Chapter 22 ----SELDA’S FLASHBACK---- “Re-Regine?” Kumurap - kurap ang Mayor pero biglang nawala ang babae. Hindi niya tuloy malaman kung nananaginip ba siya o nandito talaga ang babae sa loob ng kwarto niya. “Imposible naman siyang mapunta dito” Napailing na lang siya. Nakakaramdam na naman siya ng kirot sa katawan marahil ay lipas na ang epekto ng gamot na ininom niya kanina. Sinubukan niyang pinundutin ang button na nasa gilid para may pumasok na Nurse pero ayaw gumana kaya inis na binitawan na lang niya. Napahawak siya sa tiyan niya may parang nararamdaman kasi siyang kumukulo dito pero hindi naman siya nadudumi. Nagsisismula na rin humilab at humapdi. Nanlaki bigla ang mga mata niya ng makitang umumbok ito na para ba siyang manganganak sa laki. “A-anong nangyayari sa akin? Nurse!

