8. Fifth Night

1680 Words
(...still the same day) McKinley Arthur's Point of View "Amazing," mapanuya kong sambit. Nandito kami ngayon sa eskuwelahan. Nandito kaming lahat sa detention room. Nagkasya kami ano? Malaki kasi. Maraming barumbado eh. "Sinong mag-aakalang mga tauhan pala no'ng Zionian na 'yon ang lahat ng crew sa Mars!" -Deisse (G-Class) "Sinong mag-aakalang pagmamay-ari pala ng isang Zionian ang Mars?!" sabi ni Rudolfo (O-Class) na halatang nadismaya. "Nagmukha pala tayong tanga kanina eh!" singit ni Syd (O-Class) at tumawa. "So hindi pala tayo nasundan. Tayo mismo ang lumapit sa mga Zionian." -Spencer (nakahawak sa kanyang baba at tumango-tango) "Lagot ako nito kay Kuya Ares," bulong ko at napabuntong-hininga. "Aww, that's okay McKinley Arthur!" saad ni Ma'am Dina at lumapit sa akin.  "Hindi ka lang lagot kay Kuya Ares mo kundi pati kay Kuya Yaundé rin," bulong niya sa akin at tsaka tumawa. Binatukan naman siya ni Ma'am Diana. "Dina, huwag ka ngang manakot diyan," sita sa kanya ni Ma'am Diana. "Didi naman, halata namang mapapagalitan 'tong isang 'to sa mga kuya niya ano," litanya ni Ma'am Dina at tinuro ako. "Oh siya, nagamot na namin kayo lahat. Wala na bang masakit sa inyo?" tanong sa amin ni Ma'am Diana. Umiling kaming lahat bilang sagot. "Kayo kasi ang titigas ng mga ulo ninyo. Anong naisip niyo't nag-field trip kayo sa Mars? Ayan, kinaladkad tuloy kayo ng mga Zionian," pangangaral ni Ma'am Diana. "Buti buhay pa kayo." Binatukan ulit ni Ma'am Diana si Ma'am Dina dahil sa kanyang sinabi. "Heeey! Kanina ka pa Didi ah. If I know, pati ikaw nag-alalang baka made-deds na talaga sila lalo na't andito na 'yong---"  "Dina." Naputol ang sasabihin ni Ma'am Dina nang biglang banggitin ni Ma'am Diana ang kanyang pangalan. Natahimik at napalingon nalang sa ibang direksyon si Ma'am Dina.  Lumingon sa amin si Ma'am Diana. "Na-contact na ang mga sundo ninyo. Hintayin n'yo nalang sila dito ha. Huwag kayo masyadong magpapagabi ngayon," abiso niya sa amin at nginitian kami bago sila umalis. "That was weird." -Ako "Baka made-deds na raw tayo." -Tom (O-Class) "Nandito na 'yong ano?" -Rudolf "Luh may tinatago silang sikreto!" -Deisse "Dunno. Masyado sigurong confidential kung gano'n. 'Di pinatapos si Ma'am Dina kanina sa kanyang sasabihin eh," sabi ni Spencer at nagkibit-balikat. "Pero guys, 'di pa rin ako maka-move on sa nangyari kanina. Like what the heck? I really really really like Mars tapos isang Zionian pala ang nagmamay-ari no'n? Tangina binabawi ko na sinabi ko. 'Di ko nalang pala gusto ang Mars," reklamo ni Rudolfo. Kahit ako ay nadismaya rin.  "Yep. Ang pangit ng Mars. Soooobrang pangit," sabi ko at pinag-krus ang aking mga braso. "Ayaw n'yo lang talagang aminin na maganda ang taste ng mga Zionian dahil Zionians sila," tukso ni Spencer. "'Yon na nga!" sambit naming pareho ni Rudolfo. "Siguro kung hindi lang Zionian ang may-ari no'n, mamamangha talaga ako habang-buhay. Eh kaso Zionian eh," dagdag ko. "And Zionians suck." -Rudolfo "Agree!" -Kaira and Deisse "Hala baka Zionian rin ang nagmamay-ari ng Venus!" -Stefan "Puuuuuta huwag naman sanaaaaaa!" sigaw ni Rudolfo at ginulo ang kanyang buhok. "You guys are being irrational." -Spencer "Wala akong pake. Tsaka hindi ka galit sa kanila? Bugbog sarado ka nga oh dahil sa kanila." -Rudolfo "What they did to me is another thing. Maging objective kayo guys, hindi subjective. Mars is beauti---"  "Ashueshueshueshue lalalala wuwuwuwu blah blah blah..." singit ko kay Spencer habang tinatakpan ang aking tenga kaya natawa naman siya. Nakaramdam ako ng tuloy-tuloy na pag-vibrate mula sa aking bulsa at bigla akong kinabahan. No'ng tiningnan ko kung sinong tumatawag, mas lalo akong kinabahan. ~*~ Nandito ako ngayon sa sala, parang tutang nakaupo sa sofa. Pinagmamasdan ko lamang ang mga paa sa aking harapan na kanina pa pabalik-balik: pupunta siya sa kaliwa, tapos pupunta na namang kanan. Wala akong balak na tumingala dahil ayaw kong magsalubong ang aming tingin. Anak ng butandeng.  "4th year ka na. 4th year high school ka na sana eh. 4th year ka na pero hindi ko maintindihan kung bakit 'yang utak mo pang-elementary pa rin. Ay mali pala, buti pa no'ng elementary ka eh matino 'yang utak mo kaysa ngayon." Napapikit na lamang ako at naghihintay ng sapak galing sa Kuya Ares ko. "Taon-taon nalang ako tinatawagang nasa detention room ka. Kung hindi sa detention, sa clinic naman. McKinley, naaalala mo pa naman siguro kung bakit ka namin ipinasok diyan sa eskuwelahan na 'yan 'di ba?"  "Sorry na," sabi ko at ngumuso. "I was only enjoying my high school life."  "Yeah yeah, masyado ka pa ngang loyal sa detention at clinic eh," sabi niya at pinitik ang aking noo. "Kuya naman eh," bulong ko habang hinihimas ang aking noo. "McKinley, kailangan naming magawa mo ito nang maayos. Ilang buwan nalang ga-graduate ka na. We need your help para sa...aish!" Napabuntong-hininga na lamang si Kuya Ares at napaupo sa aking tabi. Sinilip ko siya at nakitang nakapikit siya kaya napakamot nalang ako sa aking ulo. Napansin kong sumilip si Kuya Pierre mula sa kusina. "Ares, are you done---" "Kuya Pierre, kami muna ni McKinley ang mag-uusap," singit ni Kuya Ares kay Kuya Pierre kaya umalis na muna siya. "Kuya Ares---" "McKinley."  Napaupo ako nang maayos no'ng mahigpit niyang binanggit ang aking pangalan. "Do you still want to do this?" Mmahong tanong niya sa akin. Napabuntong-hininga ako at humarap kay Kuya. Nakita ko naman siyang nakatingin sa akin habang nakasandal ang kanyang ulo sa sofa. "Look, I'm sorry. Like I said I was only enjoying my high school life pero hindi ibig-sabihin no'n eh nakalimutan ko na ang purpose ko. Ayoko lang kasing masyadong seryoso dahil hindi raw bagay sa 'kin ang magseryoso," paliwanag ko. Napataas naman ang kanyang kanang kilay. "Sinong nagsabi?" "Si Rudolfo at Spencer," sabi ko at napanguso. "Pati si Nathalie," bulong ko. Ginulo ni Kuya Ares ang buhok ko. "Just...don't make your life hard for you. Alam mo namang ayaw naming mga kuya mo na ganito 'yong buhay mo," mahinahong sabi niya sa akin at niyakap ako. "Punta na tayo sa kusina." At nagtungo kami sa kusina. "Oh? Ano na? Humigpit na ba ang turnilyo sa utak niyang kapatid mo?" bruskong tanong ni Kuya Yaundé habang nakapameywang at may hawak na sandok. "Hoy kapatid mo rin kaya ito!" bulyaw ni Kuya Ares sa kanya. "McKie!" tawag sa akin ni Kuya Stein (with open arms) kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "McKie cutie~" sabi niya habang pina-pat ang ulo ko. Ano ako, aso?  "Kapatid ko 'yan kung matino ang utak niyan! Eh hindi naman 'yan matino!" sumbat ni Kuya Yaundé habang nagluluto. "Edi magkapatid nga kayo! Akala mo matino ka? Ulul!" -Kuya Ares "Ululin mo mukha mo!" -Kuya Yaundé "McKie, bakit sila nag-aaway?!" tanong sa akin ni Kuya Stein habang tinuturo sila. "Kasi nagdadalawang isip sila kung kapatid ka nila. Pangit ka raw eh," pang-aaway ko kay Kuya Stein. Bigla naman siyang natigilan at unti-unting naluluha na parang bata. "Kinley huwag mo nga 'yang awayin! Alam mo na ngang retarded 'yang isang 'yan---" Binatukan ni Kuya Ares si Kuya Yaundé dahil sa kanyang sinabi. "Gago ka pala eh!" -Kuya Ares "Jusko naman." Nakita kong napasapok nalang ng noo si Kuya Pierre kaya lumapit ako at umupo sa tabi niya. "Are you okay now?"tanong niya sa akin. "Mm!" Tumango ako sa kanya. "Pupunta ka pa rin ba mamaya?" tanong niya at inakbayan ako. "Huwag ka munang pumasok. Gabi na masyado oh." "Kailangan kong pumunta, kuya. May gagawin akong report na ipapasa eh." "May pinagawa na?"  Umiling ako sa kanya. "Wala pa naman. Update lang 'yong gagawin ko."  ~*~ Rainier Rudolf's Point of View "Mamaaaaaa! Wala na akong medyaaaaas! Nasa labahan lahaaaaat!" sigaw ko habang pababa ng hagdan. Nakita ko sina mama at papa na nasa sala at nanonood ng palabas. Nakaakbay si papa kay mama habang nakaupo sila sa sofa. "Tiningnan mo na ba ang kabinet mo?" tanong ni mama sa akin habang nakatutok pa rin sa kanyang pinapanood. "Wala na akong medyas," sabi ko at umupo sa hagdan. "Eh sa ilalim ng kama mo?" tanong niya ulit. Napatigil ako saglit at mabilis na umakyat pabalik ng kuwarto. Sinilip ko ang ilalim ng kama ko at nakakita ng naka-rolyong medyas. "Wow, magic."  Sinuot ko ang aking medyas at sapatos at kinuha ang aking bag. Paglabas ko ng kuwarto... "Oh? Hindi ka pa pala nakaalis?" tanong sa akin ng kuya ko na kararating lang galing sa trabaho. Umiling ako. "Nagka...aberya kanina eh," sabi ko at napatingin sa ibang direksyon. Pumunta siya sa aking harapan at pinag-krus ang kanyang mga braso. "Ano na namang kalokohan 'yan?" tanong niya at pinagtaasan ako ng kilay. "Um...hehe." Natawa lang ako at napakamot ng ulo. "Galing ng field trip 'yan," sumbong ng ate ko na kalalabas lang ng kuwarto. "Ate!" sita ko kay Ate Rian. "Field...trip?" nanggigigil na tanong ni Kuya Rein. "Ipaliwanag mo nga kung bakit kayo may field trip sa unang linggo ng pasukan?"  "Kuyaaaa labyuuuu~" panglalambing ko kay Kuya Rein. "Ulul," sabi ni Ate Rian at pinitik ako sa noo. "Oh halika na. Ihahatid na kita," sabi ni Ate Rian kaya bumaba na kami. "Sandali, sasama ako!" -Kuya Rein "Kuya, kararating mo nga lang eh. Magpahinga ka nalang diyan," sabi ni Ate Rian. "Mamaaa, papaaaa, alis na akoooo," pagpapaalam ko kina papa. Tumayo naman sila para ihatid kami ni Ate Rian sa gate. Bubuksan na sana ni Ate Rian ang driver's seat nang bigla siyang inunahan ni Kuya Rein. "Kuya!" -Ate Rian Sina mama at papa natawa nalang. "Sasabay ako sa paghatid. Ako ang magd-drive," ma-awtoridad na sabi ni Kuya Rein. "Kaya ko naman eh," bulong ni Ate Rian at napanguso. "Mag-iingat kayo, anak," sabi ni papa. Lumapit ako sa kanila at nag-kiss bago ako pumasok sa sasakyan. "Bye ma, pa!" paalam ni Ate Rian na kasalukuyang nakaupo sa shotgun seat. "We'll be right back," paalam ni Kuya Rein at umalis na kami. "How's your studies?" istriktong tanong ni Kuya sa akin kaya napalunok ako. "Maayos lang naman kuya hehe. I learned a lot," palusot ko. "Are you sure?" -Kuya Rein "Opo. I love learning, hehe."  Natawa naman si Ate Rian. "Na-detention 'yan kanina," sabi niya sabay turo sa akin. Ang ganda talaga ng ate ko kahit kailan.  "Taon-taon nalang ba 'yan, Rainier?" -Kuya Rein "Kuya naman iiiihhh." -Ako "Hayaan mo na basta makaka-graduate lang." -Ate Rian "Kaya nagkakaganyan 'yan kasi pinagbibigyan mo eh!" pangangaral ni Kuya Rein kay Ate Rian. "I wanted her to enjoy her life the way she wanted to," nakangiting tugon ni ate sa kanya. "Awwww," react ko. "So tingin mo mapapatawad na kita niyan?" tanong ko kay ate kaya napatawa siya nang malakas. "Am I missing something?" -Kuya Rein "Pinagalitan niya ako kanina at nakatanggap ng ilang sapok galing sa kanya!" pagbabalita ko kay kuya. "Eh kasi naman nag-field trip sila eh pang limang araw pa nga lang ng pasukan! Katatawag lang sa akin kahapon na na-detention siya, tapos mababalitaan ko nalang ngayon na na-detention siya ulit?! Siraulo!" pagre-reklamo ni ate kaya si kuya naman ang natawa. "Pareho lang kayo, gunggong." -Kuya Rein Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa aming destinasyon. May kalayuan kasi ito kaya hinahatid ako ni kuya o ate, paminsan naman sabay nila akong hinahatid tulad ngayon. Nagpaalam na ako kina ate at dumiretso na sa loob ng isang bahay. Pagpasok ko, masigla ang kapaligiran. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa isang kuwarto. May mga bumabati sa akin sa daan kaya't binabati ko rin sila't nginingitian. Pagpasok ko ng kuwarto, nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa swivel chair. Humarap ito sa akin at nginitian ako. "Yo!" bati sa akin ni Spencer. ▪▪▪
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD