POV:Ericka
"Señor,nagalit po ata si Sir Monte."napatigil sya sa pagsubo ng hipon.
"Hayaan mo na lang ang apo ko,trenta'y dos na kasi,menopause na ata"napahalakhak ang matanda.
"Kayo po talaga napakamabiro nyo"napatawa na sya. Pag sila lang ng Señor nakakausap nya ito ng may halong kalokohan. Pero sa harap ng iba,ibang iba ito. Isang may awtorotibong tao.
"Sige na,kumain ka na at baka tubuan ng ugat ang apo ko kakahintay sayo,"napahalakhak siya sa sinabi ng Señor.
Pagkatapos nyng kumain,nagtoothbrush at naghugas siya ng kamay bago lumabas. Naiinis na sya sa bakal nya sa ngipin. Ang hirap linisin.
Bago siya lumabas,itinulak niya ang wheelchair ng Señor sa garden sa likod at ibinilin sa hardinero na tawagin na lang ang nars pag gusto ng pumasok ng matanda.
Paglabas nya,naabutan nya si Monte na madilim na naman ang mukha. Parang ang laki ng problema sa mundo.
"Aalis na po ba tayo sir?"tawag nya sa pansin nito.
"Nasira ang kotse ko,kaya yung isang kotse ang gagamitin natin. Kunin mo na ang mga files ko na nasa loob ng kotse ko at ilipat mo dun sa pulang van na yun"itinuro nito sa kanya ang isang sasakyan.
Pinuntahan niya si Mang Turing na abala sa paglilinis ng kotse.
"Mang Turing,kukunin ko lang po ang gamit ni sir."
"Sige Ineng,dyan ko nilagay sa girnang upuan."sagot ng matanda.
"Thank you po."binuksan nya ang pinto.
"Pasensiya ka na at hindi kita matutulungan ha.. madumi kasi ang kamay ko."paumanhin ni Mang Turing.
"Okay lang po kaya ko na po ito,"
Kinuha nya ang attache case at isinara ang pinto. Pero nasabit ang takong ng estelleto niya sa butas dahilan para siya ay maout of balance at bumagsak sa bricks na nagsilbing sahig ng garahe.
"Aray ku puuu"mangiyak ngiyak sya.
"What happened?"nulapitan sya ni Monte.
"Wa...wala ito sir.. "akma siyang tatayo. Pero nahihirapan sya.
"Kaya mo bang tumayo at maglakad?"paniniguro ni Monte.
"Ah..ye...yes sir.."ngunit natumba sya ulit at lumagapak sa bricks. May masakit sa kanya. Hinubad noya ang kanyang sapatos at nakita nyang namamaga ang kanyang kaliwang bukong bukong.
"Are you that lame?"kumunot ang noo ni Monte"Let me help you."
Binuhat siya nito na animo'y papel. Inupo sya sa bench na nasa gilid ng pool."Kakarating mo pa lang dito naaksidente ka na agad? Naaabala tayo dahil dito."
Sumama ang loob nya. As if naman ginusto nya ito. Parang kasalanan nya pa. Kung Kinuha na nito agad ang mga gamit at inilipat ng sasakyan eh di sana hindi sya naaksidente. Tamad ata tong boss nya eh. Hindi na lang sya nagsalita habang hinihilot ni Monte ang kanyang paa. Makirot.
"Ahm,sir,okay na po ako."awat nya dito.
"Are you sure?"tanong nitong nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay.
"Ye...yes sir.."bahagya pa siyang tumango. Pasimpleng hinila ang paa at isinuot ang estelleto shoes.
"Why your shoes that high?you are already tall. You dont need to wear something like that."puna nito sa kanya.
Hindi na lang sya nagsalita. Tumayo sya at inayos ang palda na bahagyang nagusot. Iika ika siyang naglakad papunta sa van. naroon na si Mang Turing na naghihintay sa kanila.
"Okay na po kayo Miss Ericka?"tanong ng matanda.
"Okay na po ako.."
Maya maya pa sumakay sa kabilang side ng passenger seat si Monte.
"Tayo na ho Mang Turing."Sabi ni Monte.
Pinaandar na ng matanda ang sasakyan..
Kinuha niya ang tablet at binuksan ito. Nagcheck ng mga meeting ni Monte.
"Sir,may schedule po kayo ngayon ng 9am kay Mr. Amado ng trade groups of company.
10:30 with Mr. Diaz of glass factory.
12 noon with your Lolo,lunch at Manila hotel.
2:30 with Miss Almira Madrigal and..."
"With what?"putol nito sa sinasabi nya na nakakunot ang noo.
"With Miss Almira sir,"sagot nya.
"And who the hell made that schedule?"napalingon ito sa kanya.
"Si Señor sir.."
"Cancel that."
"But sir,may reservations na po kayo..."
"I don't care!Just cancel that stupid schedule!"tumaas na ang boses nito.
"Aaaaah,o..okay po"inalisan niya ito ng alarm.
Kinuha nya ang company phone at tinawagan si Almira.
Yes?who is this?
"Ma'am i'am from SM corporation,our CEO re-scheduled your meeting with him.."
What?halos mabingi sya sa lakas ng boses nito.
"Tatawagan ko na lang po kayo kung may slot na po ulit."
F*ck!! tell him to....
Pinatay na niya ang call. Ewan ba niya kung bakit gustong gisto ito ng Señor gayong napaka squammy naman ng attitude nito. Ang bilin ni Monte,pag nagsasalita na ng masama ang kausap nya lalo na si Almira,wag ng iientertain.
"What did she say?"tanong ni Monte.
"A lot."yun lang ang isinagot nya. alam na nito ang ibig niyang sabihin.
"Mang Turing daan muna tayo kay Monica."utos nito.
Si Monica ay kaibigan nito na may ari ng botique. Madalas ito ang nagdedesign ng mga isinusuot nila sa events.
"May appointment po ba kayo sir kay Monica?"napatanong sya. Dahil wala naman itong schedule doon ngayon.
"May kukunin lang ako.."sagot nito.
Sarado pa ang botique,ngunit may tao na sa loob. Nakita nya ang magandang babaeng nakatalikod. Pagkahinto ng sasakyan,niyaya sya ni Monte.
"Mang Turing dito po muna kayo,halika na Ericka."
Kahit nagtataka nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan. Inayos nya ang sarili at iika ika pa ring maglakad. Binuksan ni Monte ang pinto at pinauna syang pumasok.
"Monica.."tawag nito sa babae.
"Oh,you're here.."lumapit ito at nagbeso."Hi Ericka."
"Hi,lalo ka atang gumaganda nung magkaanak ah"bati nya dito.
"Hindi naman masyado,alam mo na,hiyang sa pag aasawa..Halata bang tatlo na ang anak ko?"natatawa ito.
"Kung hindi kita kilala,aakalain kong modelo ka."nakangiti nyang sagot.
"Stop that cheeky chitchat,"putol ni Monte,"Iisipin ko talagang nagkaroon kayo ng relasyong dalawa."
"Naku at nagselos agad.."biro ni Monica.
Napansin niyang pinandilatan ito ni Monte ng mata.. Napailing naman ang babae at tatawa tawang tumingin sa kanya.
"Kunin mo na kaya yung minessage ko sayo."sabi ni Monte.
"Right away sir"nakabungisngis pa itong sumaludo.
Isa ito sa mga kaibigan ni Monte na nakaclose nya simula nung magtrabaho sya kina Monte eight years ago. Mabait kasi ito. Magaling pang mag advise ng mga susuotin. Saka hindi nito ipinaramdam sa kanya na mababang uri lang siya ng tao.
"Oh,ito na"iniabot nito ang isang kahon ng sapatos.
Binuksan ito ng lalaki. Isang pares na sapatos na pambabae. Biglang iniabot sa kanya.
"Isukat mo"utos nito.
"Ako sir?"napaturo sya sa sarili.
"Oo,alangan namang sakin di ba?sayo."pilosopo nitong sagot.
Kinuha nya ang sapatos na wedge ang design. Mababa lang ang heels. Kasya. Para syang si Cinderella na nagsusukat ng sapatos.
"Yan,bagay sayo. Pag message kasi nito sakin sakto kakarating ko lang. Alam kong magkasukat tayo ng paa. Design ko yan"masayang sabi ni Monica.
"Sa akin ba ito?"napatanong na lang sya.
"Oo,ang hirap isuot ng pointed ang heels. marami pa namang butas na maliliit sa labas ng bahay."sagot ni Monte.
"Ako na lang po sir ang magbabayad. Nakakahiya naman po"
"Ako na,ipagpalagay mo na lang kasama yan sa bonus mo. Itago mo na lang ang heels mo for events. Pero pag sa office lang,yan ang isusuot mo."
"Thank you po sir,"hindi na sya tumanggi. Dahil totoyoin lang ang boss nya. Ayaw kasi nito ng kinukontra siya.
"Magkano yan?"tanong ni Monte.
"23,000 lang sayo."sagot ng babae.
"Ha?bakit ang mahal naman?"tanong ni Monte.
"Gusto mong mura?"tanong ni Monica.
"Binubudol mo na namn ako eh"sagot ni Monte"20,000 na lang?"
"Negosyante ka talaga!sige na nga. Pero cash ha?"
Kinuha ng lalaki ang Wallet at nagbilang ng pera. Lilibuhing bagong papel.
"Oh,"iniabot kay Monica ang pera.
"Parang masama ang loob mo ah"inagaw ang pera sa kamay ni Monte."Umalis na kayo baka magbago pa ang isip mo eh."
"Sige. Salamat,"nauna na si Monte.
"Salamat ng marami Monica."ngumiti sya.
"Salamat sayo. Nakabenta ako"nakangiting sabi ni Monica sabay kindat sa kanya.
Tumatakbo na ang sasakyan ng maisipan ni Monte na icheck ang box. Maganda ang packaging.. Ngunit nanlaki ang mata nito sa nakita.
"That b*tch!!"naiiling itong napapangiti.
"Bakit sir?"nagtataka nyang tanong.
"Asusual,nabudol na naman ako ni Monica,look,"may price sa gilid.
Nanlaki ang kanyang mata at napatawa.. 15,500 pesos.