pa rin at nanonood ng korean drama sa netflix. May netflix kasi sa t.v namin kaya netflix and chill tayo ngayon, hehe. Welcome to waikiki ang pinapanood ko ngayon. Nakakatawa kaya 'tong k-drama na 'to, talagang mapapa halakhak ka sa tawa. Sinusulit ko din 'tong araw na 'to dahil bukas may pasok na akooo, omeged! Hindi pa ako ready mga tea, e!
Natapos ko nang panoorin ang welcome to waikiki, mabilis lang siya kasi pinanood ko naman yun last week kaya tapos ko na agad ngayon, kaya it's time to sleep na. Papasok na sana ako sa kwarto ko nang maalala ko na saan pala matutulog si chacka ngayon? Tanungin ko nalang si Mama baka sa kwarto ko siya matulog! Nooo!
"Maaaa?" kumatok ako sa pintuan ng kwarto ni Mama, hindi ko na hinintay ang tugon kaya agad ko naman itong binuksan.
"Ma, asan po matutulog si Sophia?" Tanong ko kay Mama. Nakita ko rin si Sophia katabi ni Mama sa kama, mukhang may pinag uusapan silang dalawa.
"Yes Anak, anong kailangan mo?" Tanong saakin ni Mama kaya agad namang napatingin si Sophia sa'kin.
"Asan po matutulog si sophia ma?" tanong ko kay Mama.
"Wag kang mag alala anak, sa guestroom natin matutulog si sophia," saad ni Mama.
"Ah ganon po ba, sige Ma goodnight po," saad ko
"Matulog kana anak may pasok kapa bukas." sabi ni mama saakin kaya tumango nalang ako.
"By the way athena, ihatid mo muna si Sophia sa guestroom,"sabi ulit ni Mama kaya agad naman akong tumango.
"Sige po tita Grace, goodnight po." saad ni Sophia kay Mama.
"O siya goodnight na sainyong dalawa." muling sabi ni mama at agad na kaming lumabas ng kwarto.
Ilang minuto ang nakalipas, ilang minuto rin ang katahimikan habang papunta kami ni Sophia sa guestroom. Ang awkward mga tea, utot nalang siguro ang makakasira nitong awkward na atmosphere na ito.
Nang makarating na kami sa guestroom, ako na mismo ang unang nag salita.
"Eto na ang guestroom Sophia, may CR jan sa loob at meron ding mga cabinet papuntang CR, doon mo ilagay mga gamit mo, yung mga shampoo, conditioner at mga sabon nasa ilalim ng cabinet kung saan mo ilalagay ang mga gamit mo, gets?" Sabi ko kay Sophia.
"Oo gets ko Athena, salamat goodnight," saad din ni Sophia saakin at agad naman siyang pumasok sa guestroom. Hindi pa ako nakakalayo sa guestroom ay nag salita si chacka sa likuran ko.
"Sabi saakin ni Tita Grace kanina tutulungan ko raw siya bukas sa Cafe n'yo." sabi ni chacka kaya hindi na ako nag salita at itinaas ko na lamang ang kamay ko bilang paalam.
Nasa kwarto na ako ngayon at inaayos ang bag ko. Nakalimutan ko 'tong ayusin kaninang umaga eh, nag mamadali kasi ako para makabili ng sapatos. Nakita ko ulit yung valentine's day card na binasa ko kaninang umaga. Bukas ko na yun basahin ulit inaantok na'ko e.
Nakalimutan ko rin ibigay kay Mama 'tong binili kong pabango para sakanya, bukas nalang ulit.
May amnesia ba ako or something?che!
Iniisip ko ngayon yung sinabi ni chacka kanina na tutulungan niya si Mama sa cafe namin. May cafe kasi kami malapit sa mall, The Gonzaga's yung pangalan ng cafe namin. Yun ay para saaming mag pamilya, si Mama, si Kyle, ako at si Papa. Si Papa naman wala dito sa pilipinas, nasa australia siya ngayon. Engineer siya doon. Hay nako, miss ko na si Papa Antonio. Kamusta na kaya si Papa? Hindi kasi kami pwede ngayong month mag video call sakanya or call man lang hindi pwede, kasi meron silang malaking project ngayon. Sobrang strict kasi nung boss nila kaya wala pa silang time para jan, kaya no choice kami, pero next next month pwede na siguro? Ewan ko, sana lang ganun. Matutulog na nga ako ang dami ko namang chicka sa sarili ko, may pasok pa naman ako bukas. Goodnight fifol in the universe! Che!
~*****~
Thank you all for reading! Hope you enjoy every chapters of this story! I love u all! Keep safe and God bless(◍•ᴗ•◍)✧*。
PS: Pasensya na po kung may mga maling grammar or wut not. Babalikan ko po ito pagnatapos po ang story! Hihi mwua! Love lots! Happy Valentine's Dayyyy! (◍•ᴗ•◍)❤
-Shen✧