McKinley Arthur's Point of View)
"KINLEY! GUMISING KA NA DIYAN! WALANG HIYA KANG DEMONYITA KA! HOY! HANGGANG KAILAN MO BINABALAK MAKIPAGHALIKAN DIYAN SA UNAN MO?" Mabungangang sigaw ni Kuya Yaundé.
Ugh. Nagkapalit na naman sila ng ugali ni Kuya Stein.
"HOY!" Sigaw niya at tinaggal ang kumot na nakabalot sa akin.
"AT BAKIT NAKA-PANTY KA LANG?"
Bigla akong napatayo mula sa pagkakahiga at napatingin sa aking pambaba.
Bakit naka-panty lang ako?
Palipat-lipat ang tingin ko kay Kuya Yaundé at sa panty ko.
"Mahilig ka sa bunnies?" Tanong niya.
"LINTEK KA KUYA! LUMABAS KA NGA! MANYAK!" Bulyaw ko at pinagpapalo siya ng unan hanggang sa makalabas siya ng kwarto ko.
PUNYETA! BAKIT BA NAKA-PANTY LANG AKO?!
Marahas kong kinuha ang tuwalya ko, pumasok ng banyo at naligo.
Jusko.
Tumagal ako ng ilang sandali sa banyo para magpalamig ng ulo.
At paglabas ko ng banyo...
"Fuwaaaaaaah~ Ang cute nitong bunny~" -Kuya Stein
"Ang dami nga niyang panty na bunny ang design. Baka mahilig nga talaga siya sa bunnies." -Kuya Pierre
"Demonyitang mahilig sa bunnies?" -Kuya Yaundé
"Hindi ko alam na mahilig siya sa...bunnies." -Kuya Ares (namumula)
Napakuyom ako ng aking palad.
"Mga gago..." Diin ko habang nanginginig sa sobrang galit. "BAKIT N'YO BA HINAHALUNGKAT 'YANG KABINET KO?!" Sigaw ko nang pagkalakas-lakas.
Bigla silang napatigil at dahan-dahang lumingon sa akin.
"Hi McKie~!" Bati sa akin ng isip-batang si Kuya Stein.
"M-McKinley!" -Kuya Ares
"Ley! Hehe..hi?" -Kuya Pierre
"Kinley! U-Uy!" -Kuya Yaundé
Emotionless ko silang tinignan.
"SI KUYA PIERRE ANG MAY KASALANAN! / KASALANAN NI YAUNDÉ! / SI ARES ANG MAY PASIMUNO! / ANG CUTE NI BUNNY!" -Kuya Ares/Kuya Pierre/ Kuya Yaundé/Kuya Stein
"LABAS!" Sigaw ko at tinuro ang pinto.
Mabilis naman silang gumalaw at lumabas ng kwarto ko. Napasapok ako ng aking noo.
Jusmeyo. Gusto kong kumatay ng tao.
"Susmaryosep," bulong ko at nagbihis.
Bakit ba kasi naka-panty lang ako ha? Ayan tuloy, nabulgar 'yong mga kuneho ko.
Narinig ko namang nag-ring ang phone ko at nakitang si Spencer ang tumatawag. Huminga muna ako nang malalim para pakalmahin sarili ko bago ko sinagot ang tawag para naman 'di ako masungit pakinggan.
"Yis hilu?"
"Go to school ASAP," utos niya sabay baba ng tawag.
Pota.
Inihanda ko ang aking mga gamit at bumaba na. Pagkababa ko, nakita ko silang apat na nakalinya.
Magso-sorry siguro.
"Ley sor--"
"Ayos lang basta huwag n'yo nang ulitin," singit ko at dali-daling nagsuot ng sapatos. Napansin siguro nilang nagmamadali ako kaya biglang sumeryoso ang kanilang ekspresyon.
"Hatid na kita," seryosong alok ni Kuya Ares.
Pumayag nalang ako sa alok ni kuya para mas madali akong makarating sa eskuwelahan. Habang papunta kami sa eskuwelahan, nakatanggap ako ng text message galing kay Rudolf.
Sender: Rudolf the Ugly Reindeer
Subject: ASAP
Diretso ka agad sa clinic.
"Ano bang meron?" Naibulong ko.
Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa eskuwelahan. Agad akong bumaba at dumiretso sa clinic. Pagpasok ko, sina Rudolf, Spencer, at Syd (na nakahiga sa kama) ang nadatnan ko. Nagulat ako nang makita kong puro sugat at pasa si Syd.
"Anong nangyari?" Tanong ko at lumapit sa kanila.
"Zionians," tipid na sagot ni Spencer.
The f**k?
"Napagtripan ata ako. Ako ang naunang dumating sa room kanina eh," natatawang sagot ni Syd.
"Punyeta," bulong ko at napakuyom ng palad. "Who did that to you?" Tanong ko.
Umiling naman si Syd at napakamot ng ulo. "Hindi ko kilala eh," sabi niya nang mahina.
"Isa siguro 'yon sila sa mga magiging teachers natin," hula ni Rudolf.
Tiningnan ko ang mga sugat ni Syd at napansing may ibang gumaling na.
Tsk! Buti nalang O-Class si Syd tulad ni Rudolf.
"But seriously, hurting a student when classes haven't even started yet means violation of the school rules. Pwede natin itong i-reklamo," saad ni Spencer.
Napatahimik kaming lahat. Bigla kong naalala ang mga karanasan namin sa eskuwelahang ito. Gusto ko tuloy matawa sa sinabi ni Spencer.
Ulol.
Alam naming wala pa ring silbi kung irereklamo namin ito. The implemented school rules were just for facade. Equality doesn't exist in this rotten school.
Zion-Sequoia Academy, iyan ang pangalan ng eskuwelahan namin. Hindi ito sikat at malapit ito banda sa kagubatan. At sa eskuwelahang ito, walang ordinaryo.
Nahahati ito sa dalawang teritoryo: Zionian Territory, at Sequoian Territory.
Ang mga estudyanteng nakasuot ng itim na uniporme ay mga "Zionians." Sila yung mga tinatawag nating mga mafiosi. They work under a certain organization or something. Kung anong pangalan, hindi na namin alam. Ang pagkakaalam lang namin eh nagta-trabaho sila para sa "Sovereign Leader" ng school. At sa oras na pinili mong maging mafioso, habang buhay ka nang maglilingkod para sa Sovereign Leader (which actually sucks).
At dahil ayaw namin ng gano'ng buhay, hindi po kami sumunod hehe. Kaming mga puti ang uniporme ay tinatawag na Sequoians. "Rebels in white," ika nga ng mga Zionians kasi hindi kami sumusunod sa "rules and regulations kuno" ng eskwelahan. Ang iba sa amin gusto ng mapayapang pamumuhay na taliwas sa buhay ng mga mafiosi kaya pinili nilang maging rebelde. Dalawa lang naman kasi ang pwede mong piliin: maging mafioso o maging rebelde. At kung nagtataka kayo kung anong ginagawa sa aming mga rebelde, they are "taming" us. And by "they," I meant the Zionians.
Kung nagtataka kayo bakit ganito dito, aba hindi rin po namin alam. Gustuhin man naming lumipat, wala rin namang tatanggap sa amin na ibang eskwelahan. May mga sumubok na lumipat kaso bumalik rin dito pagkatapos ng ilang araw. Ewan, may ginagawa siguro 'tong eskwelahang ito para maibalik ka dito.
"Heh, this is bullshit," sambit ni Rudolf at umalis ng clinic.
"And pretty f****d up," saad naman ni Spencer.
Tumambay ako ng ilang oras sa clinic. Si Syd, natulog. Si Spencer naman, ayun nakatulog. Matapos ang ilang minuto, lumabas ako ng clinic at dumiretso sa FRB building. No'ng medyo malapit na ako sa building, may naririnig at nakikita na akong hindi maganda.
"Wiiieeeeee~"
"Fire in the hoooole! Boom!"
"I can be tough, I can be strong.."
"Teka kunin mo 'yong thumb tacks. Ilagay natin sa upuan ni Sir Thor."
May mga nagliliparang gamit, may narinig pa akong nabasag, trash-talks, tapos may parang nagpa-parkour, mga nagtatawanan, atbp.
"Yep, hindi na ito bago."
~*~
"Ba't ang gulo dito?" Tanong ko kay Deisse (na nakasalubong ko sa labas ng room) nang makarating ako sa section namin.
"Walang pasok ngayon. Cancelled ang classes kasi may meeting daw ang mga Zionians," sagot niya sa akin.
Meeting?
"Ah gano'n ba---" Nagulat ako nang may biglang sumabog sa loob kaya pumasok kaagad kami ni Deisse sa room. "Hoy anong---shit." Nakita kong duguan ang isa kong kaklase, si Tom.
"Damn," singhal nito.
Dali-dali namang lumapit sa kanya si Deisse at inalalayan. Ang iba kong mga kaklase nagulat din sa biglaang pagsabog.
"Hala anyare?!"
"Ano ba naman 'yan! Pangatlong araw palang ng pasukan, may sumabog na sa room."
"Tanginang Zionians."
"Ang kapal ng mga pagmumukha nila, sa susunod pa kaya na linggo sila magtuturo!"
"May meeting sila ngayon 'di ba?"
"Tsk! Nag-iwan pa ng sorpresa."
Rinig kong reklamo ng aking mga kaklase.
"Ano bang nangyari?!" Tanong ko kay Dyke na malapit lang sa akin. Nakita kong nakatulala lang si Dyke at hindi sumasagot kaya medyo niyugyog ko ang kanyang balikat.
"H-Ha?" Tanong niya nang makabalik na siya sa realidad. "Teka si Tom---"
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko ulit.
"May kukunin lang kasi sana siya sa ilalim ng desk niya para ipakita sa akin tapos biglang..." Parang hindi pa rin makapaniwala si Dyke sa nakita.
Inihatid nina Deisse at iba ko pang mga kaklase si Tom sa clinic. 'Yong iba na hindi tumulong, nagsibalikan sa kanilang ginagawa bago ang pagsabog. Si Dyke naman dumiretso sa sirang desk ni Tom at kinilatis ito.
"Wala kang napansin?" Biglang tanong ni Dyke.
"Ako tinatanong mo, Dyke?" Tanong ko pabalik, malay mo hindi pala ako ang kinakausap nito.
"Oo. Malakas 'yong pagsabog kanina 'di ba?" Tumango ako sa kanya.
"Bakit? Anong problema?" Tanong ko sa kanya, parang hindi siya mapakali eh.
Tsaka hindi naman as if na bago ito sa amin. Parang naging war zone na rin kasi itong building namin, parang araw-araw sumasabak sa gyera.
"Bakit isang desk lang ang nasira?"
Bigla akong napatigil sa tanong niya.
"I mean...kung malakas na pagsabog yung narinig mo, natural iisipin mong malaki ang pinsala na nadulot nito diba? Not to mention, sumabog ito sa loob ng silid-aralan. Dapat nagkalat na yung ibang gamit dahil sa lakas ng pagsabog," paliwanag niya.
Tsaka ko lamang napansin ang hitsura ng aming room. Isang desk nga lang talaga ang nasira.
"Teka Dyke, kinikilabutan ako. Ano 'to, paranormal activity?" Pabiro kong sabi.
Napahilamos ng mukha si Dyke at tila iniintindi pa ang nangyari.
"Ang malas naman ni Tom." Narinig kong bulong ng isa kong kaklase.
Teka...puro pasa't sugat si Syd kanina. Tapos ngayon, napuruhan si Tom sa pagsabog ng desk niya. Ang sabi ni Syd, siya ang nauna kanina sa room kaya raw siguro siya ang napagtripan ng Zionians. Pero teka, bakit may Zionians sa room nang gano'n kaaga?
Dali-dali kong tiningnan ang ilalim ng ibang desks.
Baka may nilagay silang pampasabog o kung ano man sa desks namin kaya sila dumating nang maaga.
Kaso walang laman ang ilalim ng ibang desks. Sinuguro ko pang natingnan ko lahat ng desks kaso wala talaga.
Kay Tom lang? Bakit kay Tom lang?
"Bakit? May nakita ka, Mac?" Tanong ni Dyke.
"Wala. Naisip ko lang kasi na baka may nilagay din na bomba sa desks natin kaya tiningnan ko, kaso wala."
Zionians lang ang pwedeng may gumawa nito. Wala naman kasi kaming ibang kaaway, sila lang. Kaso bakit kay Tom lang? Kanina, si Syd. Ngayon, si Tom. 'Di kaya iisa-isahin kami nito?
"Parang hindi ata 'yon bomba eh." Napalingon ako kay Dyke. "Parang ibang klase ata 'yon. Nabulag ako nang ilang segundo eh," sabi niya sa akin.
"Uh....diba may gano'n naman talagang pampasabog? I mean, pwede ka namang mabulag ng ilang segundo sa flash bang," saad ko.
"Hindi, hindi. Iba 'yong nangyari sa akin eh. Nandilim kasi paningin ko. 'Yon bang parang nag-black out bigla. Tapos parang nabingi rin ako ng mga limang segundo tapos hindi ako makagalaw," paliwanag niya sa akin.
"Normal na reaksyon lang naman ata 'yan, Dyke."
Hindi pa rin mapakali si Dyke kaya tinapik ko ang kanyang balikat.
"Puntahan nalang natin si Tom sa clinic," suhestiyon ko at nagtungo kami papuntang clinic.
Nang makarating na kami sa clinic, nakita kong marami ng estudyanteng mula sa iba't ibang year level ang nakahiga sa mga kama. Nakita agad namin ni Dyke sina Deisse kaya nagtungo kami sa pwesto nila nang may biglang tumawag sa akin.
"Miss Macmac, naparito ka? Tatambay ka ulit?" Bungad sa akin ni Ma'am Diana, school nurse namin.
"May bibisitahin lang po kaming kaklase, Ma'am," sabi ko. Napabuntong-hininga si Ma'am Diana.
"Ilang beses ko bang sabihin sa 'yo na huwag mo akong tawaging Ma'am," aniya at ngumuso.
"Nye, papagalitan ako ni Kuya Ares eh," sabi ko at napangiwi.
"Hindi ko naman sasabihin sa kanya na 'di mo ako tinatawag ng Ma'am. Ang awkward lang kasing pakinggan."
"Uy andito pala si McKinley Arthur!" Sigaw ni Ma'am Dina, kakambal ni Ma'am Diana na school nurse rin, at tumakbo papunta sa akin.
"Kumusta?" Tanong niya at inakbayan ako. "Balita ko nagbebenta ka raw ng binatog---aray! Teka---" Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin sapagkat pinagpapalo siya ni Ma'am Diana.
"Umayos ka nga! Para kang baliw diyan eh," bulyaw ni Ma'am Diana at pinalo ulit ang kanyang kakambal, bago siya bumalik sa kanyang mesa.
"Biro lang, 'to naman," sabi ni Ma'am Dina at ngumuso. Lumingon si Ma'am Dina sa akin at naningkit ang kanyang mga mata habang hinihimas-himas ang pinalong parte sa kanyang braso. "Bakit ika'y naririto, McKinley Arthur?" Bulong niya sa akin at tila pinaghihinalaan ako.
Jusko kung hindi lang sana ako kakatayin ni Kuya Ares baka kanina ko pa 'to nabatukan.
"Bibisitahin ko lang kasi sana 'yong mga kaklase ko," sagot ko. Bigla namang tumawa si Ma'am Dina.
"Akala ko tatambay ka na naman dito eh!" Sabi niya at tinapik-tapik ang aking likod.
"Nga pala Macmac, umalis na sina Syd at Spencer," pag-abiso ni Ma'am Diana.
"Saan daw po pupunta?" Tanong ko.
"Hmm...ang sabi sa room sila pupunta. Hindi mo nakasalubong?"
Napakunot ako ng noo. "Hindi po," sagot ko at umiling.
Nakaramdam ako ng pag-vibrate sa aking bulsa kaya tiningnan ko ang aking phone at nakitang nag-text sa akin si Rudolf.
Sender: Rudolf the Ugly Reindeer
Subject: C'mere
Punta ka sa tambayan.
"Sige po," pagpapaalam ko kina Ma'am Diana at Ma'am Dina. Tumungo muna ako kina Tom bago aalis papuntang tambayan.
"How is he?" Tanong ko kay Deisse.
"'Yong mga minor wounds, nag-close na. 'Yong mga malala talaga, aabutin pa ng ilang oras bago gagaling," paliwanag niya sa akin.
O-Class si Tom tulad ni Rudolf at Syd at kailangan niya lang ng pahinga para maka-recover nang maayos.
"Sige mauna na ako Deis," pagpapaalam ko at dumiretso na sa lumang auditorium, dakilang tambayan namin.
~*~
"Nasabugan si Tom," bungad ko habang nag-aalis ng sapatos.
"What?!" Napalingon ako nang makarinig ako ng hindi lang isang boses at nakitang kasama pala ni Rudolfo sina Spencer at Syd sa stage.
"Sumabog ang desk ni Tom kanina. Ang mga minor wounds gumaling na, 'yong mga malala nalang ang hindi. Nagpapahinga siya ngayon sa clinic," paliwanag ko.
"Bakit sumabog?" Tanong ni Spencer na nagha-handstand.
Nagkibit-balikat ako dahil hindi ko naman talaga alam kung anong meron sa desk niya kaya sumabog.
"Ewan din. Zionians na naman, as usual," sabi ko.
"Damn that bastards," bulong ni Rudolf na nakadapa sa sahig.
"Tayo ang bastards, Rainier," pagbabara ni Spencer kaya natawa kaming dalawa ni Syd.
"Heh, f**k you," diin ni Rudolf at nag-midfing.
"Ayokong pumasok bukaaaas," reklamo ni Syd saka humiga sa sahig.
"Edi 'wag ka pumasok," sabay naming sambit ni Rudolfo.
"Jinx," sabay ulit kami.
"Jinx again," sabay na naman ulit kami.
"Our mental synchronization..." Singit ni Spencer.
"...can have but one explanation!" Dugtong namin ni Rudolfo.
"Frozen ampotek." -Syd
Sabay kaming nagtawanan lahat. Hindi na kami bumalik ng aming room dahil wala rin namang papasok na teacher. Nagkuwentuhan at nagbiruan kami rito sa lumang auditorium hanggang matapos ang araw.
▪▪▪