Kabanata 8

3903 Words
KIRA'S POV. Hay, kakatapos lang kanina nang Science at isang boring na klase na naman. History... Magkaklase kami dito ni Sam, at kanina pa ako nagtataka kay Sam. Ba naman, titingin sakin tapos tatawa. Mukha na nga ba talaga akong CLOWN?! di kaya may kung ano sa mukha ko?! Bakit ba siya natatawa kapag titingin sakin? Hay, nevermind. Si Dean hindi talaga pumasok ngayon. Napasarap sa bakasyon. Parang wala lang pasok kahapon eh di na din siya papasok ngayon?! ayus siya ah! Ano kayang nangyari dun? Ano ba naman toh! sa lahat ng subject na pinasukan ko, lutang talaga ako kakaisip kung bakit di pumasok si Dean. Ba't di ba kasi siya pumasok?! at saan naman siya nagpunta?! nandito naman sina Justine at Joshua, di nga din nila alam kung nasaan si Dean. Bakit ganun, di man lang niya sinabi kung saan siya nagpunta. "HOY KIRA!!" "Ay TETENG KALBO!!" "Ano ba?! tara na! uwian na!!" si Sam pala. Teka? Kakapasok ko lang sa klase ah?! uwian na agad?! sigurado ba talagang nagklase kami?! grabe pala ako paglutang!! Aish! Paglabas ko nang Room, di ko na nakita si Sam. Grabe naman siya maglakad! ang bilis, kasabay ko lang siya kanina tapos parang naglahong bula lang agad siya?! sayang, sasabay sana ako sa kanya. Bago naman ako umuwi ay pumunta muna ko sa locker ko para ilagay yung iba kong gamit. Pagsara ko nung locker ko, nakita ko na naman yung lalaking nakahoddy at nakangiti sakin. Nginitian ko naman din siya, kala niya siya lang ang may kayang ngumiti nang ganyan?! UTOT NYA! Pero natatakot parin ako sa kanya kaya tumakbo na ko papuntang parking lot. Nanduon na din si Donna at mukhang inaantay na nga ako habang nakasandal sa Ferrari ko. Pumasok naman agad ako pati si Donna at umalis agad kami sa lugar na yun. Medyo malayo layo na kami nang bigla na lang tumigil yung kotse ko. "Bakit tayo tumigil?!" takhang tanong ni Donna. "I don't know," sagot ko "Ikaw kaya nagdadrive!!" Tss... ako nga naman ang nagdadrive. Sabi ko nga. "Ako nga nagdadrive, pero di ako yung umaandar para Tumakbo tong kotse ko!" itinry ko ulit i-restart, pero ayaw talaga. "Wala na atang GAS," "Malamang, ayaw nang umandar eh. So anong gagawin natin?! eh malayo pa tayo sa mansyon niyo?! at saka malayo na din tayo dun sa bayan," sabi ni Donna. Oo nga, malayo na kami. Para ngang nasa gitna na kami nang bayan at mansyon namin. Puro puno lang ang makikita mo dito sa paligid. Ganto talaga ang daan paputang mansyon namin, tago kasi yung mansyon namin eh... wala nga kaming kapit bahay. Bumaba muna ko nang kotse para ayusin tapos si Donna naman ay pumunta nang bayan para bumili nang GAS. di naman niya kayang ayusin tong Ferrari ko kaya siya na ang bumili nang GAS. Tangina bakit ba tinotopak ngayon tong sasakyan ko? Tapos ko nang ayusin yung kotse, kaya sumandal muna ko dun sa labas ng kotse habang nakatayo at nakapikit ang mga mata. Matatagalan pa ata si Donna, malayo kasi yung bayan tapos maghahanap pa siya nang mabibilhan nang GAS. "Miss, Need Help?!" Nagulat ako dun sa nagsalita kaya naman napamulat ako at hinanap yung nagsalita. Sino toh?! ang panget, tapos malaki yung katawan. Yung parang MATCHO! Tangina, anong help maitultuong niya? Kaya niya ba kong pasakayin sa kanya kasama yung Ferrari ko at ihatid sa bahay? Tsss. "No Thanks, i don't need your help!" mataray kong sabi. Masyado siyang FEELING CLOSE ahhh. Tsss... Napatanggal na ko sa pagkasandal ko sa kotse ko at akmang papasok na ko sa ferrari nang may humawak sa magkabila kong braso. Malalaki din yung mga katawan nila, ngayon tatlo na sila!! "Holdap toh Miss, wala ka nang kawala," sabi nung lalaking may hawak sa kanang braso ko. Tangina, seryoso? Sino sila? "Oo nga, wala na kong kawala. Hawak kaya ako nang dalawang HIGANTE!!" Natawa na lang silang tatlo, bwiset, pangatlong beses na tong nangyari sakin. Buti na lang nakaligtas ako dati, chamba ko lang yun dati kasi dumating agad sina Mama at Papa, at walang awa nilang pinatay talaga yun. Pero ngayon, mukhang walang CHAMBA!! "Pero bago namin yun gawin, paglalaruan ka muna namin," what the... paglalaruan nila ang alin? oh NO!! eto talaga ang kinatatakutan ko sa mga holdaper, at sila lang gagawa nento. HELP! Inihiga ako nung dalawang lalaki. Bwiset, Binuksan nila yung coat kong long-sleeved, buti na lang may blouse pa ko sa loob. AHHH! TANGINA NG MGA MANYAK NA TOH!!! KAYA KO KAYONG IPAPATAY!! "Mama and Papa will Kill you!" nanggagaliiti kong sabi. "We?! nasaan sila para patayin kami?! hahahaha," aba, tinawanan lang ako nang mga ugok. Ahh!!! Hinahalkan na nila ako papuntang leeg, bwiset napapikit na lang ako. Ayaw kong makitang ginaganto yung katawan ko.!! Over my beautiful and sexy body? BINABABOY nila. OMYGHAD!! Sino na tutulong sakin. Siguradong pagdumating naman si Donna, isa pa nilang bababuyin yun. Madadamay pa sya. "Ahhhhhh!!!!!" Sigaw ko habang nakapikit ako. Nung nasa leeg na sila, bigla silang tumigil at napabitaw sakin. Tapos naramdaman ko na lang na parang nawala yung mga bwiset na yun na nasa ibaba ko kanina. Minulat ko naman yung mga mata ko kasabay nang pag-upo ko, nakita ko na lang yung mga lalaki na nakahiga na sa damuhan at mukha nang mga UBE sa grabeng mga sapak nila. Napatingin ako sa gilid at nakita ko si... Dean, pumunta naman siya sa harapan ko at inilahad niya yung kamay niya para itayo ako pero, tinitigan ko lang yung kamay niya. "Bilis! nangangalay na ko!" tsss... ang arte niya naman, nangangalay! hinawakan ko na naman yung kamay niya at tumayo tapos bigla ko siyang niyakap, kahit na matangkad siya ay tumingkayad na lang ako para maabot ko siya. Tangina so high. Ang tangkad niya =_____= "Te-teka...." sabi ni Dean, alam ko namang nagulat siya sa pagyakap ko. Hhhehe. "Thanks Dean... for saving my life!" masaya kong sabi habang nakayakap parin sa kanya. Para naman siyang istatwa na di na makagalaw. Di nagtagal, yumakap din siya sakin. B--Bumibilis na naman yung t***k ng puso ko. Hindi ko maipagkaila... gusto ko na ata si Dean nung una ko palang siyang nakitam "EHEM?!" Napabitaw naman agad si Dean sa pagkakayakap sakin pati naman din ako. Nandito na pala si Donna. Hehehehe, tangina mo Donna panira ka moment. Mamatay ka na, ang aga mong dumating nagyayakapan pa kami. "Eto na yung GAS oh!" sabi ni Donna sabay abot sakin nung GAS. Hehehe, ipalaklak ko sayo toh bes eh. Inilagay ko na yung GAS at inayos ko na yung kotse ko at umalis na kami, sumabay na lang naman din si Dean samin pauwi. "Hoy Dean! bakit di ka pumasok? tapos kung mapagmadali mo ko sa CR kanina kala mo naman sasabay ka samin?!" tanong ko agad sa kanya. "Eh 1 hour ka na kaya dun sa CR," sabi naman niya. "Ah... Kasi... ano... ehhh bakit di ka nga pumasok?!" pangungulit ko. Hehehe. "Naghanap ako nang trabaho!" sagot niya. "Wee?! Joke yun?!" "Syempre hindi. Di ka nga natawa" Tss... sige na nga. Atles may point siya. Edi pilosopo na din sya. "May nahanap ka ba?!" singit naman ni Donna na nasa Backseat. "Oo naman, sa gwapo kong toh?! syempre may tatanggap sakin," Tss... nalakas na naman yung Fighting spirit niya, Yumayabang. "Tss.. yabang, alam mo ba Donna. Muntik na kong Ma r**e kanina, sobrang natakot ako," Pagkukwento ko sa kanya. Hehehe, gusto ko lang na malaman niya. May bad memories na naman ulit ako. "Dapat nga matuwa ka pa," sabi ni Dean kaya naman tinignan ko siya ng masama at nagtataka. "Ba't naman?!" nakataas kong kilay na tanong habang nag dadrive. "Kasi may nagtatangka pang mangrape sayo sa panget mong yan," Aba, ang yabang niya talaga. Ang sama niya talaga. Hinampas naman siya bigla ni Donna "Aray Noon! Totoo naman ah?!" sabi ni Dean at natahimik na lang siya nang lakihan siya nang mata ni Donna. Natakot naman siya kay Donna. "Nga pala Kulet, aalis na kami bukas dito. Dun na kami sa bahay nung amo ko,"sabi ni Dean. "Bakit?! Nag apply ka ng katulong?" "Hindi! Bodyguard." Tsss. kala ko naman katulong. "Dapat sakin ka na lang nag apply. Naghahanap din sina Mama nang bodyguard ko, hehehe," "Tangina mo. Sayo?! sayo ako mag aapply for bodyguard?! no way, walang gustong maging amo ka sa kakulitan mong yan," Pagkasabi niya nun ay nanhimik na lang naman ako, wala na kong masabi sa kanya eh. masyado akong NAPAHIYA! "Nga pala Noona, mag impake na kayo ni Mama. Aalis na tayo bukas dito," sabi ni Dean, nagpaparinig ba sya?! Sabihin mo na lang kasi nang diretso. Tangina... excited ahhh. Nakafocus na lang naman ako sa pagdadrive... Tapos may nakita akong lalaking natawid na nakaitim. *POT*POT* preno ko. Masasagasaan ko na kaya siya. Bigla naman siyang huminto at lumingon sakin. "Kira..." sabi niya paglingon niya sakin. Alam kong ako yun, ako lang kaya ang Kira saming tatlo. Napahinto naman ako nang biglaan at kulang na lang ay tumalsik kami sa sobrang lakas ng pagpapahinto ko sa sasakyan ko. "ANO BA KIRA?! MAY TRABAHO PA KAYA AKO BUKAS! PAPATAYIN MO NAMAN AGAD AKO!!" galit na sabi ni Dean. "So-sorry," sabi ko habang nakayuko at may lungkot ang boses. "Ano yun?! wala sa dictionary ko yung word na yun!" oo nga pala. Natigilan na lang ako sa mga sinabi nya. Galit na siya ngayon sakin. "Ga-galit ka ba?" ang tanga ko naman, syempre Kira galit na sya, COMON SENSE! "Oo, punong puno na ko sa mga kakulitan mo!! nakakabwiset ka na!" sigaw niya sakin, di ko na napansin na ang tinigilan na pala namin ay ang bahay namin. Inawat naman ni Donna si Dean, pero bumaba na agad ito at pumasok sa bahay. "Pasensya na Kira... ganun talaga yun wag mo na lang pansinin," pagpapagaan ng loob ni Donna, "Salamat Donna, ang bait mo!!" sabi ko, nauna na namang bumaba si Donna at naiwan na ko sa kotse ko at nakatulala parin. Maya maya pa ay pumasok na ko sa bahay. Nang makapasok na ko sa kwarto ko, nag iimpake na naman si Dean READY?! grabe, excited sa pag alis. "Nga pala Dean. Matagal na din na di mo ko itinututor," nakayuko kong sabi habang nakatayo parin ako sa may pintuan ng kwarto ko. "Di na pwede. sa iba ka na lang magpatutor. Magtatrabaho pa ko," "Eh ka--" "Pwede ba... wag mo na kong kulitin. Nakakainis na ha!!" Dean na napaharap na sakin pero hanggang ngayon ay nakayuko parin ako at nilalaro yung kamay ko... ganyan ako kapag sinesermonan, kung ano anong mga pinag gagawa ko. "Eh... makulit naman talaga ako eh. Ganun talaga ang totoong Kira." mahina kong sabi. "Pwes... itigil mo na yan, " sabi ni Dean sabay lumabas muna sa kwarto ko. Edi umalis sila. No Problem... at ba't ko ititigil ang pagiging makulet?! eh ako yun eh. wala siyang magagawa. Naku, matatanga na nga ako sa Science nento. +++ Maya maya pa ay pumasok na sa kwarto ko si Dean. Pumunta agad siya dun sa dulo nang kama ko at nanood din ng performance sa Mnet ng Crayon Pop na 'Bar Bar' Nakakinis, naiiyak ako. Ayaw ko kasing may taong galit sakin lalo na yung mahal ko. Putek! malapit nang tumulo yung mga luha ko. DEAN!!!! nakakinis ka! Ang sakit... *Phone Ringing* Pagtingin ko, nag alarm yung cellphone ko. Alarm: Nuod ng MNet sa TV ♡♡ Diba sosyal? May alarm. Minsan kasi nakakalimutan kong manood eh. Hehehehe. Hay... alam ko na!! "He-Hello?!" nagpanggap na lang akong may tinatawagan tapos maiiyak ako, ayoko namang umiyak ng walang dahilan noh! para kong baliw! "Ha?! Ba-bakit?! *Sob* please! *sob* don't tell me that!! * sob* bakit?! anong nangyari?! wag mo kong iwan.. *sob* pakisabi na lang... na mahal ko siya.. Di na baleng may gusto siyang iba," diba?! tumulo na yung mga luha ko. tinodo ko na yung pag iyak ko. Grabe, ang dami kong luha. Napatingin naman ako kay Dean, nakatingin din pala siya sakin tapos ibinaba ko na yung cellphone ko at umiyak nang umiyak habang takip takip ng mga palad ko yung bibig ko. Nakakinis, masyado akong AFFECTED sa pag alis ni Dean. Oo nga pala, mahal ko na siya. Hehehehe, mahal ko lang hindi mahal na mahal. Sabi kasi nila, dapat MAHAL lang para MASAKIT lang hindi yung MAHAL na MAHAL para hindi MASAKIT na MASAKIT. Pero bakit ganun? Ang SAKIT SAKIT? "Panget ka kasi, iniiwan ka tuloy ng boyfriend mo. at isa pa, baka nainis na sayo dahil sa kakulitan mo," tss... nagsalita din sya. "Tanga! wala kong boyfriend. Yung aso ni Zeus na K9 na mahal na mahal ko ay namatay na!" "Bwiset, yun lang pala eh kung makaiyak kala mo tao na yung nawala!" tss... di mo lang alam... Ikaw yung iniiyakan ko, dahil mawawala ka na sa pamamahay na toh bukas, at baka di mo na din ako pansinin pa. Lumapit naman ako sa kanya para sabunutan siya sa inis ko, pero nahawakan na niya agad yung mga braso ko at pinipigilan sa gagawin ko sa kanya. "Uy... Kulet! malaglag ako dito!!" sabi ni Dean at pilit niya kong pinipigilan dahil malalaglag na nga siya dahil nasa pinakadulo na siya nang kama. Hawak niya parin yung mga braso ko at pinipilit ko parin siya masabunutan, ganyan ako kasama. Tangina niya, gusto ko siyang saktan. Nalaglag na naman siya sa kama at napasama ako dahil hawak niya nang mahigpit yung mga braso ko. Sobrang lakas ng paglaglag namin kaya napalakas din ang laglag ko kay Dean. Tch!! Bakit ang tigas ng dibdib niya? Para na din akong nalaglag sa sahig. "Nak?!" narinig ko si Papa na tumatawag kaya napatayo agad ako. Buti na lang nakaharang yung kama kung saan kami nalaglag ni Dean kaya di niya kami nakita. Nag sign ako kay Dean na wag magpapakita. "Oh, Pa! ba-bakit?!" "Wala lang, okay ka lang ba?!" "O-opo," "Nga pala, may nahanap na kaming bodyguard mo.. teka anak, may iba pa bang tao dito sa bahay?!" tanong ni Papa kaya napatigil ako. "Ammm.... kasi po, yung kaklase kong babaeng si Donna, mag sleep over po siya dito. Sa guest room ko na lang po pinatulog... sige pa, bukas na lang. Matutulog pa po ako eh, babye!!" sabi ko atsaka ko isinara yung pinto. Napabuntong hininga naman ako atsaka na pumunta sa kama kung saan nakahiga na din si Dean. "Nga pala... Dito ba matutulog Mama at Papa mo? Baka makita niya kami?" tanong ni Dean kaya napatingin ako sa kanya. "Hi---Hindi, sa Hotel yun laging natutulog," sagot ko naman atsaka na naman kami naging AKWARD. Pagtitingin ako sa kanya, umiiwas siya nang tingin sakin. Pagtitingin naman siya sakin, ako naman tong iiwas... Ang abnormal namin noh?! DEAN'S POV. 11:30 na, di pa din ako makatulog. Nakatalikod ako kay Kira. Madilim na at wala nang mga ilaw, tanging liwanag na lang nang buwan. Di ko alam, pero bigla akong napaharap kay Kira at nakaharap din pala siya sakin habang natutulog. Tinitigan ko lang naman siya, ang tahimik niya matulog, parang ang bait bait niya at di maingay. Nakakinis siya kasi di na naman nya ako pinapatulog. Siya ang himbing himbing nang tulog. Parang naguilty ako sa ginawa ko kanina, nung sinigawan ko sya. Teka? Pakisabi nga Dean Wolter? Kelan ka pa nagkapake sa babaeng toh? Tangina talaga. +++ 2:06 na, heto parin ako. Gising na gising, Hihintayin ko na lang mag 6:00 para mag ayos na. Wala namang pasok ngayon. Sabado kasi. Tumayo muna ko at pumunta sa salamin sa CR ni Kira, grabe, ang itim na nang ilalim ng mata ko. "KIRA!!" sigaw ko ng mahina na naiinis na. Naligo na din ako kahit na sobrang aga pa, itinry ko ulit matulog tapos nag alarm na kang ako nang 8:00 am para mag ayos na lang. +++ Hay, ano bayan, nag alarm na. Buti naman at nakatulog pala ako. "Mhh... ano bayan DEAN!!! patayin mo yan. sabado ngayon at walang pasok.. panira TULOG ka naman eh!!" sabi ni Kira habang nakapikit parin. Pinatay ko na naman agad yung alarm at nag ayos na. Nagpaluto na lang ako dun sa isang Maid ng pagkain tapos nagbihis na ko. Mga 9:00 na ko natapos, pumunta muna ko kina Mama para sabihin na maghanda na sila. Tapos umalis na ko, di na din ako nag paalam pa kay Kulet este Kira. Masama na pagginising ko yun. Nakakatakot. Baka mamaya kung anong gawin nun sakin. *New Message* From: Mam Nicole Nandito na ko sa ***** Restaurant Ha?! nanduon na siya?! Ang aga niya! pero teka, siya palang?! Papunta na ko sa restaurant na itinext niya at nagtaxi ako. Agad naman kaming nakarating doon at pagbaba ko nang taxi, natanaw ko agad si Mam at yung isang gwapong lalaki na nasa loob ng restaurant at mukhang hinihintay ako. Oo nga, sila palang. At wala pa yung anak nila. Bagay silang mag asawa, para lang silang mag syota. Sarap agawin ni Mam Nicole dun sa asawa niya. Dumiretso na naman ako sa loob dahil napalingon sa kintatayuan ko si Mam Nicole tapos kumaway pa siya at nag sign na pumunta na ko dun sa table nila. Paglapit ko ay napatayo agad silang dalawa. "Oh, Han. He's Dean. Siya yung sinasabi kong bodyguard," "Oh, nice to meet you Dean, Im Renz," Tss... hanep! English!! Nag bow naman ako sa kanya at binati din siya. "Nice to meet you din po Sir Renz," "Come Sit," ani Sir Renz na sinunod ko naman agad. Nasa kabilang upuan si Sir Renz at magkatabi naman kami ni Mam Nicole. "Sorry Dean kung maghihintay ka pa sa anak namin, txt na ko nang txt sa kanya kaso tulog mantika nga pala yun," bigla naman akong napatawa sa sinabi ni Mam Nicole kasi naalala ko bigla si Kira na natutulog kaninang umaga. "Oky lang po," "Naku Dean, irespeto mo na lang kami na ka edad mo, wag kang gagamit ng 'PO' pagkausap kami. Maliwanag?!" sabi ni Sir Renz atsaka naman ako tumango. "O sige Sir," Maya maya pa ay umorder na kami nang pagkain. "Sana di ka matakot sa Anak namin Dean, makulit lang talaga yun. Kaya mo yan Dean, I trust you na ikaw ang makakatagal na bodyguard sa anak ko. Kasi magtatampo na yun, grabe pa naman yun. Kelangan niya kasi talaga nang poprotekta sa kanya dahil ilang beses na siyang muntik manakawan. Inaayawan lagi siya nang mga bodyguard njya kasi kung ano anong pinapagawa nung anak ko, ang kulit kulit," kwento ni Mam Nicole habang kami ni Sir Renz ay natatawa habang nagkukwento siya. "Don't worry Sir and Mam, babaguhin ko po yung ugali nang anak niyo at ako po ang makakatagal na bodyguard niya," hindi ko sila bibiguin. Nakaharap na ata ako nangganyan, kung yung anak nila Halimaw?! ano pang tawag kay Kira?! diba halimaw din?! pero mas malala naman si Kira. "Oh! She's Here," sabi ni Sir Renz. nakatalikod kasi yung upuan namin ni Mam Nicole sa Entrance kaya di ko pa makita yung anak nila. Si Sir Renz naman ay napatayo na at umalis dun sa kinauupuan niya at sinalubong yung anak nya. Ayaw ko munang tumingin dun sa anak nila, baka mamaya amazona yung mukha. Oh di kaya kamukha ni pokwang or something. Hehehe. Napatayo na din si Mam Nicole at ako na lang ang natirang nakaupo. "Sorry Pa! Ma! alam niyo namang tulog mantika ako. Buti na lang pinaalala niyo kay Yaya Nora na may i-memeet nga pala ako ngayon," teka, i know that voice. Her voice sounds familiar. Napaharap ako sa likudan ko at nagtama ang mga tingin namin dahil nakatingin din pala siya sakin. "IKAW?!" sabay naming sabi... medyo natulala kami pareho, pero di nagtagal ay gumalaw na siya at sabay silang umupo ni Sir Renz sa harapan namin ni Mam Nicole. Napabalik na rin ako sa pagupo at umayos na din ng upo. "Dean, she's my Daughter, Kira," Pakilala ni Mam Nicole. Napangisi na lang ako bigla ng ewan. Tsss... "I think i met you somewhere Dean," natatawa tawa niya pang sabi. Bigla akong nairita kasi para siyang nang aasar. Tsss... kilala niya naman talaga ako eh, abnormal. "Yes, you already met me MS. MAKULET," sabi ko sabay nginitian ko siya. "So... magkakilala na kayo?!" takhang tanong ni Mam Nicolr. "Yes Mam Nicole, At tama nga kayo, makulit nga tong anak niyo," sabi ko sabay tumingin lang kay Kira. Teka! siya ba talaga ang AMO ko?! Halimaw nga... "So... susuko ka na ba agad?!" napatingin naman ako kay Sir Renz atsaka siya nginitian ng malapad. "Ano Bayan.. WEAK!" biglang singit ni Kira. "No Sir Renz, i accept the job," "GOOD! So.. balita ko din na parehas kayo nang school at magkaklase kayo sa ibang subject?"tanong ni Mam Nicole. "Yes/Yes," sabay naming sabi ni Kira tapos nagkatingin pa kami habang kumakain. "Kilala niyo na ba ang isat isa?!" tanong naman ni Sir Renz. "Yes/Yes" sabay na naman kami tapos nakatinginan na naman. Sinamaan ko siya ng tingin tapos sinamaan niya din ako ng tingin. "Ginagaya mo ba ko?!/ Ginagaya mo ba ko?!" sabay na naman kami. "Ikaw nga yung nanggagaya/ ikaw nga yung nanggagaya" tsss... sabay na naman kami. "Aba, hindi kaya/aba hindi kaya," kelan ba kami di magkakasabay?! "Minimini may ni mo, bato bato pik/ minimini may ni mo, bato bato pik" tinggnan mo, nag sasabay talaga kaming dalawa. Nung nagbato bato pik din kami, parehas gunting din yung lumabas. "Amm.. excuse me, nak dun sa bahay natin titira sina Dean, singit ni Mam Nicole. "Oky fine, matagal na nga sila dun eh," "Mam and Sir, yung order niyo po," biglang sulpot nung waiter at sabay nagbaba nang pagkain. Grabe, kakakain ko lang kanina, mayroon na naman? Tapos ang dami dami pa. Sina Sir at Mam, hindi naman nakain, kami lang ni Kirangot. "Nak, manners," ani Mam Nicole, tinignan ko naman si Kulet, aba! sunod sunod ang subo kaya pala tahimik, punong puno ang bibig. "*cough*cough* tubig *cough*" nasa tabi ko naman yung tubig kaya ako na ang nag abot. Pitchel yung nasa tabi ko kaya iyon na ang inabot ko, di ko na nilagay pa sa baso. Diba nga nauubos niya yung ganyan kadami tubig. "*cough* ilagay mo sa baso!!" sigaw niya sakin kaya inilagay ko na lang tapos ininom na njya agad. "Takaw kasi.." asar ko sa kanya. "May sinasabi ka mister?!" sarcasam niyang tanong sakin pagkatapos niyang uminom. "Oo, ang sabi ko ang TAKAW TAKAW mo!!" sigaw ko pa sa kanya. "Kpss... TIME!! Nak aalis na kami ni Mama mo pabalik ng New York," tumayo na naman sina Sir Renz at hinalikan si Kira sa Noo. "Bye Nak," wika ni Mam Nicoe at kiniss niya si Kira sa Pisngi. "Dean, dumiretso na lang kayo dun sa bahay ng pamilya mo. Ingatan mo si Kira ha, sabihin mo kung may ginawa yang kalokohan sayo at sabihin mo agad sakin kapag may nangyaring masama," sabi ni Mam Nicole. "Okay!!" sabi ko tapos kumaway na lang ako. Nilingon ko naman si Kira tapos pagkatingin ko dun sa mga pagkain. UBOS na?! "Inubos mo?!" Tanong ko sa kanya na hanggang ngayon ay nakaupo parin at busog na busog "Oo, tara samahan mo ko," sabay tayo at hinawakan niya pa ang kamay ko. "San naman tayo pupunta!!" Taka kong tanong kay Kira na hinihila na ko ngayon palabas ng restaurant. "Basta," nakalabas na nga kami nang restaurant at papunta naman kami ngayon sa Parking lot. Saan ba ko dadalhin ng babaitang toh?! [CONTINUE...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD