C h a p t e r 3

3153 Words
~****~ "H-huh? Hindi ko talaga mapigilan ang mahiya. Lalo na't sa ibang tao pa! "Gusto mo bang pumasok diyan?" Tanong saakin nitong si Sam sabay turo 'don sa gym. Amporkchop! Nang iinis ba 'tong lalaking 'to? Sabihin niya lang sa'kin kung gusto niyang mag bugbugan kaming dalawa sa harapan ng may ari nitong school! Charott! Baka ma kick out na talaga ako 'non "Iniinis mo ba ako?" Hindi mawala ang inis sa boses ko dahil sa lalaking 'to. "Hindi, tinatanong lang kita" ani naman nito mukhang natatawa pa siya. "Ba't ako papasok jan?sabi mo sa mga SPED lang 'yan diba?!" Saad ko naman sakanya. "HAHAHAH sino ba kasing nag sabi sa'yong may program tayo jan?" Tayo?walang tayo oi duhh! Charottt pero ba't sinabi niyang 'tayo' edi Senior highschool na rin siya, tulad ko?hayss. "Bakit hindi ba?" "Halatang nakinig ah" sarcastic niyang sabi sa'kin. "Tumahimik ka nga! E kung i turo mo nalang sa'kin kung san, edi kanina pa ako masaya" pagbibiro ko sakanya. Wala lang siyang sinabi at kumamot pa sa ulo niya. May kuto ba 'tong lalaking 'to? "Hoi! San ka pupunta?" Sigaw kong tanong sakanya dahil nag lalakad siya mag isa, ni hindi man lang ako sinabihan! "Bilisan mo. Tutulungan na kita!kawawa kana kasi!" sigaw niya rin pabalik saakin habang nag lalakad siya. Hindi man lang ako nililingon. "Tekaaa langggg!" hinabol ko siya dahil na realize kong hindi pa pala ako nag lalakad. Shemayy! "San nga tayo papunta?" Curious kong tanong sakanya habang nag lalakad kami patungo sa lugar na hindi ko alam HAHAHA. "Ang ingay mo sumunod ka nalang" saad nito at napanguso nalang ako. "Sungit" bulong ko sa sarili ko. "May sinabi ka ba?" Tanong niya. "Wala, wala ang cute ko lang" palusot ko. Lumingon siya ng masama saakin at nanahimik nalang, baka kasi mag super science pa 'tong si Sam at mamatay ako ng wala sa oras. Hmmm napaisip ako. Wag nalang kaya ang Sam, dahil common naman na yung tawagin sa mga kaibigan niya e. Sabi naman niya Ranz Samuel name niya kaya Ranz nalang? Pero, mag mumukha naman din akong feeling close 'non dahil ako lang ata ang tatawag 'non sakanya. Hmmm tanungin ko nga. "Uhmm" nag aalanganin akong tanungin siya kung pwedeng ranz nalang ang tawag ko, baka kasi kung anong isipan niya sa'kin e. "Uhh Sam" agad naman siyang napalingon sa'kin habang nag lalakad kaming dalawa. "Oh?" Sabi niya habang hinihintay akong mag salita. "Uhh wala" tska ko nalang siya tanungin, hindi pa naman kami gano'n ka close e, ngayon nga lang kami nag kakilala e. "Baliw" mahinang sabi niya saakin pero sapat na para ma rinig ko. Habang nag lalakad kami papuntang ewan, hindi ko alam. May nakita akong meow meow! HAHAH takteng meow meow 'yan. May nakita akong pusa sa may mga nakaparadang bike, nag tatago sa gilid. Nahihiya siguro dahil ang ganda ko... Charot lang, ang feeling ko talaga. Agad naman akong lumapit nang kaunti sa pusa at umupo sa sahig. Pero hindi naka indian seat ah, Naka bangladesh seat lang! "Shwishwishwish meoww meow" sinusubukan kong tawagin ang pusa para lumapit sa'kin. Mukhang tamad din ang pusa, gOrl. I feel you. "Puta anong ginagawa mo?" Nakita kong tinatawanan na ako ni Sam pero hindi ko siya pinansin dahil naka tuon lang ang tingin ko sa pusa. "Tingnan mo magic lalapit siya sa'kin" pang uuto kong sabi "Shwishhwishwishwi meoww meow abra ka dabra" muling tawag ko sa pusa at infairness magic nga!lumapit nga siya sa'kin! Future magician talaga ako guys, hindi lang sinabi ni mama sa'kin kasi parang gusto niya na ako mismo maka discover sa talent ko. "Hiiiii meow meow shhwishwi" saad ko sa pusa na ngayon ay lumapit na