"Xianne, right?" Napatingin ako sa harap ko dahil sa tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Kylie. Kaklase ko. Hindi ko alam kung anong motibo niya at nandito siya sa harap ko ngayon pero ang alam ko lang ay wala na akong pakialam doon. "Yeah, why?" Tumingin siya sa katabing upuan ko. "Can I sit beside you?" Tumango lang ako. Hindi niya na ba kaya ang precalculus at kokopya na siya sa akin? Naturingan pa namang muse ng supreme student government. "Pwede naman, basta 'wag mo akong istorbohin." Sabi ko at tinuon na ulit ang mata ko sa binabasa ko. Sikat si Kylie dito sa academy kaya paniguradong marami na namang nakatingin sa akin kahit na hindi ko nakikita. Kaya nga nakakapagtaka na nandito siya ngayon at lumalapit sa akin. Though, madalas ko rin siyang maabutan na nakatingin sa akin. Bak

