Special Chapter I:His Point Of View “Mom, I want to be an artist.” Ever since I was a child, wala akong ibang pangarap kung ‘di maging isang artista. Hindi para tingalain o idolohin. Gusto kong maging artista dahil gusto kong palawakin ang talent ko sa pag-arte. Simula kinder ako, ako na ang kinukuha para sa play ng school. Kapag ilalaban ang buong kinder students, ako ang palaging kinukuha. Siguro, magaling nga talaga ako katulad ng mga sinasabi nila sa akin. I saw my Mother creased her forehead, hindi pa yata nagustuhan ang lumabas sa bibig ko. We’re in the middle of eating our lunch. Tumigil siya sa pagkain para harapin ako. Alam kong natatakot na ang nakababatang kapatid ko na si Carselle kapag ganiyan na ang itsura ni Mom. We grew up from a very strict parents but that’s fine. Ala