sa'kin. "Hmmm ano kayang ipapangalan ko sa'yo?" Kungyari akong nag isip at tinapik tapik ko pa ang ulo ko gamit ang isa kong daliri. "Ano kayang pwedeng ipangalan sakanya?" Muli ko ulit tanong sa sarili ko. "Pusang gala" pagbibirong sabi ni sam sa'kin. "Baliw" sabi ko sakanya at napatawa rin. "Hmm let me see...." saad ko at tinignan ang pusa ng mabuti. "Hmm brown eyes, orange fur...hmm" parang nag iimbistiga na ako nitong pusa na para bang timang. "Pwede kana sa soco" saad naman ni Sam sa'kin habang nakatingin rin sa pusa. Hindi ko lang siya pinansin. Pero pwede nga ano? Imagine, ako na yung lalaking mag sasalita nang 'Scene of the prime churva ek ek" gano'n HAHAHAH. Napatigil lang kami sa ginagawa namin nang mag ring ang bell. Mukhang lunch time na ata dahil last kong tingin sa phone ko 11:00 AM na, kaya siguro nag ring. "Lunch break na?" Tinanong ko si Sam para naman masigurado. "Hindi gigising ka na raw, umaga na" sarcastic na sagot ni Sam Kung kailan talaga hindi matinong kausap 'tong si Sam. "Ano nga?" Tanong ko ulit sakanya. "Gigising kana nga" nang iinis na naman 'tong lalaking 'to. Tinignan ko lang siya ng masama at tumawa pa siya. Nag paalam na rin ako sa pusa kanina, mamaya ko nalang yun bigyan ng pangalan. Tamad nga diba ako? Nanahimik nalang ulit ako at nag pa tuloy nalang sa pag lalakad dahil useless din naman ang laway ko dahil hindi matinong kausap 'tong si Sam. "Andito na tayo" saad niya saakin at agad naman akong napatigil at tinignan ang paligid. Nasan kami?bakit dito? "Ohhh bro, san ka galing?" agad naman kaming napalingon sa aming gilid dahil may narinig kaming boses. Pag tingin ko rito agad naman akong napatakip sa mata ko dahil nakita kong walang suot ang lalaki pang itaas. "Bro may babae, mag suot ka nga ng damit" narinig kong utos ni Sam sa 'bro' niya. Hellooo! balitaan n'yo naman ako kung anong ganap! May abs ba?may abs ata e. "Ay sorry bro.... Hindi ko naman alam na may dala ka palang chicks e." Narinig ko ring saad ng 'bro' ni Sam sakanya. "Sorry" bulong naman ni Sam sa'kin nang hindi siya tinitignan dahil nga nakatakip pa ang mga mata ko. Sabihin ko nalang sa ilong ko kung anong nakikita niya. "Pwede na ba akong tumingin?" Tanong ko kay Sam. Kasi kung hindi, titingin nalang ako ng kusa at titignan ang 'bro' nitong Sam sa may tiyan niya kung may 20 abs ba or wala. 20 para marami:) 20 is better than one kaya. Ehehe bimby. 'Chos. Nang tinanggal ko na ang pagtakip sa mga mata ko, nakita kong nawala ang 'bro' nitong Sam. San kaya nag punta 'yon? s sayang Naman hindi ko nakita kung 20 ba yung abs 'non or 100! hayss. Next time nalang. "San nag punta 'yon?" Tanong ko kay Sam na ngayon ay naka upo na sa bleachers. Nasa soccer field na pala kami ngayon. Ewan kung ba't dito pa ako dinala ang init init pa naman. Nagugutom na nga rin ako e, kanina pa. "Nag bihis lang" sagot niya. "Ahhh. Sayang naman" sabi ko sakanya. "Bakit naman?" Jusko ang dami naman nitong tanong. Si dora ba 'to? "Wala lang, nagugutom na 'ko" saad ko sakanya. Wala ba siyang planong pakainin ako? Maloloka na 'ko rito dahil sa gutom e. "Teka lang may kukunin lang ako" sabi niya at tumakbo na siya. San ba yun pupunta at ba't iniwan na naman ako rito. "Jan ka muna!" Sigaw niya habang tumatakbo sa pupuntahan niya. "Oo!" Sigaw ko rin pabalik sakanya. Takte ang init naman dito. Mamamawis na kilikili natin dito e. Wala bang aircon dito sa field? Ano ba 'yan! pag ako tumakbo bilang presidente palalagyan ko 'tong soccer field nila ng aircon, kahit nasa labas. Charot nakakapagod tumakbo, mag lalakad nalang ako. Natanaw ko na ulit si Sam, tumatakbo na siya papalapit sa gawi ko. May dala dala siyang bag at nakabihis na rin siya ng civillian attire. Naka t-shirt lang siya at sweatpants, may relo din siya sa kanang kamay niya, sa kabilang kamay naman niya makikita mo 'don yung sapatos niyang pang soccer. Kanina kasi nung natamaan niya ako sa mukha, naka jersey pa siya 'non. "Tara na" alok niya nang makalapit na siya sa'kin. "San tayo pupunta?" nag tataka kong tanong sakanya. "Sa canteen kakain, pag katapos sa faculty na" sabi niya sa'kin. Tumango nalang ako at sumunod sakanya. "Sorry ah" pag hingi na naman niya ulit ng tawad sa'kin. Jusko, ilang beses na ba siya humingi ng tawad? Naka wanmilyon tawsan na siya ah! "Para san?" Nag tataka kong tanong dahil naalala kong wala naman siyang ginawang masama saakin. Kanina 'yon, pero napatawad ko naman na siya. "Kay Matheo" sagot naman niya sa'kin. "Huh?bakit?wala naman siyang ginawa ah" Nag sorry ba siya dahil wala siyang suot pang itaas? Sus parang yun lang e. Sayang nga at hindi ko pa nakita kung 20 ba abs 'non. "Hindi kasi...Playboy kasi 'yon, kaya sorry sa pang babastos 'non sa'yo kanina" saad niya sa'kin. Wow ang bait naman nito. Bigyan ng wantawsan kOya wilL. "Okay lang ako. Atleast hindi niya ako inano diba?" saad ko. Hindi ko rin alam ang sasabihin kaya ano na naman ako ng ano. "Madami na 'yon na bastos," He sighed. "Nevermind" seryosong sabi niya sa'kin. "Ayy talaga? ano nga ulit pangalan 'non?" Tanong ko. "Matheo luis" saad niya na para bang ayaw na niyang yun ang maging topic namin. Pero curious naman ako 'no. Ano?!Matheo luis?may kapangalan siya ah! Dahil sa gulat agad kong kinuha ang bag ko at kinuha ang phone, tinignan ko sa gallery ko yung na picture-an kong sulat nung kapangalan nitong 'bro' ni Sam. Pinicture-an ko kasi 'to kagabi e. Nagising kasi ako dahil sa lagkit ng katawan ko kaya nag half bath ako 'non, tapos ang nakakainis pa 'don ay nakalimutan ko na mag ha-half bath lang pala ako, kaya 'yon nabasa ko tuloy buhok ko. While waiting na matuyo ang buhok ko, naisipan kong picture-an ang love letter na sinulat nung kaklase kong grade 8, na kalapangalan nitong 'bro' sam para basahin ko kinabukasan... kaya 'yon! Ang talino ko diba?pero tamad talaga ako e. "Bakit?may problema ba?kanina kapa nakatingin sa phone mo" narinig kong sabi ni Sam sa'kin habang hinahanap ang pinicture-an kong love letter kagabi sa gallery. "Teka lang, may hinahanap lang ako saglit" saad ko kay Sam na hindi man lang siya tinitignan dahil busy ako sa pag hahanap nung love letter. "Sige, take your time" saad niya ulit sa'kin at tumango nalang ako. "Ahaaa!" Masayang sabi ko dahil nakita ko na ang picture. "Bakit?" Nag tatakang tanong ni Sam sa'kin. Hindi niya pa rin alam kung anong ginagawa ko, kawawang Sam. "Ano nga ulit pangalan nung bro mo?" Tanong ko kay Sam. "Anong bro?yung si Matheo?" Naguguluhang tanong niya sa'kin. "Oo yun nga... Anong full name 'non?" Tanong ko rin sakanya. Baka kasi mag kakilala kami 'non. Pag tama ang hinala kong siya nga itong sumulat ng letter, aasarin ko siya ng panget ang sulat dahil hindi ko siya masyadong mabasa. Legend kasi ang sulat e. "Bakit ka nag tatanong?type mo ba siya? Tanong ni Sam saakin nakataas pa ang isang kilay. Jusko ang kOya Sam n'yo napaka issue. "Baliw hindi! Basta sabihin mo lang" tanong ko pero hindi naiinis dahil excited sa sasabihin nitong Sam tungkol sa full name nitong Matheo. "Okay fine. Matheo Luis Gomez, happy?" "AHAAA!JACKPOT!HAHAHA" Tama nga ang hinala kong si Matheo ang dating ko kaklase nung grade 8 tska siya din ang nag bigay sakin nitong letter sa valentines day BWHAHAH. "Bakit?" Naguguluhan pa rin si Sam sa'kin hanggang ngayon. "Kilala ko 'yan si Matheo! Naging kaklase ko siya nung grade 8 pa lang kami" masayang tugon ko kay Sam. "Bakit hindi ka na niya makilala ngayon?" Tanong ni Sam na parang sinasabi niya sa'kin na nag sisinungaling lang ako. "Ewan ko 'don baka nakalimutan niya na ako" saad ko. "Tska grade 8 pa naman 'yon, e ano na kami ngayon noh...senior high na" masaya ko ulit na tugon sakanya. "So, anong gagawin mo ngayon?" Tanong niya ulit. "Ewan ko rin, next time ko nalang 'yon tanungin tinatamad pa ako ngayon e, lalo na't gutom na ako" saad ko sakanya pero wala siyang sinabi. "Tara na nga, san nga ulit tayo pupunta?" Tanong ko sakanya. "Sa canteen nga, kakain muna tayo" sagot naman niya. "Okweyyy tara" sabi ko at sumunod nalang sakanya. "Pano mo nasabing playboy 'yon si Matheo?" Tanong ko ulit sakanya habang nag lalakad kami papuntang canteen. "Hindi mo ba napansin?" Naiiritang tanong niya sa'kin. Ohhh easyy ka lang! Ba't ka galit? "Hindi e" sabi ko sakanya. Alam ko naman kung pa'no kumilos 'yong si Matheo. Kanina nga nakita ulit namin siya pero nasa malayo...binabastos niya yung babaeng nakaupo lang sa bleachers. Ang sabi niya nice legs daw. Pero para sa'kin compliment lang yun kaso nakakahiya naman din yung ginawa niya lalo't sa isang lalaki pa talaga nang galing diba? Alam ko naman na gano'n si Matheo e, gusto ko lang talaga 'tong inisin si Sam dahil sobrang epic niyang magalit. "Anong gusto mong kainin?" "Huh?" Lutang na tanong ko sakanya. Hindi ko na naman namalayan na nasa canteen na pala kami. Ang bilis naman! Pero sabagay katabi lang ng field kaya mabilis lang. "Ayyy kahit ano na lang" sabi ko. "Walang kahit ano dito" saad naman niya. Ano ba 'yan, e hindi ko naman alam mga pag kain rito e. Yung iba hindi ko pa natitikman ever. 'Chos lang! natikman ko na sila, pero lutang ako ngayon dahil napagod ata ako ngayong araw. "Yan nalang" saad ko kay Sam sabay turo 'don sa spaghetti at pizza. "Sure kang 'yan lang kakainin mo? Baka magutom ka ah" saad niya at tumango ako, dahil okay lang naman ako kung hindi ako mag rice. Napaka bait naman nito, sus kala ko masungit e. Ang bilis naman namin naging close.(Slight) edi may kaibigan na 'ko ngayon? tas first day pa lang. Hayss friendly kasi ako! "Gusto mo?" Tanong ni Sam sa'kin "Huh?o-okay lang sa'yo na 'yan" saad ko. Mukhang napansin niya kasing kanina pa ako nakatingin sa beef steak niya. Hayss ang sarap naman nung kinakain niya. "Okay" awkward niyang sabi sa'kin. Tapos na akong kumain at naisipan kong bumili ulit ng pwedeng makain. Dahil medyo gutom pa ako. Hihi. "Saan ka pupunta?" Tanong sa'kin ni Sam nang tumayo ako bigla. "Bibili lang ako saglit" saad ko at agad naman siyang tumango kaya nag lakad na ako. "Ano pwede kong bilhin dito?" Mahinang tanong ko sa sarili ko. "Oh sorry, sorry" saad ng isang babaeng nakabungo sa'kin Tinignan ko ang damit ko na sobrang basa na dahil natapunan ng iced tea. "O-okay lang" No!hindi ako okay! "Sure po kayo?" Tanong ng babaeng pamilyar sa'kin. Nag kita ba kami dati?sobrang familiar niya e. "Oo naman hehe" sabi ko pero hindi talaga ako okay dahil basa na ang damit ko, at wala akong pampapalit nito! "Sorry po talaga, hindi ko po talaga kayo napansin" saad naman niya at tumango nalang ako at nag patuloy sa paglalakad para makabili ulit ng pagkain. Bakit kasi nag c-cellphone habang nag lalakad?! tska may dala pa talagang iced tea hayss. 'Yan tuloy ako yung natapunan nung ice tea, pwede namang iba. Char. Bago ako bumili, pumunta muna ako sa CR para punasan 'tong suot ko. Buti nalang alam ko kung saan ang CR dito, napansin ko kasi 'to habang papunta kami ni Sam dito sa canteen at buti rin may dala akong wipes dito sa bag...kaya pinunasan ko ang damit ko. Pagkatapos 'non bumili na ako ng pagkain, malapit lang din sa CR dahil nga tamad ako. Nakabili na ako ng burger tska iced milo kaya babalik na ako sa inuupan namin ni Sam kanina. Pag dating ko 'don wala si Sam. Saan na naman yun nag punta at hindi man lang ako sinabihan? Char bumili pala ako nang pagkain. "Saan ka nanggaling?kanina pa kita hinahanap...akala ko naligaw ka na naman" napatingin ako sa likod ko dahil bigla may nag salita. Pag tingin ko, si Sam. "Saan ka galing?" Tanong ulit niya sa'kin nang makaupo na siya. "Bumili nga, eto oh" saad ko tska pinakita ang burger at iced milo na kakabili ko lang kanina. "Anong nangyari sa damit mo?" Tanong niya ulit sa'kin. "Ahh eto, wala 'to hihi" sabi ko sakanya sabay hawak sa basa kong damit. "Ano nga?" Naging seryoso ang boses niya kaya naman sumagot na ako ng maayos. "Nabungo ako nung babae ng iced tea kaya 'yon" sabi ko at napanguso dahil sa kahihiyan. "Tapos?" "Wala lang nag sorry siya,'yon" sabi ko. "May damit ka ba?" Tanong niya at napansin ko namang may kinukuha siya sa bag niya. "Wala nga e" malungkot kong tugon. "Eto oh, suotin mo muna" sabi niya sa'kin sabay abot sa t-shirt niya kaya kinuha ko naman. "Malinis 'yan" napansin niya siguro na inaamoy ko yung damit niya. Hihi. "Salamat ah. Hindi mo na ba 'to gagamitin?" Tanong ko. "Hindi na" maikling sagot niya. Medyo malaki sa'kin yung damit na binigay niya, pero choosy pa ba ako e, basang basa na 'tong damit ko. Nakapag palit na ako ng damit kanina sa CR ulit nag pasalamt ako kay Sam dahil 'don. Nasa faculty room na kami ngayon. Nag tatanong si Sam kung ano ang section ko. "Ano nga ulit full name mo?" Mahinang sabi niya sa'kin dahil kaharap niya lang ang teacher. "Athen Zephyr P. Gonzaga" mahina ko ring saad sakanya at tumango nalang siya. Nakikita ko na may sinasabi ang teacher kay Sam pero hindi ko naririnig 'yon, kaya hinayaan ko nalang. Nasa may campus na ulit kami, hinahanap namin yung room na sinabi nang teacher kanina. Mag kaklase daw kami nitong si Sam tsk. Baka paepal 'to sa buhay ko lalo na't mag kaklase pa talaga kami. "Andito na tayo" sabi niya kaya tumango nalang ako at pumasok na kami sa room. Pag pasok namin dito agad nag si tinginan ang mga kaklase namin. "Good afternoon Sir" sabay sabi namin ni Sam kaya nag tinginan kaming dalawa at natawa ako sa loob loob. Akala ko papagalitan kami ng teacher dahil late na kami, yun pala hindi. Mabuti naman at nakahinga rin ako ng maluwag. Pero ang malas talaga ng araw na 'to. Discuss dito Discuss doon Uwian:))))))) Nasa may labas na ulit ako ng campus. Tapos na ang pasok ko ngayon at for sure makakauwi na kami. Nag paalam na ako kay Sam dahil mauuna na 'kong umuwi, dahil magagabihan ako sa biyahe. Sobrang malas ang araw na 'to!ang daming nangyari. Yung nakabungo ko kaninang umaga, yung sinabi kong mukhang nasa grade 8 pa at mukhang bata pa, hindi ko inakalang kaklase ko pala siya! shemayness talaga hayss. Tapos, pagkauwi ko dito sa bahay, dito daw muna ulit si Sophia! parang aamponin na ni Mama 'tong si Sophia ah! Pero okay lang 'yon sa'kin, dahil naiintindihan ko naman kasi nasa hospital mama niya kaya okay lang. Haysss ang dami talagang nangyariiiiiii! Ewan ba! "Goodnight" ~****~ Thank you all for reading! Hope you enjoy every chapters of this story! I love u all! Keep safe and God bless(◍•ᴗ•◍)✧*。 -Shen✧
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD