Zaylee’s POV
Kasalukuyan akong nakatutok sa laptop. Hindi ko alam kung bakit biglaan na lang nag-ayang mag-transfer sila Zoe at Zilyn kahapon. Gaya nga ng sabi ko, madali akong kausap kaya wala talaga akong angal doon but the problem is ayokong magmukhang duwag. Kung tutuusin, kaya naman naming makipagsabayan kung p*****n lang naman ang usapan, pero kaya nga kami umalis ng mansion at nagpunta sa lugar na ito ay para magbagong buhay.
“So ano na?” Tanong ko sa mga kapatid. Through skype lang kami nag-uusap dahil mainit ang mata ng mga dorm president sa aming apat. “Can’t we just talk in personal?”
“No. Mag-lie low muna tayo.” Sabi ni Zoe.
“Okay, papatayin ko na ‘tong laptop, tinatawag ako ng isip batang si Levi. Bye.”
Nang mawala si Zel ay nawala na rin ang dalawa kaya sinara ko na ang laptop. Saktong pagtayo ko ay nakarinig ako ng isang sigaw. Agad akong lumabas at nagpunta ng lobby, only to see na may gulong nagaganap. Nakahandusay ang isang babae sa harapan ni Zayden habang nasa gilid ang ilang dormmates namin.
“What happened?” Tanong ko nang mapansing nasa gilid ko lang ang tahimik na si Luther.
“Punishment.” Kibit balikat na sagot nito sa akin.
“Swerte niya dahil nagalaw siya ni Ken pero malas niya dahil nalaman ni Zayden. Alam naman kasing mahigpit na ipinagbabawal ang kahit anong koneksyon mula sa ibang dorm president, eh. Ayan, kalandian kasi.”
Napalingon ako sa babaeng nagsabi noon at hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya. Wala naman kasi siyang ibang katabi maliban sa akin.
“Kaya ikaw. Mag-ingat ka. Hindi mo kilala si Zayden.” Tumaas ang kilay ko nang lingunin niya ako at basta na lang umalis. Napangisi na lamang ako bago muling humarap kay Luther.
“Anong ginawa niya sa babae?”
“Look at her face.” Saktong marahang tumayo ang babae mula sa pagkakahiga, nakahawak lang ito sa pisngi niyang duguan at nang tanggalin niya ang kamay niya roon ay napanganga ako. Isang mahaba at malalim na hiwa, don’t tell me ginamit niya iyong barahang blade? Wow! This guy is sure a monster.
“Kabila naman.” Malamig na sabi ni Zayden nang maglabas ito ng panibagong baraha mula sa bulsa ng suot niyang pantalon.
“Enough.” Lahat ng tingin ay napunta sa akin nang pumasok ako sa eksena. Kusa namang nagbigay ng daan ang mga estudyante nang maglakad ako papunta sa direksyon ni Zayden.
“What?” Halos walang emosyon na tanong niya sa akin pagkalapit ko.
“I said enough.” Hinila ko ang babae at saka ito itinago sa likuran ko.
“Gusto mo bang pumalit sa kanya?” Nakangising tanong niya nang ibato niya ang baraha sa akin. Hindi na gagana sa akin ang atake niyang iyon kaya bago pa tumama sa akin ay napigilan ko na gamit ang dalawang daliri ko.
“So.... Sa paanong paraan mo gustong maibalik sayo ‘tong baraha mo? Iaabot ko ba ng maayos o ibabato ko sa’yo?” Nakangising tanong ko habang pinaglalaruan iyon sa kamay. Hindi nagbago ang malamig niyang tingin sa akinㅡAnd just like that, biglang nag-echo ang boses niya sa isip ko.
“Don’t put me in a position where I am forced to protect you.”
Kusang nawala ang ngisi sa labi ko at napalunok. Bakit ba gumugulo pa rin sa akin ang sinabi niyang iyon?
“I really hate your guts.” Sabi niya nang lumapit siya sa akin at mabilis kinuha ang baraha na nakaipit sa pagitan ng dalawang daliri ko. “But at the same time. I like it. You’re unique, brave and strong. Tatlo lang ‘yon sa mga katangian na hinahangaan ko sa isang tao.”
“Should I feel happy about that? Dapat ba kong mag-celebrateㅡ” Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin nang maramdaman kong may gumuhit sa likuran ko. Agad akong lumingon sa babaeng tinulungan ko at nakitang may hawak siyang baraha.
“Wala kang karapatang bastusin ang kasalukuyang Primo!” Sigaw niya sa akin na ikinabigla ko. Sinira na ni Zayden ang mukha nya pero nagagawa pa rin niyang ipagtanggol? And worst? Tinulungan ko na siya pero ako pa itong mali? Sinugatan niya pa ang likuran ko.
“Wow! Is this how you say thank you? Well...” Ngumisi ako at saka sinampal ang pisngi niyang duguan pa rin dahil sa sugat na natamo. “This is how I say, you’re welcome. b***h!”
Umalis ako sa lobby na parang walang nangyari at bumalik sa kwarto. Agad kong hinugasan ang kamay kong nabahiran ng dugo dahil sa babaeng iyon.
Bakit ba ganoon na lang nila sambahin ang lalaking iyon?! He sure have his way to manipulate the people around him pero nirerespeto parin siya. Tch.
ㅡ
Hindi na naalis ang pagsasalubong ng kilay ko hanggang dito sa klase. Matino naman ang itinuturo ng mga prof, may matutunan pa rin naman despite of the bad reputation of this school but stillㅡ
“So anong pakiramdam na mabaliwala ang pagtulong mo sa isang tao?” Rinig kong pagsasalita ni Zayden mula sa likuran. Alam ko naman na ako ang kausap niya ngunit hindi ako nag-abalang sumagot o lumingon man lang. “Kinakausap kitaㅡ”
Nabigla ako nang hilahin niya ang buhok ko and for the second time. Kinagat na naman niya ang tainga ko kaya napatayo ako.
“What.the.fuck.you.perv!” Madiing sabi ko na ikinagulat ng lahat. Maging ang prof namin ngayon ay tila parang nakakita ng multo. Lahat ay tahimik. Lahat ay nag-aabang sa susunod na mangyayari.
“Yes I’m a perv so I like bad girls like you.” Kinilabutan na lamang ako sa kamanyakan ng lalaking ito. Padabog akong lumabas ng classroom kung saan nakabunggo ko ang isang lalake.

“Uhm hello, hindi ka ba marunong mag-sorry?” Tanong niya sa akin.
“Hindi ba dapat ako ang magtanong n’yan?”
“Ay ganun. Sige na nga sorry.” Nginitian niya ako at saka nilagpasan kaya kumunot ang noo ko. Weird. “Ashvier ka ‘di ba? Pakisabi naman sa kambal mo na.. Ang cute niya.”
Nilingon ko siya nang sabihin niya iyon ngunit nakalayo na siya. Wait, si Zilyn ba ang tinutukoy niya? Well sino pa ba? Idiot. Pero paano niya nalaman ang bagay na iyon? Na Ashvier ako at kambal ko si Zi?
Uh, nevermind. Baka usap-usapan lang kami ngayon kaya ganoon na lang kabilis kumalat ang balita. Mukha pa namang mga chismoso’t chismosa ang mga estudyante rito.
Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko, basta nandito ako sa isangㅡano ba ‘to? May ganito pala rito.
“Do not enter. Beware of delinquents.” Basa ko sa signage papasok sa maala gubat na bahagi ng campus. Na-curious naman ako bigla. Well what kind of warning is this?
Pumasok ako sa loob at parang wala namang kakaiba. Maliban sa tahimik at mga tuyong dahon na nagkalat ay wala na akong makitang kakaiba. Puro nagtataasang puno lamang ang nanditoㅡ
“Tama na please!”
Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Dumiretso ako ng lakad dahil nakakarinig pa ako ng ilang boses na tila nagkakasiyahan sila. Pagdating sa bahagi ng gubat na halos wala ng puno ay tumambad sa akin ang isang lalaking walang pang-itaas. Naka-drawing sa katawan nito ang tila isang dart board kung saan may ilang dart stick ang nakabaon doon.
“Anong tama na? Titigilan lang kita kappag nakabull’s-eye na ko.” Sabi ng lalaking parang hari kung maupo sa isang kahoy na upuan. Sa likuran niya naman ay nakatayo ang ilang lalake at babae.
Tahimik lang akong nagmamasid mula sa likuran ng puno at pinanuod ang sunod na mangyayari.
“Ayoko na!” Makaawa ng lalake. Nasa limang dart stick na rin ang nakabaon sa katawan niya and that surely hurt as f**k!
“Alam mo, dapat kasi hindi mo na kinakalaban ang mga tulad ko. I’m part of the phantom ten afterall.” Sabi pa ng lalaking nakaupo. Ugh, naiirita ako sa kanya. Parang nangangati ang mga kamay ko at gustong pumatay. “At ikaw, gusto mo ba matulad sa kanya? Alam ko kanina ka pa d’yan.”
Bumaling ang tingin niya sa akin kaya lumabas na ako mula sa pagkakatago.
“Gusto mo bang makipaglaro sa’kin?” Tanong ko nang medyo lumapit ako sa kanila. “Well paano ko ba ‘to sasabihin ng hindi mah-hurt ang feelings mo? Paano ka makakabull’s-eye kung hindi ka naman marunong? Uh. You know, I mean. You sucks. Dude.”

“Malakas ang loob mo. Then show me what you got.” May kung ano siyang sinenyas, dahilan para biglang magsisuguran ang mga babae sa likuran niya.
Medyo hirap pa kong kumilos dahil sa sugat na natamo ko kanina ngunit mabilis ko pa ring naiiwasan ang bawat atake nila sa akin. Ilag sa kanan, suntok sa kaliwa. One down, tatlong babae lang naman ito kaya I’ll go easy on them. Mukhang puro ganda lang naman ang meron sila.
“Ikaw yung transferee, right?” Tanong ng isa nang sugurin ako nito ng suntok. Napigilan ko naman iyon ng isang kamay.
“Oo, bakit?” Tanong ko sabay sipa sa kanya dahil nakita kong pasugod pa ang isa. Inilayo ko rin ang sarili ko ng kaunti sa kanila para mas makita ko kung paano sila patutumbahin ng sabay.
May ideya ang biglang pumasok sa akin kaya lumingon ako sa likuran kung saan nandoon pa rin ang lalaki. “Hello. Wag ka sana magalit sa gagawin ko. Ngayon pa lang hihingi na ako ng tawad.
Ngumiti ako at saka hinugot ang mga dart stick sa katawan niya. Puro sigaw lang ang narinig ko mula sa kanya at nang makuha ko na lahat ay pinagbabato ko iyon sa dalawang babae, dahilan para mapaupo sila sa sakit.
Matapos noon ay nagsimula na ring sumugod ang ilang lalaki. Halos sabay-sabay pa silang nagsitakbuhan palapit sa akin.
“Kill her.” Rinig kong utos noong lalaking nakaupo.
“Sure ka, Topher?” Tanong ng lalaking nasa likuran ko. Balak ko pa sana siyang lingunin ngunit naramdaman ko na lang na nahilo ako dahil sa lakas ng suntok na natamo ko. Bahagya akong napaatras at saka dinambahan ang walang hiyang iyon. Pumunta ako sa likuran niya at saka binigyan ng chop ang batok nito, dahilan para mawalan siya ng malay.
Bago pa siya tuluyang tumumba ay nakuha ko ang damit niya para i-angat ulit at gawing panangga sa bawat suntok ng isa pang lalaki na sumugod.
“Ang galing mong makipaglaban, huh.” Sabi noong Topher habang nakaupo pa rin at nanunuod lang.
“Hindi ako magaling, sadyang mahina lang ang mga alila mo.” Sabi ko sabay sipa sa lalaking sumugod sa likuran ko. Binitawan ko na rin ang lalaki at saka pumasan sa natitira. Hawak ko ang magkabilang tainga niya, gusto ko sana itong balian pero alam kong ikamamatay niya pagginawa ko iyon kaya pinatamaan ko na lang din siya sa may batok para mawalan ng malay.
Napapunas na lamang ako sa ilong kong nagdudugo nang makitang tumba na silang lahat. Pumalakpak naman si Topher at tumayo.
“Now, It’s my turn.” Sabi niya pa habang naglalakad palapit sa akin. “By the way, how did you do that?”
“I just hit them at their nerve centers. Gusto mo ma-try?”
“No, not today.” Ngumisi siya bago sumugod sa akin pero laking gulat ko na lang nang puntiryahin niya ang likuran ko, dahilan para manghina ako and the next thing I knew? Nakaluhod na ako sa harapan niya.
“Kung hindi ko siguro napansin na may iniinda kang sakit baka lumaban pa ako ng patas. But, sorry. This world is full of cruelty.” Binigyan niya ako ng isang malakas na pagsipa sa mukha na ikinatalsik ko sa mga buhangin. Ramdam ko ang sakit ng kaliwang pisngi ko sa ginawa niyang iyon at kitang-kita ko kung paano siya naglakad papunta sa qakin.
Damn it! Kung wala lang itong sugat sa likuran ko, malamang kanina ko pa napatay ang lalaking ito. Halos dumikit na ang sapatos niya sa mukha ko nang huminto siya sa paglakad. Naiyukom ko naman ang mga kamao ko nang i-angat nito ang isang paa niya na akma akong sisipain. I feel so pathetic. Bullshit!
“Have a sweetdream.” And just like that. Everything’s turned into pitch black.
ㅡ
My head throbs and a numbing sensation overtakes my whole body. Hindi ko alam kung paano ko igagalaw ang buong katawan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at naalala ang mga nangyari.
Inabot na rin ako ng gabi rito sa gubat kaya naman marahan kong iginalaw ang katawan ko ngumit laking gulat ko na lang nang may bumuhat sa akin. Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact nang makita kung sino iyon.
“A-anong ginagawa mo rito?” Tanong ko kay Zayden. I’m sure pinagtatawanan niya ang sitwasyon ko ngayon. Ugh! Sa dami ng pwedeng makakita sa akin dito, bakit siya pa?
“Baka isipin mong nandito ako para iligtas ka. Napadaan lang ako.” Paliwanag niya kahit hindi naman kailangan.
Nagsimula na siyang maglakad habang buhat ako and damn! I feel so comfortable with his arms! This may sound so wrong pero iyon ang nararamdaman ko. “Tss. Utang na loob ko pa ‘to sa’yo. Ibaba mo na ako. Kaya ko sarili kㅡ”
“If I don’t see you safely to your room, it will be too much bother on my peace of mind kaya manahimik ka na lang at ihahatid kita sa kwarto mo.”