LUCAS POV
Lulan ng private plane pauwi Pilipinas kasama sina Felix at ang iba pa naming kasamahan sa IIO. It’s been a week since we hand over Igor Mikhail to IIO Russia where he was sent to jail and imprisoned there. And after that mission ay kailangan na naming umuwi to report to our main head quarters sa Pilipinas.
I’m too much tired and exhausted for more than one month of not having enough sleep. Nakiusap ako sa aking immediate supervisor at Uncle na si General Natividad na huwag na muna akong bibigyan ng mission sa susunod na dalawang buwan as I promised my mom that I will vacation with them. Labis akong natuwa nang pinagbigyan ako ni Uncle.
Next week will be my parent’s wedding anniversary and at the same time our family reunion. I know all my siblings will be present during that special occasion and I wanted to surprise them too. Hindi tulad nila ay madalang ako kung makauwi sa amin.
Felix is beside me sleeping, I heard him snoring. Habang ako ay hindi makatulog. It’s been 10 hours na nasa himpapawid kami and we need to wait for another 4 hours bago makarating ng Pilipinas. Wala sa sariling inopen ko ang aking mobile and watch a video from it. I had watched it more than a hundred times already. Or sometimes, I will just gaze at the photo that was saved on my phone. It was Alyssa, after taking a copy of her video from the CCTV I saved it on my phone. It was a video of her gracefully dancing and smiling. I can’t help but smile every time I watched her video.
“Tsk! Pinapanood mo na nman ang vídeo ng crush mo dude!” di ko namalayang nagising na pala si Felix.
“Na love at first sight na ata kay Miss byutipul dude!”, patuloy na panunukso nito sa akin.
“I don’t know dude; I just can’t help staring at her. I can’t stop myself. She’s very charming and her beauty captivates me” Sagot ko sa kanya.
“Aha, so tinamaan kana ba ng pana ni kupido dude?” muling tanong nito.
“You know after my breakup with Catherine, I’ve never been into any serious relationship bro. Women may come and go, but nothing serious. But I felt something special when it comes to Alyssa.” Paliwanag ko pa sa kanya.
“So, you’re telling me that you are already falling with this Alyssa?” tanong muli niya sa akin.
“Yeah, I think so bro.” hindi ako nag-atubiling sumagot sa kanya ng totoong nararamdaman ko. I know from myself that I feel something special to Alyssa, it’s not only an infatuation but something deeper than that.
“Good to hear that bro, sa wakas may nakabihag na rin ng pihikan mong puso”, panunukso nito sa akin.
“But still, you need to make the move bro, hindi ka pa nakaka first base.”, pagpapatuloy muli ni Felix saka humarap sa akin.
“Dude, you only had her first name, but you never met her or introduce yourself to her personally. Tanging Alyssa lng ang alam mong pangalan niya.” sabi pa nito sa akin.
“I got her real name bro, Alyssa Marie Abenilla”, sagot ko sa kanya.
“Wow! That’s amazing bro. But how are you gonna communicate with her? Or contact her?” tanong muli ni Felix.
“I already asked help from General Walid about personal information of her. He already sent me her personal profile and details. I got her contact number even her address in the Philippines. Fortunately, next week she will be arriving in the Philippines, I already have her address bro.” masayang paliwanag ko naman sa kanya.
“Tsk! Ikaw na bro. You really dig something just to get her.” Panunudyo pa nito sa sakin.
“I know bro, and I’m really interested to get to know her better. After my mom’s birthday, sasadyain ko siya sa kanila. Would you believe me when I tell you that she is living in Tuguegarao City?” amaze kong sabi pa kay Felix.
“Really bro, eh di ba yung birthday ng Mommy mo sa Isabela gaganapin which is 2 to 3 hours drive lang sa Tuguegarao?”, amaze na tanong nito at tanging tango lamang ang naisagot ko.
Invited kasi ito sa wedding anniversary ng parents ko kaya alam niyang sa Isabela gaganapin ang handaan. Matapos kong mabasa ang mga impormasyon regarding sa profile ni Alyssa ay laking tuwa ko na magkalapit probinsya lamang pala sila ni Mommy. Kaya naman pinaplano ko na kung paaano ako siya mapapasyalan sa kanila. I'm really excited to see her again.
“That’s good to hear bro! Wish you luck and happy love life”, natatawang sabi nito sabay tapik sa aking balikat.
AFTER 1 WEEK
ALYSSA POV
Palabas na ako ng NAIA Terminal ay naririnig ko na ang mga sigawan mula sa aking mga kaibigan. Matapos kong mag message sa aming group chat ay sumugod talaga sila upang sunduin ako. They are my high school batch mates and right after 10 years since
we graduated from high school when we had our first batch party, the friendship started. We have been friends since we were in high school, but our friendship became stronger as we grew older and became matured.
Since then, every year thereafter, we had a batch party and every year ay nada dagdagan ng nadagdagan ang circle of friends namin. Ako rin ang tumatayong leader at organizer ng grupo every time may batch party. And it’s been more than 5 years since we organized an outreach program instead of a batch party. I suggested this and all of them agreed when we change our plans to have an outreach program instead. This is a charity event in which we are not only helping indigenous groups but also enjoying ourselves. We explored different ethnicities and mingled with indigenous people within our community. Sina Laida, Gemma, Jenelyn, Maricel, Leonor, Leian, Shelimar, Jenny, Al-rex, Ferdi, Richard, Cholo, Cocoy at Ronald ay present para sumundo sa akin.
“Baliw talaga tong mga kaibigan mo, nagpalagay pa talaga ng tarpaulin”, nakita ko na lamang na iwinawagayway nila ang hawak nilang tarpaulin na pang kalahating billboard ang laki at nakabalandra pa ang mukha ko. Nahihiya pa akong lumapit sa kanila dahil halos lahat ng mga lumalabas sa paliparan ay natutuwas sa ginawa ng mga kaibigan ko.
“Hayun na si besshy!” alam kong si Maricel iyon dahil kilala ko ang boses nito kung magasigaw akala mo nare rape. Lumingon silang lahat sa gawi ko ng itinuro ni Maricel kung saan niya ako nakita. Nagsitakbuhan silang lahat papalapit sa akin at niyakap ako
isa-isa. Mainit na yakap at halik nman ang itinugon siyo sa kanila pabalik. Ngunit matapos nun ay isa-isa ko silang pinagsasapak ng mahina sa braso.
“Mga walang hiya kayo. Wholesome akong tao pero binandera niyo ang pagmumukha ko sa airport. Ano ako, celebrity?” birong tawa ko sa kanila. Pagdating kasi sa kalokohan ay mabilis ang mga ito.
“Sigurado ako, ikaw Insan Ronald ang unang may pakana nito”, natatawa kong paninisi kay Ronald na bukod sa pinsan ko ay isa rin sa mga bestfriend ko. At siya lang nman ang number na mahilig mag prank sa aming magkakaibigan. Tawanan nman ang lahat at sinang ayunan ako na siya nga talaga ang may pakana.
Tinulungan ako ng mga ito na ilagay ang aking mga bagahe sa sasakyang Toyota Innova na pagmamay ari ng pinsan ko. Ilang taon din kasi itong OFW sa Taiwan kaya nman nakapag pundar na rin ito ng sarili niyang sasakyan. Lulan ng kaniya kaniyang sasakyan
ang aking mga kaibigan at convoy na kaming bumiyahe pauwi ng probinsya. Napag pasyahan din kasi nman na huwang ng tumigil at maglagi sa Manila dahil ang iba ay may pasok na sa Lunes. Sabado ngayon kaya naman halos lahat ng aking mga
kaibigan ay available para sumundo sa akin. Ang iba nmang sa Manila at kalapit bayan ay nakapag file na ng leave at itinaon rin sa pag bakasyon ko.
Napagplanuhan na rin namin na araw ng Linggo ay mayroon kaming get together sa bahay kaya naman babaha hindi lang ng inuman kundi walang sawang kwentuhan at tawanan. Masayang masaya ako na makakasama ko ang aking mga kaibigan. Sila lagi ang nagbibigay kulay ng bakasyon ko sa tuwing nakakauwi ako ng Pilipinas.
Mas sabik kami sa isa't isa ngayon dahil halos limang taon akong hindi nakakauwi dahil na rin sa pandemic ng mga nagdaang taon. At dahil na rin sa tulong ng social media at may constant communication kaming magkakaibigan kaya nman kaming lahat ay updated sa buhay ng bawat isa.
Gaya ng aking inaasahan ay nasurpresa ko ang aking mga magulang sa biglaan kong pag-uwi. Nagulat sila dahil sa sunod sunod na pagdating ng mga sasakyan sa aming bakuran. Maging ang aking mga pamangkin at ibang kapatid ay tuwang tuwa dahil na rin sa dami ng uwi kong pasalubong sa kanila.
LUCAS POV
It’s been 3 days since I came home, pero dito ako sa aking condo muna nanatili as I wanted to surprise my parent. Sa ilang araw kong pananatili sa aking Condo ay pina background check ko si Alyssa maging ang pamilya nito. I came to know that she was the 2nd eldest daughter of the family and has been the bread winner kaya nga ito nagtrabaho sa Dubai para matustusan ang pangangailangang medical ng ina at ama nila. Her mom is a survivor from brain aneurysm and still undergoing physical therapy while her dad frequents to hospital due to pneumonia and asthma attack. Maaga rin itong nagretiro sa trabaho ang ama dahil naaksidente ito. Hindi ko maiwasang humanga dahil ginagawa niya ang lahat for her family. She loves her family so dearly.
The next day, I decided to go home to surprise my Mom and Dad, in 3 days it would be their wedding anniversary. My parents were very delighted when I told them that I took a 2 months’ vacation para makasama sila. Pagkakataon ko na rin ito upang makapag
pahinga at maka bonding ang family ko. It’s also my time para mapuntahan si Alyssa sa Probinsya nito at sigurado ako na anytime this week ay darating na ito. I plan to visit her by next week para hindi ko maabala ang bakasyon nito kasama ang kanyang pamilya. I’m planning to ask help for my sister Princess ang bunso namin at kaisa isang babae sa aming magkakapatid.
Kinagabihan, ay isa-isang nagsidatingan ang iba ko pang mga kapatid na sina Melvin James, Liam Francis, Mark Gabriel at Brent Avelard. Melvin James is a member of the Philippine National Police for so many years now and is currently in training to be a SWAT member; Mark Gabriel is a member of the Philippine Air Force; Liam Francis and Brent Avelard are both Magna c*m Laude graduates of PMA and currently a member of scout ranger, both were now a Lieutenant at kasalukuyang nagtra training under Interpol and the Intelligence Division to follow the footsteps of our father na siya ring kinabibilangan namin nina Liam and Mark. The 3 of us are already members of Interpol and the Intelligence Division.
On the other hand, Princess Charlotte (the twin of Brent) finished Business Management and BS in Accountancy. Siya ang pinakamatalino sa aming magkakapatid. She took 2 courses and graduated in the span of 5 years only and she graduated Magna c*m Laude in both courses. After that, she took her master’s at the University of California. And when she finished her Masteral, she took the College of Law at the University of San Beda and graduated Magna c*m Laude, and she was top-notch in the Bar Exam thereafter. She is currently employed in a Law Firm in Quezon City, and she made a promise to her parent’s that after 5 years of practice, she will handle the Accounting Department of our family business.
Wala pa sinuman ang nakakapag asawa sa amin. Aside from being a member of the PNP and Military, all of us had graduated from Business Management Course as part of our promise to our parents that we will just stay in the Police and Military service for 10 years. And after that, we will be handling our family businesses.
Our family owns the largest Oil Exploration in the Philippine since ipinamana ng parents’ ni Daddy ang negosyong iniwanan ng mga ito bilang kaisa isang tagapagmana. Aside from that, our mother is a well-known hotelier as she owns famous hotels in the Philippines and other countries. And in due time, one by one we will all handle all our family businesses. Kahit kilalang
mga Bilyonaryo ay hindi namin ipinangangalandakan ang karangyaan pinagmulan namin. Not even my classmate in the Army knows that I’m a Billionaire, they only came to know one time when they saw my picture on the billboard in Manila hailed as one of the most sought Bachelors listed in Forbes.
Nagtipon tipon kaming buong pamilya sa hapag-kainan. Bumaha ng napakaraming pagkain dahil nagpahanda ng mga paborito namin si Mommy or kilala bilang si Donya Margaret ng nakakarami. I really adore our mother to be a hands on mom on us. Kahit na lumaki sa karangyaan at nakapag asawa na, ay ito pa rin ang siyang nag-aasikaso sa amin. Kaya nman gusto ko ay tulad ni Mommy ang mapapangasawa ko. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kaisipan magiging hands on mom din sa Alyssa sa mga anak namin.
"f**k", I silently cursed myself. Hindi ko pa nga girlfriend pero iniisip ko ng maging ina ng mga anak ko. wala sa loob na naisip ko.
Gaya ng napag planuhan namin, kinabukasan nga ay bumiyahe na kaming buong pamilya upang magtungo sa Isabela, ang probinsya ni Mommy. Doon kasi gaganapin ang selebrasyon ng kanilang wedding Anniversary ni daddy. Bukod sa wedding Anniversary ng aking mga magulang ay iyon na rin ang panahon upang mabisita namin ang aming mga kamag anak roon maging ang rice plantation at sugar cane factory ng aming pamilya sa Isabela.
Doon ko na rin pagpa planuhin kung paano ako makakadalaw kay Alyssa sa probinsya nito sa Cagayan na halos mahigit 2 oras lamang ang layo sa Isabela. Hindi ko pa man siya makakaharap mula ay kinakabahan na ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa oras na sadyain ko siya roon sa kanila.