LUCAS POV
Napabalikwas agad ako ng marinig ko ang pagsara ng pintuan ng aking sasakyan. Nakita kong bakante na ang upuan kung saan nakatulog si Alyssa, lumingon pa ako sa loob ng sasakyan at nagbabasakaling makita ko siya. Nalungkot ako sa isipang nakaalis na ito.
Nagulat ako ng bigla nagbukas ang pintuan ng sasakyan at bumungad doon si Felix. Bahagya pa akong nalungkot ng makita kong wala na si Alyssa sa upuang kinahihigaan nito kanina.
“Goddam bro! I’ve been looking for you. You are not answering my calls!” pasinghal na bungad sa akin ni Felix bago tuluyang pumasok sa loob at naupo paharap sa akin. Hinanap ko nman agad ang aking cellphone at nakita ko ito sa ilalim ng upuan. Naka silent iyon kaya hindi ko maririnig kung may tatawag man. Napatingin akong bigla kay Felix ng marinig ko itong bumanghalit ng tawa.
“What’s on your face bro? Did you hit on that girl who just came out from here?” sabay turo sa pisngi ko ngunit di pa rin matigil sa kakatawa. Agad ko namang binuksan ang camera ng cellphone ko upang makita ang sinasabi nito. Nagulat ako dahil may bakas ng lipstick at hugis labi sa aking kanang pisngi. Napangiti ako dahil alam kong si Alyssa ang may gawa noon. Wala sa loob na kinuhanan ko ng selfie ang aking sarili bago ko ito pinunasan.
“Woooh! You’re smiling bro! Do you really hit on that girl you saved last night? May pa selfie ka pang nalalaman ngayon ah!” kantiyaw nito sa akin.
“Tsskk!” I just smirk while smiling at him.
Maya maya pa ay tumunog ang telepono ni Felix at agad nman niya itong sinagot.
“Yes sir!” dinig kong sagot nito sa kausap. “Yes sir, I’m with him sir.” Sabay tingin sa akin saka iniabot ang telepono sa akin. “Si Colonel Natividad”, bulong niya agad ko nman iniabot ang teleponong hawak nito.
“Good afternoon, sir!” bungad ko kay Colonel Natividad sa kabilang linya.
“Lucas, Congratulations to you and your team for the apprehension of Igor Mikhail.” Sabi ni Col. sa akin.
“Thank you, sir!” sagot ko nman sa kanya.
“I heard that Igor was hospitalized due to gunshot wounds during the mission. And as per Gen. Walid, it will take at least 1 week for him to fully recuperate. I want you and your team to be personally in charge of his transport from Dubai to Russia. I want maximum protection for this guy. You know maraming grupo ang gustong makuha at ma target yang si Igor.” Utos sa akin ni Colonel.
“Yes sir! Copy on that, sir!” sagot ko naman sa kanya.
Si Colonel Natividad ang head ng International Interpol Organization na kinabibilangan namin ni Felix. Aside from him being our head he is my uncle as well being the brother of my Dad. Kaya naman hindi ko mahindian ang utos nito.
“Take care, son. I will meet you in Russia and after that sabay na rin tayong uuwi ng Pilipinas as I promised to your Mom!” pagtatapos nito.
“Roger on that sir!”, sagot ko bago pa ito Nawala sa kabilang linya.
“Anong sabi ni Colonel Natividad?” tanong ni Felix sa akin matapos kong iabot sa kanya ang telepono nito
“The IIO wants our team to personally hand over Igor to IIO-Russia. Kalat na sa buong mundo ang pagkakahuli sa kanya at marami ang gustong makuha siya.” Sagot ko sa kanya.
“Yeah, I know. Kanina nga lng sa hospital nagkakagulo dahil may FBI mula as US na gustong i-take over nila ang pagkakahuli kay Igor. Buti nlng malakas ang kapit ni Gen Walid at naitaboy nila ang taga FBI”, paliwanag nito.
Hindi na ako nagulat sa balitang iyon. Sa lawak ng nasasakupan ng organisasyon ni Igor ay hindi malayong kumilos ang mga kaalyado nito. Hindi rin mawawala ang mga gustong pumatay dito lalo na ang mga matataas na opisyal na kabilang sa kanyang grupo na gustong makuha ang pwesto niya bilang susunod Mafia King sa oras na magbitiw ang ama nito.
Nang oras ding iyon ay nagtungo kami sa General Headquarters ng Dubai upang makausap si General Walid. Isang papel na pirmado nito ang ibinigay sa amin being the official team to take over the apprehension of Igor Mikhail and eventually send him in International Interpol Organization – Russia kung saan doon ay siya ay makakasuhan at makukulong.
ALYSSA POV
It’s been weeks since that incident happened. But until now, I cannot recover from the trauma that caused by the incident. There were nights I cannot sleep properly as gunshots everywhere keep echoing every time I tried to sleep or close my eyes. I even became grumpy kahit sa simpleng busina lamang ng sasakyan ay napapasigaw na ako. I even received a memo from our office dahil sa araw araw ay nale late ako ng pagpasok sa trabaho.
That’s why I decided to file for a vacation leave starting next month. Next week is my flight going home to the Philippines for a three months vacation. Buti na lang at pinayagan ako ng boss ko na magbakasyon ng tatlong buwan, it’s for the month of June to August kaya naman September na ang balik ko ulit sa trabaho. Ito ang unang pagkakataon na makakasama ko ng matagal ang aking pamilya. Miss na miss ko na sina Papa at Mama pati mga pamangkin kong makukulit.
Nakatulong din ng malaki ang nakuha kong pera mula sa pagsasayaw namin ni Ismat ng gabing iyon kaya nman bukod sa may maiiuwi kong malaking halaga ay makakabili ako ng maraming pasalubong para sa aking mga pamangkin at magulang.
Nakahiga na ako sa aking kama habang bina browse ang aking cellphone. Wala sa sariling kinalikot ko ang gallery at pinagmamasdan ang picture nung lalaking nagligtas sa akin ng gabing iyon. Hindi ko man alam ang pangalan nito ay hindi na ito nawaglit sa aking isipan mula noon. Gabi gabi ko itong pinagmamasdan at minsan ay napapaginipan ang gabing iniligtas niya ako. Kasabay ng mga madalas kong napapaginipan ang mga putukan sa club ay sumasagi rin siya sa aking panaginip. Nalulungkot lang ako dahil hindi ko man lang nalaman ang pangalan nito.
“I hope, we will meet again!” wala sa sariling sambit ko sabay halik ng picture nito sa cellphone ko.
Alam ko sa sarili ko na na-love at first sight ako sa kanya. Isang malaking buntong hininga ang pinakawalan ko dahil alam kong Malabo na magkikita pa ulit kami. Suntok sa buwan kung mangyayari pa iyon lalo na at pareho kaming istranghero sa isat isa.
Ipinagpatuloy ko na ang pag-eempake ng aking mga bagahe. Nakapamili na rin ako ng mga pasalubong kaya halos kumpleto na ang mga dadalhin ko pauwi ng Pinas.
Hindi pa nila alam sa Pinas na magbabakasyon ako at siguradong magugulat sila sa biglaan kong pag-uwi. Maging ang aking kapatid na si Dominic at Charles na kasama ko dito as Dubai ay nagulat sa biglaan kong pag-uwi. Hindi rin kasi nila nalaman ang nangyaring insidente sa akin noon. Isa iyon sa mga pinakiusap ko kina Ate MJ at Chef na huwag na huwag babanggitin ang nangyari ng araw na iyon sa mga kapatid at pinsan ko. Ayaw ko na silang mag-alala pa. Ang tanging alam lamang nila kung bakit nawawala ako sa sarili nitong mga nakaraang araw ay dahil sa pakikipag break ko sa ex-boyfriend kong Egyptian. Yun ang alam nilang dahilan kaya kelangan ko ng agarang bakasyon.
It’s been 6 months when I broke up with my ex-boyfriend. We are together for more than 3 years kaya mahirap sa akin na makipag hiwalay sa kanya. Kaya nga napilit ako nina Ate Mj at Chef na sumama sa kanila sa Club dahil ilang buwan na rin akong nagmumukmok sa bahay. Every Saturday and Sunday ang day off ko at usually I am spending my weekends with my ex-boyfriend. Kaya nung nakipag hiwalay ako ay nanibago ako tuwing day off.
Magpa hanggang ngayon ay naalala ko pa ang nangyari nung araw na nahuli ko siyang may kasiping na ibang babae sa studio apartment na tinutuluyan nito. Aminado ako that he is not faithful to me as we are not living in the same City. Lagi naming pinag-aawayan iyon dahil he is forcing me to live with him. At yun ang iniiwasan kong mangyari. Yes, we make out, but I keep adamant that I can only give myself to him fully on the night of our wedding. We are already engaged last year, and we planned to get married January next year sana. I used to make alibis para lang makatakas sa gusto nitong may mangyari sa amin. At first, kuntento na kami na spending quality time during weekends, however, nitong mga nakaraan ay nasasabihan niya akong boring kasama as he really wanted to take me to bed. As he always wants some adventures and fun. We seldom see each other at lagi mga kaibigan ang mga kasama niya.
And at one time, I decided to surprise him on one Friday night. I know what time he will finish at work, kaya nman bumiyahe pa ako mula Dubai to Ras Al Khaimah para makasama niya.
Unknowingly, instead na siya ang ma-surprise ay ako ang na-surprise. I have a duplicate copy of his apartment. Nagulat ako dahil sa bumungad sa akin. Isang babae ang nakapatong sa kanya at gumigiling sa kanyang ibabaw habang siya ay nakahiga at humahalinghing sa sarap. Tanging mga ungol na tila nasasarapan ang naririnig sa loob ng kwartong iyon. Parang may patalim na tumarak sa aking dibdib ng mabungaran ko ang eksenang iyon.
FLASHBACK - 6 months ago
Kilansing ng susi na akin palang nabitawan ang nagpatigil sa kanila. Kapwa sila nagulat at biglang napatingin sa akin. Nakita ko na ang babae ay kapwa ko Pinay. Petite ang babae at may kagandahan din ang itsura.
“Babe!” gulat na sambit si Khaled sa pangalan ko sabay tulak sa babaeng nasa ibabaw nito. Agad itong nagsuot ng boxer short at t-shirt, samantalang ang babae nman ay binalot ang sarili ng kumot.
Mabilis ko itong sinampal nang makalapit siya sa akin.
“Babe, I’m so sorry. It’s not what you think….”, hindi pa man natatapos ang sasabihin nito ay muli ko siyang sinamapal.
“It’s not what I think! Tell me Khaled, what do you think I’m thinking just right now after catching you having s*x with that lady!”, sigaw ko sa kanya at tuluyan na akong napahagulgol. Nagtangka pa itong hawakan ako pero iwinasiwas ko ang kanyang kamay.
“You told me that you want to spend more time with your friends! For the past weeks, I ignored that thinking that maybe you are not with your friends but rather with some ladies. But because I love you and I trusted you so I ignored that thinking! sunod sunod na sigaw ko sa kanya.
“And now, I am planning to surprise you and to cook your favourite dish. And this what I see in your apartment, Khaled!” sigaw kong muli sabay hagis ng mga plastic bag na dala dala ko na may kasamang mga gulay kaya nman natapon ito sa sahig.
“Baby, please. I’m so sorry.” Paghingi ng tawad nito sa akin.
“I’m sorry too Khaled” sabay punas ko ng mga luha ko.
“All I thought you have changed when you propose to me!”, sabay hugot ko sa engagement ring sa palasinsingan ko at ihigahis ko ito sa kanya.
“No babe, please. Let’s talk about this.” Pagsusumamo pa nito sa akin.
“There will be no marriage Khaled. You will be the one to explain that from your mom and dad.” Dahil alam ko na gustong gusto ako ng kanyang mga magulang para sa kanya at ilang beses ko na rin silang nakilala nung bumibisita sila dito sa Dubai.
“I had enough Khaled for all your insults and your lies throughout this relationship. I have given you so many chances already. I am too much hurt when you always telling me I am bored and I cannot give you s*x, that I need to be adventurous same as you. Sorry to say this Khaled, I am not adventurous same other bitches on the street”, matapos ko sabihin iyon ay nagtungo ako sa cabinet nito, inilabas nag maliit na travelling bag at isa isa kong pinagkukuha ang mga damit at gamit ko na naroon sa kanyang flat.
Hindi ko na rin napansin na nakaalis na pala ang babeng kasiping nito kanina.
Yinapos niya ako mula sa aking likuran pero nagpupumiglas ako dahil nakaramdam ako ng pandidiri dahil sa nasaksihan ko. Kung noon ako ang laging clingy sa kanya, ngayon, kahit mahawakan siya ay hindi ko na kaya. Ok lng kung noon na nahuhuli ko siyang may mga ka-chat na ibat ibang babae. Pero iba pala ang pakiramdam pag nahuli mo na as akto.
“Don’t hug me”, sabay tulak ko sa kanya ng malakas.
“I feel disgusted when you touch me!” sigaw ko muli sa kanya habang pinagpatuloy ang pagsalansan ng mga gamit ko. Napaupo nman ito sa sofa habang nilulumukos ng dalawang kamay ang buhok nito
“Thank you for 3 years of relation s**t Khaled”, sabi ko pa.
“Please babe, give me one more chance!”, pagmamakaawa pa niya sa akin.
“How many chances have I given you Khale?! You know this is not the first time you cheated on me!”, balik ko sa kanya.
“This is goodbye Khaled. I hope you will be happy”, sabay hila ko ng luggage at tuluyan na akong lumabas sa kanyang studio.
Hindi ko pa man nasasara ng tuluyan ang pinto ay narinig ko na siyang humagulgol at sumisigaw. Narinig ko pa ang mga natapon at nabasag na bagay.
Luhaan ang mga matang tuluyan ko ng nilisan ang lugar na iyon at nangakong hindi na muling babalik pa.
End of flashback.
Halos tatlong buwan ding hindi ako makausap nina Ate Mj at Chef maging ang aking mga kapatid at pinsan. Pautal utal ay naikwento ko sa kanila ang nangyari at ang desisyong tuluyan ng makipag hiwalay kay Khaled. Natuwa pa nga sila dahil sa wakas ay natauhan na daw ako. Alam kasi nila at nahahalata nila rito na may kakaibang ginagawa at hindi mapagkakaktiwalaan.
Gumawa naman sila ng mga paraan upang malibang ako at halos every weekend ay nagvi videoke habang nag-iinuman kami. Yun nga lang I ended up always crying kapag nakakarinig ng mga love song na nagpapaalala ng mga katangahan ko. But as days, weeks and months passed by, unti unti ko ng nakakalimutan ang mapait na nakaraan ko. Hindi ko man tuluyang nabubura si Khaled sa aking puso at isipan ay masasabi kong naka move on na ako.
And now, dito sa lalaking ito na nagligtas sa akin. Hindi ko man siya nakilala ng lubusan ay hindi siya mawaglit waglit sa aking kaisipan at ang pananabik na makita siyang muli.