Chapter 4

1059 Words
Sinalubong agad sila ng ibang assistant sa labas ng building. Lahat binabati sila kapag nadaan. Maraming nakapila sa elevator pero nauna silang gumamit. Walang nagtangkang sumabay sa kanilang dalawa at sa dalawang assistant na lalaki. Sa 26th floor ang kanilang office. Nasa penthouse ang tirahan ni Monte,ngunit pinabalik ito sa bahay sa hndi malamang dahilan. Bumukas ang pinto,kakaunti ang empleyado sa floor na yun dahil ayaw ni Monte ng crowded. Malalaki ang space ng mga cubicle. May mga cabinet bawat gilid. Nagtayuan ang mga ito nung dumating sila.. "Good morning Sir,good Morning Ma'am"bati ng mga ito. Tinatanguan o nginingitian nya ang mga ito,samanralang si Monte ay diretso lang ang tingin kasabay ng ibang assistant. Narating nila ang pinto,malapit dito ang cubicle ni Marie,ang sekretarya niya. Nasa loob ang table nya kasama ni Monte. "Good morning sir,good morning Ma'am." "Good morning Miss Marie,pasuyo naman nung files na ipinagagawa ko sayo."sabi nya. "Okay po ma'am"ngumiti ito. Malambing sya sa mga kasama. Hindi tulad ng ibang supervisor at managers na akala mo tagapagmana ng kumpanya kung mag utos. Kaya mas requested siya sa mga team building at events na mag organize. Hindi siya bossy. Ibinaba ng dalawang assistant ang mga gamit nila sa gilid. Nagpagawa talaga si Monte ng lagayan ng kanilang bag para nasa gilid lang nila. "Aalis na po kami Sir,Ma'am"sabi ng dalawa. "Maraming salamat sa inyo"sagot niya."Tawagan ko na lang kayo mamaya pag may kailangan pa." Pumuwesto na sya sa kanyang table. Lahat ng cabinet ay nasa side kaya open space ang office. May sofa at center table sa loob para sa mga bisita. Ang mga blinds sa glass wall ay itinataas lagi para kita ang view sa labas. Parang nasavtuktok na sila ng kalangitan dahil sa taas ng building na kinalalagyan nila. Nag umpisa na syang magtrabaho. Wala ng pag uusap na naganap sa kanila ni Monte. Biglang nag alarm ang kanyang smart watch. Binasag nito ang katahimikan sa loob ng malamig na opisina. Tumayo sya at kinuha ang mga files sa cabinet. Nilapitan nya si Monte na nag aayos ng kwelyo. Tinulungan nya itong magbutones ng coat nito. Routine nito ang pagtatanggal ng coat pag nasa loob ng office. "Nasa conference room na daw po sir si Mr. Amado." "May naoffer bang refreshments?" "Yes sir,bale nag usap na kami ni Marie kahapon about that." "Okay let's go!" Binitbit niya ang attachecase nito. Binuksan nya ang pinto,at isinara pagkalabas. Si Marie ay tumayo na rin kasunod nila. Sinalubong sila ng dalawang assistant at ipinagdala ng gamit. Nasa 10th floor ang conference room. Pagbukas ng elevator,bumulaga sa kanila ang isang magandang babae na nakahapit ng damit. Mababa ang v-neck na damit. Halter dress na hanggang gitna ng hita. Kulot ang buhok at pulang pula ang labi. "Baby.."agad sumalubong ito at hinalikan sa labi si Monte. "What are you doing here?"tanong ng lalaki. "I miss you. Pinagtataguan mo ata ako eh."malambing nitong sabi. Hindi na sila nakapasok ng elevator dahil sa babaeng ito. "Miss Ericka,recorded naman ang meeting,can you take Almira to my office?" "But sir,we have two meetings today"ayaw nya kasi itong kasama. Mayabang ang babaeng ito at feeling entitled sa lahat. "It's okay. Ako ng bahala dun."sagot ni Monte."Marie,go with your boss." "Yes sir"sagot ng secretary nya. Bumukas ang elevator at sumakay na sina Monte. "This way Miss Almira"walang kabuhay buhay na yaya nya dito. "Ang sosyal mo na ngayon Ericka,may pasecretary ka na rin."hindi na nya pinansin ang parunggit nito sa kanya. Literal namang bully ang babaeng ito."Naaalala ko pa dati nung popper fish ka pa. And your skin is so dark. But now,ang kinis mo na,nagpableach ka ba?" "Ah,Miss Almira,wag nyo naman pong..."hindi na naituloy ni Marie ang sasabihin. "Shut up!i'm not talking to you. Is that the manner you learned from this girl? Pag nag uusap ang tao wag makisali ang aso.."bastos na sagot nito."ooops.. ako lang pala ang tao dito." Hinawakan nya si Marie senyales na wag na lang sasagot. Binuksan nya ang pinto at pinapasok ang babae. "Miss Marie,i will call you if we need anything." "Yes ma'am"sagot nito. Binuksan niya ang pinto at pinapasok si Almira. "Care for coffee or juice?"tanong nya dito at iminuwestra nyang maupo ito. "Ice coffee,"sagot lang nito. Naupo at nagdekwatro. Noon nya lang napansin ang iksi pala talaga ng suot nito. Pumunta sya sa table kung saan nakapatong ang intercom. Pinindot niya ang number 2,line ni Marie. "Miss Marie,pakisuyo naman kay Miss Beatrice na magpadala ng ice coffee dito para kay Miss Madrigal." Same po ba nung dati ma'am? "Yes please." ibinaba na niya ang call."Feel free to look. May gagawin lang ako." "You know what?"tumayo ang babae"i wonder why you still work with San Miguel's eh marami naman company na gusto kang kunin di ba?" "Pardon?"napakunot ang noo niya sa sinabi nito. "Don't get mad. Nagtatanong lang naman ako. Matalino ka Ericka pero dito mo lang sa company na ito pinaiikot ang buhay mo. Paano ka makakapag boyfriend nyan?" "Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang utang na loob Almira?" "Of course!" "So,alam mo dapat kung bakit andito ako." "Feeling ko kasi ginagawa mo ng dahilan ang utang na loob na yan para mapalapit kay Monte!"maarte nitong tugon. "And bakit ko naman gagawin yun?" "I know you like him. Montana told me. That's why you chose him to escort you on your debut. But anyway,your plan did not work,because he chose me." "For?" "I told him I was sick."napangiti pa ito. Binigyan nya ito ng blankong ekspresyon. Yung tipong hindi nito alam kung anong iniisip at pakiramdam nya. "And?" "Anong and?sinira ko ang plano mo." "Past is past. Hindi ko naman madadirect ng maayos ang buhay ko kung lagi akong babalik sa nakaraan. Let me tell you this Almira,kung ang buhay mo ay ibabatay mo sa nakaraan na mapait,wala kang magandang dadaanan para sa hinaharap. Maliit na bagay lang naman yung nangyari noon. Kinalimutan ko na. ikaw inaalala mo pa. Ganun ba kahirap sayo na maging mabuti sa mga taong mabababa sayo at pati nakaraan na kakalkalin mo pa?Maganda ka,oo,mayaman ,oo,may pinag aralan,oo.. Pero ang manners?libre na yun,iaapply mo na lang hindi mo pa magawa." "Aba't matapang ka na talaga ngayon ha,"bunsol ni Almira"anong ipinagmamalaki mo?ang pagiging alipin nyo kina Monte?" "Alipin nga,kasama nya naman sa iisang bubong.."pang aasar nya. "Anong kasama?" "Sa kanila na ulit ako nakatira." "Whaaaaat?"halos lumuwa ang mata nito sa gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD