Chapter 1:Mine
“Hoy, Aubri! Tara na, bilis!”
“Saan ba?”
Hinablot bigla ni Leighanne ang braso ko kaya napatakbo na ako. Wala akong magagawa, hawak-hawak niya ako sa braso at hinihila patungong hagdan papunta sa rooftop. Kilig na kilig siya kaya hindi ko mapigilang hindi magtaka.
Ano na naman kayang pakulo ni Leighanne ngayon?
“Saan tayo pupunta?”
Halos pasigaw na ang tanong ko dahil hindi niya ako maririnig dahil tumatakbo kami paakyat ng hagdan at maiingay ang estudyanteng nadaraanan namin. Halos pagtinginan na rin nila kami dahil tumatakbo kami at nagsisisigaw.
“Basta! Just promise na hindi ka magugulat, ha!” Humalakhak siya.
Nahulog ang strap ng sling bag ko kaya ginamit ko ang isang kamay ko para itaas ito. Mahuhubad na rin ang cardigan ko dahil sa pagkakahila sa akin kaya hinila ko iyon pataas sa pala-pulsuhan ko.
“Mamaya mo na ayusin ang sarili mo! Bibigyan kita ng time, don’t worry!”
“Tse!"
Nang marating namin ang pinto palabas ng rooftop ay tumigil kami. Hingal na hingal kaming dalawa. Baba taas na ang dibdib ko dahil sa hingal. Napamura siya kaya nilingon ko siya.
“Shocks! Bawal ka nga pala hingalin!”
Saka lang rin pumasok sa isip ko ang sakit ko. Inabot ko ang water bottle ko at ininom iyon. Hinaplos niya ang likuran ko.
“Sorry na, kinikilig lang. Dalhin na lang kita sa ospital kapag bumagsak ka dyan.” Sinamaan ko siya ng tingin. "Charot lang, e.”
Pagkatapos kong uminom ay pinunasan ko ang bibig ko gamit ang likuran ng kamay ko. Bumakat sa cardigan ko ang basa n’on pero hinayaan ko na lang. Matatapos na rin naman ang klase at isa pa ay matutuyo rin naman agad iyon.
“Ano ba kasing meron?” tanong ko at itinago ang tumbler ko.
“Basta, wait ka lang.”
Kumunot ang noo ko nang ilabas niya ang glooming kit niya. Binuksan niya iyon at kumuha ng liptint at face powder. Pagkatapos ay binalingan niya ako at hinawi ang buhok ko papunta sa likuran ko. Tumama tuloy ang natural brown long wavy hair ko sa bewang ko. Akma niyang lalapatan ng face powder ang mukha ko ngunit umiwas ako.
“Bakit ba? Para saan naman ‘yan?”
“Kukurutin ko na singit mo! Ang pabebe mong loka ka! Makisabay ka na lang kasi matutuwa ka naman dito!”
Kahit naga-alanlangan ay um-oo na lang ako. Nilagyan niya ako ng face powder at pagkatapos naman ay nilagyan niya ng tint ang lips ko. She told me to pout my lips and so I did. I also made a popping sound after.
“Patingin?”
Pinakita ko sa kaniya ang mukha ko. Nag-thumbs up siya. Kinuha niya ang brush niya at inayos ang buhok ko. Para tuloy niya akong anak na inaayusan ngayon dahil sa itsura naming dalawa. Itinali niya into ponytail ang buhok ko. Sabi ko, mas gusto kong naka-lugay iyon pero ayaw niyang makinig. Mas maganda raw kung nakatali, hindi haharang-harang ang buhok sa mukha.
“Presentable ka na, pwede ka nang humarap kay Cosmo!”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Para akong nabingi na ewan kaya nilingon ko siyang muli.
“A-Anong sabi mo?”
“Pwede ka nang humarap kay Cosmo kako! Bilisan mo na at kanina pa naghihintay ‘yong tao dyan!”
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. "A-Ano!?”
“Unano! Kasing-liit mo ‘yong unano!” Sinamaan ko ulit siya ng tingin kaya natawa siya. "Sabi ko, nariyan si Cosmo. Oo, si Coston Marius Estrella, ha. Nilakad kita sa kaniya, o ayan. Inamin ko na, ha.”
Lumunok ako nang ilang beses, papikit-pikit pa ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
Nilakad… Nilakad niya ako sa ultimate crush ko! O my God! Hindi ako makapaniwala!
Dahil sa tuwa ko ay napatili ako at niyakap siya. Napayuko pa siya dahil sa ginawa kong pagyakap sa kaniya. Ipinulupot ko kasi ang kamay ko sa leeg niya kaya kailangan ko pang tumingkayad dahil matangkad siya. Natawa siya at ginulo ang buhok ko.
Inayos ko ‘yon at sinamaan siya ng tingin. Muli na naman siyang natawa at ini-spray-an ako ng hawak niyang bote ng perfume. Napapikit pa ako nang may tumama sa mata ko.
“Punta ka na, bilis. Balitaan mo ako mamaya kung gumana ba ang pamamalakad ko, ha?”
Napatili ulit ako at niyakap siya habang nagtata-talon. ”Yii! I love you na talaga, cous! You're the best!”
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinigilan ako sa pagtalon.
“Sige na, susunduin kita after. Dapat magpaka-bait ka sa harap niya para plus points, ha!”
“Oo na! Mabait naman talaga ako, ‘no." Pabiro akong umirap na ikinatawa niya.
“Oo na lang. Sige na, mabait ka na. Basta, huwag mo sasayanging effort ko, ha. Kailangan pagsundo ko sayo mamaya, kayo na. Charot! Maging dalagang Pilipina ka muna, pwede?”
Natawa ako at tumango-tango. ”Oo na, dami mong say.”
Nagsalute siya kaya sumaludo rin ako. Kumaway muna siya bago ako tumalikod sa kaniya. Huminga ako nang malalim at pinihit ang seradura ng pinto. Pagkatapos n’on ay parang aatakihin na nga ako sa puso nang makita si Cosmo roon sa isang bench malapit sa railings ng rooftop.
Mag-isa lang siya, nakayuko na tila may hinihintay. Tahimik akong pumasok sabay sarado ng marahan sa pinto. I even made a sign of the cross before facing his direction.
Mukhang hindi niya namalayan ang pagpasok ko dahil hindi man lang siya lumingon. Lumunok ako nang ilang beses at tumikhim. Halos mahimatay ako sa kilig nang lingunin niya ako.
Bigla siyang ngumiti kaya nagtatatalon na ang puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong mahihimatay na ewan dahil sa kilig nang ngumiti siya sa akin. Nagmumukha akong high school student na nginitian ng crush ngayon dahil sa asta ko. Naninigas ang katawan ko at lumalamig ang kamay ko.
Mamamatay na yata ako ngayon.
“H-Hi,” nahihiya kong bati nang tumapat ako sa harapan niya.
Hindi muna ako umupo para kunwari dalagang Pilipina kahit pa gustong-gusto ko nang umupo dahil naninigas na ang mga tuhod ko. Baka bigla akong maihi. Kinikilig ako masyado sa presensya ni Cosmo, idagdag mo pa ang napaka-bango niyang pabango na nananatili sa ilong ko.
“Hello, uh... Peyton?”
Ngumiti ako. ”Ah, oo. Aubriana Peyton Cuarez." Sabay lahad ng kamay ko.
Tinitigan niya ang mga kamay ko kaya kumunot ang noo ko. Nawala lang sa pagkunot ang noo ko nang kalaunan ay tanggapin niya rin ang kamay ko. We shook hands. Gusto kong tumili, ang lambot-lambot ng kamay niya. Parang hindi siya gumagawa ng gawaing bahay nila.
“Coston Morius Estrella, by the way." He smirked.
“Ah, I like your name, huh? Morius." I smirked, too.
I like your name but I like you more. Char.
“I like your name, too, Peyton.”
Tinanggal niya na ang kamay niya kaya medyo nahiya ako. Tinago ko na lang ang kamay ko sa likuran ko. Hindi talaga ako maghuhugas mamaya sa bahay. Ip-plastic ko na lang itong kamay ko. Char. Ang harot ko naman.
“So, we like each other, huh?” Ngumisi ako.
“Huh?” Namula ang tainga niya kaya napangisi ako.
Hoy, don’t me. Kinilig siya! Yii!
“I’m just kidding." I laughed.
Tinignan niya ang bench kaya napatingin rin ako roon. Muntik ko na siyang halikan nang makita ang isang bouquet ng bulaklak doon. Charot. OA naman yata sa halik pero parang ganoon na nga. Mukhang tinamaan na rin sa akin si Cosmo. Kinikilig na naman tuloy ako.
Hindi ko na hinintay pa ang pahintulot niya at basta-basta na lang umupo sa bench. Ngalay na ako, alangan namang hintayin ko pa si Cosmo na paupuin ako. Kinuha niya ang bulaklak at ini-abot sa akin. Nakangiti ko namang tinanggap iyon.
“So, how’s life?” he asked.
Umupo siya sa tabi ko at para kaming magboyfriend at girlfriend na nagk-kwentuhan. Kinikilig na naman tuloy ako.
“You mean, how are you?” Nilingon niya ako kaya natawa ako. “Just kidding. My life’s fun, I guess? Hindi na naman ako humihingi ng iba, sapat na ako sa kung anong mayroon ako. I want this life forever." I chuckled softly.
“Hmm, good for you.”
“Good for me? Why? Aren’t you happy with your life?”
Bakit naman hindi pa siya masaya sa buhay niya? Balita ko ay mayaman naman sila ng pamilya nila. Maraming babae ang nahuhumaling sa kaniya at isa na ako roon. Magaling siyang umarte, napapanood ko iyon sa mga stage play sa auditorium ng school. Pwede na nga siyang artista, e.
“I’m just not happy." He sighed.
I pouted.
Tumingala siya sa langit. "Hindi suportado ang parents ko sa paga-acting ko, and it is hard for me."
Nalukot ang mukha ko. Grabe naman pala kung ganoon. Hindi ba at ang dapat na numero uno mong supporters ay ang magulang mo? Pero bakit ganito ang kaniya? Sabagay. Ganito rin naman ang napapanood ko sa ibang palabas sa big screens.
“Why? Magaling ka naman umarte, e. Bakit hindi pa sila mags-support sayo?”
I sounded like a child, asking some things. Inosente ba.
“I know, but they just don’t want to support me. Mas gusto nila ng mas professional dreams kaysa daw sa pagiging isang ‘aktor’." He then sighed again.
“E...” I was speechless. Iyan lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
Nilingon niya ako at nginitian. Alam ko namang pilit lang iyon. Sus. Gawain ko kaya ‘yan.
“How about you? What’s your dream?”
Ngumisi ako at napa-isip. Ano nga ba ang pangarap ko? Bukod sa maging boyfriend siya ay may iba pa ba? Charot.
“Flight attendant ang dream ko kaya I’m taking up tourism ngayon,” I proudly answered. “Iyan ang gusto ng magulang ko para sa akin at hindi na lang rin ako umangal dahil gusto ko rin. Gusto ko kasing pumunta sa iba’t ibang bansa habang naka-sakay sa airplane. Pwede ring sa piloto, I guess?”
Nawala ang ngiti niya kaya natawa ako.
“Joke lang!" Tsaka ako tumawa nang malakas.
Nang ma-realize ko ang ginawa ko ay napatigil ako sabay takip sa bibig ko. Nakakahiya!
“Seriously? Joker ka ba?”
“Hindi,” seryosong sagot ko.”Pero, ako si Harley. Do you wanna play with me?” Tinanggal ko ang cardigan ko at itinaas-baba ang isang braso ko, jokingly seducing him.
Natawa siya at nailing-iling. "You’re funny, Ms. Cuarez.”
I arched a brow. "Hey! You’re so formal! Stop it. Just call me ‘Peyt’ or ‘Aubri’.”
“Nah.”
Nagsalubong ang kilay ko habang naka-nguso, nagpapa-cute sa kaniya. Oo na, mukha akong timang rito.
“I wanna call you mine."
Napaubo ako dahil sa sinabi niya. Hinampas-hampas ko pa ang dibdib ko. Namumula na siguro ang mukha ko ngayon kaya gusto kong sisihin si Leighanne dahil itinali niya pa ang buhok ko. Hindi ko tuloy maitago ang namumula kong mukha, nakakainis.
“Then call me yours,” pagsakay ko sa biro niya.
Biro ba ‘yon? Sana hindi na lang, kinikilig na ako, e.
“Okay, mine.”
Tinakpan ko ang mukha ko.
Bwisit na lalaking ito!