POV: Ericka Bumalik na sila sa dating routine. Papasok sa opisina na magkasabay. Aasikasuhin niya ang asawa bago pumasok. Parang regular days ang weekdays nila. Darating sila sa opisina na may sasalubong. Ihahatid sila sa opisina. Hindi sila showy na klase ng tao. Hindi sweet si Monte, although inaalalayan naman siya nito. Namatay ang balita tungkol sa pagkamatay ni Khaye. Wala ng nagbabanggit sa pangalan nito sa media. Tumahimik na rin ang ina nito na putak ng putak sa mga tv station. "Good morning ma'am, sir!" bati ni Marie sa kanila. "Good morning Miss Marie," nakangiti niyang bati dito. Binuksan nito ang pinto, kasunod silang pumasok at ang dalawang assistant. "Ma'am ito po yung ipinaprint nyo sa akin kahapon," ibinaba ni Marie ang folder. "Thank you Miss Marie, kumusta na ang b

