4: Secondo, Terzo & Quarto

1754 Words
Zel’s POV Kasalukuyan lamang akong nakatingin sa isip batang si Levi. Hindi ko ma-gets kung bakit sa dami ng tao ay siya pa ang makakasama kong makulong sa walang kwentang elevator na ito! “Can you stop pushing all the buttons?! Na-stuck na nga tayo, e.” Inis na reklamo ko sa kanya. Paano ba naging kaibigan ni Zay ang lalaking ito? Para siyang abnormal, parang batang hindi mapagsabihan ng isang beses. I can’t believe na isa siya sa mga ginagalang at kinatatakutang dorm president sa University na ito. “Ugh! Bullshit! Wala pang signal.” Napaupo na lamang ako sa sobrang frustration. Bakit kasi nasa last floor ang classroom ko? Naglagay-lagay pa sila ng elevator, sira naman! “Alam mo bang marami nang namatay sa elevator na ‘to?” Biglang pagsasalita ni Levi nang ihinto nito ang pagpindot sa mga button. Nag-indian seat siya sa mismong harapan ko at saka ngumisi na tila ba sinapian siya ng kung sinong demonyoㅡI really can sense that this guy is not ordinary. Hindi ko alam kung ano talaga ang totoo niyang ugali at pagkatao. Ang hirap niyang basahin. Noong unang pasok ko sa dorm ay sinalubong niya ako but guess what? Binaril niya ako ng water gun. I tried to knock the hell out of him ngunit mabilis nagbago ang kanyang aura. His bright aura became dark in a span of 0.1 second. Para siyang si Zaylee na ang bilis mag-shift ng mood. “Really?” I rolled my eyes in annoyance. Gusto ko ng umalis sa lugar na ‘to. It’s been five minutes already. “Alam mo bang may rule kaming mga dorm president? Na pagpumatay ka, mamamatay ka?” Tanong niya habang nananatili ang ngisi sa labi niy, damn! This guy is really creeping me out. “Noong unang pasok mo rito. May napansin ka bang babaeng nakabigti sa puno?” Bahagyang nagsalubong ang kilay ko nang marinig iyon. Unti-unti tuloy akong nagkakainteres sa balak niyang ikwento sa akin. WellㅡI already knew that this school is not normal pero may mga bagay pa akong gustong malaman. Ito ang napili naming pagsimulan ng bagong buhay but it turns out na ang lugar pa na ito ang mas lalong magpapagulo ng mga buhay namin. “Yeah, why do you ask?” “That girl is from dorm one. Nirape at binigti siya ng isang security guard and that guard? He also died that day. Alam mo kung sino pumatay?” Nakangising tanong niya at nanatili akong nakatingin sa kanya habang nagpapatay sindi ang ilaw rito sa loob ng elevator. “Si Zayden, president ng dorm one. Akala ng security ay makakalusot siya sa rule, akala niya ay sa mga estudyante lang iyon epiktibo.” “Do you really think maniniwala ako? Anong klase ng school naman ang hahayaang magkaroon ng ganoong klase ng rule ang mga tulad niyong dorm president? I mean that doesn’t make any sense.” “You want proof? Bakit hindi mo subukang pumatay? Pumatay ka ng estudyante galing sa ibang dorm. Tignan natin kung hindi ka hanapin ng dorm president nila para patayin..” “..Maliban sa amin ay malaya ring pumatay ang mga nasa phantom 10. Zayden is currently the Primo and I’m in a position of Secondo.” Napangisi na lang ako sa sinabi niyang iyon. This school seems to be on a whole different level. Pwede namang first, second o third ang itawag, gusto pa nila ay italian number. For what? Para cool pakinggan? “Why are you telling me these things?” Tanong ko nang tumayo ako habang pinapaypayan ang sarili ‘cause I swear. Ikamamatay ko ang sobrang init, I’m getting dizzy. “Para lang alam mo kung sino ang mga dapat mong iwasan at irespeto. I know you’re a troublesome persoㅡyeeeey!!” Mabilis nagbago ang kanyang mood nang biglang bumukas ang elevator. Tumayo siya at nagmadaling lumabas habang ako ay nanatili sa loob. Ang weird niya talaga, grabe. ㅡ “Miss. Hey miss! Wake up.” Marahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ang ilang pagtapik sa akin. Kumunot naman ang noo ko nang ma-realize na nakahiga ako sa sahig. Marahan akong naupo habang nakahawak sa balakang ko. Damn it! Ang sakit ng likod ko.  “Where am I?” Tanong ko sa lalaking nasa harapan. “You’re in my hideout.” Walang emosyong sabi nito. Nilingon ko ang paligidㅡMay mga couch naman pero bakit sa sahig ako nakahiga? “And you can leave now.” “Wait. Why am I here?” “I saw you in the elevator. Hindi naman ako masamang tao kaya dinala kita rito.” Tumayo siya at saka nahiga sa couch na para bang gusto na niyang matulog. “Eh bakit sa sahig ako nakahiga?” “Because I don’t give a s**t, I don’t even know you. Mabuti nga’t naawa pa ko sa’yo. Now, you can leave.” Itinuro niya ang pintuan at napataas na lamang ako ng kilay. “Wow! Salamat ha!” Padabog akong tumayo at sinara ang pinto matapos makalabas. Sino naman kaya ang lalaking iyon? I hate his guts. I don’t even know where the hell I am. Napatingin ako sa phone para makita kung anong oras na. 2:00 p.m? Crap! I forgot the girls. May usapan kaming magkikita kita sa soccerfield. Bullshit! Zoe’s POV Damn. It’s been hour already pero wala pa rin si Zel. Hanggang ngayon ay out of reach pa rin ang phone niya. “Levi.” Mahinang sabi ko sa sarili nang makita siyang naglalakad sa hindi na kalayuan. Baka may alam siya kung nasaan si Zel. Sinubukan kong tumakbo papunta sa kanya ngunit hindi pa man tuluyang nakakalapit ay may humawak na sa braso ko para pigilan ako. Agad ko namang nilingon kung sino ang taong iyon.  “What do you think you’re doing? You know the rules right?” Malamig na tanong niya sa akin. “I’m the one who should be asking that, Athan.” Tinabig ko ang kamay niya at saka tuluyang lumapit kay Levi. “Did you saw my sister? You’re classmates, right?” “Si Zel ba? Hindi ko siya nakita, eh. Bye!” Mabilis siyang nakatakbo na parang bata kaya nagsalubong ang kilay ko. He’s obviously lying. “Are you testing my patience?” Hindi na ako nag-abalang lingunin pa si Athan at mabilis na nagpunta ng cafeteria kung saan ko nakitang nakaupo si Zilyn sa isang lamesa katapat ang isang lalake. Everyone’s looking at them. What the hell is going on? Nasaan si Zaylee? Ugh, these kids. “Ms. Zoe Ashvierㅡ” “Ano bang problema mo Mr. President?! Can you stop following me? What the hell!” Sa sobrang lakas ng sigaw ko ay napunta sa akin ang atensyon ng lahat. Kitang-kita ko naman kung paano malaglag ang panga ni Athan. Ano ba kasing kailangan niya sa akin? “How dare you.” Madiing sabi nito nang hatakin niya ang braso ko. Ramdam na ramdam ko pa ang pagbaon ng mga kuko niya sa roon. Hindi ko na rin nagawa pang mag-react nang hilahin niya ako palabas at itulak sa damuhan. “Gusto mo ba talaga makita kung sino ako?” Tanong nya at sinamaan ko lamang siya ng tingin habang tumatayo. Noong unang pasok ko sa dorm ay tahimik lang naman siya. Akala ko nga ay hindi siya nagsasalita but I guess I’m wrongㅡmukhang hindi siya iyong tao na inaakala kong naiiba sa mga dorm president. “I’m in a position of Quarto and I can kill you anytime.” Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon. “Share mo lang?” Nakangisi kong tanong. “May mas mahalaga pa kong kailangan gawin kaysa makinig sa sinasabi mo. Maiwan na kita, hahanapin ko pa mga kapatid ko.” “Simula ngayon, bawal ka ng makipag-ugnayan sa kahit sinong dorm president. Pagnaulit pa ang ginawa mo kanina, pati ugnayan mo sa mga kapatid mo. Puputulin ko.” Napahinto ako sa paglalakad at saka lumingon sa kanya. “Sino ka ba sa tingin mo? Dorm president ka lang. Hindi ka diyos o kahit sinong banal para diktahan ang magiging buhay ko.” Halatang ubos na ang pasensya niya dahil lumapit siya sa akin na tila ba papatumbahin niya ako anytime. “Do you want me to send you to the next world?” Banta niya pero ngumisi lamang ako. “Go and send me. Isasama kita.” Madiing sabi ko nang itulak ko siya palayo. Seriously, ano bang pakialam niya kung makipag-usap ako sa ibang dorm president? Wala naman akong ginawang masama. Nagtanong lang ako, that’s it! “If I’m not mistaken, pinakita ko sa’yo ang mga rules ko.” Sabi niya at naalala ko ang bulletin board malapit sa entrance ng dorm. Pinabasa niya sa akin ang mga nakasulat doon noong unang pasok ko. “If I’m not mistaken, walang rules ang school na ‘to kaya kung ano man ang rules na sinasabi mo. Sorry, but I don’t remember it. Kakausapin ko kung sino ang mga gusto kong kausapin and you can’t do anything about it.” Tinignan niya ako ng masama na may kasama pang pagngisi. I’m sure naubos ko na ang pasensya niya. “Then I guess, I don’t have a choice.” Mabilis niya akong nasugod ngunit mabilis lang din akong nakaatras and without even realizingㅡmay hawak na siyang balisong. What.the. “Sa paanong paraan mo ba gustong mamatay?” Muli siyang sumugod sa direksyon ko and this time ay nadaplisan na niya ako sa bandang braso kaya naman napunit ang manggas ng t-shirt ko. Balak ko pa sanang sumugod sa kanya para makaganit ngunit may kung sinong bumato sa kanya. Lumingon ako sa gilid at doon nakita si Zilyn na may hawak pang malaking bato. I took that opportunity para makatakbo at hilahin siya palayo. “Damn. Where’s Zay?” “I don’t know. Basta magkasama sila noong dorm presidentㅡAw.” Bigla na lang ako napahinto sa pagtakbo nang hilahin ni Zilyn ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. “What? Anong masakit sa’yo?” Napahawak lang siya sa braso niya at doon ko nakita ang isang pasa. “Geez! I didn’t know na gano’n kalakas ang Ken na ‘yon. His hands were small pero grabe ang grip niya sa mga braso ko.” “Sinaktan ka niya? Eh bakit kayo magkasama sa iisang lamesa?” “Pinagbabantaan niya ako. He said that he’s one of the phantom 10 and he’s currently in the position of Terzo. Sabi niya na kung sino man ang mga nasa ranking na ‘yon ay malayang pumatay at papatayin niya ako pagkinalaban ko pa ulit siya.” Napailing na lang ako by the thought na isa-isa kaming pinagbabantaan ng mga dorm president. Mukhang maling lugar ang napasukan namin. Lumayo kami ng mansion para makapagbagong buhay at mamuhay ng normal pero kabaligtaran pa ang nangyayari. “Let’s go, we need to find Zay and Zel. Lilipat na tayo ng school. Hindi tayo makakapamuhay ng normal pag nag-stay pa tayo rito ng matagal.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD