Friday na ngayon. Tuwing Friday ang sports day namin, pero hindi naman ako masyadong sumasali sa mga kalokohan nila– I mean, sa mga pinaggagawa nilang mga sports. Tulad ng basketball, volleyball, badminton, baseball, at table tennis. Marami pang sports na iba pero iyan lang iyong pinakacommon, diyan maraming nagpaparticipate na students. Nakapam-PE kami ngayon, of course, alangan namang magpalda kami tapos magbabasketball, well, pwede rin naman pero mas okay tingnan kung naka-jogging pants at t-shirt ka. Going back, hindi naman ako masyadong palasali sa mga ganiyang sports, you know, puro aral lang talaga ako. Hindi ko makita 'yong sarili ko na nakikisali sa mga patakbo-takbo na iyan. Pasigaw-sigaw ng mga name ng mga players. Parang mga baliw lang, may pacute pang nalalaman, tapos magd

