Chapter 56 ADONIS Nagising ako sa isang kuwarto at komportableng kama. Nakabenda na ang mga sugat ko at iba na rin ang suot ko. Nang mapatingin ako sa bintana ay umaga na. Nasa loob pa rin ako ng gusali na marahil ay kinaroroonan namin mula kahapon, alam ko iyon dahil mula sa puwesto ko ay tanaw ko ang tanawin. Nasa isa akong mataas na gusali. At ang kuwartong kinaroroonan ko ay walang maayos na pintura ang dingding, halatang luma na, at wala ring gamit kundi kama, mesa at silya lang. Humahawak ako sa batok ko dahil sa pagpintig ng ulo ko. Hindi sapat ang tulog na nagawa ko para makabawi sa ilang araw kong walang tulog at kain. "Gising ka na pala." Napatingin ako kay Yaya Kelly nang buksan niya ang pinto at pumasok. May dala nanaman siyang tray ng pagkain. Inilapag niya iyon sa mesa, k

