Chapter 4 - Panlalamig

1165 Words
"Ckesmir! Umayos ka nga!"saway ni Sir Neil. Malakas nitong hinawakan ang kamay ko at napa-aww ako sa sakit. Syempre bulong lang. Anong nangyayari sa kanya? Anong ginawa ko? May ginawa ba ako? "Aray!" Di ko na mapigilan eh, masakit na. "Ckesmir, be gentle!"saway ni Sir. "Sorry." Ba't ganun? Mukhang di siya sincere. Mukha lang, di sure. Umulit uli kami. Mula sa simula. Kung ang pangit kanina mas pumangit ngayon. Ano ba ang nangyayayari sa kanya? Huhuhu. "Argh! Break!"inis na sabi ni Sir Neil. "Ckesmir, come here. Theara you can take a rest." Napaupo ako sa gilid. Ano kayang nangyayari sa kanya? Tiningnan ko ang mga nagpapractice na iba't-ibang grupo. Si Venus kapartner si Gab, yung may crush sa kanya. Si Ran si Jay-r, tapos si Nami... Asan si Nami? Biglang nagvibrate ang cellphone ko. Text message received... From: Nami Pakisabi sa adviser ko na may emergency, pati rin sa team leader namin sa sayaw. Mwah! Ah, kaya pala. Nakita kong nag-uusap pa si Ckesmir at Sir Neil, tumayo ako papunta sa room ni Nami. "Theara?"siya na naman? "Wala ba ang adviser niyo?"sabi ko na hindi tumitingin sa mata niya. "Wala, bakit?" "Hindi makakapasok si Nami, kasi may emergency daw." "Okay." Umalis ako nang hindi nagpapaalam. Pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. "Theara puwede bang—" "Lester layuan mo ako please. Ayaw kong mag-away kayo ni Roxanne dahil sakin." "Hindi naman yun ang pakay ko.'' "Oo pero si Roxanne? Ano nalang ang iisipin niya? Na inaagaw kita mula sa kanya?" Ang kitid kasi ng utak ng girlpren mo eh. "Kaya bitawan mo ako, please. Ayaw ko nang masaktan pa." Pagkabitaw niya ay agad akong tumakbo papunta kela Sir Neil. "Theara, I told you to rest, not to roam around."sermon ni Sir Neil. "I'm sorry Sir." "From the top."pinlay ni Sir ang music at nagsimula kaming sumayaw. Walang imik lang si Ckesmir. Nafeel ko ang lamig sa pagsayaw niya. Ano bang nangyayari sa kanya? "Di ko alam ano ang nangyayari sa inyo, but your performance was worse than before. You Ckesmir, why are you acting like that?" "Nothing Sir." "Ugh! Naistress ako sa inyo. Sa sunod nalang tayo magpapasukat para sa susuotin niyo. For now let's dismiss early, for weekends we will not practice, may seminar kaming mga teachers so see you next week. And please, fixed yourselves, especially you Ckesmir." "Yes Sir."walang ganang sagot nito. Umalis si Sir at naiwan kami ni Ckesmir. "Ckesmir okay ka lang?" Di lang niya ako pinansin. "Kung may problema ka, puwede mong sabihin sak—" "Di tayo close para sabihin ko sa'yo ang nararamdaman ko."malamig nitong sabi. Ouch. "Per—" "At isa pa, wala akong oras para kausapin ka."dagdag niya. "Kaloka."bulong nito pero dinig ko. Parang biniak yung puso ko. Kalma lang Theara, may problema lang si Ckesmir kaya intindihin mo okay? Inhale. Exhale. "Bulaga!" "Ay kamatis!"napatingin ako kung sino. "Coby!!!" "Magugulatin. HAHAHAHAHA." "Kung nandidito ka para buwesitin ako, nagtagumpay ka na. Makakalis ka na. Sho!" "Luh, di naman yun ang pakay ko. Sakit mo naman sa bangs." Kung magsalita siya mas bakla pa kay Ckesmir. E di naman siya bakla diba? O baka paminta? "Wala ka namang bangs ah." "Meron. Ito o.''hinawi niya ang buhok niya paibaba, nagmukha tuloy siyang koreano. "Ang guwapo ko ba?" "Walang alien na guwapo. Maliban kay Matteo Do." "Ako ang pangalawa, Logan Coby Austria."nakangiti niyang sabi. "Ang saklap naman, pangalawa ka lang." "Aish. Mutant."inis nitong sabi. Ang cute niya. Teka, cute? Luh, mukha kasi siyang bata eh. No feelings, just compliments. "Ikaw rin naman ah. Mutant." "Sino?"biglang nag-iba yung mood niya, from childish to mas childish. "Si Wolverine?" "Hindi, yung pagong. Teenage Mutant Ninja Turtles. HAHAHAHAHA." "Okay lang naman kung kasing kisig ko si Leonardo." "Layo." "Kasing angas ni Raphael?" "Mas malayo." "Kasing talino ni Donatello?" "Malabo." "Kasing kengkoy ni Michael Angelo?" "Mali lahat." "Eh ano?" "Kamukha mo yung Master nila. HAHAHAHAHA!" Nagpout uli siya. Sa totoo lang makisig siya gaya ni Leo, may pagkabadboy tulad ni Raph, matalino tulad ni Donnie at para siyang si Mikey, nakakatawa. "Ah ganun? E di okay."nakangiti nitong sabi. "Ha?" "As long na masaya ka okay na sakin, as long na napapatawa kita masaya na ako." "Korniiii. Magjoke ka nga, yung di korni." "Mahal kita." "Ang korn– ha?"nabigla ako sa sinabi niya. "Asuuus, kinikilig. Di yun korni pero joke yun. Hahahahaha!" "Asa ka naman na maniniwala ako. Hahahaha!"nabigla lang naman talaga ako. "Sige alis na ako, bye My Theara!" Napatingin ako sa oras, makapunta na nga sa gym. Naabutan kong naglalaro si Jameson. Nakita niya ako at sumenyas ng 'sandali nalang'. Umupo ako sa may gilid at nanood ng laro nila. Inilibot ko ang tingin sa basketball court nang makita ko si Ckesmir, masayang nagchecheer. Bigla siyang humiyaw, napatingin ako. Nakascore pala sila Jameson. Sunod-sunod ang score nila Jameson, mas lalong lumakas ang hiyawan sa loob ng basketball court. Biglang nagkasalubong ang mata namin ni Ckesmir, gusto kong ngumiti pero hinihintay ko siyang ngumiti. Pero imbes na ngiti ang matanggap ko eh irap ang natanggap ko. Mukhang ako ba ang dahilan? Nang ano? "Shone."ginulo nito ang buhok ko. "Galing ah."sabi ko sabay palakpak. "Kakambal nga kita." "Teka."nagpaalam siya at pumunta sa mga kateammates niya, malapit na rin ang school tournament at dedepensahan nila ang titulo nila bilang Champion last year. Gusto nilang maging back-to-back champion. "Yvetrick loves!"napatingin ako sa kumpulan ng babae. Kung di ko ata kaibigan si Venus, naririyan siya ngayon. Madami naman talagang nagkakagusto kay kambal eh, lalo na at siya ang MVP last year. Kahit taga ibang schools kilala siya. Ang kaso lang, di sila pinapansin ng magaling kong kambal, kasi nga bitter. "May isang game pa kami, makapaghihintay ka ba?"paalam nito. "Sige. " Di kami susunduin ni Papa, andun na kasi sila sa ospital ni Mama. Di pa talaga nanganak si Mama pero baka daw mataranta si Papa kasi nung pinanganak kami, nakasando at pajama lang siya at tsinelas nung panahon na pumunta sila sa ospital. Tapos nung kay Haji naman eh nasa trabaho pa si Papa, kaya ayun nagready talaga siya ng bonggang-bongga. "Theara!"tawag sakin ni Venus. "Uyyy, ichecheer niya si kambal." "Tumpak! Ganern."singit ni Ran. Wala si Nami kaya payapa ang kapaligiran. Hahaha. "Ang guwapo talaga ni Yvetrick."bulong ni Venus pero dinig na dinig namin ni Ran. "Pag mahal mo talaga ang isang tao, lahat maganda. Kahit pangit na yung ginagawa niya, para sa'yo maganda parin. Because when we love a person we love them as they are, and accepts their imperfections. Because it's not about their looks, attitudes or personality but it's because of your emotions." Mukhang tama nga si Ran. When we love a person We accept their imperfections, Because of our emotions And not because of their physical expression. Kaya kahit masakit na, Minamahal parin natin sila Dahil sa nararamdaman natin para sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD