Chapter 2

1724 Words
Chapter 2:Jowa “Grabe, I enjoyed talking to you,” nakangiti kong sabi, hawak-hawak ang bouquet na ibinigay niya kanina. We talked about different stuffs and I really enjoyed it. Nakakakilig na ewan. Ang saya-saya niyang kausap, sa totoo lang. Feeling ko, nakikita ko na sa kaniya ang future ko. Charot. Sadyang maharot lang talaga ako. “Me, too, Aubriana.” He smiled that made me feel some butterflies inside my stomach. Maka-hulog puso naman itong mga ngiti niya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mai-uwi siya. ‘Kainis. “So,” sabay naming sambit at tumingin sa kalangitan. Kulay kahel na may halong dilaw na ang kulay ng langit ngayon dahil hapon na at ngayon lang kami natapos sa pagu-usap. Ang gandang pagmasdan, ang sayang pagmasdan ng langit kasama siya. Natigilan lang kaming dalawa nang biglang mag-ring ang phone ko. Gusto kong mapamura sa inis pero ngumiti na lang ako sa kaniya at nagpaalam na sasagutin ang tawag. Nang makalayo ako ay sinagot ang tawag. Gusto ko sanang murahin kung sino ang tumatawag kaya lang nang makitang si Mama pala ay ‘wag na lang. “Hello, Ma?” “Anong oras ka uuwi? Ang alam ko half day ka lang ngayon. Sabi ni Leighanne, saglit lang raw kayo pero nasaan ka na?” Napailing ako. Bakit naman saglit lang ang sinabi ni Leigh? “Paalis na ako, Ma. Magpapaalam lang ako sa kasama ko,” mahinang sagot ko. “E, sino bang kasama mo?” “Future son mo, Ma. Char.” Natawa ako. Kung magkasama lang kami ni Mama ngayon, sigurado akong sasabunutan niya ako nang bonggang-bongga dahil sa pinagsasasabi ko. Lahat ng kaharutang itinatago ko ay nailabas ko tuloy ngayong araw na ito. Hindi naman ako ganito, e. Cute kasi ni Cosmo, e, sarap tirisin. “Tigil-tigilan mo ako, Aubriana Peyton. Gumising ka at baka bangungutin ka dyan.” Sumimangot ako. “Bwisit ‘tong si Mama, ayaw na lang ako suportahan. Mukha ba akong natutulog? Nananaginip? Who you ka talaga sa akin kapag dinala ko siya sayo.” I pouted, acting like a kid, ranting about something. “Who you ka dyan, baka gusto mong sampalin kita.” Humalakhak ako at umiling-iling. ”Sige na, Ma. Uuwi na ako,” “Oo na, sige. Narito ang mga Tito mo para sa birthday ni Shayle.” “Sige, Ma. Bye.” Tsaka ko ibinaba ang phone ko. Bumalik ako sa pwesto namin ni Cosmo at nginitian siya. Nakakalungkot naman. Kailangan ko nang magpaalam sa kaniya. Parang gusto ko pa siya makasama anytime, daldalan lang kami nang daldalan. Gan’on. Kaso, kailangan ko nang umuwi kaya kailangan ko nang magpaalam. “Uh, Morius, una na ako, ha? Hinahanap na kasi ako nina Mama.” Tumango siya at tumayo. Pinasadahan niya ako ng tingin sabay lagay ng kamay niya sa bulsa niya. “Sige, hatid na kita sa school gate. May hihintayin rin kasi ako roon.” Tumango na lang ako at tumahimik. Sabay naming tinungo ang daan papuntang hagdan. Balot na ballot kami ng katahimikan dahil wala man lang ni isa sa amin ang sumubok na magsalita pa. Hanggang makababa kami patungong quadrangle ay tahimik ako. Panay ang lingon sa amin ng mga estudyanteng nadaraanan namin. Hindi naman ako maka-ligtas sa masasama nilang tingin sa akin. Stage play actor pa lang si Morius nito, ganiyan na sila makatingin sa akin. Paano pa kaya kapag artista na siya? Ano na lang ang mangyayari sa akin? Siguro, kung nakamamatay lang ang masamang tingin, for sure pinaglalamayan na ako ng buong angkan ko. Habang papalapit kami sa parking lot ay nakita ko na agad ang service ni Leighanne. Naroon siya sa loob pero nakabukas ang bintana at nakalusot ang kalahating katawan niya roon habang kumakaway sa akin. “Hinihintay na ako ng pinsan ko,” sabi ko sabay turo ko kay Leighanne. Lumingon siya kay Leighanne at ngumiti. “I know her. She introduced you to me.” Nagpigil ako ng ngiti at kilig. Baka himatayin ako bigla rito. “Uh, sige. Thank you, huh? I had fun kahit mag-kausap lang tayo.” Ngumiti ako. “Thank you rin pala sa flowers, I didn’t expect this, though.” Napakamot siya sa likuran ng ulo niya at nahihiyang tumingin sa akin. Hindi ko na naman tuloy maiwasang hindi kiligin. Feeling ko, nahihiya siya dahil gusto niya ako. Feeling ko lang, ha. Feeling ko lang naman. Hindi ko sure. “Me, too. Goodbye, Aubriana.” Ngumiti siya. “Bye rin! Ingat ka, ha.” Akmang tatalikod na ako nang bigla niya akong hilahin palapit sa kaniya. Lumakas ang kabog ng puso ko nang bigla niyang i-dampi ang labi niya sa noo ko. Nanlaki ang mga mata ko. Gulat na gulat ako, hindi ako makapaniwala. “Wow, sana all!” I heard Leighanne shouted. Nang humiwalay siya ay natawa siya dahil sa itsura ng mukha ko ngayon. Hinawakan niya pa ang baba ko at itinaas iyon. Sinara niya pa nga ang bibig ko dahil slightly opened iyon. Nakakahiya sa kaniya! Mukha akong timang! “’Wag mo na lang ipahalata na kinilig ka. Ako lang naman ‘to,” he whispered that made me feel goosebumps. “Tama na, hoy,” natatawa kong sita, mahigpit ang kapit ko sa braso niya dahil feeling ko anytime ay mahuhulog ako lalo’t nanlalambot ang tuhod ko. Teka lang, ha. Kailangan kong huminga. Kinikilig ako masyado at may isa pa akong nararamdamang kakaiba ngunit hindi ko naman matukoy kung ano iyon. “Sige na, your cousin is waiting. See you next time, Aubri.” Tumango ako. Hindi na ako nag-aksaya pa ng chance at niyakap siya. Napangiti pa ako nang yakapin niya ako pabalik. Hindi ko maintindihan ang kabog ng puso ko. Ang lakas-lakas niyon. Parang akala mo ay kinikilig rin siya dahil para siyang nagtatatalon sa saya. Parang lumulundag ang puso ko pero kinalma ko ang sarili ko. Ayaw kong biglang atakihin sa puso. Nakakahiya sa kaniya. Kumaway ako at nang ngumiti siya ay tumalikod na ako. Parang ayaw ko pa tuloy umalis pero hinahanap na ako doon sa amin dahil paniguradong naroon na naman ang angkan namin. Bi-bwisitin na naman nila ako, for sure. “Hoy, nakita ko ‘yon! Kinikilig ako! Sana all!” Halos maglupasay na sa sahig si Leighanne nang makalabas siya sa kotse. Ngumiti rin ako. Naghawak kami ng dalawang kamay sabay talon-talon. Para kaming mga bata na naglalaro. Tawa kami nang tawa. Ang saya-saya! “Kinikilig ako, mars! Feeling ko siya na talaga jowa mo, omg!” Nagyakap pa kaming dalawa sabay hagulgol kunwari. Pagkatapos n’on ay sabay kaming tumawa. “Thank you, ha.” Nagpunas ako kunwari ng imaginary tears ko. “Wala ‘yon.” Ginaya niya ang ginawa ko kaya nagtawanan kami. “Tara na nga,” aya ko sabay tawa. Sabay na kaming pumasok sa loob ng service niya nang natatawa pa rin. Nagpahatid na kami pauwi. Para na rin makapag-pahinga na kami dahil pagod na rin ako. Gusto kong magpahinga. Hindi ako pwedeng sumobra nang pagod dahil baka atakihin ako bigla sa puso. Hangga’t maaari ay iniiwasan kong maging sobrang saya dahil sa sakit ko. Alam kong once na maging masaya ako nang sobra ay sakit naman ang kapalit. Ayaw ko na n’on. Ayaw ko na.. Nang makarating kami sa bahay ay bumaba na kami ni Leighanne. Mags-sleep over na naman kami mamaya dahil narito sina Tito kasama ang iba pa naming kamag-anak. Paniguradong kapag naglaro na naman sila mamaya ay nakaupo lang ako at nanonood sa kanila. Bwisit kasing sakit ‘to. Bakit kasi ako pa ang nagkaroon? Ayos lang naman sa akin ang magkaroon ng sakit, ‘wag lang itong sakit na ‘to. ‘Di ako makapag-enjoy, e. “Hi, Aubri!” Nakipag-high five ako kay Brisse, pinsan ko na kapatid ni Leighanne. “Pangit mo,” biro ko sabay tampal sa cap niyang kulay pink. Kalalaking tao, pink ang cap. Sabagay. It’s 2020 and ayos lang ‘yon. Colors doesn’t define who you are. “Ano ba, epal mo!” Natawa na lang ako at sinalubong naman ako nang iba. “Baby Fritz!!” Halos mabingi sila dahil sa pagsigaw ko. “Kumalma ka, Peyton,” paalala ni Tito. Sumaludo ako. Pagkatapos ay nilapitan ko si Fritz at binuhat ang bata. Pinaulanan ko siya ng halik sa pisngi kaya humagikhik siya. Natawa rin ako dahil sa tunog ng hagikhik niya. Ang cute cute! Ini-sway ko ang katawan ko habang buhat-buhat pa rin si Fritz. Iginala ko naman ang paningin ko at nakita ang iba kong kamag-anak. Nakita ko rin ‘yong pinsan kong lalaki na si Austin na nakaupo sa isang upuan. Si Austin, kagaya siya n’ong mga nasa memes na bata sa f*******:. ‘Yong mataba tapos maputi, laging may hawak na PSP or phone, tapos ‘yong flat na part ng cap ay nasa likuran. Nakakatawa. “Hoy, Aubri!” Nilingon ko si Kuya Vern, pinsan ko ulit. Pinagtaasan ko siya ng kilay sabay nguso. “’Di ka na p*kpok, Aubri?” Napasimangot ako dahil sa ginawa niya. Umakto siya na parang si Boyet doon sa isang teleserye sa T.V. Mukha siyang timang. “Pangit mo!” Nagtawanan sila sabay bato ng unan kay Kuya Vern. Ibinaba ko si Fritz sabay bigay sa kaniya ng chocolates na naka-sabit sa tangkay ng flowers na bigay ni Cosmo. “Sana all may flowers!” Naglingunan sila sa akin nang dahil sa isinigaw ni Ate Rhysse, kapatid ni Kuya Vern. Talaga ‘tong magkapatid na ‘to, malapit na sa akin, e. Pati sina Mama na nagi-ihaw ng liempo ay napatingin rin sa akin. Tumaas ang isang kilay niya. “Sino na namang nauto mo?” tanong ni Tita sabay tawa. “Secret!” Tsaka ako dumila sa kanila. Sasagot pa sana ako ulit pero tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon at tinignan. Parang nag-form into hearts ang mata ko dahil sa kilig sa kung sino ang nagtext. Unknown: Nakauwi ka na? It’s me, Cosmo. Nagtatatalon ako kaya nilingon nila ako. Kung makatingin sila sa akin ay para akong baliw na nagtatatalon sa harapan nila. Tumili ako sabay turo sa mga plato. ”Kumain lang kayo! Ako ang maghuhugas mamaya!” Sabay-sabay silang napa-face palm pero wala akong pake at ni-reply-an na lang si Cosmo. “Ma, may jowa na ako!” tili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD