Simple Girlfriend
ISABELLE ISABELLE
Ano po yung aling nena" . ani ni isabelle
itong matandang daig pa yung nagtitinda ng isda sa palengke na inagawan ng costumer eh kung makatawag wagas" sabit nya sa isip
Itatanong ko lang kung nakatapos ka na ba mag laba ah iha". ani ni aling nena
Ito talaga tong matandang to palibhasa eh nagiisa nalang sa buhay kung makatawag akala mo nasusunugan ng bahay ". ani ni sabel sa kanyang isip
Ano pa ang ginagawa mo bakit hindi ka nasagot sa tinatanong ko sayo ". sambit ni aling nena
Opo kakatapos ko lang po naghuhugas na po ako ng aking kamay upang nakauwi na ". Ani nya
baka kung ano pang sabihin nito pang nagkataon ". bulong nya sa isip
iha hindi ba't gusto mong magtrabaho para makaipon ka may naka pagsabi kasi sa akin na nag iipon ka sa pang paaral mo sa iyong kapatid na si toto eh naisip ko na baka kung gusto mong mag trabaho sa kaibigan ko sa maynila tutal naman eh ako naman magisa rito sa aking bahay at kaya ko pa naman ang ginagawa mong paglalabandera sakin naisip ko na magandang uportonidad iyon para sa iyo wag kang mag alala naipag tanong ko na sa aking kaibigan na kung pupwede mong isama ang iyong kapatid alam ko naman na hindi mo sya gustong iwan dito sa ating probisya". mahabang usap ni aling nena
Hindi nya alam kung gugustuhin nya ba ang mungkahi ni aling nena sakanya ngunit sa kabilang isipan nya may may galak na hindi nya mawari kung para sa kanyang nakakabatang kapatid ay gagawin nya ang lahat makapag tapos lamang iyon ng pag aaral
"Ano iha ang iyong desisyon kung gusto mo ay tatawagan ko muna ang aking kaibigan sabihin kong pinagiisipan mo pa ". sabad ni aling nena
"Pero kaylangan ko ito upang nakaipon ako kaagad dahil malapit lapit na rin ang pasukan sa eskwela". bulong nya sa isip
"Sige po aling nena kaylan po bang maaaring lumuwas pa maynila para makapag simula na kami ang aking kapatid na makapag impake". ani ni sabel
'Aba'y kung gusto mo ngayon na '. sabad ni aling nena
" Parang ang bilis naman yata nitong matandang to kakasabi lamang nya eh gusto agad agad ". bulong sa isipan nya
'sige po aling nena mag iimpake lamang po muna ako saka po ako babalik dito hahanapin ko lamang po muna ang aking kapatid na si toto ". ani ni sabel
Hindi na nya hinintay pang mag salita si aling nena kaagad syang tumalikod at nag lakad
Lakad-takbo ang ginawa nya upang makarating kaagad sa kanilang munting kubo ng kapatid hanggang nakita nya ang kanyang kapatid na himbing na natutulog..
Hindi na muna nya ito ginising upang makapag impake ng kanilang mga dadalhin pa maynila hanggang naalimpungatan ang kanyang kapatid agad syang tinanong.
"ate ate san ka pupunta bakit ka nag iimpake ng iyong mga gamit". ani ni toto na kanyang kapatid
Hindi sya kaagad nakapag salita dahil biglang pumasok sa kanyang isip na iiwan nila ang kanilang munting kubo na titirhan nila dito sa probisya nandito kasi ang natatanging alaala ng kanilang yumaong mga magulang hanggang sa yakapin sya ng kanyang kapatid..
"ate wag mo kong iwanan". sambit ng kanyang bunsong kapatid.
"Hindi naman kita iiwan toto kaya lamang ako nag iimpake upang makaluwas na tayo ng maynila dahil may ibinigay saakin na trabaho si aling nena doon". mahabang sabi ni sabel
Bigla syang napatingin sa kanilang munting kubo may iilan ilan silang gamit sa pang araw araw noong simula syang ipinanganak ng kaniyang mga magulang ay hindi na rin sya nag dalaga hanggang sa dumating ang araw na naaksidente ang kanilang mga magulang isang luan ng bus na sakay ang kanialng mga magulang dahilan para maaksidenteng bumagsak sa bangin doon sya naiyak habang inaalala ang kanilang masayang pamumuhay ng mga araw na kasama pa nila ang mga magulang hindi nya lubos maisip na maaksidente ang mga ito dahilan para maiwan silang magkapatid sya si Isabelle Cruz dalawampu't anim ang nakaraang pitong taon doon syang natutong dumiskarte para sa kanila ng kanyang kapatid upang mabubay isa lamang silang mahirap kayat lahat ng pwedeng diskarte ay pinapasok nya maliban nalang sa pag bibigay ng aliw sa mga kalalakihan sa kanilang probinsya.
Nag trabho syang maging waitress sa isang kilalang club sa kanilang lugar ngunit hindi sya nagtagal sa kanyang trabho dahil na rin sya ay nababastos dahilan upang umalis sya hindi naman maitatanggi na ay may kagandahan syang taglay mapupungay ang mga mata, may kahabaan ang mga pilikmata may katangusan ang kanyang ilong at mapupulang labi hindi rin maaalis sa kanya na may kaputiang taglang kahit pa bilad sya sa kainitan sa pagtitinda ng kung ano ano para magkapera..
Habang nasa byahepa maynila silang magkapatid ay hindi nya lubos isipin ang sinabi sa kanya ni aling nena na mala tigre daw ang kanyang magiging amo sa maynila kung kayat gusto nyang umatras kaya nga lang naisip nya ang kanyang bunsong kapatid na gusto nyang patapusin sa pag aaral
Hindi na nya namalayang nakatulog na pala sya sa byahe nila hanggang maulinigan nyang ingay sa labas ng bus..
"oh cubao cubao na yung mga baba dyan ay bumababa na" ani ng kunduktor na sinasakyan nilang magkapatid
Bumababa na silang ngunit tila ay bigla syang nahilo upang alalahaning hindi pa sya nakapag tanghalian kaya naman ay pumunta sila sa karinderya.
"ale magkakano po itong lumpiang gulay ninyo" ani nya sa tindera
"sampung piso ang isang miss" sabi ng tindera.
GRABE NAMAN YUNG LUMPIANG GULAY NYA DINAIG PA MANOK SAMANTALANG SA AMIN LILIMANG PISO LANG YANG ANO YAN MAY GINTO SA LOOB " bulong nya sa isip
"ano ba miss bibili ka ba oh magtitigan nalamang tayo dito" mataray na sabi ng tintera
" ah sige po pabili po ako ng isa at pwede po ba akong makahingi ng tubig" ani ni sabel
Dahil mukhang kukulangin ang kanilang pamasahe para sa taxi na sinabi ni aling nena dahil hindi pupwedeng makapasok ang jeep o tricycle sa subdivision na tutunguhan nila
"oh eto na yung lumpiang gulay at tubig nyo" mataray na sabi sa kanya ng tindera
Iinom nalang muna sya nang tubig upang mapawi ang kanyang gutom dahil mukhang kukulangin ang kanilang pamasahe dahil kaylangan nilang sumakay ng sinasabi ni aling nena na taxi daw nabusog nalamang sya ng nakita nya ang kanyang kapatid na kumakain hindi nya na pansin na nakangiti na pala sya.
Nanghingi pa ulit sya ng isang basong tubig sa tindera para sa kanyang bunsong kapatid nang matapos ito kumain ng lumpia ay agad silang sumakay ng taxi inabot nya ang maliit na papel na ibinigay ni aling nena dahil hindi sya gaanong marunong magbasa
Pagkaabot nya ng papel sa driver ay agad silang umandar patungo sa nakalagay na address habang hindi nya napansin na nakarating na pala sila sa pupuntahan nilang magkapatid..
"ma'am nandito na po tayo" ani ng driver ng taxing sinakyan nila
""WOW"" Yun nalamang ang kanyang nasabi dahil sa sobrang laki ng bahay ay hindi isang masyon na nasa kanyang harapan
"ma'am ma'am" sabi ng driver kay sabel
"ano po yun manong" sabi ni sabel sa driver
"yung bayad nyo po ma'am" ani ng driver
"ah eto po pasensya na nakalimutan ko" ani ni sabel
Habang naglalakad silang magkapatid hanggang may sumalubong sa kanilang mga babae at lalaki na halos iisa lang ang suot ng mga babae at sa lalaki sa iisa lang din hanggang kunin ng mga babae ang dala nilang mga gamit at bigla syang kinausap ng babae sa harap nya liban pa yung mga nasa likod nito
"LADY ISABELLE SUMUNOD PO KAYO SA AKIN"ani ng medyo may edad na babae sa kanya
Hanggang umakyat saila sa ikalawang palapag ay namanghanga sya sa kanyang mga nakikita sobrang lawak at black and white ang theme ng bahay este masyon na ito hindi nya mawari na ang galak sa puso ng bigla nalamang sya nabangga sa isang pader o ano mang bagay na nasa harap nya ng imulat nya ang kanyang mga mata ay nakita nya halos nakalaglag panty na lalaki sa harap nya ay bigla syang nagulat ng biglang nagsalita ang mayordoma sa harap nya bigla syang bumalik sa ulirat nya na wala na ang lalaki sa harapn nya naglakad sya habang sinusundan ang babaeng mayordoma
"Lady Isabelle ito po ang inyong magiging silid" ani ng mayordoma
Hindi nya alam kung nagkakamili lang ba ang mga ito oh ano pa man hindi sya nakatiis na magtanong dito
"ma'am pasensya na po parang nagkakamali po yata kayo dahil una po sa lahat nandito po ako parang mag trabaho pangalawa po ay hindi po ako yung lady lady na tinutukoy nyo oo ng po ako si isabelle pero po hindi po lady isang hamak na katulong lamang po ako sa pagkakaalam ko" mahabang paliwanag nya sa mayordoma
Ngunit imbes na sagutin sya ng mayordoma ay umalis ito na tila hindi sya narinig kaya minabuti na lamang muna nya umupo sa gilid ng kama sobrang lambot ng kama at puto ang mga sapin at unan nito at malamig ang loob na kanyang silid hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya ng biglang may kumatok kaagad naman syang tumayo at pinagbuksan iyon..
"LADY ISABELLE MAGHANDA NA PO KAYONG BUMABABA AT NAKAHANDA NA PO ANG HAPUNAN " ani ng babaeng kasama ng mayordoma
Habang nag aayos ng sarili matapos maghilamos dahil may sarili banyo ang kanya silid ay napatingin na lamang sya sa harap ng salamin maraming naglalaro sa kanyang isipan
Bubuksan na sana nya ang kanyang silid ng biglang kumatok ang mayordoma upang sunduin sya kayat sabay silang bumaba nang makapunta sa kumedor ay bigla nyang naalala ang kanyang kapatid upang magtanong sa mayordoma..
"ahmm ma'am itatanong ko lamang po kung nasaan ang aking kapatid yung kasama ko po kanila" ani nya sa babae
Imbes na sagutin sya ng babae ay dire diretso lamang ito maglakad
hmm bingi ba ito at hindi manlamang yata ako narinig " bulong nya sa isip
Nang makarating sila sa kumedor ay nakita nya ang kanyang kapatid dahilan para yumakap sya rito ng mahigpit nang bigla syang nagulat ng biglang may nagsalita sa di kalayuan ng lamesa ang lalaking nakabungguan nya kanina na tila anghel ngunit ang mga mata ay tila mala tigre upang tumindig ang kanyang mga balahibo sa takot na nararamdaman
"SEAT" ani ng lalaki
Nabigla sya sa sinabi kaya umupo sya sa tabi ng kapatid nya ngunit bago lubusang mapaupo ay biglang ulit nag salita ang lalaki
" COME SEAT HERE" ani ng lalaki sa kanya dahilan ng kanyang pagkabalisa
nang lumapit sya sa tinutukoy ng lalaking upuan ay agad syang umupo hindi nya maalis sa kanyang isip na hindi magtanong akmang magtatanong na sya sya lalaki ay bigla itong nagsalita
"Later we need to talk" sambit ng lalaki sa kanya
Ang kanya lamang naisip na kung ano ano ang magiging trabaho nya dito sa mansyon baka sasabihin nito na kung ano at hindi dapat gawin kaya nagpasawalang bahala nalamang sya at kumain
Hanggang sa makatapos sa pagkain ay nagtungo sila sa opisina ng lalaki upang makapag usap
May inilapag sa kanyang harapan na mga papel na hindi nya maintindihan dahil sa mga nakasulat dito ay puro ingles
"Pasensya na po at hindi po ako masyadong marunong magbasa dahil hindi po ako tapos ng pag aaral kaya hindi ko po gaanong maintindihan ang nakasulat" mahaba haba nyang sambit sa lalaki
Nabigla sya sa pag angat ng ulo nya dahil nakita nya ang walang kaemo emosyong mata ng lalaki na lubos syang natakot
"Wag kang magalala hindi ka dapat na magtrabaho dito sa masyon ko" sambit ng lalaki sa kanya
Ah pano ko mapag aaral ang kapatid ko kung hindi ako magta trabaho dito pano ako magkakapera hindi ko mainitindihan yung gusto nitong sabihin ayaw nalang kasing diretsyuhin ang gustong sabihin" sambit nya sa kanyang isipan
"Wag kang mag alala naayos ko na lahat ng kakaylanganin ng iyong kapatid sa pag aaral kaya kyo nandito sa aking masyon dahil may hihingin lamang ako sayong isang pabor na hindi mo pupwedeng tanggihan hindi pa pala ako nagpapakilala sayo ako pala ang may ari nitong masyon na to at ako rin ang mapapangasawa mo " nagulat syang sambitin iyon ng lalaki sa harapan nya na halos malalaglag ang kanyang panga sa sinabi ng lalaki sa kanya
Ako si Francis Ken Salvador at ikaw ang aking mapapangasawa " sambit ni Francis sa kanya
halos malalaglag ang kanyang panga dahil sa mga narinig
Sya sya yung nababasa ko sa mga magazine sya yung sikat at pinakamayamang binata sa lahat ng company industry sa pilipinas at sa ibang parte ng mundo pero bakit anong dahilan para gustuhin nya kong pakasalan nahihibang na ba sya may sira ba ang ulo nya hhmm baka naman takas sa mental
Ang isang BILYONARYO gusto akong pakasalan ni wala nga akong natapos na anoman
aniya sa kanyang isipan .
"seryoso po ba kayo sa gusto nyong mangyare na gusto nyo ho akong pakasalan sa pag kakaalam ko lang ho wala po akong kaalam alam sa gusto nyo dahil gusto ko lamang po ang makapag trabaho para maibigay ko sa aking kapatid ang makapagtapos sya ng pagaaral" sambit nya
ni hindi ko lubos maisip na ito pala ang gusto ni aling nena sakin dapat simula palamang ay inalam ko na pala kung ano ang pupwedeng mangyari ngayon ay wala na kong magagawa pa yata kaylangan kong makapag isip ng mabuti hindi lang para sakin kundi para rin sa aking kapatid na si toto
"ill give you one night to think siguro naman bukas ay may isasagot ka na sa offer ko sayo my loves"
ah ?? tama ba yung narinig ko oh nabibingi lang ako MY LOVES tinawag nya kong MY LOVES hahaha
hindi ko alam kung kaylangan kong kiligin sa mga sinasabi nya o baka naman baliw na sya " bulong nya sa kanyang isipan
KINABUKASAN ay maaga akong nagising upang makapag handa ng umagahan para sa inaakala kong amo ko ngunit may bulong sa king isipan na tanggapin ko ang kanyang alok kung hindi ay mababaleawala lahat ng pag sasakripisyo naming magkapatid ano ba talaga ang dapat kong gawin kaylangan ko bang gawin ito o hindi.
Habang ako ay pababa ng hagdan kung san akong tutungo papuntang kusina na para makapaghanda ng umagahan ay may napansin akong isang hindi ko alam na parang pamilyar na painting na nakasabit sa dingding kung san malapit sa silid ng inaakala kong amo ko rito hindi ko maiwaksi kung saan ko nakita ang ganitong painting
Hindi ko inaakala na sa pagbaba ko ng aking silid ay may nakahanda ng samut saring pagkain sa lamesa at nakita ko ang aking kapatid na mukhang naka uniporme pero teka sa pagkakaalam ko wala pa akong naaasikaso sa kanyang pagpasok sa paaralan ah eh bakit ganito may isang bag sa isang upuan na pangbata at naka uniporme na ang aking kapatid siguro ipatatanong ko nalang sa amo ko mamaya
Hindi pa nagtagal ay lumabas na ko sa