Chapter 34:Lied Sabi niya, ako at siya lang. Magkahawak ang kamay hanggang dulo, mahigpit ang hawak. Ngunit, bakit ngayon, mag-isa na lang ako? Bakit binitiwan niya ako? At sa lahat ng tanong na iyan isa lang ang kasagutang nahanap ko. Ang nagi-isang kasagutan na iyon ay sapat na para tumigil ako sa mga kahibangan kong ito. Hindi niya na ako mahal. Iilang salita lamang iyon ngunit milyon-milyong sakit ang naidulot n’on sa akin, iilang salita lang naman ngunit daig pa nito ang sakit ng mga kutsilyong maaaring makasaksak sa akin. Ang sakit-sakit ng dinulot niya. Parang nagimbal ang mundo ko sa nalaman ko mula sa kaniya. Pagkatapos nang lahat, nagi-isa na lang pala ako. Ako na lang pala ang umaasa sa relasyon naming dalawa, ako na lang pala ang kumakapit sa relasyon namin, ako na lang pala

