Chapter 8: ISABELLA Tahimik ako habang nakikinig sa mga kuwento ni Yaya Kelly. Tinitingnan ko ang bawat pahina ng photo album na ipinakita niya. Ang sabi niya ay bata pa lang ako ay mahilig nang kumuha ng letrato ang mga magulang ko, kaya naman kahit saan kami magpunta ay may letrato kami. Kahit nang nauso na raw ang mga hitech na gadget ay mas gusto pa rin nina Papa ang camera film para mailagay sa photo album na iniipon nila. Puno ng mga ngiti ang mga mukha namin sa bawat letrato. Para tuloy gusto kong manibago. I never saw myself happy as that since I woke up. Gusto kong ibalik ang Bella na nasa letrato. Hinaplos ko ang isang picture. Nasa tabing dagat kami, nakaharap sa camera at nasa likuran ang papalubog na araw. Masasabi kong kamukha ko ang mama ko. Ang natural na maalon kong bu

