Chapter 5 - Pagtatanggol

1122 Words
'Like a child again I'm out and lost for words How does one define a crush combined with longing~' Napamukmok nalang ako sa mesa habang nakikinig ng kanta. 'Longing to possess you oh so dearly I'm obssessed by you completely I'll go mad if I can't have—' Luh, ba't huminto? Text message received... From: Unknown Number Hi, let's talk. Lester here. Talk-talk-in mo mukha mo. Mamaya makita pa tayo ni Roxanne, at tsaka ayaw ko ng gulo. Pwe. Text message received... From: Unknown Number At the park. 1 o'clock. Sa'n kaya niya nakuha yung number ko? Hmmm... Si Nami! Argh! Iniwan ko ang cellphone ko at lumabas, gusto kong maglakad-lakad muna. "Sa'n ka?"tanong ni Jameson. "Maglalakad-lakad lang sa labas." "Bumalik ka before 12, aalis kami ni Haji." "San naman lakad niyo?" "Kay Mama. Msy aasikasuhin daw si Papa." "Sige. Alis na ako." Nagdala ako ng kaunting pera. Ang boring sa bahay. Pumunta ako sa park at dun umupo. Nakakita ako ng ice cream at napagpasyahan kong bumili. "Isang cookies and cream nga po." Inabutan ako ng dalawang ice cream ni Manong. "Ho? Isa lang po bibilhin ko." "Buy 1 take 1 yan." "Ah, sa inyo nalang ho." "Wag na. Sige iha, salamat."ngumiti sakin si Manong at nagpatuloy sa pagbebenta ng ice cream. "Ice cream kayo diyan!" Sige itong dalawa nalang ang kakainin ko. Naglakad-lakad ako hanggang sa... "Anong klase kang ama ha?!" Hala, posible bang boses yan ni... "Dale! Hindi mo ako naiintindihan." "Anong hindi?! Dad naman eh, ang lokohin ba si Mama eh tama?!" Napasilip ako sa may parking lot, nagulat ako ng biglang sinuntok ng lalaki na kaedad ata ni Papa si Ckesmir. OMG!!! Pumutok ang labi ni Ckesmir sa sobrang lakas ng suntok. "Matagal ng wala ang Mama mo!" "Kahit na." Iniwan nung lalaki si Ckesmir kaya lumapit ako. "Ckesmir, okay ka lang?" Nagulat siya nang makita ako. "Di ko alam ano ang kasalanan ko kaya nanlalamig ka sakin, kaya sorry na. Anuman ang nagawa ko. Sorry na."napaluha ako sa sinabi ko. Ang sakit kasi isipin na baka ako ang dahilan kung ba't siya nanlalamig. Eh sa akin lang naman siya ganun. Nagulat ako nang bigla niyang pinunasan ang luha ko. "Sorry." Biglang nagtayuan ang balahibo ko nang marinig ko ang boses niya. That was so husky. Ngumiti ako, to let him know that I'm okay. "Kaya yata dalawa 'tong binigay sa akin na ice cream para maishare ko sa'yo ang isa."nakangiti kong sabi. "Salamat." Ayy, bumalik sa dati yung boses niya. Kinikilig na ako eh. Tinulungan ko siyang tumayo at umupo sa bench. "Kumain ka na ba?"tanong ko. "Oo."pagkasagot niya ay narinig ko ang pagkulo ng tiyan niya. "Di pa eh. Tara kumain tayo ibigay mo nalang dun sa bata yung ice cream." Nagdadalawang isip pa siya na sumama pero sumama rin siya kalaunan. "Kumain ka lang." "Baka pagalitan ka ng boyfriend mo pag nakita tayo."nakayuko niyang sabi. "Boyfriend? Wala ako nun."natatawa kong sabi. "Si Yvetrick." "Ah."natulala ako. Akala niya boyfriend ko si Jameson, eew. "HAHAHAHA! Di ko yun boyfriend." "Ano?" "Kambal ko yun. Theara Suarez, Yvetrick Suarez." "Oh."napangiti siya. Akala niya boyfriend ko si Jameson, no way. Hahahaha. Gusto ko sanang tanungin kung bakit nangyari yung kanina sa parking lot pero baka magalit pa siya. "Sorry kahapon kung nanlamig ako sa'yo. Sorry." Baka yun yung dahilan kung ba't siya nanlalamig kahapon. Galit ata siya sa ama niya. "Okay lang yun."nakangiti kong sabi. "Wala yun." Pero yung totoo sobrang sakit. "Sorry talaga." Juskong bakla ka. Nagulat ako nang bigla niyang inunat ang kamay niya papunta sakin at pinahid ang ketchup sa labi ko. Didilaan ko sana eh, charot. Romantic naman, parang yung sa mga pelikula lang. Lumabas kami sa restaurant, ang awkward na kasama ko siya kasi di talaga kami close. "Uuwi ka na ba?"tanong ko. "Uhm..."matagal bago siya nakasagot. "Di pa naman." "Ah." Naglakad-lakad kami, walang imikan pero jusko kinikilig na talaga ako. "Theara!"napalingon. "Ang aga mo 'ata." Linagpasan ko lang si Lester, napasunod naman si Ckesmir sakin. Hinawakan bigla ni Lester ang braso ko. "Mag-us—" "Sabi na nga ba eh!!"yang tipli ng boses na yan eh kilala mo na kung sino yung nagsasalita. "Ba't ayaw mo lubayan si Lester ha? Hindi nga naging kayo ah! Ang hirap ba tanggapin nun? Na mas maganda ako sa'yo."dinuro duro ako ni Roxanne. Langya! Feelingera 'tong. Nakoooooo!! Pag ako di makapagtimpi. "Roxanne!"saway ni Lester. "Ano? Magbabait-baitan ka?! Para kampihan ka ni Lester." *PAK!* Aaah. Ang sakit. Nakita ko pa ang paglapit ng kamay ni Roxanne sa pisngi ko. Napapikit nalang ako, pero parang di ito natuloy. Napadilat ako, nakita kong hawak ni Ckesmir ang kamay ni Roxanne. "Sino ka para saktan siya?"that husky voice. Ghad. "Nanay nga niya di siya sinasaktan ikaw pa." "Hoy ikaw bakla, wag ka ngang makialam dito." "Ako bakla? May pruweba ka?" Natameme si Roxanne. "At ikaw Lester, kung magjojowa ka tiyakin mong maayos ang ugali. Di yung pangit na ang mukha ugaling basura pa." "How dare y—"sinalo niya ang isa pang kamay ni Roxanne. "Lester. Di mo ba ak—" "Let's go Roxanne."sita ni Lester. "Lester n—" Umalis sila at naiwan kami ni Ckesmir. "Salamat." "Nasaktan ka ba?" "Okay lang ako." Ang suwerte ko naman. Jowain kita diyan eh. "Walang modo yun no? Ang ganda kalbuhin." "Pabayaan mo na." "Sa'n ba bahay niyo?" "Ha? Bakit?" "Ah... Eh.. Isusumbong ko sa magulang mo." "Ah, wag na." "Sige na." "Wag na. Okay lang naman ako eh." "Sige ihahatid nalang kita." "Ha?"natigilan ako. Totoo ba 'to? Panaginip? Please wag niyo na akong gisingin. Charot. "Ayaw mo?" "Okay lang sa'yo?" "Bakit hindi?" "Sige." Jusko, hahalikan ko na talaga 'to pag di ako makapagpigil. Naglakad kami papunta sa bahay, ang dami naming napag-usapan at mas minahal ko pa siya ng bonggang bongga. Syempre walang tanong personal, baka iwan pa ako nito sa daan. "Yung totoo di ko nakilala ang Mama ko.''biglang sumeryoso ang topic. "Ha? Diba sabi mo kan—" "Stepmom ko yun. At pinagtataksilan siya ni Dad." "Buti nakakaya mo pa balikatin lahat ng yan." "Wala rin naman akong magagawa." Nakarating kami sa bahay at pinapasok ko siya, di naman siya tumanggi. "Ang tagal mo naman Sh—"natigilan si Jameson nang makita niya si Ckesmir. "Aalis na kami ni Haji."paalam nito. "Sige." Bago umalis si Haji ay nakipag-apir pa ito kay Ckesmir. Omoooo, bakla ba talaga kapatid ko o sadyang naghihinala lang talaga kami? "Sige aalis na ako. Ikaw ha, pag may nangyayari susumbong kita." "Bye."hinatid ko siya sa gate. Lumabas siya ng gate at bago tuluyang umalis ay liningon niya ako. "Salamat. You made my day."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD