Am I too lucky today? Or I am just... so, still lucky?
Friday the thirteenth naman ngayon, malas na araw at petsa ngunit bakit siniswerte ako?
I had learned about the culprit of my suffering. Balang araw ay makikilala ko na siya at sisiguraduhin kong hindi na siya makakawala sa akin. Ipaparamdam ko talaga sa kanya ang hirap na dinanas ko sa kadiliman, kung paano ko halos isalang ang konsensiya at pilit na nagdadasal na sana ay may bawian ng buhay at nangangailangan ng pera para sa mga matang kailangan ko para makikitang muli.
And the second fortune is... Annika.
"Well, my daughter wants to see you, Bernard. But she's kind in a hiatus moment in Italy. We already agreed about the situation. The two of you will just need to figure it out how to handle and build agreement of your marriage..."
Isinandal ko ang likod sa backrest ng aking swivel chair at ipinatong ang mga siko sa arm rest nito. I just nodded my head and smiled.
"Do not worry, Anecito. I am not interested to fall in love to your daughter. I just want an assurance that no one can get my position."
How I wish I could see Anecito's reaction. Sa tono ng pananalita niya ay para akong naghahabol. Well, yeah, I am. But I was not the one who asked this agreement. This deal was his idea after all.
"I know, Bernard. Do not worry. My... daughter is quite responsible. You have mutual feelings also."
Napangisi ako sa sinabi niya. Sa tingin niya ba ay walang mangyayari sa amin ng anak niya? I will be her husband after. And she is my wife. Her obligation is to satisfy me. Pareho naman kaming makikinabang, I will sustain my position, she will get the resort. We are both predators in this marriage-game.
Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan na lang si Anecito na mag-isip ng kung ano. Whatever he thinks, I don't care!
"Kailan ko mame-meet si Annika Margaret?" tanong ko.
I heard his soft chuckle. Tila gumalaw rin ang silyang kinauupan niya, tanda na tumatayo na siya.
"Soon, Bernard. Very, very soon..."
#
MULI kong sinimsim ang alak sa aking baso at pinapakinggan ang malamyang tugtugin.
Ipinikit ko na lang ang mga mata, total ay wala rin naman kuwenta kung ididilat ko ito dahil puro kadiliman lang naman ang makikita ko.
"Saan na kaya siya?" usal ko sa sarili.
Kanina ko pa hinihintay si Kitty pero wala siya. Ang sabi ni Lola ay hindi pa raw pumapasok at hindi naman nagpaalam na maga-absent kaya ibang waitress ang nagsisilbi sa akin.
Ewan ko ba, parang nasasanay na ako sa presensiya ni Kitty. Matabil, maingay, maraming kuwento. At nakaka-miss lang.
Miss?
What am I thinking? Why should I miss that noisy feline?
Ininom ko na naman ang alak ng nakaramdam ako ng bagot. Hindi ko alam bakit parang ang tahimik ng paligid. I mean... I was used to be with her every time I went here.
Itinaas ko ang kamay para makita ako ng waitress. Sigurado ako, katulad ng mga nagsisilbi rito ay nakamaskara din siya.
"Sir?"
"I need my bill..."
"Okay."
Ilang minuto lang ay lumapit sa akin si Cres at siya na rin ang nakipag-usap sa waitress.
Nang natapos silang magbayaran ay nagplano na akong aalis. Firday the thirteenth night is not good for me, somehow.
Akma na akong tatayo nang narinig ko ang isang mahinang bagsak ng tila bote sa lamesa kaya napatigil ako. Alam kong pati si Cres ay napahinto.
"Ang aga pa namang umuwi..."
I could not help but to smile hearing her voice. Sa ganda ng boses niya ay agad na nakikita ng isip ko ang kanyang mukha.
I just hope I was wrong in my thoughts. Minsan kasi, traydor ang boses sa reyalidad. Ngunti wala rin namang sinabi ni Cres sa akin patungkol sa hitsura ng babae. Marahil pati ang assistant ko ay 'di rin sigurado dahil sa nakamaskara nga ito.
"What took you so long, damn cat!" bulalas ko sa kanya. Hindi ko lang mapigilang maging masaya dahil nandito siya.
"Kung maka-damn cat din 'to, kalmutin kaya kita!" sagot niya kaya mas lalo akong napangiti.
Ito ang gusto ko sa kanya, kahit nagsusungit minsan, at 'di sinasanto kung sino ang kausap, ay 'di ko pa rin maiwasang matawa.
Ilang oras ko lang siyang 'di nakasama ngayong gabi ay para na akong nahunghangan ng walang makausap, hindi man matino siyang kausap at pilosopa pero sobrang nakatutuwa naman.
"Medyo nkaka-bored lang kung hindi ikaw ang nagsisilbi," wala sa sariling sabi ko kaya agad akong sinaway ang sarili.
Ano na naman ba ang pinag-iisip ko?
"I mean... n-nasanay lang ako na ikaw--"
"Sabihin mo lang kasing na-miss mo ako. Period, tapos ang usapan!" palatak niya kaya naiiling akong natawa.
Fine, I missed her. I missed her naughtiness and her 'tambay traits'.
"Uuwi ka na?" bigla niyang tanong kaya marahan akong tumango.
"Masiyado ng mahaba ang oras ko rito, Kitty. I need to rest."
Wala pang matibay na impormasyon ang informant na nakausap ni Cres at hinihintay na lamang namin ang trapment ng babaeng iyon.
"Ganoon ba?"
Dama ko ang paglungkot ng kanyang tinig. Ewan ko ba, bakit pakiramdam ko, sa tuwing masayang nakikipag-usap si Kitty sa akin ay pakiramdam ko ay dinadama siyang bigat sa loob. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko ay nasa parehong pahina kami ng babaeng ito. Pilit na ikinukubli ang totoong nararamdaman.
Ako naman ay tinatago ang pagiging takot ko. Takot akong maloko lalo na't wala akong paningin. Takot akong mapag-iwana kung sakaling magmahal akong muli. Takot akong mawala sa akin ang lahat dahil sa kapansanan ko.
Si Kitty, ano kaya ang tinatago niya?
"Do you want me to stay for you?"
Bigla siyang natahimik at hindi agad nakasagot.
"N-Naku, hindi..."
"Give me another drink and sit with me."
Palihim kong kinapa ang upuan ko kanina. Nang nahawakan ko ito ay iginiya ko ang sarili para makaupo.
"S-Sir, b-baka pagod ka. A-Akala ko lang."
"Go now, Kitty. Do not let you VIP wait."
How I wish I could see her face now. How she smiles when I join her blind sadness.
"S-Sige po..." Hindi ko man nakikita ang mukha niya pero naririnig ng boses niyang tila nasasabik.
"Magtatagay tayo..." sabi ko gamit ang parati niyang sinasabi tuwing pinagsisilbihan ako.