Chapter 60 Final Chapter ADONIS Pagkamulat ko pa lang ng mga mata ko ay bumungad na sa akin ang puting kisame at dingding. May mga ilang tunog ng machine akong naririnig na alam kong siyang nakakabit sa akin. Nang makilala ko ang umasikaso sa akin ay alam ko kaagad na nasa QML ako. "I'm glad that you're safe, how are you?" tanong kaagad sa akin ni Artemis. Alam kong siya ang gumamot sa akin dahil siya ang nag-aala doktor sa QML. "I'm okay, Artemis, medyo masakit lang," nag-iinarte kong sinabi. Ngunit hindi tumalab sa kaniya iyon at imbes na maawa ay pinaningkitan niya lang ako ng mga mata. Bahagya akong natawa pero kaagad din iyon humupa nang muli kong maalala ang huling mga nangyari. Sa loob ng halos tatlong buwan ay inasikaso ni Papa ang kaniyang negosyo. Ang sabi niya ay hindi mada
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


