Chapter 33:Answer Hindi ko maintindihan. Where did I go wrong? Anong mali sa akin? Anong nagawa ko para ganituhin niya ako? Anong maling nasabi ko? Ano ba ang kulang sa akin? May kulang ba? Sumobra ba ako? Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko sa mga oras na ito. Ngunit ang kapalit ng mga tanong na iyon ay wala akong makuhang sagot. Ang bawat katumbas ng mga tanong na iyon ay ang bawat pagpatak ng luha sa mata ko. Pinilit kong mag-isip, pinilit kong maghanap ng sagot sa mga katanungang bumubuo sa isip ko ngunit kahit anong pilit ko, kahit anong isip ko, kahit anong piga ko sa utak ko, wala akong kahit ni katingting na sagot mula sa mga tanong na iyon. Walang sagot sa tanong na mga nasa isip ko. Parang ipinagkakait pa sa akin ang mga simpleng sagot ng mga simpleng tanong na iyon. Wa

