POV: Monte Tinititigan niya ang asawang papalayo sa kanila ng lolo niya. Ewan niya ba sa sarili niya kung ano ang estado nila. Basta ang alam niya, mahalaga ito sa kanya. Napansin niyang nakatingin naman ang lolo niya sa kanya. Nakangiti ito. "Bakit po?" tanong niya dito. "Ano na bang estado niyo?" tanong nito. "Okay naman po kami, bakit po?" Bumuntong hininga ito, "alam kong hindi mo siya nobya." Shookt siya. Kahit kailan talaga mahirap paglihiman ang lolo niya. Magaling itong manghuli ng mga tao. Kinabahan siya. paano nya kaya nalaman? baka inamin na ni Ericka? Mga katanungang walang makakasagot kundi ang lolo niya. "Papaanong...." "Paano ko nalaman?"inunahan na siya nito. "matanda na ako. alam ko ang may relasyon o wala." "Bakit kayo pumayag?" "Dahil alam ko naman na hindi

