4. Dumb Move

1440 Words
McKinley Arthur's Point of View "Good morning sunshiiiine~" Bati ko at nag-inat. "Ganda ng tulog ko hihi," bulong ko sa aking sarili at lumapit sa salamin. "Mm! Ang ganda ko rin!" Masigla kong sabi. "Heh, ang galing." Bigla akong napasimangot nang may narinig akong pamilyar na boses. "Umagang-umaga, naghahanap ka ng away," sabi ko at humarap kay Rudolfo (O-Class). "At bakit nandito kang kupal ka?" Tanong ko at tinaasan siya ng kilay. "Kupal? Miss, I'm not a mirror," sabi niya at pinag-krus ang kanyang braso. Kinurap-kurap ko ang aking mata at nag-midfing sa kanya. "Go die."  "Maligo ka na nga diyan!" Sabi niya at tinapunan ako ng tuwalya. Inirapan ko lang siya at dumiretso na sa banyo para maligo. Binilisan ko ang aking pagligo dahil panigurado akong hinahalungkat na no'ng kupal na 'yon ang mga gamit ko. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako at nadatnan ko siyang hinahalungkat ang aking kabinet. Pakshet, ang mga kuneho ko.  "Seriously? You're still into bunnies?" Sabi niya habang nakangiwing itinaas ang isa kong panty na bunny ang design. At dahil malapit lang sa akin ang maliit na flower vase, ayun napalipad ko mula dito hanggang ulo ni Rudolfo hehe. "Bunnies are phenomenal," diin ko sa kanya. "BWISIT KA ANG SAKIT HA!" Bulyaw niya sa akin habang hinihimas-himas ang kanyang ulo. "Malamang masakit eh flower vase 'yang itinapon ko sa 'yo nang buong pwersa," sabi ko at nagtungo sa aking kabinet upang kumuha ng damit. "Bwisit ka talaga!" Aniya sabay batok sa akin. "Aba nahiya ako sa 'yo ha. Kung makatawag ka ng bwisit sa akin eh ikaw nga 'tong nambulabog ng bahay. Ba't ka ba andito ha?" Sumbat ko at nagsimula nang magbihis. "Napaaga ang alis ko sa bahay eh. Tsaka ayoko pang pumunta ng eskuwelahan kaya dito nalang ako dumiretso----EW! p**n!" Sigaw niya at tinakpan ang kanyang mga mata nang makita akong naka-panty lang sa ibaba. "HOY ANONG p**n?!" Narinig kong sigaw ni Kuya Ares sa labas ng kuwarto ko kaya napalingon agad ako kay Rudolfo. "Pakyu," sumbat ko sa kanya kaso kinindatan niya lang ako. Matapos magbihis, kinuha ko ang ointment sa isang tabi nang bigla itong hibalot ng isang bruhilda. "Ako na," alok niya. Maingat niyang nilagyan ng ointment ang mga sugat ko sa braso. "No'ng isang araw pa 'to ah," sulong niya habang naglalagay. "Hindi naman ako katulad mo para gumaling kaagad 'yan ano!" Nilagyan niya rin ng ointment ang ibang sugat na gumaling na. Pagkatapos, nagpaalam na kami kina kuya. Habang naglalakad kami ni Rudolfo papuntang eskuwelahan, may biglang lumapit na pusa sa akin. "Awww, ang kyuuuuut!" Lumapit si Rudolfo sa pusa at hinimas-himas ito. "Ang ganda mo naman. Anong breed kaya ito..." Bulong ni Rudolfo sa kanyang sarili at kinarga ang pusa. At dahil nakikinita ko na ang susunod na mangyayari, pinitik ko si Rudolfo sa tenga nang buong pwersa. "Ibaba mo 'yan," ma-awtoridad kong sabi sa kanya. "Aw whyyyyy?" Reklamo niya. "Kasi alam kong nanakawin mo 'yan." Pinandilatan ko siya ng mata. "Hindi naman iihhh," sabi niya nang nakanguso. "It's either you put that down or you die," banta ko. "Ngee---" "Elizabeth!" Pareho kaming napalingon ni Rudolfo nang may sumigaw na lalaki sa 'di kalayuan. Bigla namang kumalas ang pusa sa pagkakayakap sa kanya ni Rudolfo at tumakbo papunta roon sa lalaking tumawag. Wow, ang sosyal ng pangalan no'ng pusa ah.  "Bye bye," bulong ni Rudolfo. "Mahilig ka nga sa pusa eh 'di ka naman marunong mag-alaga ng pusa," sabi ko sa kanya. "Parang ikaw lang din. Mahilig sa bunnies pero 'di marunong mag-alaga." Binelatan niya ako. Nang magpatuloy kami sa paglalakad, nadaanan namin 'yong lalaking nagmamay-ari kay Elizabeth at nakitang nakikipag-usap ito sa mga kasama niyang lalaki. Bihira lang makapunta ang mga ordinaryong tao dito banda sa lugar namin.  Nagulat ako nang bigla siyang napalingon sa direksyon ko't ngumiti sa akin. Dahil do'n, nginitian ko rin siya pabalik nang wala sa oras. Pakiramdam ko nga, awkward 'yong pag-ngiti ko. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa aming eskuwelahan. At dahil pareho kaming gago ni Rudolfo, sa canteen kami dumiretso. Pagkarating, nakita naming nakatambay na roon si Spencer at nag-midfing sa amin. "Nice," pareho naming sambit ni Rudolfo. ~*~ "Hinayupak!" "Hoy Marcus halika nga rito! Para naman mapakinabangan 'yang pagiging V-Class mo, pakibuhat nitong upuan ni Adrian tapos itapon mo sa labas." "Ha? Bakit? Tsaka paano ko itatapon eh nasa ikalimang palapag tayo." "Gusto ko lang siyang pagtripan tsaka pati pagtapon lang 'di mo alam? Ihuhulog mo lang naman 'yan." "Eh paano kung may matamaan sa baba?" "Not my problem anymore."  "Heh." -Rudolfo Pagkarating namin sa aming room, magulo na po silang lahat. Maraming naghahabulan, may mga nantitrip sa iba naming kaklase, 'yong iba mga duguan na pero humahalakhak pa rin. "Lahat ng G-Class, sa field tayo! Paunahan tayo sa takbuhan." "Ang matalo, isasabit sa flag pole!" "Teka sandali! Hoy Deisse!" "Hala ang daya!" "Hintayin n'yo ako mga gunggong!"  At ayun nga, nagpaunahan lahat ng mga G-Class. "ANG DAYA ISALI N'YO KAMI SA MGA TRIP N'YO!" Sabay naming sigaw tatlo. "Punta tayo sa regular sections!" Pag-aaya ni Syd (O-Class) sa amin. "Sama ako! Marcus sama ka na rin! Tara sa Zion building!" Sigaw ni Stefan at nag fist pump sa hangin. Hm? Hindi pala siya sumama kina Deisse?  Si Stefan kasi G-Class, tapos 'di ba nanghamon kanina 'yong mga kaklase namin na magpaunahan sa takbuhan lahat ng G-Class. Tsaka siya rin 'yong nag-utos kanina kay Marcus na itapon sa labas 'yong upuan ni Adrian. "Sa regular sections nga tayo pupunta 'di ba. Hindi sa Zion buil---" Biglang napatigil si Syd sa pagreklamo at nagkatinginan kaming lahat. "Tara sa Zion building!" Sigaw naming lahat pwera lang kay Marcus. ~*~ "This is suicide, guys," sabi ni Marcus sa amin nang malapit na kami sa Zion building. "Eeeh, ang layo na nang nalakbay natin oh, ngayon pa ba tayo aatras." -Syd. Magkalayo po kasi ang mga buildings dito. Pagpasok mo sa eskuwelahan, malawak na field ang agad mong makikita. Pero hindi iyon ang field kung saan nagsasanay ang mga athlete (dahil wala po kaming athlete). Pwede kang tumambay dito, mag-aral, matulog, o kumain dahil may mga upuan naman po't mga mesa at tsaka marami namang puno kaya hindi masyadong mainit kung tatambay doon.  Kung nasa gitna ka ng field at nakatalikod sa main gate, may daanan sa kanan papunta sa main Sequoia building, dito ang regular sections. Tapos ang daanan naman sa kaliwa ay papunta sa Zion building, kung saan nabibilang ang mga mokong Zionians. May kalakihan ang building nila at mas malawak ito kumpara sa building ng regular sections. Tapos kung dideretsuhin mo naman ang daanan sa gitna, makikita mo ang isa pang Sequoia building o mas kilala bilang FRB building, kung saan kami nabibilang. Maayos na sana eh kasi para kaming special dahil kami ang nasa gitna, eh kaso ang layo pa ng lalakarin mo bago ka makakarating sa building namin. Dadaan ka pa sa canteen tapos lalakarin mo pa ang isa pang field bago makakaabot sa FRB building. "Lintek talaga tayo nito. Gusto ko pang mabuhay, mga ulol kayo," sabi ni Marcus kaya natawa kami. Nang makarating kami sa Zion building, tahimik ang paligid at walang nakapansin sa amin. "Ano bang gagawin natin?" Tanong ni Rudolfo. "Ewan ko rin," sagot ni Syd kaya bigla siyang binatukan ni Spencer. "Gunggong ka, ikaw ang nagyaya." -Spencer "Oy sabi ko sa regular sections lang tayo! Si Stefan kaya ang nagsabi na rito tayo." -Syd Napailing nalang kaming dalawa ni Marcus. "Gumawa nalang tayo ng eksena!" Sabi ni Rudolfo at lumapit sa isang room. Hindi namin kita ang loob kaya pinagsisipa ni Rudolfo ang pinto. Gaga.  "HOY MGA GAGO! LUMABAS NGA KAYO SA MGA LUNGGA N'YO! HARAPIN N'YO KAMI, MGA ULOL KAYO!" Sigaw niya habang patuloy na sinisipa ang pinto. Kumuha naman kami ni Spencer ng paso at tinapon sa pinto ng ibang rooms. Napalingon ako nang may narinig ako parang nags-spray at nakitang may hawak na spray paint si Marcus. "What? I brought my bag after all. Might as well use it," sabi niya kaya't napangiti ako. Gago rin 'to eh.  Tinapon niya sa akin ang kanyang bag at kumuha rin ako ng spray paint. Gano'n din si sina Spencer, Syd, at Stefan. Kagulat-gulat nga kasi maraming dalang spray paint ang mokong. Kung ano-ano lang ang pinaglalagay namin sa pader. Si Rainier naman patuloy pa rin sa pagsisigaw. "Ha! Dickheads!" Sabi ni Stefan habang nakapamaywang sa harap ng kanyang obra maestra. Natawa naman ako nang sobra nang makita ko ang kanyang ginuhit sa pader. "Nice!" Puri ni Spencer at nag-apir silang dalawa. "Ang pangit ng pagkaguhit mo sa buto," komento ni Rudolf at napailing, kunyare nadismaya sa obra maestra ni Stefan. Eh pa'no ba naman kasi, ang hitsura ng butong ginuhit ni Stefan eh 'yong pambata. Inagaw ni Rudolfo ang spray paint ni Stefan at gumuhit ng sarili niyang bersyon ng buto. Ako naman, kanina pa ako naglalagay ng mga trash-talks sa pader. Si Spencer, mga insulto rin pero sa pamamagitan ng pangungusap (masipag). "Aba, hindi sila mabagabag ah," rinig kong sambit ni Syd. Kagulat-gulat nga kasi kanina pa kami nag-eeksena rito kaso parang walang epekto. "Yeah, nagsisikap pa naman tayo rito. HOY MGA TIGYAWAT LUMABAS NGA KAYO! NATATAKOT YATA KAYONG TIRISIN NAMIN KAYO EH!" Sigaw ni Rudolfo at sinisipa ulit ang pinto. "Sa taas kaya tayo?" Mungkahi ni Spencer. Bumuhat ulit ako ng paso at pumwesto nang mabuti para maayos ang pagtapon ko sa paso. "Rudolfo, alis."  Bumwelo muna ako sabay tapon nito nang buong pwersa. "Tangina kanina---"  At tumigil ang mundo nang biglang bumukas ang pinto at... . . . . . . . . . . ...sapul sa kanyang mukha ang paso. ▪▪▪ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD