Prologue:Premiere Night
“Are you sure na hindi ka magtatagal mamaya? Kailangan kong may kasama sa check up mamaya, Cos..."
He patted my head and smiled. "Promise, hindi ako magtatagal. Tatapusin lang namin ang premiere night and then deretso tayo sa hospital.”
Bumuntong hininga ako at marahang tumango.
Ano pa nga ba ang magagawa ko? Palagi namang ganito. Kailangan kong intindihin iyon dahil nag-boyfriend ako ng artista kaya wala akong karapatang magreklamo sa tuwing uunahin niya ang tapings or movie nights.
“Just remember na huwag kang lumapit sa akin mamaya doon and just act na you’re just a fan, okay? Ayaw mo naman sigurong dagsain ka, ako ng bashers, ‘di ba?”
“Wala naman akong magagawa kung ‘di ang um-oo, ‘di ba, Cosmo?” Umiwas ako ng tingin.
Sa pagkakataong ito, siya naman ang bumuntong hininga. Lumapit siya sa akin at hinawi ang buhok kong tumatabing sa mukha ko. Pagkatapos n’on ay ipinulupot niya ang dalawa niyang kamay sa bewang ko.
“I love you, Aubri.” He then kissed me.
Hindi niya na pinatagal pa ang halikan naming dahil humiwalay na siya sa akin. Ngumiti siya at kinuha na ang backpack niyang dala. Umupo ako sa couch habang pinagmamasdan siyang sukbitin ang bag niya.
“Bye, babe.”
Kumaway ako at pilit na ngumiti. "Bye. See you later.”
Wala akong nagawa kung ‘di ang sumimangot habang pinapanood siyang umalis. Iyon na ang usapan namin, ito rin naman ang lagi naming ginagawa sa tuwing may premiere nights siya. Magu-usap kami bago siya pumunta at doon na kami magkikita sa mall. Mauuna siyang umalis dahil aayusan pa siya at may kung ano-ano pang gagawin o iuutos sa kaniya doon. For sure, hinahanap na nga siya ng manager niya.
Our relationship is secret. Tanging pamilya at kaibigan naming dalawa lamang ang nakaa-alam. Hindi naming pwedeng isa-publiko dahil may ka-love team siya, baka kung ano pang gawin ng fans nila. Isa pa, gusto ko rin ng tahimik na buhay. Ayaw kong magkaroon na lang bigla ng banta sa buhay dahil lang sa fans niya. Ayaw niyang ma-bash at mas lalong ayaw ko.
Bagamat hindi ko ganito ang set up naming dalawa ay pumapayag na lang ako. Kahit pa hindi ayos sa kalooban ko. Mahal ko siya kaya pananatilihin ko ang relasyon na mayroon kaming dalawa. Ayaw kong mawala siya sa akin, ayaw na ayaw ko. Kaya hangga’t maaari ay pumapayag na lang ako sa naging kasunduan naming dalawa.
Mahirap para sa akin. Ang daming nagkakandarapa sa kaniya, may ka-love team pa siya na pwede siyang halikan sa kissing scenes at pwede siyang yakapin anytime kahit sa public pa. E, ako nga itong girlfriend na hindi iyon kailanman naranasan dahil tago ako. Masakit sa akin na makita silang dalawa na magkasama pero pinipigilan ko na magselos. Ayaw ko ng gulo. Masakit rin kasi ‘yong dapat na kami ang gumagawa n’on at ipinapakita sa mga tao kung gaano namin kamahal ang isa’t isa, pero hindi namin pwedeng gawin.
Pero ano pa nga ba? Wala naman akong magagawa, wala rin akong karapatan na magreklamo.
Nang makalipas ang ilang minuto ay tumayo na ako at tinawagan ang pinsan ko para itanong kung nasaan na siya. Sasamahan niya raw kasi ako mamaya doon sa mall para kahit hindi ko raw kasama si Cosmo ay may bantay ako.
Hindi ako pwedeng mapagod basta-basta dahil sa sakit ko. May sakit ako sa puso at iyon ang mahirap.
“Nagdala ka ng water mo or bibili na lang tayo doon?” bungad niya nang makababa siya sa kotse niya.
Tumango ako at itinaas ang tumbler ko. "Baka mahirapan tayo sa pagbili mamaya so nagdala na lang ako ng sarili ko.”
“Girl scout ka na niyan?” Tumawa siya. "Hindi ka nga handa n’ong iniwan ka niya, e.”
Napa-iling ako dahil sa sinabi niya. Naka-move on na kaming lahat doon sa ex ko, siya hindi pa rin. Pilit na binabalikan lahat ng ginawa ng ex ko.
“Tara na nga, dami mong nis-say." Natawa ako at pumasok na sa kotse.
Sumunod siya at nagsimula nang magdrive paalis rito sa apartment na tinitirhan ko. Nanatili naman akong tahimik buong biyahe, iniisip pa rin ang posibleng mangyari. I can now imagine myself being sad again ‘cause I’m watching Cosmo being sweet with his partner. Wala naman akong ibang magagawa kung ‘di ang manahimik at kimkimin ang sakit na nararamdaman ko habang pinapanood sila.
“Ayos ka lang?” untag ni Leighanne nang huminto ang kotse dahil sa red lights.
Nilingon ko siya at pilit na nginitian. "Oo naman. May dahilan ba para hindi ako maging ayos?”
“Girl, ang bitter mo sa part na ‘yan." Humagalpak siya nang tawa kaya napailing ako. ”Seryoso nga. Alam kong may dahilan para hindi ka maging ayos.”
I arched a brow. "Uh, huh? Ano naman iyon?”
“My dear cousin, alam kong malungkot ka na naman kasi makikita mo na naman si Morius kasama si Adria mamaya sa premiere night. Siyempre, wala kang magagawa kung ‘di kimkimin ang sakit at manahimik na lang sa isang tabi, hindi ba? Biruin mo ‘yon, may sakit ka na nga sa puso, sasakit pa puso mo emotionally." She sighed.
Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi niya. Totoo naman ang lahat nang sinabi niya at hindi ko maipagkakaila ‘yon. Kuhang-kuha niya na ako dahil halos ilang premiere night na nagdaan ay siya ang nakasama ko. Saksi siya sa lahat nang sakit na nagkaroon ako nang dahil lang sa pagiging artista.
Gusto ko lang naman magmahal… Pero bakit ang hirap? Bakit kailangan ko pang mahirapan? Bakit kailangan ko pang masaktan?
Nang umusad ang traffic ay tahimik pa rin ako. Hanggang makarating kami sa mall. Kitang-kita ko na ang dami ng tao doon sa gitna, mga naghihintay sa paglabas nina Cosmo at Adria. Kailan man ay hindi sumagi sa isip ko ang hindi pumunta sa premiere night nila kahit pa alam kong masasaktan ako. Bakit? Kasi, kahit anong mangyari, kahit gaano kasakit o kahit gaano kahirap, susuportahan ko siya. Susuportahan ko pa rin siya. Ako dapat ang unang sumuporta sa kaniya dahil girlfriend niya ako.. Kahit hindi halata.
“Ayon na sila, o!”
Napatingin ako sa tinuro ni Leighanne. Lumabas na nga si Cosmo at Adria kaya nagsitilian na ang lahat. Ang ingay-ingay. Hindi sila magkandamayaw sa pagtalon, pagtili, at pagtawag ng pangalan nina Cosmo.
Lumapit na kami doon. Naki-tili na rin si Leighanne para hindi halata. Ngumiti ako nang magkatagpo ang tingin namin ni Cosmo. Ngumiti siya pabalik kaya nagulat ako nang magsitilian ang nasa likuran ko.
“Hoy, nginitian niya ako!”
“Hindi ikaw, baliw! Assumerang ‘to, ako ‘yon!”
“Mga feeler kayo! Ako ‘yon!”
Bumuntong hininga ako at nanahimik na lang muli.
Buong premiere night ay tahimik ako, ngingiti lang ako kapag nagtatagpo ang tingin namin ni Cosmo. May muntik pa ngang makatulak sa akin at siya pa ang galit. Nagpapahinga na kami ngayon ni Leighanne sa mga benches na narito sa mall.
Kinuha ko ang phone ko at ini-dial ang number ni Cosmo. Itinapat ko iyon sa tainga ko at wala pang ilang minuto ay sinagot niya na ito.
“Hello.”
Base sa naririnig ko ay mukhang lumalayo siya sa mga kasama niya. Nawawala kasi ang ingay.
“Hello, Cos, nasaan ka na?”
“I’m still here. We’re not yet finished."
I sighed. ”Gaano pa katagal? Masasamahan mo pa ba ako sa hospital? Please, Cos, I don’t want to go if wala ka...”
Natahimik ang kabilang linya kaya kumunot ang noo ko. Nagsimulang lumusob ang lungkot sa akin. Heto na naman ako, nagmamakaawang bigyan niya ng atensyon at oras niya.
“I don’t know. Hindi ako pwedeng basta-basta na lang umuwi at iwan sila. May trabaho pa ako.”
“P-Pero, you promised me..."
“Sorry, but I’ll try...”
Sasagot pa lang sana ako nang makarinig ng boses sa kabilang linya.
“Hey, Cos, who are you talking with? Hinahanap ka na doon.” boses iyon ni Adria, ang ka-love team niya.
“Cos, s-sandal-“
“Wala. She’s just my sister. Tara na?”
Nangilid ang luha ko nang patayin niya na ang tawag. Tumulo ang isang butil kaya pinunasan ko ito. Tumayo ako kaya tiningala ako ni Leighanne.
“Saan ka pupunta?”
“Restroom lang ako, saglit." Pinilit kong ngumiti.
“Sige, sige." Ngumiti siya at muling pinagtuonan ng pansin ang phone niya.
Halos lakad takbo na ang ginawa ko para lang mapabilis akong magpunta sa restroom dahil tulo nang tulo ang mga luha ko. Nagmumukha akong baliw at nakakahiya iyon dahil tumitingin sa akin ang mga taong nakakasalubong ko.
Nang makapasok ako sa isang cubicle ay umupo ako at doon binuhos ang sama ng loob ko.
Ang akin lang naman, he promised me na sasamahan niya ako, e. Naiintindihan ko naman na busy siya doon, na may trabaho siya doon, pero nakakasawa nang umintindi lagi. Pagod na pagod na akong ako palagi ang umiintindi dito. I may sound immature right now pero nakakasama lang ng loob. Sa relasyong ito, iniintindi ko siya kasi mahal ko siya pero nakakasawa na rin minsan.
Natigilan ako sa pag-iyak nang kumirot ang bahagi ng puso ko. Kinabahan agad ako kaya ini-dial ko ang number ni Leighanne. Napapikit ako dahil sa sakit. Naninikip ang dibdib ko at kumikirot ang puso ko.
“L-Leigh, tulong...”
“Ha?? Hoy, bakit!?”
“A-Ang sakit. T-Tulungan mo ako...”
Napasigaw ako nang mas lalong kumirot ang puso ko.
“Papunta na ako!”
Iyon na ang huli kong narinig dahil namalayan ko na lang na nabagsak ko na ang phone ko at nawalan na ako ng malay tao.