Epilogue:Wedding “Ang gwapo niya talaga, Leigh. Ang galing pa um-acting. Paano niya nagagawa ‘yon?” Natatawa ako sa tuwing bumabalik sa isipan ko kung gaano ako kabaliw noon sa isang Coston Morius Estrella. He’s the campus’ heartthrob, iniidolo siya nang lahat nang naroon sa eskwelahan na gustong maging artista, sa galing ba naman niyang umakto. The way he’s delivering his words, the way he shows his emotions, mapapaniwala ka talagang siya iyong karakter sa kwento na pinaga-aktuhan niya. Idagdag mo pa ang kagwapuhan niya na hinding-hindi makaliligtas sa mga mata ng mga mahaharot na babae rito sa school namin. Sa tingin ko ay isa na rin ako doon. I just love how he can portray the character of the story. He’s a real star. An Estrella, indeed. “Kailan niya ako mapapansin? Anong gagawin k

