Kabanata 9

2765 Words
Si Kulet yung nagdadrive, nakaupo lang ako dito sa passenger seat at nakasilip sa bintana, medyo dumidilim na ang kalangitan. Mukhang uulan ata? Saan naman kaya ako dadalhin ng babaitang toh?! "Hoy Deam, bakit ka nakashades?!" Tss... Oo nga no?! Kaya pala medyo madilim Hehehehe. Di ko na napansin kasi paggising ko kanina, ang laki parin nung eyebag ko. "Aah... ano kasi.. kanina... amm.. wa-wala ka na dun!!" sigaw ko sa kanya. Kukulitin na naman ako nang babaeng toh!! "Bakit nga?!" sabi sa inyo eh kukulitin na naman niya ko. Hay, napabuntong hininga na lang ako. "Wala nga eh," irita ko ng sabi at hindj ko na inabala pang tignan siya. Naiirita ako. "Mukhang Bulldog ka na naman ba?!" nang aasar na naman siya eh. Hindi ko talaga alam kung gaanong ka spoil tong babaeng toh. Hayyyy. "A-Anong Bulldog?! sa gwapong kong toh?!" tsss... "Tanggalin mo nga yang shades mo!!" hamon niya. Utot niyang red!! "Ayoko!!!" "BILIS NA!!" pangungulit niya pa. Never naman siyang di naging Makulet diba?! "Ayoko! ayoko! ayoko!!" "Bilis na! bilis na! bilis na!!" Hay, kailan ko ba siya mapapatigil?! "AYAW KO NGA!!" "Sige na! Sige na! Please!" aba, nasigawan ko na, dji parin tumigil? wala man lang takot sakin?! KAPAL!! "Mag drive ka na lang!!" tss... lord, patigilin mo na tong AMO kong makulet!! "Ano bayan, tatanggalin mo lang eh!!" Tsss... di ko na lang pinansin. Diba?! hay salamat, tumigil na din siya sa pangungulit. Natulog na lang muna ako para hindi na ako kulitin ng babaeng toh. Nakakarindi siya sa tenga. ++ "DEAN!! tulong!!!" ano bayan, ang ingay niya na naman. Atsaka bodyguard niya ko hindi KATULONG! "DEAN!!!!" Minulat ko agad yung mata ko dahil dun sa nakakairita niyang boses. Nakita kong nasa labas na si Kira at may mga lalaking nakapaligid sa kanya. Nakita naman ako nung kasamahan ata nung mga lalaking may hawak kay kulet at papalapit sakin, Bumaba agad ako nang kotse. "San mo balak pumunta?!" sabi sakin nung lalaking nakakita sakin kanina nang magising ako. "Tatawag ng pulis?! pwede ba?!" sabi ko sabay suntok sa kanya at agad naman siyang nawalan ng malay. Tss.. tulog agad?! hayy ang weak naman!!! "DEAN!!!!" irit ng malakas ni Kira. Napalingon naman agad ako dun sa pwesto niya. Hawak siya nung dalawang lalaki at papalapit na sa kanya yung isa. "DEAN!!! HU HU!!!" naiyak na si Kira. Tumakbo na naman agad ako dun at hinalbot ko naman yung lalaking may hawak na sa mukha ni Kulet at sinuntok ko nang malakas. Di ko alam pero, parang gusto ko siyang patayin dahil sa ginawa niya kay Kira. Natadtad ko na siya nang suntok, wala na siyang laban pa. Puro pasa at dugong dugo na yung mukha na, putok pa yung labi niya. "Dean, TAMA NA!!" "Hindi, papatayin ko toh!!" sabi ko sabay sinuntok ko ulit yung lalaki. Di ko alam kung bakit ko nasabi yun may sariling mundo yung bibig ko.. "Dean!!!" niyakap ako ni Kira habang naiyak siya. "Dean, wag mo siyang patayin. W-Wag kang pumatay *sob* ayaw ko nang may namamatay," Sabi niya habang naiyak at nakayap siya sakin. Putangina pasalamat tong gagong toh!! Natigilan na lang ako agad dun sa pagkakayakap ni Kira. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at niyakap ko din siya at pinatahan. Iniwan na lang namin yung mga lalaking malapit na mamatay at sumakay na ulit kami dun sa kotse. Pagpasok namin sa kotse, namamaga parin yung mata ni Kira galing sa kakaiyak. Bago niya pa paandarin yung kotse niya, napatingin siya sakin. Nagtama naman yung mga tingin namin kasi nakatingin din ako sa kanya. "Haahahaha," tumawa na lang siya bigla, nababaliw na ba sya?! Napapikit na lang ako ng dalawang beses kasi hindi ko talaga alam kung bakit siya natawam kanina naiyak lang siya tapos ngayon natawa siya... AYOS!! "Bakit?!" takha kong tanong. "Pfft!!! ahahaha... mukha ka kasing bulldog, kaya pala ha!! kaya pala may shades ka kanina!! ahahahah!!" Tss.. Oo nga pala, tinanggal ko na yung shades ko. "Stop laughing," seryoso kong sabi, pero ayaw tumigil. "STOP!!!!" nasigawan ko na.. aba, ayaw parin tumigil?! Nilapitan ko siya at hinawakan ko nang kanang kamay ko yung leeg nya sabay hinalkan ko siya. Sa labi... Halata namang nagulat siya sa ginawa ko, kasi nanlaki pa yung mata niya. Ilang segundo din ang lumipas at maya maya pa ay bumitaw na ko. Natahimik siya bigla, tama nga si Justine. Halik lang ang magpapatahimik sa babae. Kahit kelan ang daming alam ng malanding yun!! Pinaandar na ni Kira yung kotse niya at parang di siya mapakali sa kinauupuan njya. Galaw siya ng galaw, may bulati ba sa pwet niya?! "Na--nandito na tayo," sabi niya at mabilis naman siyang bumaba sa kotse. Nasaan kami?! bakit kami nandito sa may tabing dagat? magubat dito at wala kang makikitang kahit isang bahay, tao, hayop at basura. Ang tahimik din. Nang makalabas na ko, nagtanong ako sa kanya. "Bakit tayo nandito?!" "Gu--gusto ko lang, secret place ko kasi toh!!" naglakad agad siya papalayo sakin at naupo siya sa may tabi ng dagat. Lumapit naman din ako agad dun at naupo din. Sobrang ganda talaga dito. Sure siya?! nakakatiis siya sa gantong katahimik na lugar eh ang ingay ingay niya nga?! di kaya, dito siya nagpapraktis mag baliwbaliwan?! baliw kasi tong babaeng toh eh aside sa pagiging makulit niya. KIRA'S POV. Nang makaupo na ko sa tabing dagat, sumunod naman agad si Dean sakin at naupo din sa tabi ko. Naiinis ako!! nang hahalik na lang siya bigla. "Sa sobrang ingay mo nakakatiis ka sa gantong katahimikan?!" Tsss... Magsasalita na nga lang, mang aasar pa. "Nang aasar ka ba?!" sarcasm kong tanong atsaka ako napatingin sa kanya. Nagulat ako kasi nakatingin din pala siya sakin. Kala ko kasi sa dagat siya nakatingin. "Bakit di ba halata?!" Tsss... ang cold ng pagkakasabi niya nun ahh. Pwede ko na siyang ilagay sa inumin ko. Eh ang problema wala mga pala akong iniinom. "Nag tatanong ba ko kung hindi halata?!" pabalang kong sagot. "Tsssss...." "Ano?! PANES ka sakin!! wala ka nang masabi noh?! BOOM PANES!!!" pang aasar ko sa kanya. Masyado na kasing AWKWARD yung AIR, nakakapanes din ng laway. "Tomboy ka ba?!" tsss... DEAN?! ano bang tanong yan?! nasisiraan na ba siya?! bakit niya natanong yun?! inasar ko lang siya TOMBOY na agad ako?! "Ha?! HINDI!!! BA--BAKIT?!" ano ba Kira, bakit ka nauutal?! "Wala, kung manamit ka kasi.. talo mo pa ko!!" Hay... Naka pantalon lang naman ako ah atsaka malaking damit, anong tomboy dun?! "Ganto talaga ang gusto kong STYLE, inggit ka?!" lang aasar ko sa kanya at inilapit ko pa yung mukha ko sa kanya. "Utot mo! hindi ako inggit, para ka lang talaga kasing lalaking pumorma, kung maglakad ka nga. Lalaking lalaki, talo mo pa tatay mo na lalaki," Para akong binato ng malaking bato at tinamaan nun! Ouch ahh!! Natamaan ako. Naupo na lang ulit ako. "Yan din sabi nang mama ko, para daw akong LALAKI. Nakalakihan ko lang ata, karamihan nga kasi sa mga kaibigan ko LALAKI. Tapos mga pinsan ko din, mga lalaki," paliwanag ko. Totoo yun, ngayon lang ata ako nagka kaibigan ng BABAE?! si DONNA. "Mga magulang mo ba talaga sila?!" Tss, bat niya naman natanong?! daming baong tanong ng lalaking toh... stalker?! napatingin naman ako sa dagat bago ko siya sagutin. "Oo naman!!" proud kong sabi. at totoo naman eh. "Bakit di mo kasing ganda yung nanay mo?!" ttsss... tinatanong pa ba yan?! "Kasi, kasing gwapo ko si Papa," pambibiro ko at kinindatan ko pa siya. "Lalaki ka nga..." Bulong niya. Ibinulong niya pa, eh rinig na rinig ko naman. Binatukan ko nga, "Aray!! bakit ba?!" nagtaka pa siya ha?! "Nakaka ilan ka nang asar ha!!" atsaka ko siya tinignan ng masama. "Haha!!" aba, tawanan pa ko, nabatukan ko na nga?? "Bakit?!" Tanong ko sa kanya. Aba bigla na lang natawa nang walang dahilan?! "Wala, mukha ka kasing TAE! haha!" Agad ko naman siyang sinabunutan ng malakas. Nakakainis, oo na, mukha nang TAE!! madami nang nagsasabi. "TAMA NA!!!! TAMA NA!!!!" sigaw niya habang nakayuko siya at sinasabunutan ko. "Say SORRY muna..." "Ano yun?!" aba, ayaw pa niyang sabihin ha. "Yung SORRY lang naman ay isang WORD na kailangan mong banggitin para bitawan na kita," sabi ko sabay pinisil niya yung ilong ko. "HARAY!!! HOBRANG HAKET!!" grabe, ang sakit talaga... nakakainis. "Bitawan mo muna ko!!" nakalusot siya dun ha. Argh!! "FINE!!" sigaw ko sabay bitaw sa kanya at binitawan niya din ako. "Nakakainis ka!!!" sigaw ko sa kanya, sinugod ko ulit siya pero nahawakan na niya agad ang magkabila kong wrist para pigilan ako. Bigla niya akong hinila at inihiga sa buhanginan. "STOP hurting me or I'll kiss you again," Nakakailang KISS na sya ha!! ahhhh!! "Oky FINE!! just let me go!!" sigaw ko. "GOOD!!" sabi niga at kasabay nun ang pagbitaw niya sakin. Pagtayo ko naman, binatukan ko agad siya sabay takbo. Kala niya di ako papatalo!! nek nek niya!! "ARAY!!" narinig kong sabi niya pagkatakbo ko, "Bleh! bleh! Bleh! Habulin mo ko!!" sabi ko sabay tumakbo na ulit. "HUMANDA KA SAKIN KULET!!!" sigaw niya sabay tumakbo na din siya. Para naman akong sira ditong natakbo na alam ko namang mahahabol niya ko kasi ang bilis bilis niyang tumakbo. Nahawakan nya ko nang una pero nakawala naman ako. Nung malapit na ulit siya sakin, bigla niya akong niyakap ng mahigpit at kasabay nun ang paglaglag namin pareho sa bungahinan. Nang pumaharap agad ako, nahawakan na nya yung magkabila kong pulso kaya wala na kong kawala. Nasa ibabaw ko siya ngayon habang parehas kaming maghahabol mg hininga dahil sa sobrang pagod. "Ikaw babae ka!! Ang kulit kulit mo!!" sabi nya habang nakatitig sakin ng nakakalusaw. Dean naman eh. "Yan ako eh!!" pambasag ko naman sa kanya. Bigla na naman niyang pinisil yung ilong ko. "HANO BA?! MAHAKET HAYA!!" sabi ko habang pisil niya parin yung ilong ko. Ang sakit kaya T_____T Bumitaw na naman agad siya sa pagkakapisil ng ilong ko at tumayo agad sya. Inilahad niya yung palad niya sa harapan ko na means ay dapat kong abutin para tulungan niya kong makatayo. Inabot ko naman agad at tumayo na ako. "Tara na, mag gagabi na. Umuwi na tayo," ayaw niyam "Oh O--Osige" pagkasabi ko nun, tumakbo na kami papasok ng kotse ko. Nang nirestart ko na yung kotse ko, ayaw umandar. Nang pangatlong subok ko, ayaw parin. "Tanga, wala nang gas," sabi ni Dean. "Oo nga, sabi ko nga..." sabi ko na nagmamaang maangan pa yung boses. "Ano?! wala TALAGA?!" gulat niyang tanong at napaharap pa siya sakin. Putengene niya dn eh. "Tanga ka din eh noh?! wala nga eh, sinabi mo na nga!!" sigaw ko sa kanya, siya na nga nagsabi tapos di pa siya naniniwala?! "JOKE ko lang yun eh," Ahh.. joke lang daw?! "Grabe... HA.HA.HA. natawa ako sa JOKE mo na totoo!!" sabi ko sa kanya. "Dapat lang na matawa ka!! mabenta kaya yun!!" "Tangina mo baka bumagyo!! Wag kang masyadong mahangin!!" inis kong sabi. Napag isipan naman namin na bumaba na lang... "So. san tayo?!" tanong niya. 'Sa tagal ko na ditong natamabay, may pahingahan naman din ako..." "Uh!! GOOD... we can stay there all night," masaya niya pang sabi. "Then?!" tanong ko naman. "Maglalakad na tayo bukas," Urgh! maglalakad bukas?! eh. jogging nga sa umaga di ko gawin maglakad pa kaya?! "A-ano?! ngayon na lang. Teka tatawagan ko si..." teka, sino bang tatawagan ko?! wala namang magsusundo samin dito?! "SINO?!" sigaw ni Dean kaya natauhan ako. "FINE!! wala," Kainis maglalakad ako bukas. Pagtingin ko sa other side ng gubat nakita ko na naman yung lalaking nakahoody at laging HAPPY... TINAY lang ang PEG. Bigla ko namang niyapos si Dean dahil sa takot ko. "Ano ba?! diba sabi ko wag mong gagawin yan?! masyado akong gwapo para yapusin ng panget na tulad mo," kahit mukhang liliparin na ako papalayo dahil sa kahanginan ng lalaking toh ay pinilit ko parin kumapit sa kanya kasi natatakot ako. "Wag ka nang maarte, pagbigyan mo na lang yung panget na tulad ko," sabi ko sa kanya na hanggang ngayon ay yakap ko parin siya. Natahimik naman kami nang mga 30 seconds?! "So, now what?!" tanong niya. "Anong Now what?!" "Ano na?! Ano? ganto tayo matutulog?! nakatayo?!" Ay oo nga pala hehehehe!! "Tara, dun tayo sa bahay ko!!" Tss.. yabang lang eh noh?! BAHAY KO!! "Dami mong bahay," kala niya, narinig ko yun. "Syempre, mayaman naman kami eh...." "Tsss..." Yan na naman sya sa Tsss.. tsss... niya. Naglakad na naman kami habang hawak ko lang yung kamay niya. Feeling ko kasi may nakatingin pa rin sakin pero wala na pala. Hehehe, tae lang eh. 3RD PERSON POV. "Mga gung gong," sigaw ng lalaking may katandaan na nakaupo sa swivel chair niya at sinesermonan niya ang kanyang dalawang tauhan dahil pumalakpak ulit sila sa trabaho nilang magnakaw. "Pa--pasensya na po Master M. Malakas lang talaga si Dean," sabi nang isang lalaking nakaluhod sa tapat ng tinatawag nilang Master M. "Ano pa ba at tinawag siyang Heather?! syempre malakas talaga siya," naiinis na sabi ni Master M habang nagyoyosi. "Pasensya na talaga Master M, du napo mauulit," sabi nang dalawa habang nakaluhod parin at nakayuko. "Anong di na mauulit?! eh paulit ulit na nga eh, pangatlong beses na tong nangyari ha!! MY GOD!! sumosobra na siyang pakealamero!!" sigaw niya, siya kasi ang may pasimuno nang lahat ng nakawan sa lugar na yun at hindi naman siya mahuli huli nang mga pulis dahil magaling siya magtago at kung may magsusumbong man, siguradong hindi ka na aabutin pa ng bukas dahil patay ka na. "Patawad po," naiiyak na nasabi nang dalawa. "GO OUT!! gusto kong mapag isa!!" agad namang lumabas ang dalawa habang nagyoyosi si Master M. Naiinis parin siya dahil sa pagpigil lagi ni Dean habang nagnanakaw ang mga tauhan niya. "Kahit KELAN pakielamero ka Dean!!!" naiinis niyang sabi. Magmortal na kaaway sina M at Dean. "Do you want a deal?!" Agad napabalikwas si Master M at ang kaninang inis niyang nararamdamn ay napaltan ng takot dahil sa may biglaang boses na lang ang nagsalita. "Si--sino ka?!" lumingon lingon siya sa paligid ng opisina niya at hinanap ni M kung saan nanggaling ang boses na yun. "Haha!! tutulungan lang naman kita," nakakatakot na sabi ng lalaki. Nang mapatingin naman si Master M sa malaking bintana ng opisina niya ay may nakita siyang lalaking nakatago sa dilim at nakatago din sa hoody nitong itim. "Anong kailangan mo?" "Ikaw ang may kailangan sa akin... UNLI ka?! tutulungan nga kita diba?!" pabalang na sagot ng lalaking nakahoodie. "Paano mo naman nasabi yun?!" kinakabahan at natatakot na tanong ni M pero pinili niya paring maging matapang. "Gusto mo dibang pumatay at... maging mas malakas sa kanya?" "O-oo.." tipid na sagot ni Master M. "Deal, parehas natin silang papatayin," "Teka, sino ka ba talaga?!" tanong ni Master M. Lumabas naman ang lalaking nagtatago sa dilim at tinaggal nito ang hoodie niya. "Ako... si Sam..." sabi nang lalaking nagpakita na at lumapit ito ng sobrang bilis kay Master M at kinagat niya ito sa Leeg. "Ahhhhhhhh!!!!" DEAN'S POV. "Ahhhhhhhh!!!!" Nagtakip na ko ng tenga dahil sa bwisit na sigaw na yan ni Kira. "KIRA!! STOP THAT NOISE!!" "Ahhhhhhhh!!!!" kanina pakami nandito sa maliit na bahay. at kanina pa din siya nasigaw. "Ano bang problema mo?!" nag alarm lang ata yung cellphone niya tapos bigla na siyang nagsisi sigaw ng ganyan. "Walang CHANNEL M AT KBS dito sa TV!!! Ahhhhhh!!! di ako makakapanood ng performance ng BOYFRIEND at BTS!!! ahhh!!! "So anong magpapatigil sayo?!" Tanong ko, ang babaw niya naman. Putangina, pakainin ko siya ng d**o eh!! Ang kaso, walang d**o dito. Yung upuan na lang ipapakain ko sa kanya. "Di ko alam... Ahhhhh!!!" Urgh... nakakainis na siya, mga nakasampung sigaw na siya mula kanina pa. oh diba?! bilang ko pa. Maya maya, bigla na siyang tumigil. Hay salamat, buti naman. Naramdaman kong yung ulo ni Kira ay nasa balikat ko na. Wala kasing kama dito kaya nagsahig na lang kami, pareho lang kaming nakaupo sa isang sulok at konti lang naman din dito yung gamit. Wala ngang kaming kumot, panlatag o unan man lang kaya mahirap na posisyon kami ngayon. "HOY!! ang bigat ng ulo mo, alisin mo nga!!" sabi ko sa kanya. Tinalon talon ko naman yung balikat ko. "Pst.. uy, uy.." di parin siya nagsasalita, pagtingin ko. Aba? nakatulog na pala kaya pala natahimik na sa EARTH!! Pinagbigyan ko na lang at pinatong ko na lang yung ulo ko sa ulo niya. Antok na din ako kaya nakatulog na ko. Hay... mananahimik muna saglit yung mundo ko kasi bukas, may makulet na amo pa kong babantayan. [CONTINUE...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD