CHAPTER 5

1944 Words
ALYSSA POV They were about to leave when two men in black suit approached them. Nagpakilala ang isa na General Manager ng club, habang ang dalawa naman ay ang bodyguard at assistant di-umano ng VIP guest nila. “Miss, I know it’s rude for us but please we are begging you. Just meet our VIP guest, then after that you can go home”, pakiusap ng Manager. I took a deep sigh. Ayaw ko talagang makaharap ang VIP guest na sinasabi nila, pero dahil sa pagmamakaawa ng mismong manager ng club ay napagpasyahan kong sundin ang nais nito. Iniisip ko rin na baka bigla na lang patalsikin ito sa trabaho. Naaawa rin ako. Nagpaalam naman ako kaagad kina Chef at sinabing mauna na lamang silang umuwi. “It’s ok. No need to wait for her. We will bring her home after an hour to her home after meeting our boss.” Sabi ni Felix na nagpakilala kanina bilang assistant ng VIP guest. Hinintay ko muna na makaalis sina Chef at Ate Mj bago ako sumama sa kanila. Papunta na kami sa VIP area at paakyat na sana sa second floor nang biglang may sumulpot na lalaki sa likuran namin. “Ahhh!” Napasigaw ako. Bumagsak ang lalaking nasa kanan ko matapos niyang pupukin ito ng baril. Isang mabilis na sipa naman ang ibinigay nito kay Felix, dahilan para tumilapon ito. Dahil sa takot ay napaurong ako sa gilid at nanginginig sa takot. Sinubukan pang lumaban ni Fexlix, pero isang malakas na sipa ang tuluyang nagpatumba sa kanya. Maya-maya pa ay nakita kong pinosasan ng lalaki ang dalawa. Pagkatapos noon, lumapit siya sa akin. Napaurong ako at nagsumiksik pang lalo sa sulok. “Aaaaahhhhh,” napasigaw ako nang bigla akong nitong hawakan at pilit na pinapatayo. “Go away!”, umiiyak kong sigaw habang pilit na iniiwas ang sarili. Hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit pero maingat. “Please, come with me. Kung hindi mas lalo kang mapapahamak”, nagulat at napaangat ako ng tingin sa kanya nang magsalita ito ng tagalog. Hindi siya mukhang Pilipino. Matangkad, malaki ang pangangatawan, halatang banyaga. “I’m with the Authorities, and please listen carefully. Ang mga taong ito ay miyembro ng mga sindikato at alam ko na ang big boss nila ay gusto kang makilala at makuha. Sa oras na sumama ka sa kanila, walang katiyakan kung maibabalik ka pa nila ng buhay,” mabilis nitong paliwanag. Napasigaw ako dahil sa sunod-sunod na putok ng baril mula sa taas. “So, whether you like it or not, you need to come with me, and I will take you to a safe place. You understand?” I nodded in response. Dinala niya ako sa isang black na van. Tulala ako. Hindi ko pa rin ma-process ang lahat. “You will stay here for a while until I come back, ok. Kahit anong marinig mo sa labas, don’t ever open this door no matter what,” seryoso siyang utos. Lalabas na sana siya nang bigla akong napahawak sa kanya. Natatakot akong maiwan. “Please stop crying!” sabi niya at bigla na akong niyakap. Nagulat ako pero hindi ako kumawala. For some reason, I felt safe. “I will come back, ok,” he whispered. Then he left. Narinig ko ang pag-lock ng pinto ng van. Napayakap ako sa sarili habang sunod-sunod na putok sa labas ay umaalingawngaw. Nanginginig na ako sa takot because this is the first time na nakaranas na ganito na sa pelikula ko lamang nakikita. I never expected to experience this in real life. Tinakpan ko na lang ng aking kamay ang magkabilang tenga ko dahil sa sobrang lakas ng putukan sa labas. This is real. Hindi na ito pelikula. LUCAS POV Pagkalabas ko ay agad kong nilock ang van. Kailangan kong siguraduhin na ligtas siya. Kita ko ang takot sa mga mata niya. Ang ilagay siya sa ligtas na lugar ay siyang una kong naisip upang makasigurado na ligtas siya at hindi mapapahamak sa kamay ng mga kalaban. Mabilis akong bumalik sa loob ng Club upang tuluyan nang madakip ang grupo nina Igor at Ibrahim. Nagkalat na katawang nakahandusay sa sahig ang bumungad sa akin nang makapasok sa loob ng Club. Alam ko na mga tauhan nina Igor at Ibrahim ang mga iyon dahil sa suot ng mga ito. May mga palatandaan din kasi kaming mga awtoridad na nasa operasyon kaya alam namin kung sino-sino ang mga kakampi at kalaban. May ilan ding kasamahan namin ang bumagsak. Ganito talaga ang aming trabaho. Walang kasiguraduhan. Nakita ko na patay at nakabulagta na ang magkapatid na sina Hamad Suleiman at Mustapha Suleiman. Kaya sina Igor at Ibrahim na lamang ang tinutugis namin. Narinig ko na nakatakas si Ibrahim at kasalukuyang hinahabol ng mga Dubai Intelligence at kapulisan, sana lang ay mahuli nila agad ito. Samantalang si Igor ay nasa kanyang private room pa rin at patuloy na nakikipagpalitan ng putok sa mga awtoridad. Ilang kasamahan ko rin ang napuruhan nito. Nakita ko si Gen. Walid na nag-aabang sa paglabas ni Igor sa kinaroroonan nito. Nagkatinginan kami at nagsenyasan kung sino ang unang papasok upang sumugod sa kinaroroonan ni Igor. Sinenyasan niya akong bumak-up sa kanya at tumango naman ako. Bigla akong nagpaputok ng baril nang makita kong bumukas ang kwarto na kinaroroonan ni Igor. Sapul sa ulo ang isang tauhan nito. Iyon ang inaantay na pagkakataon ni Gen. Walid para makapasok sa silid at mabilis akong sumunod sa kanya. Sunod-sunod ang palitan namin ng putok. Isa-isa naming napatumba ang mga tauhan ni Igor. Biglang tumahimik. Nasa loob ng banyo si Igor at wala na siyang ibang mapagtataguan. Mabilis naming naitumba ang mga natitirang kalaban. Pinaputukan namin ang pinto ng banyo upang makuha ang atensiyon ni Igor. “Igor, you'd better come out now and surrender. You are the only one remaining; all your men are down unless you want to die too.” panakot ni Gen Walid sa kanya. “I would rather die than be captured alive!” dinig kong sigaw ni Igor. “Huh, do you think once you capture me or have me killed, this will stop? Noooo! A nightmare for all of you will start.” Pagbabanta pa nito at malakas na tumawa. “There is no way you can go out from here!”, sigaw naman pabalik ni Gen Walid sa kanya. Sunod-sunod na putok ng baril ang isinagot ni Igor sa amin. “All of you, wait for the wrath of my vengeance,” sigaw ulit ni Igor. “You can have that revenge once you are in prison, Igor,” sigaw nman ni Gen Walid. “Prison your ass, there is no way you can put me on that Prison” sagot ni Igor at nagpaputok muli ito sa amin. “We already have all the evidence against you, Igor. Your father Alexis and your brother Giorgi, have been captured in Russia and are already under the Russian authorities. We already submitted all the evidence against your family and your organization as well”, sinagot ko naman si Igor. “NOOOOOO!” malakas na sigaw ni Igor sa loob, kasabay ng pagpapaputok nito ng baril. “It’s over, Igor. After we got the black book from your possession, International Intelligence has made its way to capture all those involved in your organization. Not only your family, but all those big personalities who were involved as well. No one can help you now, Igor. So, if I were you, I would voluntarily surrender. " paliwanag ko. “f**k you! I will kill all of you!” sigaw niya at patuloy sa pagpapaputok. Nagpatuloy ang tension at putukan ng baril. Sumenyas ako kay Gen Walid na papasok ako sa loob. Dahan-dahan ay pinihit ko ang seradura ng pintuan at mabilis na nagpaputok muna bago tuluyang makapasok sa loob. Sapul sa tagiliran si Igor, maliban dito ay may tama rin ito sa tuhod. Agad ko siyang binigyan ng malakas na suntok sa sikmura bago ito tuluyang mawalan ng ulirat. “Igor is down, but he is alive, he just needs immediate medical attention. Requesting an ambulance quickly!” sabi ko sa aking lapel habang nagre-request ng ambulansiya. Naka received naman kami ng quick response after that. “Good job, Lucas!” sabi ni Gen Walid na nasa likod ko lamang. “Any update for Ibrahim, sir?” tanong ko naman sa kanya. “Still no update, I already requested backup from Abu Dhabi. Checkpoint at the border is now ready, so they can catch Ibrahim if he will continue to flee.” Pagpapaliwanag niya sa akin. Maya-maya lamang ay dumating na ang ambulasiya na siyang kukuha kay Igor. Kahit walang malay ito ay pinosasan pa rin namin siya para sigurado hindi na siya makakatakas pa. “He will be immediately put under hospital arrest. Make sure that tight security will be put under him; he is a very dangerous person.” Utos ni Gen Walid sa mga tauhan nito sa salitang Arabic. Tanging tango lamang ang sagot ng mga tauhan at sumaludo nman ang mga ito bago tuluyang umalis kasabay ng ambulansiya. After Igor attended to his medical needs, the International Interpol will immediately transfer him to Russia for further investigation. At dahil patong-patong na ang mga ebidensiya laban sa kanya at sa organisasyon na kinabibilangan nito ay wala na itong kawala sa batas. Kaya nanganganib na rin na mabuwag ang grupong kinabibilangan nito dahil na rin sa black book na nasa kamay na ng mga awtoridad na kung saan andoon lahat ng pangalan ng mga kilalang personalidad na sumusuporta sa kanilang organisasyon. Kaya sa mga susunod na araw ay siguradong isa-isa na rin itong dadamputin ng mga intelligence at kapulisan. Doon mismo sa club na iyon ay tinipon ni Gen Walid ang kanyang mga tauhan sa Interpol at maging ang mga kapulisan. Inabot din kami ng mahigit apat na oras habang inaantay ang feedback sa pagdakip kay Ibrahim. Ngunit sa kasamaang palad, tuluyan na ngang nakatakas si Fahad Ibrahim at ang suspetsa ay may tumulong ditong ibang international terrorist at kapulisan na kasabwat ng mga ito. Inilagay na sa No. 1 most wanted list si Ibrahim sa buong Middle East at maging ang mga pamilya nito ay nadakip na rin upang ma-interrogate at isang paraan na rin para sa mabilisang pagsuko ni Ibrahim. Saglit pa kaming nag-usap ni Gen Walid tungkol sa mission at sa pagpapalawig ng paghahanap kay Ibrahim bago tuluyang magpaalam sa kanilang grupo. We call it a successful operation even though we failed to capture Fahad Ibrahim. Nevertheless, our organization’s primary mission is to capture Igor Mikhail, the notorious Mafia Leader in the world. Fahad is just a bonus once we capture him along with Igor. I sent all the information to my organization regarding the successful apprehension of Igor, and after sending it, I requested leave, ay saka ako tuluyang lumabas ng club. Nangako kasi ako sa aking mga magulang na pagkatapos ng misyon kong ito ay magbabakasyon na muna ako upang makasama sila dahil wedding anniversary na nila next month. Matagal ko na ring balak magbakasyon, naudlot lamang nang ibigay sa akin ang misyong ito. I’ve been here in Dubai for 10 days and have been in Paris for 2 weeks dahil na rin sa pagsubaybay sa mga kilos ni Igor at ng organisasyon nito. Marami pa ring pulis at ambulansiya sa labas at naglagay na rin ng barikada ang kapulisan upang mapigilan ang mga usisero at mga sibilyan na lumalapit roon. Mahigpit ang seguridad na ibinigay ng Dubai Police sa lugar na iyon. Dahil na nga rin sa malalakas na putukan doon ay hindi maiiwasang makaagaw ito ng atensyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD