Chapter 7

2023 Words
Chapter 7: ISABELLA "Bella, Bella!" Hinihingal na napamulat ako. Para akong kinakapusan ng hininga, damang-dama ko rin na pinagpapawisan ako ng malamig. Bukas ang aircon pero hindi ko madama ang lamig. "Bella, are you okay? Binabangungot ka." Napatingin ako kay Adonis na nasa gilid ko. Nag-aalala ang mga tingin niya. Tinulungan niya akong bumangon saka pinunasan ang pawisan kong noo. Naiiling na tiningnan ko siya. "Why does it seems so real?" halos hangin kong bulalas. Dama ko pa rin ang panginginig ng katawan ko. Ayaw kumalma ng puso ko, para bang ano mang oras ay kakawala ito sa dibdib ko. Everything is blurred, wala akong maintindihan. Bawat segundo na mulat ang mga mata ko ay pakiramdam ko ay palabo ito nang palabo. Ang tanging alam ko lang ay natatakot ako. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat para idirekta ang tingin ko sa kaniya. Tanging lampshade lang ang nagsisilbi naming ilaw, pero sapat na iyon para makita ko ang kakaibang emosyon sa mga mata niya. Kalmado siya pero halata ang pag-aalala sa kaniya. "Sabihin mo sa akin, ano ang nakita mo?" Umiiling na inalala ko ang mga natatandaan ko. Para bang sasabog ang utak ko habang inaalala iyon. "Nasa isa akong masikip na lugar, nakagapos. May mga bulungan..." "Anong sinasabi nila?" Magkakasunod akong umiling at halos sabunutan ko ang sarili ko para alalahanin pa ang mga nangyari pero wala na akong maalala. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapaiyak dahil sa frustration na nararamdaman ko. "Bella, calm down," aniya habang pinipigilan ang mga kamay ko. Kinuha niya iyon at binalot ng mga palad niya. Humikbi lang ako at tumungo. Marahan niyang pinunasan ang mga luha ko habang hawak pa rin ng isang kamay niya ang mga kamay ko. "Panaginip lang iyon, its okay." Nanlulumong ibinalik ko ang paningin ko sa kaniya. Nangungusap ang mga mata niya habang marahan akong pinagmamasdan. "Pero natatakot ako, hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko hindi ito ang unang beses na madama ko ito. Parang totoo..." Binitiwan niya na ang mga kamay ko at inilipat ang mga palad niya sa magkabila kong pisngi. "Hindi ko hahayaang maulit iyon, pangako." Tiningnan ko lang siya. Ang kaninang mabilis at malalalim kong paghinga ay unti-unting kumalma. Hinila niya ako at niyakap. Pumikit na lang ako at isinuko ang sarili ko sa kaniya. Naroroon pa rin ang takot at kaba sa dibdib ko, pero may kung ano sa mga salita niya na gusto kong panghawakan at paniwalaan. I felt secured in his arms. *** Nagising ako sa liwanag na nanggagaling sa salaming pinto ng terrace. Mabilis na nanariwa sa isipan ko ang nangyari kaninang madaling-araw, nang magising ako mula sa bangungot at nagkataong nandoon si Adonis. Ang laking pasalamat ko na naroon siya, dahil kung ako lang mag-isa ay baka hindi ko na alam kung anong ginawa ko. Hindi ko alam kung paano pakakalmahin ang sarili ko. Babangon na sana ako nang ma-realised kong nakaunan pa rin ako sa dibdib ni Adonis. Hindi ako makatulog dahil dama ko pa rin ang takot na buhat ng bangungot ko, kaya naman tinabihan niya ako at hindi binitiwan hangga't hindi ako kumakalma nang tuluyan at nakakatulog. Siguro dahil galing sa trabaho kaya nakatulugan niya na rin iyon. Suot niya pa ang suot niya kagabi nang umalis siya. Imbes na bumangon ay pinagmasdan ko na lang siya habang natutulog. I was so glad that he's here whenever I need, but there's a part of me thinking, can we work this marriage out? Pakiramdam ko hindi ko kayang ibigay ng buo ang sarili ko sa kaniya, I feel like I'm too broken, and this version of me is not the same girl he was in love with. Napabangon ako nang gumalaw siya. He moaned as he open his eyes, parang nasilaw pa siya sa liwanag. Walang bintana ang kuwarto ko, tanging terrace lang at ang salaming pinto ang meron. Sa lapad ng salaming pinto na pagpapasukan ng liwanag ay konting hawi lang ng kurtina ay nakasisilaw na. Tinutok niya kaagad sa akin ang namumungay niyang mga mata. "Good morning, how's your feeling?" halos paos ang boses niya nang humarap siya sa akin. Nakahiga pa rin siya at nanatili ang braso sa likuran ko kahit nakaupo na ako. Hindi ako sumagot, tiningnan ko lang siya. Naggusot muna siya ng mga mata at umupo na rin. Nakatingin pa rin siya sa akin, tila pinag-aaralan ang mukha ko. Napaiwas na ako ng tingin habang pinaglalaruan sa kamay ko ang kumot. "Salamat sa pagpapakalma mo sa akin kagabi, hindi mo rin ako iniwanan." Inayos niya ang buhok ko sa likod at magaang ngumiti sa akin. "Wala 'yon, I was supposed to be here, anyway. Hindi dapat kita iniwan kagabi." Umiling ako. "No! No! Nagkataon lang na binangungot ako, but it doesn't mean that you can't leave. I mean, I'm stable, Adonis. I'm fine." Tinitigan niya muna ako bago humarap sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat para iharap ako sa kaniya. Tinagiliran niya ako ng ulo para silipin ang mga mata ko. "Tell me what you are thinking, Bella." Napabuga ako ng hangin. "Naisip ko lang na, ayokong mahirapan ka na maging asawa ko. Ang sabi mo sa akin kahapon na nakilala mo ako bilang malakas, matapang, and maybe that's the reason why you fell in love with me, or you chose me to be your wife, but the Bella you are with right now, she's not the Bella you used to be with. That's why I don't wanna be vulnerable with you, all the time." Napapikit siya at umiling. "Bella, you don't have to." "No! Since I woke up with an amnesia, ikaw na lang lagi ang naga-adjust. Pati ang pagtabi nga sa akin sa kama hindi mo ginagawa, you can't even touch me. Pakiramdam ko tuloy ay nagkukulang ako bilang asawa mo." Mapupungay ang mga mata niya nang muli niya akong tingnan sa mga mata. Napailing siya saka ako bigla na lang hinalikan. Napapikit ako at napahawak sa may dibdib niya habang ang mga kamay niya ay nasa baywang at batok ko. Mababaw lang ang halik na iyon ngunit may kakaiba roon. Nang bitiwan niya ang labi ko ay nakita ko ang pananatili ng mga mata niyang nakapikit. Mayuso niyang idinikit ang matangos niyang ilong sa tungki ng ilong ko. Damang-dama ko ang mabango niyang hininga sa labi ko. "I'll just take a shower and talk to your Tita," bigla niya na lang sinabi saka ako iniwanan sa kama. Napahinga na lang ako nang malalim at hindi nakakibo. Nahihirapan pa rin akong basahin ang kilos niya, pero pakiramdam ko ay ang halik na iyon ay may gustong sabihin, ngunit hindi ko alam kung ano. Bigla ko tuloy naalala na hindi pa nga pala namin napag-uusapan ang tungkol sa relasyon namin. Kung paano talaga kami nag-umpisa, ni hindi ko alam kung may nangyari na ba sa amin. Ang sabi niya ay pag-uusapan namin iyon, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam. Bumaling na lang ako sa may banyo hanggang sa napagpasyahan kong lumabas na lang ng kuwarto para i-distract ang sarili ko. Binati kaagad ako ni Yaya Kelly nang makita niya ako. "Tinanghali kayo ng gising ni Adonis," aniya kaya napatingin ako sa wall clock. Its 9AM. "Si Tita Alison po?" Halos mawala ang ngiti ni Yaya Kelly at napalitan ng ngiwi, pero kaagad niya rin pilit na pinalitan ang ekspresyon na iyon. Bakit pakiramdam ko ay hindi niya gusto si Tita Alison? "Nakaalis na siya, Señorita." Tumango lang ako. Hindi na namin siya naabutan, pero kakausapin daw siya ni Adonis. Baka mamaya na lang o sa tawag? "Gutom ka na ba? Madaling araw nang nakauwi si Adonis, masasabayan ka ba niya sa almusal?" "Naliligo lang po siya, baka po bumaba na po siya pagtapos." Tumango lang siya at iginaya ako sa dining. Tahimik akong sumama. Nasa mahabang hapagkainan na ang mga pang almusal na pagkain. Maraming pagkain at masyadong maluwang ang dining, para bang ang lungkot-lungkot dito mag-isa. Pero sabagay, ang hapagkainan na ito ay siguradong ginawa para sa isang pamilya. Siguro hindi ito naging malungkot noong buhay pa ang magulang ko at buo pa kami. I wonder what memories I supposed to thinking right now whenever I'm here. "Bella, ayos ka lang?" Napabaling ako kay Yaya Kelly nang tawagin niya ako. Hindi ko namalayan na malalim na pala ang pag-iisip ko. "Yaya Kelly, kumusta po ba ang naging relasyon ko sa magulang ko bago sila mawala? Paano ko po sila nagawang iwan ng limang taon para sa Italy?" Mataman siyang ngumiti. Hinila niya ang isang silya at pinaupo ako, umupo siya sa katabi kong silya. "Sobrang malapit kayo ng magulang mo sa isa't isa. Ikaw iyong tipo ng anak na Mommoy at Daddy's girl pero may sariling desisyon. Lahat ng problema mo sinasabi mo sa kanila pero hindi para humingi ng tulong, pero para lang humingi ng suporta at lakas ng loob. Alam mo bang napaka independent mo, matalino, matapang, kaya hindi natakot ang magulang mo nang payagan ka nilang tuparin ang pangarap mong maging chef at mag-aral sa Italya. Sobrang suportado sila sa 'yo." Malungkot akong ngumiti. Siguro kaya kahit wala akong matandaan ay damang-dama ko pa rin ang pangungulila at kalungkutan sa pagkawala nila. "It seems very painful to lost them, how did I cope up then?" Masuyo niyang hinawi ang buhok ko. Para bang ang lungkot-lungkot niya habang iniisip ang mga kasagutan sa tanong ko. "Pinanghawakan mo ang dahilan kung bakit may tiwala ang magulang mong kakayanin mong mabuhay sa Italya kahit nandito sila sa Pilipinas. Nagpakatatag ka, naging matapang ka, kahit alam kong hirap na hirap ka, na ang sakit sakit na para sa 'yo, pinilit mo pa ring maging matibay." Mabilis kong pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko. Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa hindi ko makita ang dating ako sa ako ngayon, o dahil nanariwa sa akin ang lungkot ng pagkawala nila. Was that even possible? To get hurt without their memories? "I told you, you're strong and fierce when I met you." Napabaling ako sa may daan mula sa living room papunta sa dining na kinaroroonan ni Adonis. Lumapit siya sa amin. Tumayo si Yaya Kelly para bigyang daan si Adonis. Nakahalukipkip siyang pinanood kami. Bumagsak ang balikat ko habang nakatingala kay Adonis. "Nahihirapan akong ibalik siya, Adonis." Bumaba siya para magkapantay kami. Hinawakan niya ang kamay kong nasa kandungan ko. Nakababa na ngayon ang tingin ko sa kaniya. "Okay lang, at least ngayon masasabi kong kailangan mo ako. Hindi mo ako ipagtatabuyan." Nanliit ang mga mata ko at bahagyang natawa. "Pagtabuyan? Pinagtabuyan kita noon?" Tumango siya at lumayo ang tingin sa akin na para bang may inaalala sa malayo. "Ang sabi mo noon hindi mo kailangan ng kasama, buti na lang hindi kita iniwan kahit ayaw mong madama ang presensya ko." Nangunot-noo ako. "Masungit pala ako?" Tumawa siya at walang pagdadalawang-isip na tumango. "Sobra." Pinisil niya ang kamay kong hawak niya nang hindi hinihiwalay ang mga mata niya sa akin. "So don't be afraid to be vulnerable, especially when you are with someone who's willing to take you with whatever mood swing you have." Tinaasan ko siya ng kilay ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi, pero inaamin kong napagaan niya ang loob ko dahil sa sinabi niya. Sinabit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko at tumayo na. "You should eat, so you can take your med," aniya at bumaling kay Yaya Kelly kaya napabaling na rin ako. Kitang-kita ko ang pagngiti niya. Para bang tuwang-tuwa siya habang pinapanood kami. "Yaya Kelly, puwede po ba naming makita ang mga family pictures nila, kuwentuhan ninyo rin po sana kami tungkol sa childhood ni Bella, for sure makatutulong iyon para sa pagbabalik ng alaala niya." Mas lumawak ang ngiti ni Yaya Kelly habang ipinagsasalin-salin ang tingin sa amin ni Adonis. "Oo naman, marami akong puwedeng ikuwento tungkol sa pamilya ni Bella." Ngumiti si Adonis. "That's what exactly we need."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD