McKinley Arthur's Point of View
"Nice to meet you," sabi ng isang lalaki na nasa gitna.
Napako kaming lahat sa aming kinatatayuan. Tahimik. Hindi makapaniwala. Nararamdaman kong tumutulo ang aking dugo ngunit wala akong nararamdamang sakit galing sa aking sugat.
"s**t," narinig kong bulong ni Rudolf.
Nakatingin lamang ako sa limang lalaking nakasuot ng kulay itim na uniporme na nakatayo sa harapan.
Bakit andito na ang mga 'yan?
Pangalawang araw ng pasukan, buong akala namin magiging isang ordinaryong araw lamang ito katulad ng kahapon. Laking gulat na lamang namin nang may biglang pumasok na limang lalaki at pinaulanan kami ng bala.
Sa susunod na linggo pa dapat sila papasok. Punyeta.
"Oh ba't ang tahimik n'yo?" Tanong ng isa pang lalaki.
Class...anong Class niya?
Kinilatis ko sila nang mabuti hanggang sa napagtanto kong...
"Nyeta nakasuot ng wig," bulong ko. Nakasuot sila ng wig kaya hindi ko matukoy kung anong Class sila.
"At contact lenses," bulong din ni Rudolf.
There's only one way to find out.
Nagtinginan kami ni Rudolf at tumango sa isa't isa.
Sinugod ni Rudolf 'yong lalaking nagsalita kanina kaya bahagyang nagulat 'yong lalaki. Masusuntok na sana siya ni Rudolfo sa mukha nang mabilis itong nakailag at sa isang iglap, nakatayo na siya sa likod ni Rudolfo at siniko ito sa batok.
Isang G-Class.
'Yong iba ko namang kaklase, kababalik lamang sa realidad mula sa pagkakatulala. At tulad ng ginawa ni Rudolf, sumugod din sila sa iba pang mga lalaki na nasa harapan.
Langya 'to. Balak ko pa naman maging tamad ngayong araw.
Pumwesto ako banda sa sulok sapagkat ayokong sumali sa gulo at ayokong matamaan ng mga nagliliparang mga gamit.
Bahagya akong nagulat nang tumilapon si Deisse sa likod kaya napatingin ako sa lalaking may gawa no'n sa kanya. Nakita ko siyang walang kahirap-hirap na binuhat at itinaas ang isang upuan gamit lamang ang isang kamay.
Oh no don't tell me..
"Deisse," tawag ko sa kaklase ko habang nakatitig pa rin sa lalaki.
Itinapon ng lalaki ang upuan patungo sa direksyon ni Deisse.
Isang V-Class.
Buti na lamang ay mabilis na nakailag si Deisse kaya sa pader tumama 'yong upuan.
"Eh kung tumulong ka kaya rito ha?!" Bulyaw ni Deisse sa akin pero tinawanan ko lamang siya.
Noway hosay.
Patuloy pa rin ang gulong nangyayari sa loob ng aming silid-aralan. Malas nga lang ang grupo namin dahil wala kaming armas. Samantala 'yong mga lalaking 'yon armado kaya kanina pa sila nagpapaulan ng bala (kaya rin kanina pa ako umiilag).
Buti nalang talaga hiwalay ang building namin sa regular sections kundi kanina pa kami nakabulabog ng klase.
Sumiksik ako sa isang sulok at tinakpan ang sarili ko ng mga upuan.
Ayokong sumali sa gulo eh.
Sumilip ako sa mga nangyayari sa harap, nagbabakasakaling matukoy ko kung ano ang Class no'ng iba pang mga lalaki. Napalingon ang aking mga mata sa isang lalaking nakatayo lamang sa harap.
Siya 'yong nagsabi ng "nice to meet you" kanina.
Tumingin siya sa kanyang relo at pagkatapos ay tinawag ang iba niyang kasama kaya't biglang natigil ang bakbakan.
Aba gano'n lang? Leader siguro nila ito.
May binulong siya sa kanila at tumango ang mga ito.
"We'll be teaching Math. See you tomorrow," sabi no'ng leader nila.
"At saan kayo pupunta?" Tanong ni Rudolf sa kanila. Mabilis namang nakarating si Deisse sa pinto at hinarangan ito.
"Mga brad nagsisimula palang tayo," saad ng kaklase kong si Syd.
Wow galing ang tatapang naman! Kayo na bahala diyan. Spectator n'yo lang ako.
Kumunot ang noo ang leader nila. "Bastards," sambit nito at naglabas ng baril.
~*~
Nakatitig lamang ako sa kalangitan.
"Makulimlim," banggit ko.
"Yeah," sagot ni Rudolf.
Kasalukuyan kaming nakahiga rito sa rooftop at pinagmamasadan ang kalangitan.
"Ang tahimik," sabi ni Rudolf.
"I wonder why," bulong ko.
Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan. Ilang minuto kaming hindi gumagalaw dahil....masakit gumalaw.
"Langya ang sakit ng katawan ko," sabi ko.
"Same here."
Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya.
"Hindi ka pa gumagaling?" Tanong ko.
"Ang ibang sugat gumaling na. Kaso may mga open wounds pa ako na mahirap pagalingin kasi kinukulang ako sa stamina," paliwanag niya at napabuntong-hininga. "Grabe. Sinong mag-aakalang mapapagod kaagad ako sa 2nd day of school," bulong niya.
Tahimik lamang ako habang pinapakiramdaman ang mga sugat na natamo ko.
Ang sakit talaga. Walanjo. Kung tumahimik lang sana ako kanina, hindi siguro ako paralyzed ngayon.
(pagbabalik-tanaw...)
"Bastards," sambit nito at naglabas ng baril.
Natigil ang lahat nang pinaputok niya ito sa itaas. Naramdaman ko namang biglang bumigat at sumeryoso ang kapaligiran.
Balak ko sanang magtago ulit nang may biglang nahagilap ang aking mga mata.
Wtf.
"HAHAHAHAHAHA!"
Napalingon ang lahat sa akin.
"What's funny, young lady?" Tanong no'ng leader nila ngunit hindi ako sumagot at tumawa lang.
At dahil tawa lamang ako nang tawa, pinaulanan ako ng bala.
(pagtatapos ng isang balik-tanaw...)
Pagkatapos no'n, nagbakbakan ulit sa aming silid-aralan. Maswerte nga ako kasi dalawang bala lang 'yong tumama sa akin, sa braso sila pareho. Tapos hindi naman gaano kalala ang iba ko pang sugat, salamat kay Rudolf. Kung hindi dahil sa kanya baka kanina pa ako k*****y.
Napangiti ako nang maalala ko ulit 'yong dahilan ng aking pagtawa kanina.
"Oh? Ngingiti-ngiti ka diyan?" Tanong ni Rudolfo.
"Wala. Naalala ko lang si Hello Kitty," saad ko at napatawa.
"Hello Kitty? Weird mo," usal niya.
"Yeah. Ang weird niya nga."
Narinig kong may bumukas ng pinto dito sa rooftop.
"Andito lang pala kayo," sabi ng isang lalaki.
Hindi kami lumingon sa kanya. Patuloy ko pa ring pinagmamasdan ang kalangitan nang may biglang sumulpot na ulo sa aking harapan.
"Yo!" Nakangiting bati ni Spencer sa akin at pinitik ako sa noo.
"Go die," sabi ko at nag-midfing sa kanya.
"Aww, I miss you too," usal niya at tumawa.
May nakakatawa ba?
"Anyways, narinig ko kung anong nangyari kanina," sabi niya at umupo sa tabi ko. "Buti naman buhay pa kayo."
Naramdaman ko namang gumalaw si Rudolfo.
"Aray aray teka---" Reklamo ni Spencer. "Teka don't get me wrong---aray teka Rainier--"
"Tch. Tingin mo nakakatuwa 'yong sinabi mo?!"
"Teka huwag n'yong masamain 'yong sinabi ko. I said that only because I was relieved. Really," pagpapaliwanag ni Spencer.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"What do you mean?" Tanong ni Rudolf.
"Actually, I was expecting something even worse than earlier. Kaya bumalik agad ako rito," bulong niya.
Napatayo naman ako at napatingin sa kanya.
"I have a bad feeling about this," bulong ni Rudolf.
Man, pakiramdam ko alam ko kung anong ibig niyang sabihin.
▪▪▪