5. Tortured

1871 Words
(The next day...) McKinley Arthur's Point of View "Oh ano? Uulit ka pa ba?!" Tanong sa akin ni Kuya Ares na halatang nagpipigil ng galit. Inayos ko ang pagkakapuwesto ng ice bag sa aking ulo. "Kung 'di ba naman gago 'yang kapatid mo!" Bulyaw naman ni Kuya Stein. Andito na naman po ulit ang pagiging mabagsik ni Kuya Stein. Susmaryosep. Lagot ako nito.  "Hoy kapatid mo rin kaya 'yan ano!" Bulyaw pabalik ni Kuya Ares. "Tangina ba't ka nagagalit?!" -Kuya Stein "Sinong may sabing galit ako ha?!" -Kuya Ares Napapikit nalang ako ng mata dahil sa kanilang dalawa. "Oh ayan, tapos na," sabi ni Kuya Pierre sa akin at iniligpit ang first aid kit. Napatingin naman ako sa aking mga sugat at sa ilang galos sa aking braso't paa na nilagyan na ng gamot. "Ano ba kasing nangyari? Nagulat nalang kami no'ng hinatid ka rito nina Diana nang walang malay tapos puro pasa't sugat iyang katawan mo," pag-aalala ni Kuya Pierre. Sa lahat ng kuya ko, ito talaga 'yong pinakamabait. Taena, nakakakonsensya tuloy. "Uh...kuya...ano kasi---" "Sige ipaliwanag mo!" -Kuya Ares "Ganito kasi 'yon---" "Sabihin mo ang lahat sa amin!" -Kuya Stein "Teka patapusin n'yo---" "Huwag na huwag kang magsisinungaling!" -Kuya Ares "Pwede ba?!" Sigaw ko sa kanila at sinamaan sila ng tingin. "Patapusin n'yo muna ako, mga gunggong kayo," dagdag ko. Napabuntong-hininga nalang ako bago nagsimula. "Nang-trip kami sa Zion building," pagkasabi ko no'n bigla silang napatigil lahat at napatitig lamang sa akin. "Teka bakit? / TANGINA N'YO! / GAGO!" -Kuya Pierre/Kuya Stein/Kuya Ares Ngumiti lang ako sa kanila. "Ngingiti-ngiti ka diyan, magpaliwanag ka ulol!" Sigaw sa akin ni Kuya Stein. "Ganito 'yon. Nagyaya kasi 'yong kaklase ko na pumunta ng Sequoia building. Eh kaso ang sabi no'ng isa, sa Zion building kami. Nagustuhan namin 'yong ideya niya kaya ayun, pumunta nga kami roon. Wala kaming maisip na magandang gagawin no'ng nakarating na kami sa Zion building, kaya nag-eksena nalang kami," paliwanag ko. Pinagtaasan ako ng kilay ni Kuya Stein kaya nagpatuloy ako sa pagkukuwento. "Si Rudolfo, sinipa-sipa 'yong mga pinto at nang-insulto sa kanila. Tapos kami ni Spencer kumuha ng mga paso na nakahilera sa harap ng building nila at tinapon iyon sa mga pinto. Tapos 'yong isa kong kaklase may dala palang spray paint kaya hehe...alam n'yo na," sabi ko at napakamot ng ulo. "Tapos anong sunod na nangyari?" Nakatutok pa rin sila sa akin kaya napabuntong-hininga nalang ulit ako. "Ilang minuto kaming nag-eeksena roon kaso hindi nila kami pinapansin. Ewan ko rin sa kanila, dinedma lang kami. No'ng nagsimula ulit si Rudolfo sa pagsipa ng pinto, bumuhat ulit ako ng paso tapos buong pwersang tinapon sa pintong sinisipa niya. Eh malay ko bang bubukas pala 'yon. Wala na akong nagawa, naitapon ko na 'yong paso eh," sabi ko at nagkibit-balikat. Bigla namang nagbago ang eskpresyon nila, tila nadismaya sa aking kinuwento. "Bakit mo kasi tinapon?" Mahinahong tanong ni Kuya Pierre. "Dapat nagtapon ka pa ulit!" Sabi ni Kuya Stein kaya't binatukan siya ni Kuya Ares. "Hehe..." Napakamot ako ng ulo. "...pagkatapon ko no'n, bigla kaming napatigil lahat. Tapos nagulat nalang ako nang binuhat ako ni Spencer at mabilis na umalis doon," dagdag ko. "Nai-alis ka naman pala kaagad ni Spencer, ba't ang dami mong pasa't sugat?!" Pagtataka ni Kuya Ares. "At walang malay!" Dagdag ni Kuya Stein. "'Di ba G-Class si Spencer?" -Kuya Pierre "G-Class rin kasi 'yong Zionian na natapunan ko ng paso eh. Kaya hinabol kami hehe," sabi ko at nag-peace sign. "Edi dapat nailagan niya 'yong paso!" Bulyaw ni Kuya Stein at pinagkrus ng braso. "Gunggong! Tingin mo makakagalaw ka kaagad kung pagbukas mo ng pinto eh paso 'yong agad na sasalubong sa 'yo?!" Binatukan ni Kuya Ares si Kuya Stein. "Nakaka-dalawa ka na Ares ha!" "Gusto mo dagdagan ko ulit?!"  "Teka nga, kuwento mo lahat sa akin," sabi ni Kuya Pierre at hinarap ako sa kanya. "Eh...ayun nga, hinabol kami no'ng Zioniang paso. Tapos nagulat nalang ako nang makarinig ako ng putok ng baril tapos biglang tumama ang katawan ko sa lupa at nagpagulong-gulong na ako..."  (pagbabalik-tanaw...)  Napaubo ako nang kaunti at sinubukang igalaw ang aking katawan. Nang mai-angat ko ang aking ulo, napangiwi ako dahil sa naramdamang kirot sa aking ulo dulot ng pagkabagsak ko sa lupa. "s**t," rinig kong bulong ni Spencer at nakitang nakahawak siya sa kanyang tagiliran at pinipilit na tumayo. Napatigil ako nang biglang tumilapon si Spencer sa 'di kalayuan at may marahas na humablot sa aking kuwelyo. Napapikit nalang ako no'ng makita kong susuntukin na niya ako kaso may biglang may humila sa akin kaya't napaupo ako sa lupa. "Run!" Sigaw ni Deisse (G-Class) habang nakadagan sa lalaking natapunan ko ng paso sa mukha. May biglang bumuhat sa akin kaya napatingin ako kung sino ito. At dahil G-Class rin ito, ilang sandali lang ay nakarating na kami sa FRB building. "Thanks, Kaira," pagpapasalamat ko at umakyat na kami ng hagdan. Siya rin siguro 'yong humila sa akin kanina kaya 'di ako nasuntok no'ng Zioniang paso. At dahil dinaganan kaagad ni Deisse 'yong Zioniang paso, hindi na niya kami nahabol. "No biggies. Ano palang nangyar---ACK!" Naputol ang kanyang sasabihin nang may babaeng humila ng kanyang buhok. Fuck. Zionian ulit, G-Class din.  Tumakbo ako paakyat kaso nahawakan ng babaeng Zionian ang isa kong paa at hinila ito kaya natumba ako't tumama ang aking pisngi sa hagdan nang pagkalakas-lakas. Napangiwi ako sa sobrang sakit at dahil napikon na ako, tumayo ako't tumalon sa kanya para matumba kami pareho. Nang bumagsak na kami sa sahig, sinuntok-suntok ko kaagad siya nang malakas sa ilong dahilan upang makaakyat muli si Kaira at tinawag ang ibang Sequoians na malapit sa amin. Tinulungan kami ng mga Sequoians na nasa lower years, 'yong iba naman sumugod doon sa field para tulungan ang iba kong kaklase. No'ng makita ko ang kawawang kalagayan ng babaeng Zionian na sumunod sa amin dito sa building, umupo ako sa pinakahuling hakbang ng hagdan at pinanood ang bakbakan sa field. Saka ko lamang napansing ang lakas ng t***k ng puso ko't hinahabol ko ang aking paghinga. Nakaramdam rin ako ng konting pagkahilo at tila nanghina ang aking katawan. "Epekto ng adrenaline rush..." Bulong ko. Habang hinahabol ko pa ang aking hininga, hindi ko alam kung bakit pero biglang nag-slow motion ang aking paligid nang may tumigil na sasakyan sa aming harap at lumabas ang ilang lalaki. Ang weird nga eh kasi slow motion ang nangyari kaya kitang-kita ko rin kung paano lumabas ang isang lalaki na may hawak na baseball bat at kung paano niya ako tiningnan nang masama. At (uulitin ko) dahil nga nag-slow motion ang aking paligid, nakita ko rin kung paano siya bumwelo upang ihampas ang baseball bat sa akin. Kung tutuusin, maiilagan ko naman sana ito. Eh kaso, may nahagilap na naman kasi ulit itong mga mata ko eh. "Hello Kitty," bulong ko bago umitim ang aking paligid. (pagtatapos ng isang balik-tanaw...)  "...kaya ayun," pagsasalaysay ko. Napatawa sina Kuya Stein at Kuya Ares nang malakas. "AMPOTEK NG HELLO KITTY!" -Kuya Stein "BAKLA ATA 'YAN EH!" -Kuya Ares Si Kuya Pierre, napailing-iling nalang. As usual. "Huwag ka nang pumasok ngayon. Magpahinga ka nalang muna," sabi niya sa akin. "Ayoko," pag-aangal ko. "Okay na ako, kuya. Makakaya ko namang pumasok ngayon eh. Tsaka hindi naman masakit gumalaw, salamat kina Ma'am Diana at Dina," paliwanag ko. "Hindi, sa bahay ka lang ngayon," pagpipilit niya. "Kuya naman eh---" "Kasi sayang ang baon?" Singit ni Kuya Stein. "Oo---I mean, hindi. Ano kasi...I love studying," sabi ko at ngumiti. "...I think," bulong ko. Napabuntong-hininga na lamang si Kuya Pierre. Yieee, papayag na 'yan~  "Okay basta---" "YEHEY!" Sabi ko sabay yakap sa kanya. "HOY!" Sigaw ni Kuya Stein at inilayo ako kay Kuya Pierre. "Ako rin," sabi niya sabay yakap sa akin kaya napatawa nalang ako. No'ng maghiwalay na kami sa pagyakap, napatingin ako kay Kuya Ares. Bigla naman siyang lumingon sa ibang direksyon nang nakasimangot. "Hug?" Tanong ko (with open arms). "It's not like I want to hug you or something, okay? This is for upliftment purposes only." Tumango-tango nalang ako habang niyayakap niya ako. ~*~ Napatingin ako sa aking orasan. 4:34 AM palang.  At dahil wala akong magawa, nagpagulong-gulong nalang ako rito sa aking kama. Nagkamalay ako kaninang mga 1:00 AM kaya laking pasasalamat nina Kuya dahil nagising na ako. Binantayan kasi nila muna ako rito sa aking kwarto at hinintay na magkamalay ako matapos akong ihatid nina Ma'am Diana dito sa amin kahapon. Napatitig ako sa kisame. "Hindi ako nakapunta sa ano..." Bulong ko. Kinuha ko ang aking phone at nakitang marami akong texts galing kina Rudolfo at Spencer. Hindi ko ito binasa at tinawagan si Rudolfo. "ARTURO! Ano na? Okay ka na ba? Hindi ka naman siguro nagka-amnesia 'di ba? Naaalala mo pa ba ako--"  "Ulul, maayos na ako. Masyado kang paranoid. Ikaw kumusta?" Tanong ko sa kanya. "Eto, maganda pa ri--" "Pakyu." "HAHAHAHA! Biro lang, ito naman. O-Class ako kaya walang problema kung mapuruhan ako nang bongga. Tsaka nakapagpahinga na ako kaya konting-konti nalang 'yong mga sugat na hindi pa gumagaling. Buti nalang nandoon kahapon sa field 'yong mga G-Class natin, kung hindi baka k*****y na tayo." "Yeah, ang galing ko kasing magpahamak," mapanuyang sabi ko. Nang dahil kasi sa 'kin, napasok kami sa gano'ng gulo kahapon. "Nga pala, dumiretso na ako kaagad dito sa bahay pagkatapos no'ng nangyari kahapon. Gusto sana akong samahan ni Spencer para raw may kasama ako rito pero pinauwi ko na agad para makapagpahinga 'yon nang maayos sa kanila." "Speaking of, kumusta na siya? Nabaril siya kahapon eh--" "Okay na, nagamot na nina Ma'am Diana. Buti nalang hindi masyadong malalim 'yong pagkabaon ng bala kaya nagawan kaagad nila ng paraan." Nakahinga naman ako nang maluwag sa narinig. "Buti naman. Sigurado akong nangangalaiti sa galit 'yong Zioniang paso na 'yon." "Heh panigurado, uumbagan tayo no'n pag nakita tayo sa eskuwelahan mamaya. Nga pala, sino raw 'yong humampas ng bat sa iyo?" Naalala ko na naman 'yong nakita kong Hello Kitty kaya napatawa ako. "Hoy." "Sir natin sa Math, 'yong parang leader nila."  "Loko ka, tatawa-tawa ka diyan? Nakakakilabot ka, ulol. Tsaka parang trip ka ata no'ng Math teacher natin ah? Gusto ka yatang patayin eh," sabi niya at tumawa. "Ulol, nagkataon lang siguro na ako 'yong nakita no'n." "Oh siya, aasikasuhin ko muna ang mga bagay-bagay dito. Kitakits mamaya. Mwa!" "Ew," sabi ko at binabaan siya ng tawag. At dahil wala na akong ibang magawa, naisipan kong manood nalang muna ng palabas at bumaba papuntang sala. "Oh Ley, ang aga mo ah." Nakita kong naghahanda si Kuya Pierre sa kusina. "Hindi na ako nakatulog eh," sabi ko at nag-on ng TV. "Nagpahinga ka pa sana. Baka kung ano pang mangyari sa iyo mamaya."  "Araw-araw namang may nangyayari sa akin eh." Tumawa ako. Nakita ko namang lumabas si Kuya sa kusina na may suot na apron at may dala-dalang sandok. "Not funny," malungkot niyang sabi habang nakakunot ang noo. "Kuya naman, ganito talaga buhay natin. Di ka pa rin nasasanay?" Usal ko at nag-browse ng channels. Hindi sumagot si Kuya at bumalik ng kusina. Maya-maya ay lumabas ulit siya't tumabi sa akin. "Sa aming mga kuya mo, ayos lang kung ganito buhay namin. Eh kaso babae ka kasi, Ley," sabi niya at niyakap ako. "Ayaw naman naming nararanasan mo yung naranasan namin," bulong niya. "Kuya, ayos lang ako. Atsaka, ganito talaga tayo eh. Hindi ko rin naman matatakasan ang ganitong klaseng pamumuhay. Kahit saang parte ng mundo ako pumunta, hahabulin at hahabulin pa rin ako ng kapalaran ko, Kuya Pierre," paliwanag ko. Kasi naman ilang taon na akong nagtiis ng ganitong klaseng buhay, ngayon pa ba ako aayaw? Ginulo niya ang aking buhok at sumandal sa akin. "Wow Kuya, 'di naman yata mabigat."  ~*~ 6:35 AM, inihatid ako ni Kuya Ares sa eskuwelahan. Kaya ko naman sanang maglakad kaso nagpumilit si kuya na ihatid nalang daw ako kesyo mapano pa raw ako sa daan. Pumayag nalang ako kasi nakatutok na sa akin yung hanger eh, masakit pa naman yun. Pagkarating ko ng room, kakaunti palang kami pero nandito na si Rudolfo. "Hi McKinley!" "McKinley, yo!" "Woot woot! Handa ka na ba?" "Leggo, leggo~" "Sa wakas andito ka na!" Sigaw ni Rudolfo (O-Class) sabay yakap sa akin. "Dali baba na tayo." "Ampots. Kararating ko nga lang ng room eh," reklamo ko sabay pitik sa kanyang noo. "Bababa rin naman tayong lahat," sabi niya. Nakita ko namang nagsilabasan na ang iba kong kaklase kaya nagtaka ako. "Anong meron?"  Nilingon ako ni Rudolfo at ngumiti nang nakakaloko, "Magfi-field trip tayo."   ▪▪▪   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD