2: That's a trap

1975 Words
"Listen!" Kasalukuyan akong nasa lobby ng dorm, katabi ko ang antipatikong si Zayden at napapalibutan kami ng mga estudyanteng nags-stay dito sa dorm. Noong una ay nagtataka pa ako kung bakit lalaki ang dorm president, iyon pala ay mixed student ang naritoㅡCoed. Well, what's the purpose of that? "This b***h here will be our new dormmate." Pagpapakila sa akin nito. And for pete's sake! Can he stop calling me b***h? Baka hindi ako makapagpigil at makapatay ako ng wala sa oras. Huminga na lamang ako ng malalim at tinignan ang mga taong nasa harapan. "Hi, I'm Zaylee Ashvier. Nice to meet you." Ngumiti ako ng malawak para ipakita sa kanila na masaya akong makita sila ngunit tinignan lamang nila ako na para bang anong mang oras ay papatayin nila ako. Ang iilan ay parang natatakot, ang iba ay mukhang nag-aalala. What's wrong with them? They didn't even care to welcome me, bigla na lang silang nagsialisan. Masiyado ba akong demanding at inasahan ko talaga na sisigaw sila ng "Welcome!" O sadyang wala lang talaga silang pakialam sa akin? Sinundan ko lamang sila ng tingin habang isa-isa silang lumalabas ng dorm. It's almost 8:00 p.m, saan naman kaya pupunta ang mga iyon? Nang buong akala ko na ako na lang ang tanging natitira rito sa ibaba ay may bigla na lang akong naramdamang presensya. Lumingon ako sa paligid ngunit walang kahit na sino ang narito maliban sa akin. Just now, I feel someone's behind my back. Hindi ako pwedeng magkamali. "Hey." Tawag ng lalaking kabababa lang ng hagdan. Itinuro ko ang sarili ko para makasiguradong ako nga ang tinatawag niya. "Aren't you going to eat? It's dinner time."  "Ah.. Kaya ba sila lumabas? Hindi ako na-inform." Sabi ko at nagsimula na siyang maglakad palabas kaya awtomatiko akong napasunod. I guess he's different from the others, siya lang kasi ang kauna-unahang kumausap sa akin ng matino. Unlike Zayden. "Every 8:00 p.m nagbubukas ang food park. Karamihan ng estudyante ay doon kumakain tuwing gabi." "So totoo nga ang nakalagay sa website?" Tanong ko nang tabihan ko siya sa paglalakad. Medyo madilim na sa campus at ang mga poste ng ilaw na lang sa gilid ang nagsisilbing liwanag sa daan. "You're also a victim?" Tanong niya na bahagyang nagpakunot sa noo ko. What is that supposed to mean? Bago ko pa man itanong ang nasa isip ko ay nagsalita na siya ulit. "That's a trap. Although legit lahat ng nakalagay sa website." "I don't understand what you are saying." Huminto siya sa paglalakad at saka humarap sa akin, dahilan para mapahinto rin ako. "Ginawa ang website na 'yon para marami silang makuhang estudyante. Ofcourse, karamihan ng makakakita sa website ay gugustuhing mag-aral dito especially yung mga rebels, gangsters, bad kids at mga patapon ang buhay." "Sorry, hindi ko ma-gets yung logic. Can you just go straight to the point? Walang laman ang tiyan ko kaya hindi ako makapag-isip ng maayos." "This school isn't normal. Every week ay may namamatay. This is just a piece of advice, never trust someone inside this school. Lahat sila ay gagawin ang lahat para mabuhay." Tinalikuran na niya ako at nagpatuloy sa paglalakad. Kibit balikat na lamang akong sumunod sa kanya. Damn it! Hindi niya ba kayang magkwento ng mas specific pa? Ang daming butas ng kwento niya. "Okay, hindi ko pa rin maintindihan but are you a victim too? I mean, kaya ka ba nag-aral dito ay dahil sa mga nakalagay sa website?" "Nope, 4th year highschool pa lang ay dito ko na talaga gustong mag-college. Ito lang kasi ang nag-iisang boarding school dito sa Levianth." "Ah, so would you mind telling your name? Parang ang strange naman kasi 'di ba kung kanina pa tayo nag-uusap tapos hindi natin alam ang pangalan ng isa't-isa." Muli siyang huminto at inabot ang kamay niya sa akin. "Luther, My name is Luther and I believe that your name is Zaylee?" Nag-shakehands kami at tumango ako sa sinabi niya. "How did you know?" "Nandoon ako sa hagdan noong nagpakilala ka." Tumango lang ulit ako ng tipid at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating namin ang mailaw na lugar. The field was full of lights, kahit saan tumingin ay mayroong food stall. "Maiwan na kita." Hindi na nito hinintay pa ang sasabihin ko at mabilis akong iniwan. Kung titignan ang mga estudyanteng narito sa food park ay mukha naman silang normal. Karamihan ay masayang kumakain. "Zay!" Mabilis kong nilingon kung saan nanggaling ang boses ni Zel. Magkakasama silang tatlo at mukha naman silang okay. "Paano niyo nalaman kung nasaan itong food park?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanilang tatlo. "The map remember? At bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Ipinakita sa akin ni Zilyn ang phone niya na halos puro pangalan ko ang nasa dial section. "Sorry, I forgot my phone. Bigla na lang kasi akong kinatok no'ng baklang dorm president namin,eh." Nagsimula na kaming maglakad at maghanap ng map-pwestuhan. "Bakla ang dorm president niyo?" Oa na reaksyon ni Zoe nang maupo kami sa isang bakanting picnic table. "I don't know pero feel ko bakla siya. I mean, ke kept on calling me b***h like seriously dude? Insecure ba siya sa'kin?" Tinawanan nila akong tatlo kaya naman napairap na lang ako. "Kayo? Kamusta naman ang mga dorm niyo?" "Uhmm. Weird? Almost creepy? I don't know pero mukha namang matino ang dorm president ng dorm 4. Tahimik lang." "Oh god! Kung pwede lang lumipat ng dorm. Can you believe it? Inaya akong mag-s*x nang dorm president namin! Like ew! He's a total pervert." "Edi sana pinutulan mo nang pagkalalaki." Iritang sabi ni Zel. "You seemed so pissed offㅡ" Hindi ko naituloy ang pagsasalita nang mapansin ko ang lalaking kanina pa tumitingin sa direksyon namin. Pamilyar ang lalaking iyon ah, saan ko nga ba siya nakita? "Levi?" Banggit ko sa pangalan nito nang bigla ko siya maalala. Mabilis nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at agad naupo sa tabi ko. "Zay? Ikaw na ba 'yan? I knew it! Ang laki mo naㅡ" Sabay kaming napalingon nang biglang may humampas sa lamesa. It's Zel and she really looked so mad. "What the hell? Hey you, stay away from my sister!" Ang nakangiting labi ni Levi ay biglang napalitan ng nakakakilabot na pagngisi matapos iyong sabihin ni Zel. "Wait. Saglit okay? Saglit. Ano bang nangyari? Levi, these are my sisters, Zel, Zilyn and Zoe. Girls this is Levi. Natatandaan niyo ba noong nagpunta ako ng italy para magbakasyon ng dalawang linggo? Siya yung naging kaibigan ko roon." "I don't care. Just stay away from him Zay. He's our dorm president and I hate him." "Too bad, I hate you tooㅡZay, mauuna na ko. It's nice to see you here. Usap tayo sa ibang araw." Mabilis akong nahalikan ni Levi sa pisngi at saka nagmadaling tumakbo palayo. Napailing ako at tinignan ang tatlo dahil sure ako na iba ang iisipin nila matapos iyong makita. "Okay, just so you know. Levi's personality is very childish and that is just a friendly kissㅡanyways. Ganito na lang ba? Hindi ba tayo kakain?" Iniba ko ang usapan at napairap na lamang si Zel. Mukhang hindi rin naging maganda ang pagwelcome sa kanya sa dorm. Ano naman kaya ang ginawa ni Levi? Ganoon na ba kaliit ang mundo para magkita ulit kami at sa dami ng lugar, bakit dito pa? Habang kumakain ay pilit kong iniisip kung sasabihin ko ba sa kanila ang mga sinabi sa akin ni Luther kanina. Pero biglang pumasok sa isip ko na what if, sinabi lang niya iyon para takutin ako? And in the first place siya na mismo ang nagsabi na wag akong magtiwala sa kahit na sino. For now, I will just scan and watch the surroundings. Sure naman ako na anytime ay