Chapter 57 ADONIS "Hindi ko alam na ikaw pala ang hinahanap ni Sir Gabriel." Nagulat ako sa boses na biglang umimik sa. Nakatuon ang atensyon ko sa bintana kaya hindi ko namalayan kung sino nanaman ang pumasok sa silid. Nilingon ko siya, hindi na siya nakasuot ng uniform nurse. Si Sophy. "Hindi ko rin akalain na nandito ka," I lied. Sa katunayan ay alam kong matatagpuan ko rito si Sophy, kaya nga pinatulan ko siya nang makita kong turned on siya sa akin. Naaalala ko pa nang unang araw na umalis ako sa mansion at pinalabas na nasa probinsya ako, ang una kong inasikaso ay ang paghahanap sa lalaking nasa sketch, ang umatake kay Bella at Tristan. Nakuha ni Athena lahat ng details na kakailanganin ko para matunton ito, gamit ang scanner niya. Doon ay pinuntahan ko ang bahay kung saan ito

