Special Chapter II:The Truth “Cut!” I helplessly sighed and stared at my partner, Adria. Dali-daling naglapitan sa amin ni Adria ang ibang staffs at pati na rin ang make up artist namin para lapitan kami. “Cosmo! Ayusin mo naman ang pagd-deliver ng lines! Ilang araw ka nang ganiyan!” our Director scolded me. Pero parang wala lang sa akin iyon. Bumuntong hininga akong muli at lumapit sa upuan ko para kuhanin ang script ko. Pinaulit-ulit ko iyong basahin ngunit kahit anong ulit ang gawin ko, lumilipad talaga ang isip ko. I still can’t get over with her. She just broke up with me dahil sa kakulangan ko ng oras sa kaniya. I admit that. Marami akong oras na pagkukulang sa kaniya, noon pa lang. College pa lang kami. Hindi ko naman siya intensyong saktan ngunit nang dahil sa busy schedules k