masasagot din ang mga tanong na kanina pa gumugulo sa isipan ko. Tahimik at maayos ang naging dinner namin not until makarinig kami ng ingay sa hindi kalayuang lamesa. In just one snapㅡMay riot nang nagaganap. Maraming estudyante ang nagpunta sa gilid habang pinapanuod ang ilang kalalakihang nagsusuntukan. Halos hindi ko na nga makita dahil nagsimula na silang palibutan ng mga estudyanteng naglakas loob manunuod. "Come on, wag na nating bigyang pansin 'yan. We have a deal that we are going to act like what normal girls usually do right?" Paalala ni Zoe nang tumayo siya. Nagkibit balikat lang ako at tumayo na rin kaming tatlo nila Zilyn. Nang makalayo kami sa food park ay kanya-kanya na kaming nagpaalam at naghiwalay ng landas. Mag-isa akong bumalik ng dorm pero habang nasa gitna ng daan ay napahinto ako nang makita ang isang lalaki na nakasandal sa poste ng ilaw. Nakabulsa ang isa niyang kamay habang ang isa naman ay nakahawak sa kinakain niyang lollipop. "I saw you with Levi earlier." Sabi ng pamilyar na boses. Umalis ito sa kinatatayuan niya at nagpunta sa liwanag kung saan mas nakikita ko siya ng maayos. "And so?" Umarko ang kilay ko at napangisi. Ano naman sa kanya kung kasama ko si Levi? It has nothing to do with him. "Hindi ka pwedeng makipag-usap sa kahit sinong dorm president maliban sa'kin." Literal akong napairap at tinignan siya ng diretso sa mata. "And why?" "Because I said so. You are part of dorm 1, hindi ko hahayaang traydurin mo ako." Parang may isang malaking question mark ang bigla na lang lumabas sa tuktok ng ulo ko matapos niya iyong sabihin. It's just my first day of being here pero gulong-gulo na ang utak ko. "Sino ka naman para traydurin ko? I don't even know who the hell you are." Lumapit siya sa akin at huminto sa mismong tapat ko. "Sumama ka sakin." Tinalikuran niya ako at tahimik lang akong sumunod sa kanya pabalik ng dormㅡBut the sight that greeted us wasn't pleasant. Damn it my innocent eyes! "What the f**k?! Get a room or else I will hang and kill you naked!" Sigaw ni Zayden at mabilis pa sa isang segundo ng mawala ang dalawang magjowa na gumagawa ng kababalaghan dito sa mismong couch sa lobby ng dorm. Seriously? "What? Don't tell me first time mong makakita ng ganon?" "Hey. b***h!" Bumalik ako sa ulirat nang maramdaman kong kinagat ni Zayden ang tainga ko. "What the hell? Did you just my bite my ear? You perv!" Isang pagngisi lang ang isinagot niya bago umakyat sa hagdan na para bang wala lang ang ginawa niya. I can't believe this! Nakahawak ako sa tainga ko the whole time hanggang sa marating namin ang rooftop ng dorm. The scenery here is quite good, ang sarap sa pakiramdam. Ang lamig ng hangin. "Ba't hawak mo tainga mo?" Tanong niya nang huminto siya sa paglalakad at maupo sa isang coffee table na narito. "I won't let you to caught me off guard again. p*****t gay." "Watch your mouth." Sinamaan niya ako ng tingin and that moment, I realized that this guy infront of me is dangerous. He has a killer eyes na kung nakakapatay lang ang pagtitig sa isang tao ay malamang kanina pa ako pinaglalamayan ng mga kapatid ko. "No. Watch your actions, gay." Madiing sabi ko at nagpalitan lang kami ng masamang tingin but then, just like thatㅡnaramdaman kong may gumuhit sa pisngi ko. May matulis siyang bagay na inihagis sa direksyon ko kung saan nadaplisan ang kaliwang pisngi ko. Agad akong napalingon at nakita ang isang baraha. King of spade. Mukha lang naman itong normal ngunit sigurado akong iyon ang ibinato niya sa akin dahil nakikita ko pa ang dugo ko sa gilid noon. "Now. Just sit quitely and listen to me. This is the first and last time na hahayaan kitang kausapin ako ng ganyan. Just one wrong word coming from your mouth. I will kill you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD