Chapter 23 ----SELDA’S FLASHBACK---- Sobrang kirot ng buong katawan ni Mayor Ted ng magising. Hindi niya alam kung ano bang nangyari sa kanya. Ang natatandaan lang niya ay sobrang sumakit ang tiyan tapos nawalan na siya ng malay. Kinapa niya ang katawan naskatan siya ng madiinan ang tiyan. Nakita niya na parang may tahi ito. “Tahi? Tinahi ang tiyan ko?” Tanong nito sa sarili. Nakabalot pa rin ng benda ang buo niyang katawan. “Ano bang nangyayari na sa akin?” Hindi niya malaman kung bakit bigla siyang tinubuan ng pigsa sa buong katawan. --------------------- “Lola Mameng, Gusto ko n ap sana itong matapos” Tinignan naman ng matanda si Selda. “Selda, Itong mga ginagawa natin ay simpleng kulam at barang lamang pero kung ang pakay mo talaga ay patayin na siya ay hindi ganun kadali dahi

