1. Normal Beginning

2258 Words
"HOY BABAE! GUMISING KA NA NGA DIYAN! MAHIYA KA NAMAN SA AKIN! GINAGAWA MO AKONG ALARM CLOCK! Bakit ba ako ang gumigising sa 'yo? Potek. Kung kurutin ko kaya 'yang pwet mo? O buhusan kita ng mainit na tubig? Ay ikaw babae ka, sakalin kita diyan eh. HOY MCKIE! MAHIYA KA NAMAN SA KUYA MO! Kalalaki kong tao, ako ang gumigising sa iyo? Tsaka bakit ba ang kalat ng kuwarto mo?" Pinaglihi kaya 'tong Kuya ko sa manok? Putak nang putak. Masyadong mabunganga. Mabuti hindi siya napapagod sa kasasalita? Minulat ko ang aking mata at nakita siyang nililigpit ang mga nagkalat kong gamit sa sahig. "Ewan ko kung babae ka, napakaburara mo! Saan ka ba nagmana aber? Sa kapitbahay? Ay naku! Tadyakan kita diyan eh!" Tinakpan ko ang aking tenga. Bakit ba napakaarte nito? "Aba, ang bruha wala talagang balak gumising!" At bakit ba napaka-ingay niya? "Oh Stein? Mukhang may problema ka ah?" "Kuya Pierre! Si McKie kasi ayaw gumising. Tsaka ang kalat ng kwarto niya, parang 'di babae," sumbong ni Kuya Stein kaya bumangon na ako mula sa pagkakahiga. "Ikaw din Kuya Stein, parang 'di lalaki. Kung maka-putak ka diyan, dinaig mo pa 'yong manok ng kapitbahay natin," sabi ko sa kanya at humikab. Tumawa naman nang malakas si Kuya Pierre. "DINAIG MO PA DAW 'YONG MANOK! NICE---Sandali. May manok ba 'yong kapitbahay natin?" Tanong ni Kuya Pierre at napaisip. "Meron," taas-noo kong sagot sa kanya. "Ay ewan ko sa inyo! Inaaway n'yo ako!" Usal ni Kuya Stein at umupo sa sahig na parang bata. Nakarinig naman ako ng mga yabag ng paa na tumatakbo patungo rito sa kwarto ko. "Kinleeeeey!" Sigaw ni Kuya Yaundé at tumalon sa aking kama. "Gising ka na? Gising ka na?" Nakangiting tanong niya sa akin habang niyuyugyog ang balikat ko. "Hindi. Hindi pa ako gising," pagbibiro ko. "Wooow~ sleep talking!"  Napasapok ako sa aking noo. Ang uror namangha pa. Habang tuwang-tuwa si Kuya Yaundé at tumatalon-talon pa sa aking kama, sina Kuya Stein at Kuya Pierre naman ay patuloy sa pagdedebate kung babae ba talaga ako o hindi. Hustisya, nasaan ka? "HOY KAYO! UMALIS NGA KAYO DITO! GINUGULO N'YO SI MCKINLEY EH! UMALIS KAYO! ALIS!" Todo bigay na sigaw ni Kuya Ares habang tinataboy ang iba kong kuya. Huwaaaa~ maraming salama-- "AT IKAW MCKINLEY!" Baling niya sa akin at tinuro ako. "ALAM MO NAMANG UNANG ARAW NG PASUKAN NGAYON! DAPAT MAAGA KANG GUMISING! MALAKI KA NA MCKINLEY! BE RESPONSIBLE ENOUGH!" Hala siya ._. "Oh? Ano pa bang hinihintay mo? Pumuti ang uwak? TUMAYO KA NA DIYAN AT MALIGO!" Ma-awtoridad niyang sabi. O baka sigaw? Nagmadali naman akong tumayo at pumunta sa banyo dahil natatakot akong makurot ni Kuya Ares sa pwet. So... May apat po akong kuya. Si Kuya Pierre ang pinakapanganay. Easy-go-lucky lang at wala masyadong pinoproblema sa buhay. Hindi ko pa 'yan nakitang magalit (kaya kinakabahan ako paminsan sa kabaitan niya). Sunod, sina Kuya Stein at Kuya Yaundé. Magkambal po silang dalawa. Opo, magkambal po 'yong parang manok sa kakaputak at 'yong isip-bata kanina. Pero alam n'yo, nagpapalit din 'yan sila ng ugali paminsan. Haha! Astig ano? (Kaso nakakakilabot din). At ang bunso sa kanilang apat, si Kuya Ares. Siya ang pinaka-istrikto sa kanilang apat. May pagka-bipolar din paminsan-minsan (kaya ang sarap sapakin). Binilisan ko ang aking pagliligo para makapagbihis ako kaagad. Bakit ba kasi nakakatamad pumasok sa eskuwelahan? Inaantok pa ako. Dapat pala nagpakurot nalang ako kay Kuya Ares para kahit naman papaano mabuhayan ako at mawala 'tong antok ko. Kahit labag sa aking kalooban ay nagbihis na ako. Kaso masakit din kapag nagpakurot ako. Baka matanggalan ako ng balat nang wala sa oras. "MCKINLEY! BILISAN MO NGA RIYAN!" At dahil nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Kuya Ares (na sinamahan pa ng suntok sa pinto), biglang nagising ang aking diwa. Kinuha ko ang aking bag at nagmadaling inabot ang doorknob ngunit napatigil ako saglit. Aabutin ako ng 10.5 seconds kung gagamit ako ng hagdan. Tumakbo ako pabalik, nagtungo sa bintana at tumalon. Mas mabilis kung sa bintana ako dadaan. Hohoho~ At nakapag-landing naman ako nang maayos. Napangiti ako sa aking ginawa. Heh heh~ inabot lang ako ng 3.7 seconds. See? Mas mabilis kung sa bintana dadaan. At habang dinaramdam ko pa ang moment, bigla akong binatukan ng walang hiyang Kuya Ares ko kasabay ng pagputak ng kanyang mala-machine gun na bibig. "ILANG BESES KO NA BANG SINABI SA IYO NA HUWAG KA DIYAN SA BINTANA BABABA! PAANO KUNG MAY NANGYARI SA IYO? PAANO KUNG NABALIAN KA DIYAN NG BUTO DAHIL SA GINAGAWA MO? ABA EH!" Napapikit na lamang ako at napahawak sa aking batok. At kahit ilang beses ko nang sinubukang i-absorb sa utak ko 'yang mga sinasabi mo, talagang nire-reject ng utak ko ano. Error. Failed. No internet connection. Brain's server cannot be reached. Kung sinuswerte, minsan naman "loading..." "Ares~ masyado kang nag-aalala kay Kinley. Sa tinagal-tagal niyang pagtatalon mula sa bintana, wala namang nangyari sa kanya 'di ba?" Sabi ni Kuya Yaundé na kakalabas lamang at inakbayan si Kuya Ares. "Tama, tama," pagsang-ayon ko at tumango-tango. "Hintayin mo munang may mangyari sa kanya bago mo siya pagalitan. Kung nangangati na talaga 'yang dila mong pagalitan si Kinley, mas maganda kung itulak mo siya sa bintana. Tapos ipalabas mong aksidente 'yong nangyari sa kanya. Tapos tsaka mo na siya pagalitan," bulong ni Kuya Yaundé. Automatic namang gumalaw ang aking katawan. Sinipa ko si Kuya Yaundé sa kanyang tiyan nang pagkalakas-lakas na siyang dahilan ng kanyang pagkaupo sa lupa. "Baka nakakalimutan mong mabilis makasagap ng signal 'tong tenga ko?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Bad! Ang bad mo Kinley! Areeees! Inaway ako ni Kinley!" Sumbong ni Kuya Yaundé at kumapit sa binti ni Kuya Ares. Nakatanggap naman ng sapok sa ulo si Kuya Yaundé galing kay Kuya Ares. At dahil 'di pa natinag ang tukmol, pati ako nakatanggap din ng sapok. "KAYONG DALAWA! MAGSITIGIL NGA KAYO! KUYA YAUNDÉ, HINDI KA NA BABY! HUWAG KANG KUMAPIT SA AKIN, KINIKILABUTAN AKO! AT IKAW MCKINLEY, HUWAG MO BASTA-BASTANG SIPAIN ITONG KUYA YAUNDÉ MO! DAPAT KASI SINUNTOK MO NALANG SIYA SA MUKHA--" Tapos si Kuya Ares naman ang nakatanggap ng sapok mula kay Kuya Yaundé. At dahil hindi rin natinag ang gunggong, pati ako may sapok din galing sa kanya. Bakit pati ako? ._. "Kayong dalawa! Wala na kayong respeto sa akin! Alam n'yo bang ang gwapo ko?" "AT ANO NAMANG KONEK NG KAGWAPUHAN MO SA RESPETO ABER? AT BAKIT BA AKO NAKATANGGAP NG SAPOK?!" "Ares, nakalunok ka ba ng microphone?" "AT PAANO NAMAN NAPUNTA SA MICROPHONE ANG USAPAN NATIN?!" "Ah! Pinaglihi ka ni mama sa baka ano?" "AT BAKIT NA NAMAN NAPUNTA SA BAKA?! Kuya, ikaw 'yong pinaglihi sa baka. Hindi ako." "Woah! Hindi ka na sumisigaw! Na-low-batt na siguro 'yang microphone mo." "AT PAANO NAMAN NAGKAROON NG BATTERY ANG MICROPHONE?!" "Ayan, full charge ulit." Kalma lang McKinley. May sayad lang itong mga Kuya mo. Hindi pa naman malala. Hehe. "KUYA YAUNDÉ NAMAN! HINDI AKO NAGBIBIRO! SERYOSO, NAIINIS NA AKO!"  Nyeta, late na nga ako nag-aaway pa 'tong mga 'to. "Naiinis ka pa lang sa lagay na 'yan? Tsaka, bakit butterfly 'yang design ng damit mo?" "HINDI 'YAN BUTTERFLY! BUNGO 'YAN KUYA! BUNGO!" "Teka, male-late na ak---" Naputol ang aking sasabihin dahil sumingit si Kuya Yaundé. "Hindi. Butterfly 'yan eh. Tignan mo oh, may pakpak. Ay baka ibon 'yan. Si Tweety Bird?" "HOY! Ba't ang iingay n'yo ha?!" Sigaw ni Kuya Stein na kalalabas lang. Napasapok nalang ako ng noo. Afatay.  Dahan-dahan akong lumayo sa kanila dahil kung hihintayin ko pang humupa ang kanilang away para lang makapagpaalam sa kanila ay siguradong male-late ako sa eskuwelahan. "Ley!" Tawag sa akin ni Kuya Pierre. Lumapit siya sa akin at may iniabot na pera. "Baon mo." "Salamat!" Sabi ko at papaalis na sana nang muli akong tinawag ni kuya. "Sandali Ley!" Nagtaka naman ako kaya nilingon ko siya. "Wala akong good-bye-hug?" Tanong niya. Napatitig ako sa kanya at napakurap-kurap ng mata. "Um..hug?" -Kuya Pierre Pft. Ang cutie talaga ni Kuya Pierre.  "Oo na, oo na," sabi ko at niyakap si Kuya Pierre. Niyakap niya naman ako nang mahigpit. "Mag-iingat ka," sabi niya at ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya at umalis na. Minsan talaga nakaka-konsensya 'tong kabaitan ni Kuya Pierre. Dapat magpapakabait na ako ngayon. Dapat hindi na ako made-detention. Naglakad ako papunta sa aking eskuwelahan dahil malapit lang ito sa amin. Parang kahapon lang nagsasaya pa ako, tapos first day of school na pala ngayon. Nakakaiyak. Napatigil ako saglit sa paglalakad dahil may bigla akong naisip. Pwede naman sigurong mag-absent sa first day of school 'di ba? Tutal naman nabigyan na ako ng baon.  Napailing ako't nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad, napaisip ako sa mga bagay na maaaring mangyari sa amin ngayong school year. 1. Pareho pa rin naman ang mga kaklase ko. 2. Sa FRB-Section pa rin ako. 3. Magkaka-giyera na naman sa room namin. 4. Magiging tambayan ulit ang detention room at clinic. Ay. Walang bago? Ngek. Mga guro lang pala ang magbabago ngayong school year. Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa aming eskuwelahan at napansing kakaunti na lamang ang mga estudyanteng nasa labas. Hala nagsimula na ang klase?! Pagpasok ko ay dumiretso ako ng canteen, hindi sa section ko, upang mag-almusal. Matapos 'kong mag-order ay naghanap ako ng mauupuan. At pagkaupo ko, may ahas na dahan-dahang umakbay sa akin. "Heh~ First day of school, you're already cutting classes?" Tanong ng isang babaeng dark orange ang buhok at mata, isang O-Class. At kapag sinabi kong dark, ang ibig kong sabihin ay 'yong dark na dark na sa sobrang dark ay parang kulay itim kapag tinignan mo sa malayo. Tsaka mo lang mapapansin ang pagka-orange nito kapag tinitigan mo ito nang maayos. Pero sa kaso ko, madali ko lang matukoy ang kanilang kulay kaya mas madali para sa aking malaman kung anong Class sila. Pinitik ni Rudolf ang aking noo. Umupo siya sa aking harapan at kinuha ang isa ko pang sandwich. "Ang aga-aga, bakit ka nandito?" Tanong niya sabay kagat sa sandwich. At ako, ito nakatitig sa kanya at 'di maipinta ang mukha. Sa pagkakaalam ko ako ang nagbayad niyan. Ang kapal talaga nitong bruha na 'to. Sabunutan ko siya diyan eh. "Siguro kakain? Hoy kupal, ang kapal mo rin ano? Pagkain ko po 'yang kinakain mo," sabi ko. "Hindi na ngayon," taas-noo niyang sabi at ngumiti nang nakakaloko. Langya talaga 'tong bruhildang ito. "Akalain mong sa FRB-Section pa rin tayo," namamangha niyang sabi. "Ang bait daw kasi natin," mapanuya kong usal. Matapos kong kumain ay nagligpit na ako. "Tara Rudolf, pasok na tayo." Tumayo na ako at naunang naglakad. "Hoy! Huwag mo nga ako tawaging Rudolf!" Sigaw niya at nandiri. "O sige Rudolfo nalang! Late na tayo oy!" Sigaw ko habang patuloy pa rin sa paglalakad. Bigla akong napatigil nang may bwisit na nambatok sa akin. "Lintek ka talaga! Huwag mo nga ako tawagin sa second name ko. Tawagin mo akong Rainier," reklamo niya at sumabay na rin sa paglalakad. Bigla namang nag-shift from dark orange to light orange ang kulay ng buhok ni Rudolf nang masinagan ito ng sikat ng araw. At bumalik sa pagiging dark orange ang buhok niya no'ng nasa lilim na kami banda. "Edi huwag mo rin ako tawagin sa second name ko. Tawagin mo akong McKinley. Tsaka teka, 3 years na akong tumatawag sa iyo ng Rudolf o Rudolfo eh hindi ka pa rin nasasanay? Ako nga tanggap ko kung tawagin mo akong Arthur kahit nakakadiring pakinggan," sabi ko sa kanya. Pareho kaming napalingon nang may biglang tumunog na wangwang. "Kayong dalawa!" Tawag sa amin ni Sir Thor gamit ang kanyang megaphone. "Hala si Sir Thor..." Bulong ni Rudolf. "...at ang kanyang mahiwagang torotot," dagdag ko. Mabilis kaming tumakbo papunta sa FRB building upang matakasan si Sir Thor, head ng Prefect of Discipline. Kapag mahuli niya kami, tiyak na sa detention room ang bagsak namin ni Rudolfo. Lintek. Nangako pa naman ako kay Kuya Ares na hindi na ako magpapa-detention ngayong school year. Lagot ako no'n kapag na-detention na naman ako, ang sakit pa naman mangurot. Binilisan namin ang aming pagtakbo mula first floor hanggang fifth floor at kaagad na pumasok sa aming silid-aralan. Jusko, kakakain ko nga lang eh. "For 3 consecutive years, 'di pa rin nagsasawa si Sir Thor sa paghahabol sa atin," sabi ni Rudolf habang hinahabol ang kanyang hininga. "Hi Rainier! Hi McKinley!" Bati sa amin ni Deisse. Kung si Rudolf may dark orange na buhok at mata, sa kanya naman ay dark green ang kulay ng buhok at mata. Isang G-Class. "Nasaan ang iba? Bakit kaunti lang tayo?" Tanong ko. "Ang iba nasa detention room. Tapos ang iba hindi pumasok," marahan niyang sagot. "Talaga? Dapat pala hindi nalang din ako pumasok. Tutal, sa susunod pa naman na linggo dadating 'yong magiging guro natin eh," sabi ni Rudolf at nag-inat ng katawan. "Tamad," sabi ko. "Like you're one to talk," sagot niya. Binelatan ko lang siya at nagtungo sa pinakadulong upuan. "Himala. Hindi ka na-detention," marahang sabi ni Deisse sa akin. "Magbabagong-buhay na ako eh," sagot ko. Nagtaka naman ako nang wala akong narinig na protesta galing sa kanya kaya napalingon ako sa direksyon niya. "S-Sandali. Aalis ka na dito? Sa FRB-Section?" Nanginginig niyang tanong. Ipinatong ko ang aking mga paa sa desk at prenteng tinignan lamang siya. "Hoy inday! Hindi ba't sabi mo walang aalis sa klaseng ito?!" Biglang nagbago ang ugali ni Deisse kaya napangiti ako bahagya. "Chill down, young lady. Ito? Si Arturo? Magbabagong-buhay? Matanong nga kita Deisse, kailan magkakaroon ng berdeng buwan?" Tanong sa kanya ni Rudolf habang inaakbayan si Deisse. "Berdeng buwan? May berdeng buwan ba? Gaga walang berdeng buwan!" Sabi niya at binatukan si Rudolf. "Exactly! Same goes with Arthur," sabi ni Rudolf at prenteng umupo sa aking tabi. "Ha? Teka! 'Di ko ma---" "Gusto mo sapak? Doon ka sa gilid at intindihin mo 'yong sinabi ko. Huwag kang aalis kapag 'di mo nakuha ha? Shoo, shoo," pagtataboy sa kanya ni Rudolfo. "Idiot," bulong niya. "Nagsalita," bulong ko rin at nag-make face. "Arsehole." At kinurot niya ako. ~*~ Wala kami masyadong ginawa ngayong araw. Ang productive namin 'di ba? (Sarcasm). Eh kasi naman po sa susunod pa na linggo dadating ang mga guro namin. Kaya pagusto muna kami ngayong linggo. Ewan ko nga kung bakit ganito rito, every first week of school namin wala kaming guro. Tapos 'di naman kami payagang hindi pumasok sa unang linggo. Natapos ang aming araw na walang ibang ginawa kundi mag-usap, magtawanan, makipaghabulan kay Sir Thor, ang iba nanira ng mga gamit, ang iba tumambay sa clinic, at ang iba nambulabog sa ibang sections sa kabilang building. Nakakatuwa kasi unang araw ng pasukan ngayon tapos hindi ako na-detention. "Arturo, anong gawin natin mamaya?" Napaisip naman ako. Ano bang pwedeng gawin? "Wala pa namang sinabi eh," sagot ko at nagkibit-balikat. Napabuntong-hininga naman siya. "Nakakabagot," bulong niya. "Edi ipagdasal mo na may problemang dadating," saad ko. ▪▪▪
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD