"Oh! I love you like a love song baby!
Yeah! I love you like a love song baby!~"kanta ko habang nagbibihis with matching sayaw pa.
Kembot to the right, kembot to the left. "Oh yeah!"sabay headbang!
May narinig naman akong pumalakpak.
Si Jameson lang pala.
"'Oh! I love you like a love song baby!
Yeah! I love you like a love song baby!~'"panggagaya niya sa boses ko. "HAHAHAHAHA! Ang cute mo."
"Thank you."matamis kong sagot.
Natapos ako sa pagsasayaw at nakabihis na rin ako sa wakas. Ang sarap sa feeling nakapagcirculate ng maayos yung dugo ko. Hahaha.
Nakarating kami sa school. Kaagad naman akong inakbayan nitong si Jameson.
"Ano inakbay-akbay mo diyan?"tanong ko.
"Wala lang. Eh gusto ko lang."
Nakita ako nila Nami, Ran at Venus at kaagad na tumakbo papunta sa akin.
"Alis na ako."paalam ni Jameson at tumakbo.
"Ba't palaging umaalis si Yvetrick pag dumarating kami."
"Kasi kapag may umaalis may darating, kapag may darating may aalis."pilosopong sabi ni Ran.
"Andito ka kasi."biro ni Nami.
Mukhang nasaktan si Venus kasi tumahimik ito.
"Wag mo na silang pansinin. Biro lang yun."pagcocomfort ko sa kanya. Pinandilatan ko naman yung dalawa.
"Hindi naman ako nasaktan dun."mapait siyang ngumiti. "Nasaktan ako sa naisip ko."
"Anong naisip mo?"tanong ko.
"Na imposibleng magkagusto sakin si Yvetrick."
"Luh, ganun? Di yun. Walang imposible."singit ni Ran.
"Pero posibleng magkaimposible."sagot ni Venus.
"Pero posible ang imposible ay maging posible."sagot ni Nami.
"Kaya don't lose hope. If you believe, you will achieve."dagdag ni Ran. "Never give up."
"Mukhang dami mo atang baon na mga 'kasabihan'" pansin namin ni Nami.
"When you make mistakes, you earn lessons. Kaya tinatry kong magkamali nang magkamali para mas tumalino ako "
Ewan ko kung nagbibiro ba siya o totoo yung sinasabi niya.
"Baliw."sagot ni Nami.
"Bakit? Totoo naman diba?"nagtanong pa talaga. Baliw na talaga siya.
"Baliw ka na nga."sabay naming sabing tatlo. At tumalikod sabay lakad.
"Hoy! Crazy people sometimes are the ones who are intelligent, because people don't— hoy! Hintay!"
Nabrokenhearted ba yun? Mas nagmukha siyang takas sa mental. Hahahaha.
Huling room na nadaanan ko eh room ni Nami, which is room ni Ckesmir at ni Lester. Speaking of...
"Theara.''tawag nito sakin at hinawakan ang braso ko. Nangilabot na naman ako. Ayaw kong tumingin sa mata niya, manghihina ako.
Alam kong wala kaming nakaraan pero ewan... Di ko alam.
"Pasensya na sa ginawa ni Roxanne sa'yo."
"Okay lang. Bitawan mo na ako."
"Sorry. Dahil sakin—"
"Bitawan mo na ako puwede?"
Binitawan niya ako. Gusto ko siyang yakapin at umiyak sa braso niya pero di ko magawa. Teka, mahal ko pa ba siya?
Lumakad ako papunta sa room namin, ramdam ko ang titig niya habang papalayo ako.
Nanginginig ang tuhod ko, di ko naman siya mahal eh. Mahal ko si Ckesmir... Pero sa isip ko lang ba yun? O talagang mahal ko parin siya?
"Ang titig minsan nakakatunaw,
Lalo na kung may lalabas na pulang ilaw."isa pa 'tong pampalala ng araw ko eh.
"Ano ako si Cyclops?"
"Waaa."amazed niyang sabi. "Nanonood ka nun?"
"Coby, puwede ba? Tumahimik ka kung ayaw mong matunaw pag may lumabas na pulang ilaw sa mata ko."
"I will be very much grateful na makilala ng isang mutant."nakangiti nitong sabi.
Di ko lang siya inimik. Bahala ka kung magtatalak ka diyan.
"Alam mo isa rin akong superhero. Hulaan mo pangalan ko."
"Si Ben 10."
"Kamukha ko si Ben 10?''nakangiti nitong tanong.
"Hindi. Yung alien. Yung alien niya ang kamukha mo."
"Sakit mo naman magsalita."nagpout siya. Natawa ako sa itsura niya. Kaya di ko mapigilan tumawa. "Yey! Tumawa siya."
"Ano naman dun?"tanong ko.
"Wala. Masaya lang ako."
"So, sinong superhero ka?"
"Di ako si Batman, si Superman o si Iron Man.—"
"Green Lantern."
"Because I am YOURman."
"Ang korniii mo."
"Ang sweet ko kaya."
"Ew."
"Coby! Magpractice na tayo para sa banda."tawag sa kanya ni Sean.
"Incoming!"biro nitong sabi. "Bye My Theara!"paalam nito sakin.
Alien nga.
Lumabas ako dahil tapos na rin ang klase namin. Sa wakas. Biyernes na bukas! My fave.
"Theara?"napalingon ako at nakita si Ckesmir.
"Magpapractice daw."
Hala oo nga pala. Nakalimutan ko tuloy.
"Ah, sige."nauna siya at napasunod ako.
Naghihintay na pala sa amin si Sir Neil.
Practice doon, practice dito. Kahit papano gumaan gaan ang loob ko. Mas ginanahan pa ako lalo na at palaging magkahawak ang kamay namin ni Ckesmir.
"Tomorrow, magpapatahi tayo ng susuotin niyo. So ask permission to your parents."
"Sige po."sabay naming sagot.
"2 weeks from now ang competition, and the next week will be the exam. Malaki ang prize, kaya maganda kung mananalo tayo."
9 colors equals 9 groups. 20 black colored paper which means 10 pairs. 10 + 9 = 19. So, the possibilty of winning is...
Ckesmir's ability = 50% At yun lang ang asset namin, alam ko namang di talaga ako marunong sumayaw. Inuuto lang ako ni Ckesmir para kiligin. Jusko mahirap umasa. Sabihin natin 49% yun. Iminus pa yung dami ng sumali, 1% nalang? Kawawa naman kami.
Biglang nangamot sa likod si Ckesmir pero di niya maabot, lumapit ako at kinamot ito pero nahawakan niya ang kamay ko, normal nalang sana pero natigilan ako bigla. Napatingin naman siya.
"Puwede?"tanong niya.
"S-sige."
Hinayaan niya akong kamutin ang likod niya. Kinikilig ako pero hinayaan ko nalang. Baka mawala pa ang lakas ko.
"Baby—"di pa nito natapos ang sinasabi nang napalingon ako. Di lang pala ako, si Ckesmir rin.
Lumapit sakin si Jameson. At nagulat nang makita si Ckesmir.
"Di yun sa inaakala mo. Kinakamot ko lang ang lik—"
"Tara na. Uuwi na tayo."seryoso nitong sabi. Nagtransform bigla. Akala niya ata ako nalang nag-isa dito. Hala, kami nalang pala ni Ckesmir ang nandito.
"Sige alis na ako."paalam ko kay Ckesmir.
Lumakad na kami palabas ng hall.
"Ikaw ha..."sabay gulo ng buhok ko.
"Jameson. May dance competition po kami. Di ka po kasali dun kasi varsity player ka po. Intindi mo po?"
"Mabuti naman."
"Na ano?"
"Tanggap mo na na baby sister kita."
"KAM-BAL po tayo."seryoso kong sabi.
"Pero nag 'po' ka. Ibig sabihin mas matanda ako."
Natawa ako bigla. "Ah yun ba? Hindi naman yun ang rason ko eh. Sadyang MUKHANG MATANDA ka na talaga. Hmmmm. Mga 40 years old? HAHAHAHAHAHAHA!"agad akong tumakbo dahil alam kong kikilitiin niya naman ako o di kaya pipisilin ang pisngi.
"Di no!"depensa nito. "Guwapo ko kaya!"
Agad akong pumasok sa kotse at umupo sa tabi ni Papa para di ako makiliti nito o ano.
"Bawiin mo yung sinabi mo?"
"It's not a big deal you know?"pasosyal kong sabi with matching hand gestures pa.
"Ang guwapo ko kaya."
"ASA KA PA!"madiin kong sabi. "Di ko nga alam pa'no ka nagustuhan ni Venus eh suplado ka naman! HAHAHAHAHA!"
Oh! I love you like a love song baby!
Yeah! I love you like a love song baby!~
"Ipopost ko 'to."
Napatakip ako ng bibig. Vinideo niya?
"Papa oh!"pacute ko kay Papa.
"Ricric."
*click!*
"HAHAHAHAHA! I will wallpaper this."
"Okay lang, ang cute ko naman."kampante kong sabi nang biglang pinisil nito ang pisngi ko. "JAAAAMMMEEEESSSSSOOOOONNN!!!!!!"