Chapter 2 - First Practice

1192 Words
"Good. Then sway, hold her hands then pull her over. Then, wiggle!"instruct ni Sir Neil. Bawat MAPEH teacher may handle na group or pair at sa amin si Sir Neil. "Pull her over then fall a bit, nose to nose and smile." Nagdikit ang mga ilong namin at naramdaman ko na naman ang panghihina, ba't ang lakas ng apekto niya sa akin? "Perfect! Okay, take a break." Madali kaming natapos, ewan pero nakuha ko agad ang mga steps, mukhang andali lang kasi kasama ko si Ckesmir. Sa kanya mukhang wala lang kasi magaling naman siyang sumayaw. "Magaling ka naman palang sayaw.'' "Ha? Ako? Di no."enebe kenekeleg eke. "Lagyan mo pa ng feelings, mas gaganda yan."pagkatapos niyang sabihin ito ay umalis siya at pumunta sa mga baklita niyang kaibigan. Bakit ganun? I don't see him as a gay, but I see him as a man. Kahit ilang beses siyang umiirap using his beautiful eyes, mas naiinlove tuloy ako. Kahit ilang beses siyang magbinakla, mas naiinlove parin ako. At kahit bakla siya, inlovr na inlove ako sa kanya. Nagulat ako nang may biglang umakbay sakin, si Jameson lang pala. "Pinakuluan ka ba at namumula ka?"tanong nito. "Lumunok kasi ako ng kamatis."biro kong sagot. "Nakakapula ba yun baby sister?"sabi nito gamit yung pinakacute niyang boses. "Hindi mo nga ako baby sister eh!!!"inis kong sagot. Kainis eh. "Kakambal kita. KA-KAM-BAL." "Theara!"tawag sakin ni Nami. Napalingon naman kami pareho ni Jameson at bigla itong naging maldito. "Hi Yvetrick."sabi ni Venus. Ang lakas talaga ng tama ni Venus sa kapatid ko. Ikaw rin naman eh, kay Ckesmir. Ay oo nga pala. "Hintayin mo ako mamaya sa gym.''bago ito umalis ay ginulo nito ang buhok ko. Aish. Napabuga nalang ako ng hangin. "Suplado."pansin ni Nami at lumapit sakin. Samantalang si Venus naman eh namumula. "Uy, tama na ang daydream." "Bitter kase!"tukso ni Venus. "Eh ikaw hopeless lang! Walang romantic!"sagot ni Nami pabalik. "Asan ba si Ran?"bago pa sila mag-giyera eh inawat ko na. "Ayun hihingi ng closure kay Jay-r."sabi ni Nami. "Ewan ko dun ba't baliw na baliw kay Jay-r." "Eh baliw na baliw ka rin naman dati kay Peter ah."sagot ni Venus. Sasagot pa sana si Nami nang hinila ko sila pareho. "Dami niyo pang sinabi. Tara na, snack tayo." Pumunta kami sa canteen at bumili ng pagkain. Kakapagod rin kumembot-kembot no, dagdag mo pa yung bilis ng t***k ng puso ko, para tuloy tumakbo ako ng isang kilometro. Kaloka. Inilibot ko ang tingin sa canteen at nahagip ng mata ko si Ckesmir. Masaya siyang nakikipagkuwentuhan kay Janus. "Hoy, matunaw yan."pansin ni Nami. "Bakit crush mo yan eh MU na nga kayo dati ni Lester eh." "Pero nung dumating si Roxanne nawala yung feelings niya."dagdag ko. "Yun lang. Ikaw kasi!"turo niya kay Venus. "Ano?" "Pinatransfer mo pa dito yung pinsan mo! Sila na sana ni Lester ngayon."gigil nitong sabi. Botong-boto talaga siya kay Lester. "Di ko naman alam ah, tsaka di kami close nun. Pangit ng ugali nun." "Magpinsan nga kayo."bulong ni Nami. "Narinig ko yun!" "Bakit?"natatawang sabi ni Nami. "Ano bang narinig mo?" "Yung-" "Tumigil nga kayo. Ang ingay-ingay niyo no? Di niyo pansin?"nakatingin na kasi halos lahat ng tao sa canteen sa amin. Tumahimik naman sila. Aso't pusa lang ang peg nitong dalawa eh, pero kung wala sila tahimik ang paligid ko. Umalis na kami ng canteen at pumunta sa room. Kinuha ko ang bag ko at pumunta sa dance hall, nandun na si Ckesmir at si Sir. "Sorry po" "Okay, from the top."pinlay ni Sir ang music at nagsimula na kaming sumayaw. 'Lagyan mo pa ng feelings, mas gaganda yan.' Naalala ko ang sinabi ni Ckesmir. Di ko talaga alam ibig sabihin niya or di ko alam kung paano gawin pero siniglahan ko ang pagsayaw. Sa bawat paghawak niya ng kamay ko, mas ginaganahan akong sumayaw. Tatlong oras kaming sumasayaw nang naisipan ni Sir na ipagpatuloy na bukas. Hapon na rin kasi eh, alas singko na 'ata. Pumunta ako sa may gym at dun hinintay si Jameson. Gusto ko kami ng first love niya yung tumatawag sa kanya ng ganun. Hahahaha naaalala kasi niya si Hailey kung tinatawag ko siyang Jameson. Nakarating ako ng gym nang mabangga ko si Roxanne, yung pinsan ni Venus. Kasama ang mga alipores niya sa gubat. "Aba lakas makatama mo ah? Bakit may maipagmamalaki ka na?" Ayokong pumatol sa kanya. Yumuko ako at dumaan pero bigla niyang hinawakan ang buhok ko. "Aray! Roxanne tama na!"awat ko. Pero pinagtawanan lang nila ako. "Bakit ka pupunta diyan? Dahil andyan si Lester? Wag ka ngang assuming na papansinin ka pa niya." Sasagot pa sana ako ng hinila niya ang buhok ko, mas malakas. Maluha-luha na ako sa sakit ng may marinig akong boses. "Roxanne, bitawan mo si Theara."nangilabot ako, ganun parin ang apekto niya sa akin. "Eh gusto niya kasi akong saktan eh. Diba?"pagpapakampi niya sa mga alipores niya. "Di niya magagawa yun."napatingin naman ako sa kanya. "Di siya ganun." Kinuha niya ang kamay ni Roxanne at inalis ito sa buhok ko. "Bakit mo kinakampihan yan? Ako naman yung girlf-"pacute nitong sabi. Kadiri. "Ikaw nga, pero mali naman ang ginagawa mo. Walang ginagawa sa'yo ang tao pero sinasaktan mo."tiningnan niya ako. "Pumunta ka na kay Yvetrick. Pasensya na." Bumalik ako sa katinuan at patakbong pumunta sa gym. "Lester naman eh!!!"narinig ko pa yung tipli ng boses ni Roxanne. Habang papalapit sa gym bumagal yung pagtakbo ko hanggang sa nakalakad nalang ako. Bakit ganun pa rin ang epekto niya sa akin? Mahal ko parin ba siya? Pero may mahal siyang iba! At dapat ako rin eh. Ano ba yung nararamdaman ko para kay Ckesmir? Kilig lang? Hanggang dun lang ba yun? Bakit iba parin pagdating kay Lester? Bakit ganun? Ganun rin ba siya sakin? O ginawa niya lang yun kasi alam niya kung ano ugali ko? Concern ba talaga siya o wala lang yun? "Shone!" Ay kamatis! Andito na pala ako sa gym. "Bye!"sabi ng mga teammates ni Jameson. Tinanguan niya lang ito at naglakad papunta sakin. "Anong iniisip mo?" "Wala kang karapatan para malaman." "Weh?"pang-iinis nito. "Ba't ba ang guwapo-" "Ko? Maliit na bag-" "Di ikaw. Yung tao sa likod mo." "Yun, bakla yun diba." "Huh?" Di ko naman sinasadya yun ah. May tao pala sa likod niya? Bakla? Si... Ckesmir b- Si Ckesmir nga. "Luh ikaw ha baby sister."panunukso nito. "Ano?" "Hala, namumula siya." "May lag-" "Pa! May crush na bakla si Shone!"sigaw nito habang tumatakbo papunta kay Papa. Andito na pala kami sa gate. Ambilis ah. "Ano yun Ricric?"tanong ni Papa. "Ah? Wala ho yun Pa."sagot ko. "Hmmmmmp! Hmmmmmp!"angal ni Jameson. Puwes wala siyang magawa, nakatakip kamay ko sa bibig niya. "Subukan mong magsalita, ibibigay ko album mo kay Venus." "Hindi na nga eh. Tatahimik na." Maamong tupa. "Good." "Ano ba pinag-uusapan niyo?''tanong ni Papa habang nagdadrive. "Ang guwapo niyo po talaga no?"sabay naming sabi ni Jameson. "Magkambal nga kayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD