Chapter 6 - Getting Closer

1331 Words
"Good one, that's nice. Perfectly amazing. Kung ipagpapatuloy niyo yan we have a bigger chance of winning."amazed na sabi ni Sir Neil. "Lunch break muna." "Theara sabay tayong kumain.''nakangiting sabi ni Ckesmir. "S-sige."nabigla ako sa sinabi nito. Totoo ba 'to? Sabay kaming kakain kasama sila Ran, Nami at Venus. "Guys!"masaya kong tawag sa kanila. "Theara!"sagot nila. "Ow. Ckesmir."pansin ni Ran. "Hi."magiliw na sabi ni Ckesmir. "Siya si Ran, Nami at Venus."tinuro ko sila bawat isa at nakipagkamay naman sila kay Ckesmir. ''Sasabay daw siya satin sa pananghalian." "Sure. Why not?"sabi ni Nami. Uupo na sana kami nang biglang tinawag ni Janus si Ckesmir. "Sandali lang ha?"paalam niya at tumakbo siya papalapit kay Janus. Bigla naman akong nahotseat. "Uy, nakikipagfriends?"tanong ni Venus. "O more than friends?"dagdag ni Nami. "Ewan ko, di ko alam. Baka gusto niya lang talaga makipagkaibigan." "Ang baka ay para sa mga bagay na di sigurado, Hindi sa halata na nga di pa aminado."sabi ni Ran with matching hand gestures. "Gulo mo."sagot ko. Bumalik naman si Ckesmir sa table namin. "Di kayo magsasabay sa pagkain ni Janus?" "Dun daw siya kasama ang teammates niya." Volleyball player kasi si Janus. "Ah, tara kain na tayo." Pagyayaya ko sa kanila. Tahimik kaming kumain, kalaunan eh nag-kuwentuhan. "Ikaw Theara ah! Di mo sinabi sa team leader yung sitwasyon ko, pinagalitan tuloy ako kanina."maktol ni Nami. "Hala, oo nga pala. Sorry."sabi ko with matching peace sign. "Uyy, boylet kaya yung leader nila."sabi ni Ran. "Oo at nakakainis."gigil na sabi ni Nami. "Palagi kasi siyang pinapagalitan."bulong ni Venus, magkagrupo nga pala sila. "Kakainis yun! Ang sarap ingudngod sa harina at magmukhang inembalsamo! Kainis!"gigil na sabi ni Nami. "Speaking of..."mahinang sabi ni Ran at napatingin kami sa parating. Si Nate pala, yung pinsan ni Peter. "Nami! Bakit andito ka pa, diba 10 minutes lang ang lunch break?!"pasigaw nitong sabi. "Nakakatakot."bulong sakin ni Ckesmir. Nangilabot naman ako nang marinig ang boses niya. "Ssssh."mahina kong saway. "Oo na, pupunta na."linigpit niya ang gamit niya at umalis. "Alis muna ako." Nakita naming umalis yung dalawa. "So kayo, kumusta?"tanong ni Ran. Sa tono ng pagkakasabi ni Ran mukhang may relasyon kami ni Ckesmir. Kahit wala naman talaga. "Mabuti naman."sagot ni Ckesmir. Napatingin nalang ako. "Buti naman."sagot ni Venus. "Ay, oo nga pala may practice pa kami. Diba Ran?" "Huh wal-" "Tara na nga."hinila ni Venus si Ran mula sa kinauupuan nito dahilan para mapatayo siya. Napalingon ako at kumindat si Venus. "Alam mo parang gusto ni Nate si Nami."biglang sabi ni Ckesmir. "Ha? Pa'no mo nasabi?" "Kasi, magkagrupo naman sila ni Venus pero si Nami lang ang pinagalitan niya at pinabalik niya sa practice." "Sabagay. May point ka." Bumalik kami sa dance hall at nagpractice na naman. Pagkahapon ay hinatid niya ako. Napapadalas na ang paghatid niya sakin. Hanggang sa umabot ng linggo. "Theara! Bilisan mo!"sigaw ni Mama. Ay oo nanganak na pala si Mama, last week. Kasama na namin si Yassi. "Bakit ba Ma?" "May naghihintay sa'yo sa labas." "Ho?" "Manliligaw mo ba yan?" Napatingin ako sa labas at nagulat nang makita si Ckesmir. "A-anong g-ginagawa mo dito?" "Napadaan kasi ako dun sa kanto, kaya naisipan kong dumaan dito. Susunduin ka."sabi niya sabay ngiti. "Sige kukunin ko lang ang bag ko."taranta kong sabi at kumaripas ng takbo papasok ng bahay. "Sino yun?"tanong ni Mama. "Yung kinuwento ko po." "Hala."napatakip nalang si Mama sa pagka-amaze. "Yanna! Asan na yung dia- Shone andito ka pa?" "Opo eh." "Ba't nakatakip ka ng bibig?"tanong ni Papa kay Mama. "At sino yung lalaki sa labas?" "Wala. Sige na tutulungan na kitang hanapin yung brief mo."natawa nalang ako sa kanila. Bago ako makalabas ay kinalabit ako ni Mama. "Balitaan mo ako."bulong nito sabay kindat. Ang kulit talaga ng mga magulang ko, baka masundan na naman si Yassi. "Ang aga mo 'ata ngayon."pansin ko. "Palagi naman akong maaga." "Oh. Oo nga pala." "Kain tayo mamaya sa labas." "Sige sasabihan ko sila Venus, Nami at Ran." "Tayo lang dalawa." "Huh?" "As in tayo lang." "Bakit?" "Para quits na tayo. Natatandaan mo yung nilibre mo ako ng tanghalian? Para quits hapunan sakin." "Oh-kay."napansin kong naglalakad lang kami. "Teka maglalakad lang tayo papuntang school?" "May dala akong motor." "Nagmomotor ka?" "Porke ba bakla ako eh di na puwedeng magmotor?" "Puwede naman." Nakarating kami sa gate ng subdivision at may nakaparking na motor dun. "Tara."pagyaya niya sakin. Ipinahiram niya sakin ang isang helmet, at sinuot ang isa. Aakalain mo sanang aangas siya at pacool na isusuot yung helmet pero jusko, anlambot. Katamtaman lang ang pagpapatakbo niya at nakakapit ako sa balikat niya, ayaw kong yumakap, mamaya umarte pa at mabangga kami. Edi sa langit yung bagsak namin. At tsaka gusto ko ibang langit. Hahahahaha, Theara! Tigilan mo ang kahalayan. Ipinark niya ang motor niya at sabay kaming pumasok. Hinatid niya ako sa room ko bago siya pumunta sa room niya. "Vavoo!"paalam nito. Napakaway nalang ako at umupo sa tabi ni Coby, seatmate naman talaga kami kaya di ko siya maiiwasan sa kakulitan niya. "Ano mo yung baklang yun?"seryosong tanong nito. "Kaibigan." "Good." "Ha? Bakit?" Bago pa siya sumagot ay dumating na ang teacher namin. Konting discussion lang naman ang ginawa dahil malapit na rin ang exam, next week puro quizzes at projects ang pagkakaabalahan namin. Hayss. "Theara?"tawag sakin ni Coby. "Puwede bang manuod ka mamaya sa intermission namin?" Ba't ang seryoso niya ngayon. "Oo naman." Manunuod talaga ako kasi kakanta siya, ang ganda kaya ng boses ni Coby. Ngumiti lang ito at nagpaalam para sa practice nila. Ang bilis nga ng araw, di pala ako nakaRECESS. Lunch break na agad? Lalabas na ako ng room nang madatnan si Ckesmir sa may pintuan. Naglalaro siya nung bubbles, ang cute tingnan. Umihip siya at nagsilabasan ang bubbles, may hinabol akong isa at nang puputukin ko na ito ay yun rin naman pala ang puputukin niya. Nagsalubong ang daliri namin, mukhang nag 'a-line' kami. Yung pang bata, a-line, a-rock.... Basta ganun. "Hahahaha."sabay naming tawa. Kumain kami ng lunch sa canteen kasama yung tatlong tokwa kong kaibigan. Kuwentuhan at pagkatapos ay dumiretso na kami sa gym. Tiyempo namang nagsimula na ang program at sila Coby ang unang nag-intermission. 'Hey, There's a look in your eyes Must be love at first sight You were just part of a dream Nothing more so it seemed' Bigla akong tinamaan ng lyrics. Dahan-dahan akong napatingin kay Ckesmir na katabi ko. 'But my love couldn't wait much longer Just can't forget the picture of your smile 'Coz everytime I close my eyes You come alive' Parang sinasampal ang magkabila kong pisngi ng lyrics. 'The closer I get to touching you The closer i get to loving you Give it a time Just a little more time We'll be together' Totoo ba? Kung tatagal ang pagkakaibigan namin maiinlove rin siya saken? Posible ba? 'Every little smile that special smile The twinkle in your eye In a little while Give it a time just a little more time So we can get closer You And I' Napatingin ako kay Coby ang ganda ng boses niya talaga, pero nasa kay Ckesmir talaga ang atensyon ko. 'Then could I love you more So much stronger than before Why does it seem like a dream So much more so it seems' Tumututulo na ba laway ko? Sa kakatitig kay Ckesmir? I don't care -,- 'I guess I found my inspiration With just one smile You take my breath away So hold me close And say you'll stay with me now' Napapikit ako. Feel ko ang imagination ko, yung hahawakan ni Ckesmir ang pisngi ko sabay halik sa lips. Enserep. Ayy, ang lande. Tama nga ang kanta, patagal nang patagal, palapit tayo ng palapit. We're getting closer, my Ckesmir.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD