"Bakit ang yelo, kung nilalagay sa mainit, natutunaw... pero iyong katawan ng lalaki 'pag umiinit, tumitigas ang ano..." sumusinok na pahayag ni Kitty na halatang nalalasing na.
Kanina pa siya inom nang inom habang ako ay mataman lang nakikinig sa mga sinasabi niyang 'di ko alam saang hugot nanggagaling.
Kung ano-ano na lang ang mga pinagsasabi niya. Napunta na kami sa ex-boyfriend niyang may maliit daw na kargada at siling-labuyo lang daw ang laki.
Kahit si Cres na nagmamasid lang sa likuran namin ay alam kong natatawa dahil sa mahinang halakhak niya.
"Ano, Kitty? Spit it out..." engganyo ko sa kanya nang bigla siyang tumahimik.
Hindi siya agad sumagot at ibinigsak ang dala yatang bote sa lamesa. "Gusto mong duraan kita?"
Napailing na lamang ako at ngumisi. Iba naman ang intindi ng babaeng ito.
Nagkibit-balikat na lang ako at kinapa ang sariling baso sa lamesa para makainom na rin. Lugi ako sa kainuman ko, ang lakas lumaklak, talo pa ang mga lasinggero.
"If your slaver tastes good, why not..."
Biglang natahimik ang paligid at parang nawala si Kitty. Did I offend her? It was only a joke!
"Kitty?"
Sinikap kong makiramdam ngunit wala akong nararamdamang gumagalaw. I smelled her perfume but her scent might stick to my nose. Kahit na wala na siya ay 'di pa rin mawala-mawala. Umalis na ba siya?
Muli kong inamoy ang paligid. Ayaw ko ring mangapa dahil baka makahalata siya.
Isa lang ang sigurado ako, may kaparehong amoy si Kitty. Hindi ko talaga tukoy kung saan at kailan, at kung sino. Basta alam kong kapareho sila ng amoy ng katawan. Matamis, mabango... parang bulaklak na kabubukadkad lang.
Imbis na ang babaeng kausap ko ang aking naramdaman ay ang presensiya ni Cres ang nakapa ko. "Nakatulog na siya, Sir. Nakapatong ang ulo sa lamesa."
Saglit akong nagulat at kalaunan ay napatango.
Tinulugan ako ng kainuman ko kaya wala sa sarili akong napangiti. Talo pala ito, eh!
"Call Lola and we will take Kitty home."
"Po?"
Napasimangot ako kay Cres. Alam ko ang iniisip niya at hindi iyon ang gagawin ko. Iuuwi ko siya sa kanilang bahay at itatanong ko kay Lola ang address niya.
I am not that pervert to take a drunk woman to my place and f**k her.
Nang sabihan ko si Cres ay agad naman itong tumalima at mayamaya ay nasa harapan ko na si Lola.
"Loka-loka itong babaeng ito! Namaltos ng gabi?"
Huminga ako nang malalim at saka namulsa. Tinatanya kong kaharap ko si Lola at nagsalita, "I asked her to drink with me. Just give me her address and I'll take Kitty to her home."
Napahinga nang malalim si Lola at alam kong nag-aalangan siya. "If you want, bring someone who can be with her." Inunahan ko na siya bago siya makatanggi. I want Kitty to be home safely. Ako ang dahilan bakit siya nalasing kaya gusto kong makasiguro na okay siya.
"Ay naku, Sir! Wala naman akong iniisip na gay-an. Pero medyo maingay iyang si San... I mean, Kitty, ipapasama ko na lang si Mia. Magkapit-bahay lang naman sila."
Tumango na lamang ako at sinenyasan si Cres na kunin ang babaeng lasing at ihatid muna ito sa sasakyan. Magpapabalik na lang ako kung naayos na ito roon.
Dahil nasa basement ng club ang sasakyan namin ay naghintay pa ako ng ilang minuto. Roon ko biglang naisip ang babaeng nakamaskara...
"Kitten..." naiusal ko habang pinapakinggan ang malamyang tugtugin sa paligid.
Alam kong nandito lang siya. Alam kong nagmamasid lang siya katulad ko dahil ilap na ilap siya sa akin.
Ayon sa informant ni Cres, biglang nagbago ang statement ng sinasabing kaibigan nitong si Kitten. Magpapakita lamang daw ito kung sisiguraduhin kong hindi ko siya gagawan nang masama.
I won't. I will not do anything to harm someone. Gusto ko lang iparamdam sa kanya ang hirap na dinanas ko nang nawala ang aking paningin. Gusto kong malaman niya gaano kasakit ang mapag-iwanan dahil sa kasakiman niya ng pera. I will feed her my money!
Nagpagamit siya dahil sa salapi. She could ask if she wants but why did she do it? Why did she ruin my life?
Ang hindi ko maitindihan ay pati mga tinuring kong kaibigan ko ay walang balak na umamin. Puro sila tanggi, puro kasinungalingan!
Sabagay, sino ba namana ng gagong aamin sa kasalanang ginawa nila at sinadya, hindi ba?
Ilang minuto ay narinig ko ang papalapit na yabag at alam kong si Cres na iyon kaya inahanda ko na ang sarili.
"Tara na po, Sir," aniya. Kinapa ko ang paligid at inabot ang kamay niya nang nahawakan ko.
Sinabi ko na rati na wala na akong mapagkakatiwalaan kundi sarili ko na lang. Ngunit sa sitwasyon ko, si Cres ang taong 'di ako kayang lubayan.
Siya ang mga mata ko sa paligid. Siya ang ang naging tungkod ko tuwing kailangan ko ng kasangga. And without him, I could no longer work. Siya na lang ang mayroon ako, maliban sa pamilya ko.
"Si Kitty?" tanong ko sa kanya.
"Ingat po, nasa hagdanan na tayo," paalala niya at inalalayan ako para makababa ng hagdanan.
"Si Kitty naman ay nasa sasakyan na. Natutulog pa rin. Nakausap ko na rin ang kaibigang makakasama niya at kasama niya ito roon. Sabi'y may isa siyang kapatid na nasa boarding house nakatira pero sabi ni Mia na sa silid na lang niya patutulugin si Kitty dahil walang tao roon dahil nasa galaan ang kapatid, o tulog na."
Tumango lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. As long as Kitty will be safe, I am fine.
Ilang minuto ring lakaran at sinabi ni Cres sa akin na malapit na kami sa sasakyan kaya sinenyasan ko ng paandarin ito para masundan ko ang ingay. Ayaw kong magduda ang kasama ni Kitty. Alam kong tulog ang huli ngunit nandiyan ang kaibigan niyang maghahatid sa kanya.
"Cres..." Dinig ko ang pagbukas ng pinto kaya tinantya ko ang lahat para makapasok nang normal.
I used all my senses for me to enter the car, without the doubt of the woman inside.
"Hello, Sir," bati sa akin ng babaeng may magaspang na boses.
"Pasensiya na po kayo kay Mama San... I mean, Kitty. May pinagdadaanan lang siya."
Bigla akong natigilan sa narinig. If I was not mistaken, the tone of Kitty's voice a while ago seemed so sad. Alam kong hindi ko siya nakikita pero nararamdaman ko siya. Ramdam na ramdam ko kung may bigat man siya sa puso niya dahil kung mayroon man ay pareho kami.
I want to ask this woman to talk about Kitty's burden. But I might sound chismoso. My curiosity kills me but I'd rather keep my silence. Let Kitty opened up with me, if she wants to. I am willing to listen.
"Let's go, Cres..." utos ko sa assistant at sinimulang paarangkadahin ang dalang sasakyan.
Madaldal ang babaeng katabi ni Cres sa harapan, base iyon sa mga kuwento niya nang kung ano-ano.
Si Cres naman ay tahimik lang na nakikinig, minsan ay humahalakhak kaya lihim akong napapangiti.
Nasa tatlo o apat ang agwat ng edad namin ni Cresent. Hindi ko tukoy ang totoo niyang pagkatao dahil sa probinsya naman siya nanggaling pero alam kong mabait siya.
He was working with me for a long time. Pareho pa kaming empleyado ni Daddy, at nagsisimula rin.
When Dad decided to step down, he gave me the position. And then, Cres assigned himself to me.
Ayaw pa ni Daddy dahil kailangan ko raw ng mas matagal ng may alam at eksperyensiya. Ngunit nakikita ko kay Cres noon ang husay na mahirap hanapin sa iba. Kung tutuusin ay mas magaling siya. Sa kanya ako natuto ng mga gawain at trabaho. But since I was the eldest son of Buenaventura and the only heir of our growing business, the position was assigned to me.
Sabi ni Cres kanina ay nasa tabi ko si Kitty at nakasandal ang ulo sa bintana. Nagising pa raw ito at guston magtrabaho ngunit agad ding natumba. Gusto nga nilang kunin ang maskara nito para naman ay makatulog nang maayos pero hinahampas sila kaya nakikita ko sa isip na nakamaskara siyang tulog!
Kitty...
"Matagal na ba kayong kaibigan niyang si Kitty?" narinig kong tanong ni Cres kay Mia.
"Ay, oo! Matagal na. Mabait iyan si Mamang. Masipag dahil may kailangang paggastusan."
I felt it. She might be the breadwinner of the family. O baka, ate siya sa mga kapatid at nagpapaaral.
Sa tono pa lang ng pananalita ni Kitty ay alam mong palaban siya. At malaki ang pinaglalaban niya para sa pamilya. I was amused!
"May sakit ang anak niya sa puso. May maliit pa siya..."
Bigla akong natigilan sa narinig. May anak si Kitty? Mga anak?
"Is she a mother?"
Humalakhak si Mia. "Oo, ah! Hindi ba halata? Kunin ko nga ang maskara nitong gurang na ito.
"Chubukan.. m-mo! Tang--gal iyang pushtiso mo!" biglang sabad ng lasing sa aking tabi.
Naririnig niya pa rin kami?
"Chaka itong lasing na ito!"
"Kitty, you should take off the mask, do not worry, I won't harm you..." paliwanag ko.
Naramdaman ko ang kamay niyang sumusundot-sundot sa aking dibdib hanggang sa tumaas sa aking bibig. Pilit kong kinukuha ang kamay niya dahil nanunusok na ng ilong.
"Sssshhh... ingay mo. English ka nang english na nasa Pilipinas naman tayo!"
Natawa na lang ako at iiling-iling na kinuha ang kamay niya pababa.
Mayamaya ay naramdaman ko ang ulo niyang sumandal sa aking balikat kaya napasunod ang ulo ko sa gawi niya.
Huminga pa siya nang malalim at tila inaayos ang sarili para mas maging komportable kaya hinayaan ko siyang makahiga sa aking dibdib.
Kung nakikita ko ang sarili ay alam kong halos magkayakap na kami tingnan.
Hindi ko alam ang pagiging komportable ko sa kanya. Para bang... ang gaan ng loob ko tuwing nakakausap siya at nakakasama habang nasa club ako't naghihintay ng impormasyon.
Minsan nga ay nakakalimutan ko na may misyon ako roon at nawawala sa topic namin papuntang usapan sa kaibigan niyang posibleng si Kitten.
"Huwag ka english nang english, Sher! G-Galit si Rizal sha-iyo..." anas niya sabay sinok.
I tapped her shoulder to shut her up. Matulog na lang siya habang nasa biyahe.
"Naku! Madam Bertud ka! Mahihiya ka talaga kung ikukuwento ko ang kabalbalan na ginawa mo!" rinig ko pang palatak ni Mia.
"It's alright..." tugon ko at patuloy na tinapik-tapik ang balikat niya hanggang sa naramdaman ko na lang ang mahina niyang hilik sa aking dibdib.
How I wish I could see you, Kitty. How I wish I could see how you laugh and smile. How I wish...