C h a p t e r 2

3041 Words
~*****~ IT ALL STARTED WITH A DREAM Chapter 2 "Cringggg....cringgg...cringgggg" Bigla kong naimulat ang mga mata ko dahil sa ingay ng alarm clock. Kaya agad ko naman itong pinatay at bumalik ako sa pagtulog. "Cringg...cringgg...cringgggggg" Muli na naman itong tumunog. "Ano ba 'yan, ang aga aga ang ingay ng alarm clock ko!" Padabog akong umupo sa higaan at tinignan ang alarm clock ko, Pag tingin ko dito 5:10 pa lang ng umaga. "Jusmeyo! sino ba kasing nag set nitong alarm at bakit ang ag--," Naalala ko palang may pasok na pala ako ngayonnn, shemayyy! Agad akong tumayo para puntahan si Mama sa kwarto niya. Pag dating ko doon ay agad ko siyang ginising. "Ma, gising na po kayo," Tinapik ko si Mama sa balikat para makagising siya, pero wala atang effect yung ginawa ko, ang aling grace n'yo humihilik pa rin, tulog pa ata! Ano nang gagawin ko?! "Maaaaa gising poooo," Muli kong tinapik si Mama at ngayon ay mukhang gising na ata siya. "Mama may pasok po ako ngayon." saad ko kay Mama pero naka tagilid pa rin siya. Hay nako! "Ohh?anong gagawin ko kung may pasok ka ngayon?" Inaantok pang sabi ni mama na di man lang ako tinitignan hayss. "Wala naman ma, sinabi ko lang po baka nakalimutan mo e. Sige ma, goodmornight nalang po." Huling sabi ko kay Mama tska lumabas na sa kwarto niya. Baka kasi nakalimutan ni Mama na ngayon ang first day of school ko sa Salvador University, baka kasi hanapin niya ako mamaya kaya pinaalala ko sakanya. Andito ako ngayon sa kusina namin, nag hahanda ng pang agahan ko. Tulog pa kasi si mama kaya ako nalang ang magluluto. Malaki na naman ako noh, duhh! Pag katapos kong mag breakfast ay pumunta na ulit ako sa kwarto ko para maligo. Tapos na akong maligo at mag bibihis na ako ng civilian attire. Mag c-civilian lang ako kasi first day ko pa lang naman ngayon, tska wala pa kaming uniform. May bago daw kasing uniform na gagawin kaya no choice kaming mga estudyante, e. Nag aayos na ako ngayon sa itsura ko, nag lipgloss lang ako tska nag blush on, pero hindi masyadong makapal noh! Bawal kasi ang sobrang kapal na make up sa school, atsaka pag kinapalan ko ang make up ko para lang akong sinampal ng ilang beses nun! Hahaha. Ang suot ko ngayon ay naka high waist na ripped jeans na may black belt tapos naka tack in na oversize graphic t-shirt, may sling bag at nagsuot din ako ng necklace na may pendant na moon. Sobrang hilig ko kasi sa mga moon. May scrunchie din ako na kulay black sa wrist ko. Nag lugay lang ako ngayon, basa pa kasi buhok ko kaya 'yon. Pag katapos 'non, kinuha ko na ang I.D ko tsaka nag pabango na ako. Ginamit ko yung binili kong pabango kahapon na Wicked Dreamer. Hmmmmm ang bango bango niya talaga as in! Nasa labas na ako ngayon at nag aabang ng taxi. Mag ta-taxi nalang ako ngayon dahil medyo malayo-layo pa naman yung university. 6:22 AM pa kaya kung trafic e, keri lang. 8:00 AM pa naman din ang pasok ko, pero ba't ang aga ko nag pa alarm? Shunga lang talaga ako at excited ngayon, hays. "Kuya sa Salvador University nga po," saad ko kay kuyang driver. Nasa loob na ako ng taxi papunta sa SU, mabuti naman at pumayag itong si kuyang driver sa pupuntahan ko. Medyo ma layo layo pa naman yun, babayaran ko naman din siya e, kaya wag na siyang choosy! Hahaha.. "Eto po bayad." saad ko kay kuyang driver habang inaabot ang bayad ko at agad nang bumaba sa taxi. "Teka lang miss..." napalingon ako kay kuyang driver nang tawagin niya ako. Ano kuya?inlove ka kaagad sa ganda ko? Tss! Sorry kowya! I'm mingle! (๑¯◡¯๑) "Ano po 'yon?" tanong ko nalang kay kuyang driver. Nagulat ako dahil inabot niya sa'kin ang sukli ko. "Naku wag na kuya, keep the change nalang po, hehe." saad ko sakanya at ibinalik ang sukli ko. nakita ko naman siyang masaya dahil medyo madami yung sukli. Pero okay lang yun, malayo pa naman itong Salvador Univeristy, baka nga sumasakit na pwet ni kuyang driver dahil medyo mahaba ang biyahe e. "Salamat miss ah!" pag papasalamat saakin ni kuyang driver at agad naman akong tumango at pumasok na sa university. "Wowww!" manghang sabi ko sa sarili ko. Ang laki nga talaga ng university na 'to hindi tulad doon sa dati kong school. Agad ko namang naalala na papupuntahin pala kami sa gym ng school dahil may program daw doon, bago daw kasi kami pumuntang room ay kailangan daw um-attend sa pa program nila doon! Ang dami naman nilang eche--bureche! Che! Pero san nga ba yung gym dito? Kakaloka naman, baka maligaw ako nito e. Naglalakad na ako ngayon sa kung saan saan dahil hindi ko alam kung saan yung gym nitong school na 'to, kaya kanina pa ako pa ikot ikot dito by Sarah Geronimo. Nakakaloka nga e, baka nga naligaw na 'ko nito, hays. "Malapit na ba ako sa gym?" Tanong ko sa sarili ko habang hinahanap pa rin ang gym ng school. Wowwww ang laki talaga nitong SU! Meron pa ngang soccer field dito sa gilid ko ngayon e, tapos kanina na daanan ko rin 'yong olympic size na swimming pool! Ang sarap tuloy maligo doon kahit hindi ako marunong lumangoy, ang sarap ding umihi doon sa pool nila, charot langg? pero pwede din kung naiihi na talaga ako hihi. Shhh! Andito pa rin ako sa gilid ng soccer field, may nag lalaro dito e. Tamang hanap lang ako ng gwapo, Joke lang ano ako?syempre maganda ako duhhnesser? "Wooww ang galing naman nun--,"napahinto ako sa pag sasalita na may bumanga saakin. "Arayyyyy!" Nahulog tuloy ang sling bag ko pati ang mga laman nito. "Sorry ate nag mamadali po kasi ako e, hehe sorry po!" pang hingi ng tawad nung babae. Mukhang bata pa siya. Nasa mga grade 8 ata? Idunno pero mukha pa siyang bata. "Ok lang," sabi ko at binigyan siya ng ngiti. "Ang cute naman ng batang 'yon. Pwede ko kaya siya maging kapatid?" Tanong ko sa sarili ko habang pinupulot ang mga nahulog kong gamit mula sa bag ko. "Pag magiging kapatid ko 'yon sigurado akong mag seselos si Kyl--" "Aaaaraaayyyyyyyy!!!" Naiiyak na sigaw ko dahil natamaan ang mukha ko ng isang..... Bolaaa??!!! "Sorry miss!" nakayuko lang ako habang hinahawakan ang masakit na mukha ko. "Arayyy! mukha kooo! ansakit!" naiiyak kong sabi sa sarili ko habang nakupo pa rin sa sahig at hinihimas ang napaka ganda kong mukha! Che! Huhu! Baka nag ka bukol na ako nito, e! "Sorry talaga miss! Okay ka lang?Tulungan na kita." pag aaya ng isang lalaking mukhang soccer player na siya ang dahilan kung bakit natamaan ako ng bola, tutulungan daw niya akong makatayo. Che! Tutulungan niya daw! E kung tulungan mo akong sipain yang bukol mo? Che! Huhu! "Hindi ka kasi nag dadahan dahan e! kita mo namang may tao rito!" Sigaw kong sabi sa lalaking soccer player habang hinahaplos ang natamaan kong mukha. "Pasensya na talaga miss," hahawakan na niya sana ang mga braso ko para makatayo pero agad na akong nagkusang tumayo at tinignan siya ng masama. "Kuyang lalaki wala ba kayong mata?ha?tignan mo na tuloy ang mukha ko!" Singhal ko sa lalaki at tinalikuran na siya. Hindi pa man ako nakalayo, agad naman akong nawalan ng malay. "Kamusta siya Doc?" Narinig kong sabi ng lalaki na sa tingin ko ay yung nakatama saakin ng bola kanina. "She's fine," narinig ko namang sagot ng isang doctor siguro? "But she's still unconsious." dagdag pa nito. Hindi na ngayon! Gising na ako! Hehe! Che! "Sige doc, salamat po." narinig ko ring sabi ng lalaking soccer player kanina at narinig ko namang umalis ang doctor kaya naiwan kaming dalawa dito sa bed ng clinic. Imumulat ko ba ang mga mata ko or hindi? Kung hindi, edi hindi ako makaka punta sa program?haysssss kasalanan kasi 'to nang lalaki e! kaya tuloy hindi ako maka attend sa program! Jusmeyo! Che! Imumulat ko nalang ang mata ko para wala na akong problema. Nang naimulat ko na ang mga mata ko, agad naman akong umupo ng maayos sa bed ng clinic habang hinahaplos ang mukha ko kung masakit pa ba ito. Hindi naman na masyadong masakit, kaya ok na siguro ako. Nakakahiya lang kasi na nahimatay ako kanina, ang lakas kaya ng pagtama ng bola sa mukha ko. Try ko kaya sa inyo para malaman niyo, hmmp! Pag katapos nun ay agad ko namang kinalabit ang braso nung lalaki para ano... Uhm... Wala lang kinalabit ko lang siya. Nasa gilid lang kasi siya ng bed nakatalikod habang nag ce-cellphone. "Hoyy lalaki!" Tawag ko sa lalaki habang kinakalabit ang braso niya. "Nasa gilid! Nasa gilid! Oy gago patay!" Ano bang nilalaro nitong lalaking to?ba't kailangang sumigaw?! "Kuyang soccer player! Hello?!" Tinapik ko na siya sa braso niya kasi hindi pa talaga ako naririnig e. "You have been slain!" narinig kong sound galing sa cellphone niya at agad namang napalingon ang lalaking soccer player saakin na galit na galit! Ano ba ginawa ko? hayop! ano na kaya ang itsura ng mukha ko ngayon?! "Gago ka ba?! Namatay tuloy ako tanginang 'yan!" Sigaw saakin nung lalaking soccer player at padabog na nilagay ang cellphone sa side table. Jusko sinisigawan pa naman ata ako nitong lalaking 'to?! "Maka sigaw 'to parang walang kasalanan saakin ah!" Sigaw ko rin pabalik sakanya. Agad namang napalitan ang mukha niya. Kanina kasi naka x kilay niya dahil nga nagalit siya saakin. Dahil siguro namatay siya doon sa nilalaro niya, tapos ngayon namang ay nag iba dahil nga sa sinabi kong may kasalanan siya saakin. Baliw lang? "Ayy hehe sorry talaga miss," pag hingi ng tawad niya habang kinakamot ang ulo. May kuto? Hmm... Same! Hehe! "Hindi ko talaga sinasadya," dugtong pa nito. "Hindi kasi kita namalayan e, pasensiya na talaga." Hingi ulit ng tawad nito. "Dapat kasi tumitingin ka sa paligid mo kung may tao!" Pag rereklamo ko sakanya at napahiya naman siyang tumingin saakin. "Paano nga e ang layo layo mo," Oo nga 'noh? Pero bahala siya, basta may kasalan pa rin siya saakin, duh! Mag sasalita na sana ako kaso biglang dumating na ulit ang doctor sa clinic. "Oh hija, gising kana pala? How are you feeling?" Tanong nang doctor saakin habang kinakapa ko ang mukha ko at inaalam kung masakit pa aba ito. Pero hindi naman na. "Hindi na naman po masakit Doc, salamat po," "You're welcome hija, uminom ka ng maraming tubig hija. Sige, pwede na kayong pumasok sa mga rooms niyo." Huling sabi ni Doc saamin at pumunta na siya sa desk niya. Napalingon ulit ako sa lalaking nakatama saakin kanina dahil napansin kong kanina pa siya tahimik. Pag lingon ko, nakita ko siyang nilalaro ang phone niya at nakatingin sa ibang direksiyon, pero hindi naman naka on yung cellphone niya. Anong meron sakanya ba't ang weird niya masyado? Hmm.. bahala na. Nang mapansin niyang nakatingin ako sakanya ay agad naman din siyang lumingon saakin at tumayo at lumakad sa gawi ko. "Sorry talaga miss kanina ah?" pag hingi ulit ng tawad niya saakin. Kanina pa 'to sorry ng sorry e, wala na bang iba? Nakakarindi! Hindi pa pwedeng 'your so pretty' ganorn? Che! "Okay lang, ok naman din yung mukha kong NATAMAAN mo hehe," diniinan ko yung salitang natamaan para naman ma realize niyang sobrang sakit nang pag katama niya sa mukha ko kanina. Napakamot nalang siya sa ulo niya dahil may kuto siya at lumabas na ako ng clinic. Hindi ko makita si Doc e, tatanungin ko sana siya kung anong name niya at muli akong mag pa salamat, pero wala na siya doon. Ewan kung saan nag punta 'yon. Sa pwet ko ata nag ti-tea, tea? Ay! bakit masama ang nasa isip mo? Che! Bad! "Sigurado kang okay ka lang?" Tanong niya saakin habang nakasunod sa likod ko. Papunta ako ngayon sa gym nitong school, pero 'di ko alam kung saan! Hayss. Hindi ko siya sinagot at nag patuloy lang ako sa pag lalakad, kaso nga! Hindi ko nga alam kung saan ako mag tungo nito e! "Saan ka ba papunta?" Nakakunot noong tanong niya saakin, kaya nung sinabi niya 'yon, tsaka ko lang na realize na pader na pala ang nasa harapan ko at wala ka nang madadaanan. Hehe! Sorry, pretty lang! #hUmbLeBeE #hONesteA Tawagan ang #87000! Pag hindi tumunog, lowbat! Humarap ako sakanya at tinignan siya ng masama. "Ba't mo 'ko sinusundan?" Naiiritang tanong ko sakanya. "Tingin ko kasi bago ka palang dito, baka maligaw ka." Saad niya at na guilty sa sinabi niya. Naliligaw na nga ako e, alam ko naman 'yon! Kung ituro nalang kaya niya kung saan ang gym nitong school na 'to at para matapos na? "San ka ba pupunta samahan na kita?" Nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba na pupunta ako sa gym. Pero ba't nga ba ako mag dadalawang isip? May kasalanan din naman siya saakin e, hmmp! "U-uh sa gym nalang," nauutal kong sabi dahil hindi ako siguro kung pagkakatiwalaan ko ba 'to at dahil nahihiya ako, slight. "Anong gagawin mo 'don?" Nakakunot na namang tanong niya saakin. Mukhang nag tataka. Nakalimutan ko rin kung bakit ako pupunta doon, bakit nga ba? "U-uhm ewan, nakalimutan ko, e," nauutal ko ulit na sabi sakanya. Kinakabahan ako baka hindi ako makapasok sa first day of class. At bumalik ulit sa isipan ko na may program pala roon. Ahaa! "May program daw doong gaganapin." sigurado naman akong yun ang sinabi ni Mama saakin noong nag enroll kami rito, e. Sila lang kasi ng principal nitong school ang nag usap kaya wala akong alam, pero sigurado ako 'noh! Si mama pa! Hehe. "Sigurado ka?" Tanong niya saakin mukhang nagtataka ulit kung bakit ako pupunta roon. "Oo," "Okay," Naglalakad na kami papunta sa may gym dito. Ang awkward naman nito! hayss. "Kamusta na mukha mo?" Tanong ulit ng lalaki pero pa ulit ulit naman ang tanong niya. Dahil siguro sa katahimikan kaya siya nag salita hayss. "Ang sakit pa kaya" pag bibiro ko sakanya. "Sorry talaga, mamaya hihingi nalang ako ng gamot sa clinic" saad naman ulit niya at humingi ulit ng tawad. "Joke lang" natatawa kong sabi sakanya. "Okay na ang mukha ko, hindi na siya masakit" natatawang sabi ko ulit sakanya habang kinakapa ang maganda kong mukha.. baka kasi natunaw na dahil sa araw ngayon, ang init kasi e. 'Chos! HAHAHA. "Bakit ka tumatawa?!" Naiiritang tanong niya saakin. Jusko ang bilis naman niyang mapikon. Weak! Hindi nalang ako nag salita at tumingin nalang sa dinadaanan ko. Ang ganda talaga nitong SU, mga mayayaman siguro kadalasan ang nag aaral rito e. Nakikita ko kasi yung mga dumadaan dito sa campus sobrang ganda lang nilang tignan, napaka sosyal nila. Nakikita ko rin yung mga gamit nila, jusko baka ang ma mahal 'non! Meron naman din akong mga mamahaling gamit na kadalasan ay regalo saakin. Binigyan nga ako ni Papa ng chanel na sling bag e, ewan ko kung nasaan na. Tinago ata ni Mama e, tss. Siguro sinangla ni mama?! Hala! Siguro? Che! Na awkward tuloy ako dahil sa katahimikan, dahil kasama ko 'tong lalaking soccer player papuntang gym. Nagulat ako. slight, dahil bigla siyang nag salita. "By the way, ano ngang pangalan mo?" Lumingon siya saglit saakin habang tinatanong ako at binalik din ang tingin sa dinadaanan namin. "Athena Zephyr," proud na sabi ko. "Pero Athena nalang, 'yon naman tawag nila saakin, e." saad ko ulit. "Mm, Athena." tawag niya saakin napatango tango pa pero nakatingin pa rin siya sa dinadaanan namin kaya bigla akong napahinto at nag tataka. Weird talaga "Bakit ka napahinto?" Nagtatakang tanong niya saakin. "Ang weird mo, hehe." saad ko kaya napangiti siya. "Wala lang, ang ganda lang ng pangalan mo," sabi niya at agad naman akong nasamid sa sarili kong laway. "S-salamat," ubo-ubong saad ko dahil nasamid ako sa laway ko. Kung ano-ano kasing sinasabi nitong lalaking 'to e, pero totoo naman na maganda ang pangalan ko. "Okay ka lang?" Nag aalalang tanong niya dahil napansin niyang umuubo ako. "O-okay lang ako, ikaw anong pangalan mo?" Tanong ko pabalik sakanya. "Ranz Samuel," sagot naman niya "People call me Sam" saad ulit nito. Pag katapos 'non tumango nalang ako at nanahimik na ulit habang papunta sa gym. Habang papunta kami, may nangyayaring kaguluhan sa may bandang canteen ata 'yon? Doon ako nabungo 'nong babaeng bata pa ata 'yon? ewan basta doon! "Anong nangyayari doon?" Curious na tanong ko kay lalaking soccer playe-- Sam dahil naguguluhan ako. "Dumating ata ang Director nitong school e" Tumango nalang ako sa sinabi niya dahil hindi ko naman kilala ang may ari nitong school kaya wala akong pake. Charot baka ma kick out ulit ako e talagang papalayasin na ako ng tuluyan ni Mama. Nasa may labas na ako ng gym at naririnig na rin ang mga kaganapan sa loob. Naririnig ko rin ang mga sigaw ng mga bata tska yung music ang lakas! Teka! ba't may mga bata? Ahhh baka kasama rin ang mga bata.. may naririnig naman din akong mga malalaking boses kaya sigurado akong hindi lang bata ang naroon. Papasok na sana ako ng gym nang napansin kong hindi pa pumasok yung si Sam.. yung nakatama saakin kanina. "Bakit ayaw mo pang pumasok?" Naguguluhang tanong ko sakanya. "Bakit naman ako papasok?" Natatawa pa siya sa sinabi niya pero ako naguguluhan pa rin sakanya. "H-huh? "Huh" ginaya niya ang sinabi ko. Hindi ko talaga siya ma gets eh. "Ano nga?!" Naiirita na ako sakanya as in. "Secret pwet mo may rocket HAHAHA" pang aasar niya saakin. Teka parang may mamatay ngayon ng wala sa oras ah! Grabe ayos niyang kausap. May pa joke joke pang nalalaman e! Close na ba kami?! "PUTA ANO NGA?!" Naiinis kong sigaw sakanya at tumawa lang siya. "Bakit naman ako papasok diyan? sa mga SPED lang 'yang program na 'yan tanga!" "A-ano?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya. Mama mukha ba akong SPED?paki explain naman oh! ghad! What a shame! ~******~ Thank you all for reading! Hope you enjoy every chapters of this story! I love u all! Keep safe and God bless(◍•ᴗ•◍)✧*。 -Shen✧
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD