Chapter 35:Chance Puting kisame ang bumungad sa akin nang idilat ko ang mga mata ko. Kasabay ng pag-linaw ng mata ko ay ang pagrinig ko sa isang tunog ng makina. Bukod sa nakabibinging katahimikan ay iyon ang narinig ko. Nang igala ko ang paningin ko ay nangunot na lang ang noo ko dahil puro puti lamang ang nakikita ko, nang bumaba ang paningin ko ay nakita ko si Mama at si Leighanne na nakaupo sa isang couch, kapwa sila natutulog sa ganoong posisyon. Sinubukan kong bumangon para umupo at gisingin sina Mama ngunit natigilan na lang ako nang mapansing may tubong nakakabit sa bibig ko. May kumirot sa kamay ko at nang tignan ko iyon ay nakita kong may swero doon. Dahil sa mga nakita ko, doon lang pumasok sa isip ko ang mga memorya ko. Kung bakit ako narito ngayon, nakaratay at may tubo sa o

