3: Ludus de morte

2045 Words
I was so lost in thought, that as I strode down the hallwaysㅡI didn’t realize na lagpas na pala ako sa hinahanap kong classroom. Dead end. Bumalik ako at hinanap ang room 601-A. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi sa akin ni Zayden. Flashback/ Nakatingin lamang ako sa kanya. Ni hindi ko na nga napansin pa ang dugong nagkalat sa pisngi ko nang punasan ko iyon. “Listen to me carefully. I will just say these onceㅡdito sa Crudelis, normal ang may namamatay. This school is like a survival game. A game between life and death. Every week ay nagaganap ang ludus de morte..” “Whatㅡ” “Hindi kita binigyan ng permiso magsalita.” Tinignan niya ako ng masama kaya tumaas ang kilay ko. “Ang ludus de morte ay isang laro na ginagawa every saturday bago maganap ang night party. Isang laro kung saan pagnatalo ka, you will face death.” The last word hit me like a truck, sa mismong mga mata ko siya nakatingin na para bang that words was meant for me. “That game has five categories. Level 1, 2, 3, 4 and 5. Level five is the hardest at pag nag-participate ka sa larong iyon, you have big chances of dying...” “...Level five is rare. The other four ang kadalasang nilalaro. Every game needs participants dipende pa kung anong level.” “Hindi kita pag-aaksayahan ng oras para i-explain pa kung anong klase ng laro ang bawat levels. Now, isa pa sa mga dahilan kung bakit kita kinakausap ngayon... I want you to stay away from the other dorm presidents. They are considered as enemies. Rival, they can kill whenever they want to.” “Once a month nagaganap ang battle of death. It’s a battle between the five dorm presidents kung saan namimili kami ng mga makakasama sa laban at kung sino man ang mananalo sa battle na ‘yon ay sigurado nang pasok sa Phantom ten. That’s a ranking and I’m currently on top. I’m in a position of Primo.” Tumango lang ako sa pagkahaba haba ng mga sinabi niya and waitㅡPrimo? Pang-una? First? Ganoon siya kalakas? Unti-unti ko nang naiintindihan kung ano meron sa school na ito. Hindi ako nabahala sa ludus de morte o sa kahit anong p*****n. Ang ikinababahala ko ay ang relasyon ko sa mga kapatid ko. Nakikita ko na ang mga magiging senaryo habang nandito kaming apat. The conflicts between the five dorms, alam kong kahit anong iwas namin ay masasagasaan at masasagasaan pa rin ang samahan naming magkakapatid. “Now listen to me.” Tinignan ako ni Zayden ng diretso sa mata at ganun din naman ako. “I am not the man you wish to go against with. Be careful.” Tumayo na siya at hindi man lang ako hinayaang makapagtanong. Gusto kong malaman kung bakit nananatili pa rin sila rito kahit na alam nilang hindi normal ang pagpapatakbo ng school’s management. That’s weird. ㅡ “Miss. Ano ba? Dito ba ang klase mo? Kanina pa kita kinakausap, ah. Are you some kind of deaf?” Tanong ng gwapong lalaki na nasa harapan ko. Doon ko lang na-realize na nasa tapat na pala ako ng classroom na kanina ko pa hinahanap. “S-sorry. Ako po yung transferee.” Ang seryoso mukha ng lalaki ay biglang napalitan ng pagngisi. “I see. I’m Leon Valeroso. You can just call me Sir Leon. Come in.” Pagtapak na pagtapak ko sa loob ng classroom ay agad akong napaatras. Kusa na lamang akong napalingon sa gilid ng pintuan kung saan doon nakabaon ang isang king of hearts. Damn it! That card was made of blade. Is he trying to kill me? “b***h, you’re late.” “Milfiore. Stop itㅡhindi porke’t kayong mga dorm president lang ang may kakayanang pumatay ng malaya ay papatay ka na sa klase.” Kaswal na sabi ni Sir Leon na ikinainis ko. Okay, this is pissing me off big time. Huminga na lamang ako ng malalim bago magpatuloy sa pagpasok na tila walang nangyari. Hindi rin naman nakatakas sa paningin ko ang naging reaksyon ng mga kaklase ko. Halatang hindi nila inaasahan na papasok pa rin ako despite of what happened. “Name and what dorm do you belong?” Tanong ni Sir Leon. “Goodmorning, I’m Zaylee Ashvier from dorm one.” Pagpapakilala ko. “I see. You can occupy the seat in front of Mr. Milfiore.” I mentally rolled my eyes like seriously, nananadya ba siya? What on earth? Naupo ako sa bakanting upuan na nasa harap ni Zayden. Tahimik at naging maayos naman ang unang pasok ko sa klase. Almost normal, nothing’s wrong. Nothing’s creepy and nothing’s weird. Nang mag-breaktime ay agad akong dumiretso sa soccerfield kung saan namin napagusapan magkita-kitang magkakapatid ngunit pagdating doon ay napansin kong may kulang. “Where’s Zel?” “I tried to contact her pero out of reach. And guess what? I’m starving to death so can we eat na? I’m sure makakakain naman si Zel ng mag-isa.” Sabi ni Zilyn. “You can go ahead, hihintayin ko na si Zel, hindi pa naman ako nagugutom.” Tumango lang kami sa sinabi ni Zoe at nauna na ring pumunta ng cafeteria. Masiyadong maraming tao, masiyadong maingay. “Alam mo hindi kita ma-gets, sabi mo gutom ka and now, look at your tray. Isang pinggan na may konting vegetable salad at isang basong gatas? Mabubusog ka ba d’yan?” Tanong ko habang naghahanap kami ng mauupuan. “I’m on a diet.” Inilipag niya ang tray sa isang bakanting lamesa malapit sa glasswall kaya inilapag ko na rin ang akin at naupo sa harap niya. “Strange isn’t it? Walang pumupwesto rito. Ang comfy kaya ng couch, mas gusto ba nilang sa ordinary chair maupo?” “Now that you mention it. Look, they are all staring at us.” Sabi ko nang mapansing halos lahat ng tao sa cafeteria ay nakatingin sa amin. Literal na nagpause ang paligid, ang maingay na cafeteria ay tila naging isang sementeryo dahil sa sobrang tahimik. “Is there something wrong with our face?” Maarting tanong ni Zilyn nang tignan niya ang sarili sa salamin. “No. Look at the table.” Itinuro ko ang lamesa nang mapansing nakaukit doon ang isang pangalan. “Ken Adastre?” “What the actual f**k? Bakit nakaukit ang pangalan ng manyak na ‘yon sa lamesang ‘to?” Nanlaki ang mga mata ni Zilyn nang makita niya ang tinuturo ko. Nagkatinginan kami ngunit agad iyong naalis sa akin nang may lumapit sa mesa. “Hindi mo naman sinabi na gusto mo pala akong makasabay sa pagkain.”  “Ipakilala mo naman ako sa kasama mㅡ” “Let’s go Zay.” Akmang tatayo na sana si Zilyn ngunit naupo sa tabi niya ang lalaki at saka ito inakbayan, dahilan para hindi niya maituloy ang balak na pag-alis. “Sorry but can you take your arms off her?” Hindi ako pinakinggan ng lalaki at mas lalo panghinigpitan ang pag-akbay kay Zilyn kahit na nagpupumiglas ito. “Come on twin. You are better than that.” Pagkasabi noon ay agad bumitaw ang lalake sa kanya. Ikaw ba naman buhusan ng gatas sa mukha, eh. Tumayo si Zilyn at saka ako hinawakan para sana umalis na sa pwestong iyon pero mabilis siyang nawala sa tabi ko. Lumingon ako just to see na hila-hila ng lalaking iyon ang buhok niya. “Let go of her.” Mariin kong sabi ngunit gaya kanina ay mas lalo lang niyang hinigpitan ang paghawak kay Zilyn. Wala naman akong nagawa kung hindi ang magpunta sa likuran nito at basagin ang basong nasa lamesa. “Bibitaw ka o itutusok ko ‘to sa leeg mo?” Banta ko nang itutok ang matulis na dulo ng baso sa kanyang leeg. Hindi niya sinagot ang tanong ko at basta na lang tinulak si Zilyn, matapos noon ay hinarap niya ako. “It appears you don’t know who you’re picking a fight with.” Mariing sabi niya habang nakatingin sa akin ng masama. Hindi na rin naalis ang ngisi sa labi nito. “Then let me introduce myself to youㅡI’m Ken Adastre, dorm three’s president. Ang inuupuan niyo lang naman kanina ay pag mamay-ARI KO!” In just blink of an eye, nakatutok na sa akin ang hawak niyang baril. Nakita ko ang naging reaksyon ni Zilyn kaya tinignan ko siya na nagsasabing okay lang ako. I can handle this. “Sorry. Hindi ko alam. Ako na humihingi ng tawad sa ginawa ng kambal ko. Just please don’t kill me.” Muli kong tinignan si Zilyn dahil nakatingin siya sa akin ng ‘what the hell are you doing’ look. “Wala ang salitang awa sa bokabularyo ko.” Nagkunwari akong natatakot sa sitwasyon at pumikit pa para lang mas makatotohanan. Wala akong nakikitang ibang paraan, we have a deal na hindi kami lalaban sa kahit na sino rito kaya wrong move talaga ang ginawa kong pagtangka sa buhay niya kanina. “Go and pull the trigger, Ken. Let’s see what’s going to happen.” Kusang dumilat ang mga mata ko at lumingon kay Zayden na ngayon ay nasa tabi ko na. Hawak nito ang isang pirasong baraha na gawa sa blade, iyong katulad ng binato niya sa direksyon ko kagabi at kanina. “What? Pull the trigger.” Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa sinabi niya. Is he trying to provoke that guy? Balak ko pa sanang magreklamo ngunit nabigla na lang ako ng ibinaba ni Ken ang baril niya. “Let’s go. You deserve a punishment from me.” Nagkatinginan na lamang kami ni Zilyn at wala akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Zayden. Damn it! Ano na naman itong pinasukan ko? We supposed to live a normal life here! Paglabas na paglabas ng cafeteria ay hinila ako ni Zayden at isinandal sa pader. He’s eyes become darker and darker like he’s going to kill me anytime soon. “That five tables there are exclusive for dorm presidents only. Sino mang estudyante ang maupo roon ng walang permiso galing sa amin, ay may karampatang parusa.” Madiing sabi niya sa mukha ko. “We don’t know okay? We don’t knowㅡbut thanks. Thanks for helping me.” Nginisian niya ako at saka inalis ang mga kamay niyang nakaharang sa magkabilang gilid ko ng ulo ko. “Masiyado pang maaga para magpasalamat. Sumunod ka sa’kin.” Nagkibit balikat lang ako at muling sumunod sa kanya. Ganito na lang, ganito na lang ang magiging senaryo ng buhay ko habang narito sa loob ng school na ‘to. Sunud-sunuran. Wala akong choice kundi ang magpanggap na mahina dahil mas lalo lang kaming hindi makakapamuhay ng normal pag nalaman nila kung sino at ano ba talaga kamiㅡAt isa pa, nangako kaming magbabago kami. “What are we doing here?” Tanong ko nang makarating kami sa rooftop. He didn’t bother to answer my question, nagulat na lang ako nang bigla niya akong buhatin at i-upo sa pasamano. Nakatayo siya sa pagitan ng mga hita ko habang nakatingin sa akin ng masama. Bullshit! I’m freaking afraid of heights! “Scared?” Tanong niya habang nakahawak sa magkabilang baywang ko. I swear, I am not afraid to die pero nararamdaman kong tutulo ang luha ko pagbinitawan niya ako. This scene brings bad memories to me and I don’t want to remember it again. “J-just put me down.” Ramdam kong nanginginig ang boses ko. Nanghihina rin ang tuhod ko, ni hindi ko nga magawang tumingin sa ibaba. “Aw. You don’t know how much I love to see your face right now.” “I said put me down. I swear. Papatayin kita pag hindi mo ko ibinabaㅡ” “Just one wrong word coming from your mouth. I will kill you.” Napahigpit ako ng hawak sa manggas ng damit niya dahil sa tangka nitong pagtulak sa akin. Unti-unting nagf-flashback sa isip ko kung paano nahulog si mommy sa rooftop ng hospital noon. Mas lalo pang humigpit ang paghawak ko kay Zayden hanggang sa maramdaman kong unti-unti niyang inaalis ang kamay niya sa baywang ko. “Put me down. Please.” “Say sorry firstㅡ” “Sorry, okay? I’m sorry. Ibaba mo na ako. You can kill me anytime, anywhere. Wag lang sa ganitong paraan. Hindi naman namin alam na for VIPs pala ang table na ‘yon!” Naramdaman ko ang muli niyang paghawak sa baywang ko. Marahan niya rin akong binuhat at ibinaba. Sa sobrang panghihina ay kusa na lang akong napaupo sa sahig samantalang siya naman ay naglakad palayo, pero bago tuluyang umalis ay may sinabi pa siya sa akin. “Next time, don’t put me in a position where I am forced to protect you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD