Kabanata 17 (Sandy's POV)

1064 Words
"Ipitin mo... ah... idiin mo... ayan... huwag mong ititigil. Isarado mo lang mga binti mo, Sandy. Ayan..." Leche siya! Ako na ngalay na ngalay na sa kaiipit ng mga binti ko, siya naman ay sarap na sarap! Hayop lang? Ako na halos hindi maramdaman ang libog sa kanyang ginagawa ay siya naman itong may panginig pa ng kalamnan? Wow! Nakakakahiya sa liit ng patotoy niya! "Ah... ah... malapit na, ipitin mo... ipitin mo!" Inis na inis na ako sa pagmumukha ng kolerang ito. Tuyong-tuyo ako sa ginagawa niya at siya ay malalabasan na? Gago? Walang pa-waiting? Walang pasarap man lang para sa akin? Binilisan niya ang pag-ulos at patuloy rin siya sa pagmumura sa akin dahil lumuluwang ang aking binti sa kaiipit. Pagod na kaya ako! "Sandy! Sandy!" ungol niya nang umulos ng pinakamariin at mabilis. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang mainit na likido sa aking binti at nalabasan na nga ang punyeta! Ako na parang tinusok lang ng cotton bud ang p**e ay napairap na lamang sa inis. Dinaganan pa ako ng gago at saka hinublot ang kanya. "Hay, ang luwang mo na..." anas niya. Sobrang kapal ng mukha! "Ang sabihin mo, ang liit niyan, Michael kaya huwag mong isisi sa akin. Kapal mo!" Mahina siyang humalakhak kaya mas lalo akong naiinis sa kanya. Bigla na lamang siyang tumayo at inabot ang perang nakapatong sa lamesa kanina. Walang-hiya pa siyang humarap sa akin habang binabalandara ang siling-labuyong nasawsaw yata sa suka kaya sumiksik. Kaloka! Akala mo naman may malaking kargada. "Iyan lang muna ang maibibigay ko. Alam mong mahigpit si Daddy sa pera," aniya sabay hagis ng dalawang libo sa akin. Ito ang kinaininisan ko sa kanya. Kailangan pang may mangyari sa amin bago niya suportahan ang anak naming ginagatas pa. Porke't hindi nakaapelyido sa kanya si Josh ay wala akong habol at malaya niya akong napapasunod nang ganito. "Grabe ka, two thousand lang sa isang ilang buwan, Michael?" Ngumisi siya sa akin at inilapit ang katawan niya sa aking mukha. "Kainin mo, dadagdagan ko ng one thousand!" Nagpupuyos ako sa sobrang galit kaya dinakma ko ang kanya at isinubo. Imbis na pasarapin siya ay kinagat ko iyon kaya mabilis niyang itinulak ang aking ulo palayo. "Gago ka ba?" "Mas gago ka! Ginawa mo na nga akong pokpok para makakuha ng pera sa iyo tapos ito, bababuyin mo pa ako? Pakyo mo!" Hawak-hawak niya pa ang sariling ar* habang sinasamaan ako ng tingin. Sinamaan ko rin siya ng tingin at bumangon na nakahubad. Pinakita ko pa sa kanya ang katawan kong walang pinagbago ang hubog. Balingkinitan pa rin kahit kapapanganak pa lang. "Itong katawang 'to? Magtitiis sa labuyong hindi naman nakakaanghang? s**t mo!" Iniwan ko na siya at pinulot ang mga damit sa sahig na nakalat nang hubarin ko ang aking damit para makipagsiping sa walang arugang lalaking 'to. Dali-dali pa akong nagbihis at nang nakalabas ay nakita ko pang nakaupo ang gago. Nakabihis na siya ngunit hindi naman maayos ang pagkakabutones ng suot niyang polo. Muli ko pa siyang sinamaan ng tingin at mabilis na umalis ng motel. Habang nasa daan ako ay hindi ko mapigilang maiyak. Awang-awa ako sa sarili dahil kailangan ko pang makipagpatentiro kay Michael at makipagtusukan para bigyan ako ng pera. Wala akong trabaho at anim na buwan pa lang ang anak namin Josh. Saan ako kukuha ng pera? Paano ko masasabay ang pagiging ina at pagiging estudyante, pati na rin ang pagtatrabaho. Nakakawala ng mabuhay. Ngunit para sa anak ko ay titiisin ko ito. Pero misan ay napapagod ako. Pagod na pagod na ako... # Muli akong napatitig sa text na sinend ni Michael kanina. At sa nababasa ko ngayon ay muli kong naalala ang mga kababoyan ng dugyot na iyon! "Meet me. Dating gawi..." "Hayop siya! Ano ang akala niya sa akin? Bayaran na nagpapatira na lang para mabigyan ng suporta ang anak ko?" Naiiyak ako sa mga nangyayari. Tuluyan ng nawala ang sponsor ni Josh sa pagpapaopera at kwestiyonable pa ang tulong ng gobyerno dahil sa mga nakalahad na dokumentong pinagmamay-arian ko raw. Alam ko naman kung sino ang may gawa nito, kung sino ang umiipit sa akin. "Susugurin ko na talaga siya!" Ngunit nalilito ako. Leche! Dalawang lalaki pa talaga sa buhay ko ang nagpapasira ng utak ko ngayon. Hindi ko alam kanino ako unang magagalit, kay Michael na wala pang bayag, maliit pa ang t**i, o sa ama kong hindi ko alam bakit niya ginagawa ang lahat ng ito sa akin. Bakit niya ako pinapahirapan. Napatingin ako sa telepono ko nang tumunog ito at pangalan ni Nanay Emma ang nakikita ko. Ito na naman, kinakabahan na naman ako. "N-Nay..." sagot ko. "Sandy, kailangan mong umuwi. Si Josh, inatake na namang muli!" Halos mabuwal ako sa kinatatayuan at hindi ko na alam kung saan ako hahawak para 'di ako matumba. Bakit ba pinaparusahan ako nang ganito? Naging masama ba akong tao at hindi man lang nagkaroon ng masayang buhay? May sumpa ba ako? May balat sa puwet? "Sandy? Nandiyan ka pa ba?" tinig ni Nanay Emma sa kabilang linya. Pinilit kong hindi maiyak kaya inilayo ko saglit ang panawagan sa aking tainga at inayos ang sariling boses. Ang bigat sa dibdib ng nanyayari sa akin. Hindi ko matukoy ang sobrang sakit na nararamdaman para sa aking kawawang anak. Hindi ko alam ano ang dapat kong gawin para kahit papano ay maibsan ang paghihirap niya. Kapos na kapos ako sa pera at kahit may naipon ako, hindi iyon sapat para mapaopera ko ang anak. "N-Nay..." "Sandy, pasensiya ka na. Alam kong stress na stress ka na ngunit kailangan na talagang mapagamot si Josh. Kailangan na niyang maoperahan dahil lalong lumalaki ang butas ng kanyang puso..." Tumango-tango ako at muling pinahid ang mga luha sa aking mga mata. Kakayanin ko 'to. Hindi ako susuko at kahit ano ay gagawin ko para sa anak ko. Kailangan kong dugtungan ang buhay ng binata ko. "O-Opo... uuwi ako, Nay. Pag-uwi ko ay sigurado akong mapapagamot ko na si Josh. Pangako po." Dinig ko ang pagbuntong-hininga ni Nanay Emma sa kabilang linya. "Sige, anak. Kailan ka ba uuwi?" Kinurap-kurap ko ang mga mata bago siya sinagot. Desidido na ako. Wala na akong pakialam sa dignidad na mayroon ako. Wala na akong pakialam kung niloloko ko ang sarili at pati na rin ang mga tao. Mas importante sa akin ang buhay ng anak ko. Mas importante kahit na sino...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD